Skip to playerSkip to main content
Naghain ng kontra-salaysay si dating Sen. Bong Revilla sa Department of Justice kaugnay sa reklamong kumickback umano siya sa flood control project sa Bulacan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghahin ang kontra sa Laysay si dating Sen. Bong Revilla sa Department of Justice.
00:06Kaugnay sa reklamong kumikbak umano siya sa Flood Control Project sa Bulacan.
00:12Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:17Nag-file ng counter-affidavit si dating Sen. Bong Revilla sa Department of Justice
00:22sa reklamo laban sa kanya kaugnay sa aligasyong nagbulsa umano siya
00:26ng milyong-milyong kickback mula sa Flood Control Project sa Bulacan.
00:30Sinamahan siya ng kanyang mga abogado.
00:32Ang reklamo kay Revilla ay kaugnay sa proyekto sa Bulacan na kinasangkutan din ng Sims Construction.
00:39Tumangging magsalita sa media si Revilla.
00:41Pero ayon sa tagapagsalita ni Revilla,
00:44nagsumite rin ito ng ebidensya para pabulaanan ang akusasyon laban sa kanya.
00:49Nagsumite si Mr. Revilla ng mga ebidensya
00:51na magpapatunay na lahat ng nilalaman ng mga aligasyon, akusasyon at reklamo laban sa kanya
00:57ay pawang kasinungalingan at kasinungalingan lamang.
01:02Umaasa si Mr. Revilla na magiging patas ang Department of Justice
01:06at titignan niya ang ebidensya at hindi na paaabutin ang reklamong ito sa korte.
01:13Pagkaalis ni Revilla, dumating naman si former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
01:19isa sa tinatawag ng whistleblower ng DOJ.
01:22Matatandaang si Bernardo ang nagsabi na personal siyang naghatid
01:26ng kahon-kahong pera kay Revilla sa bahay dito sa Cavite noong 2024
01:31na nagkakahalaga ng 125 milyon pesos.
01:35Bukod dito, naghatid din umano si Bernardo ng 250 milyon pesos
01:40sa bahay din ni Revilla bago magsimula ang kampanya para sa 2025 elections.
01:46Hindi nagpaunlak ng panayam si Bernardo.
01:49Dati nang itinagin ni Revilla ang mga bintang ni Bernardo.
01:53Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended