Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Nagsimula nang isilbi ang arrest warrants sa mga sangkot sa anomalya sa flood control projects, kabilang si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co. Alamin ang legal na proseso at epekto ng warrant kasama si Atty. Gaby Concepcion. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, ang tagal nating hinintay na may makulong sa issue ng korupsyon sa flood control projects.
00:09At nitong mga nakaraang araw, sinimulan na ng mga otoridad ang pagsisilbiin ng arrest warrant ng Sandigan Bayan sa mga dawit sa issue na ito.
00:19Natunto ng mga otoridad sa DPWH Mimaropa Engineer Dennis Abagon sa isang bahay sa Quezon City
00:26para sa pagkakasangkot umano sa substandard na road dyke project sa Nauhan Oriental, Mindoro.
00:34Patuloy naman ang paghanap sa labing limang iba pa na may warrant of arrest, kabilang si dating congressman Zaldico.
00:42Pinuntahan nga ng tagig polis ang luxury condominium ni Co para isilbi ang warrant,
00:47pero wala dun si Co at halos isang buwang selyado na raw ang kanyang unit.
00:52Ang ibang may arrest warrant hindi na naabutan sa kanilang mga tirahan.
00:58Ang iba, nasa labas na rin ng bansa.
01:01Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol sa warrant of arrest?
01:05Ask me, ask Atty. Gabby.
01:07Attorney, sabi ng ilan, malinaw naman na nasa ibang bansa na si Co,
01:19pero dinala pa rin sa kondo nito ang arrest warrant.
01:23Paano po ba ang proseso ng pagsisilbi ng arrest warrant?
01:27Paano kung hindi naabutan sa place of residence?
01:29Well, marami ang nakaabang kung ano na nga ba ang progreso sa kaso ng mga maanumalyang flood control projects.
01:37At karamihan sa taong bayan na nagsasabing, wala naman nangyayari at wala pang naaaresto.
01:44Ngunit itong biyernes nga, nag-issue na ang Sandigan Bayan ng arrest warrant at whole departure order
01:49laban kay dating Ako Bicol Representative Zaldico
01:52at sa labing anim pang sangkot sa maanumalyang flood control projects.
01:57Baka nga medyo late.
01:58Bakit nga ba kailangan pangpuntahan ang address ni Zaldico kahit na alam na posibleng wala ito ron?
02:06Ganito po kasi yan.
02:07Una, kapag may warrant of arrest, may standard procedure ang polis na dapat sundin.
02:12Siyempre, ang unang pupuntahan ay ang last known address ng taong inaaresto.
02:17Ito ang most probable place na maahanap ang ordinaryong tao.
02:21Diba? Iba kasi yung lumalabas na talaga.
02:24Kahit pa may impormasyon na umunoy na sa abroad siya,
02:27hindi pwedeng iskip natin yun for all we know.
02:31E baka nagpapalaganap talaga ng fake news para mahirapan ang paghahanap sa kanya.
02:36Kung baga, baka kinukuryente lang ang mga otoridad.
02:40Hindi pwedeng sabihin na ay nasa ibang bansa naman na siya, huwag na nating puntahan.
02:45May proseso sila na kailangan sundin.
02:49Kaya't gagawin talaga ang nakita nating mga attempt na nakita ninyo.
02:53Kinatok, sinubukan pumasok, tinignan kung nandoon.
02:57Dahil idodocument nila lahat yan.
02:59Speaking of documentation, in fact, sa ilalim ng rules ng Korte Suprema,
03:04kailangan ay may body-worn camera or phone camera as an alternative na gagamitin sa pag-serve ng warrant.
03:11Ito ay para masigurado na walang kalokohang nangyari in terms of police conduct
03:16at pati na rin para hindi sila maakusahan ng mali
03:21at para ma-observe din ang constitutional rights ng inaaresto.
03:26Ngayon, within 10 days, kailangan nilang i-report at explain sa Korte na nag-issue ng warrant
03:32kung ano na ang status nito, kung ano na ang ginawa
03:35at kung bakit hindi pa nahuhuli ang suspect.
03:38At tuloy-tuloy ang visa ng warrant kahit hindi ito naabutan.
03:43Hindi po nag-expire ang warrant of arrest.
03:46Pwedeng hulihin ang akusado kahit saan sa Pilipinas.
03:49At kung nasa abroad, doon na pupapasok ang mga coordination
03:53gaya ng whole departure order, posibleng passport cancellation
03:57at pati na rin extradition kung kinakailangan.
04:01So para malinaw, hindi ibig sabihin na wala sa bahay,
04:04tapos na ang trabaho ng polis.
04:06At tuloy ang hahanap-hanapin, whether sa opisina,
04:09bahay ng mga kaibigan, mga kamag-anak, sa mga airport at kung saan-saan pa.
04:14At pinapayagan ng batas ang paggamit ng reasonable force
04:18para ma-serve ang warrant of arrest na ito.
04:21Well, sabi nga nila, dahil nga sa paghanap na ito,
04:25the long arm of the law will eventually catch you.
04:28Sana nga.
04:29Gaano katagal man at gaano man kagaling magtago ang akusado,
04:34maraming resources para magtago.
04:37Talagang mahihirapan, mahananap.
04:39Balang araw ay mahanap din kayo ng batas at mananaig ang hustisya.
04:45Yan ang dasal ng taong bayan.
04:48Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
04:51Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:53wag magdalawang isip.
04:55Ask Me, Ask Attorney Gabby.
04:57Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:03Bakit?
05:04Pagsubscribe ka na, dali na,
05:06para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:10I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:13Salamat ka puso!
05:14Ok.
05:16Salamat wa?
Be the first to comment
Add your comment

Recommended