Matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino, idineklara ang State of National Calamity sa buong bansa. Sa Cebu, Leyte, Palawan, at Negros, libo-libong pamilya ang naapektuhan at daan-daang kabahayan ang nasira. Panoorin ang video.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
00:00Mga kapuso, matindi ang pinsalang iniwan ng Bagyong Tino.
00:05Una nang nagdeklara ng State of Calamity ang Guian Eastern Samar, Cebu Province at Mangudadatu sa Mangginanaw del Sur.
00:15Dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Tino, isinailalim na rin sa State of Calamity ang iba pang probinsya,
00:22kabilang dyan ang Palawan, nasa State of Calamity na rin ang Kanlaon City sa Negros Oriental.
00:29Dahil dyan at sa bagong banta ng Super Typhoon na posibleng pumasok ngayong weekend,
00:35idineklara ang State of National Calamity ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:40Pag-usapan po natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:44Attorney, pakipaliwanag po. Ano po ba ang ibig sabihin pag sinabing State of National Calamity?
01:02Well, kapag idineklara ang State of National Calamity, ibig sabihin ay kinikilala ng pamahalaan na may malaking pinsala o efekto,
01:10ang isang kalamidad sa maraming bahagi ng bansa.
01:13Ayon sa Republic Act No. 10121 o ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010,
01:22may kapangyarihan ng Pangulo sa rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara nito kung malaki ang pinsalang dulot ng bagyo o anumang sakuna.
01:30Sa ilalim ng deklarasyon ito, nagkakaroon ng mas mabilis na relief at rescue operations.
01:37Meron siguro nating masasabing tatlong major na benepisyo na magiging resulta sa deklarasyon ng State of Calamity.
01:45Una, magkakaroon ng otomatikong pagbabahagi ng Calamity Fund at pagkakaroon ng supplemental funds
01:50para sa pagpapagawa ng mga diinaasahang nasirang pampublikong infrastructure.
01:56Pangalawa, pagpapahintulot sa mga pautang na mababa ang interest.
02:01Of course, interesado ang lahat ng dyan, lalo na kung kayo ay nabiktima nga, yung sasakyan ninyo o ang bahay.
02:08At pangatlo, maipagbabawal ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at bilhin.
02:14Ayon sa Price Act o ang RA-7581, nagiging efektibo ang price freeze para sa mga pangunahing pangangailangan sa loob ng 60 days unless sooner lifted by the President.
02:27Pinahihintulutan din ito ang pagpigil sa pagtaas ng presyo o ang pangkalahatang kontrol sa mga pangunahing bilhin.
02:35Ang bebenta ng lampas ng sinasuggest na retail price ay isang offense at maituturin na isang act of illegal price manipulation.
02:45At ang pagbenta sa labag sa batas during times of calamity ay maaari magkaroon ng administrative fine of up to 1 million pesos
02:53at may criminal fine of up to 2 million pesos at merong kulong na hanggang labing limang taon.
03:00Ang State of Calamity ay isang legal mechanism para mapibilis ang aksyon ng gobyerno at matulungan agad ang mga Pilipinong nasa lanta.
03:11Mga kababayan, baka sana kayo ay mag-ingat sa darating na linggo. Let's all keep safe and let's all be ready.
03:18Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip. Ask me, ask Attorney Gavin.
03:28Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel? Bakit?
03:34Pagsubscribe ka na dali na para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:40I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit. Salamat ka puso!
Be the first to comment