Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Sa Hagonoy, Bulacan, nananawagan ang mga residente ng agarang aksyon sa mga maanomalyang flood control projects na nagdudulot ng matinding pagbaha sa kanilang lugar. Tatalakayin ‘yan sa Issue ng Bayan.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, may binabantay na naman po tayong bagong bagyo na papasok sa bansa.
00:05Nako! Ang kasunod na naman yan, baha!
00:09Ay, minsan nga kahit wala pang ulan, baha na agad.
00:12Eh, gaya po dyan sa Hagoni, Bulacan na nilulusong ng may estudyante, guro at mga magulang ang baha
00:17sa isang paaralan para makapasok igan.
00:20Yan po ang sitwasyon dyan kahit normal na araw, walang ulan ha.
00:24Dyan natin pag-uusapan. Ngayong umaga, mainit na,
00:27Issue ng Bayan!
00:30At taron po si Iban Mayrina para alamin bakit ba nagkaganyan sa lugar na yan.
00:34Iban!
00:39Yes, Igan, Susan, tama yung nabanggitin nyo, no?
00:41It's a normal day dito sa Hagoni, Bulacan.
00:45Ang aking lokasyon ngayon, Barangay San Sebastian dito sa Hagoni.
00:49At ang ibig sabihin ng normal day, eh may baha.
00:52Ito ho kasi, pirmeng narito na yung tubig dito.
00:55Bumababa ng konti, umaangat, pero hindi na tuluyang nawawala.
01:00Ito ho, papakita ko sa inyo, yung kalye.
01:03Ayan, talagang lubog sa baha.
01:05Mababa po sa ngayon.
01:06High tide lamang po ito, pero tulad na nabanggitin nyo,
01:08kapag malakas ang ulan at nagkaroon ng bagyo,
01:11eh talaga namang, ayan, tumataas dyan.
01:13Makikita ho ninyo, yung marka ng tubig na inaabot.
01:16Ito ho, sidewalk ito, pero hindi na dinadaanan dahil madulas.
01:22Eh talagang nilulumot na ho eh, dahil pirmeng babad nga ho sa baha.
01:28At sa oras na ito, bago po mag-alas 7 na umaga,
01:32ito papasok na itong ating mga mag-aaral dito sa San Sebastian Elementary School.
01:38Ayan, yan ho ang sinusoong araw-araw ng mga bata rito.
01:42May ilan nakabota, may ilan hindi na, nagchichinelas na lang.
01:46At dito na lang sila, pag-aho nila dito sa mataas sa bahagi ng paaralan,
01:52dyan na lamang sila magsasapatos.
01:54Nakikita rin natin, yung mga tricycle nga dito, yung tinatawag nilang tikling,
01:58nakaangat na, lifted na, dahil kailangan na mag-adapt na mga mamamayan dito
02:03dahil sa naging bahagi na ng kanilang buhay, ang mga pagbaha.
02:09Kausapin lamang po natin ang ililang mga magulang dito,
02:12kung anong kanilang mga kuro-kuro, anong kanilang mga nararamdaman
02:16dito sa sitwasyon na kanilang sinusoong araw-araw at lalo ng kanilang mga anak.
02:21Ma'am, may stormo kita sandali. Good morning po sa inyo.
02:24Good morning po.
02:26Good morning din po.
02:27Ayun po si?
02:28Diana po.
02:29Diana, pakilarawan mo nga sa akin,
02:32gaano kahirap yung araw-araw na pinagdaraanan ninyo
02:36na ganito yung dinadaanan ng anak mo, mapapasok?
02:38Napakahirap po.
02:40Dahil pag hatid sundo po sa kanila, nakabota,
02:43napakahirap po araw-araw.
02:45Yung bahay niyo po?
02:46Nilulubog din po.
02:47Sa ngayon, lubog?
02:48Oo po.
02:49Magmula po alas 4, hanggang mamaya pa po yun.
02:52Pag-arito po kayo, talaga.
02:54Masasabi po ba ninyo na lumalala ang mga pagbaha?
02:58Lumalala po.
02:58So, madalas po ito ganito yung sistema na sa pagpasok sa araw-araw.
03:04Ano po yung naramdaman ninyo?
03:06Nung nabalitaan ninyo yung mga flood control project,
03:10hindi napunta sa proyekto pala, binulsa?
03:13Siyempre po, yung mahirap para sa amin, malungkot.
03:17Dahil dati, toyo ito, nakakapaggawa kami ng activity sa school,
03:21ngayon po hindi.
03:22Lalo po sa araw-araw na pagpasok namin.
03:25So, ito talagang totally?
03:26Hindi na siya nawawala?
03:28Nawawala po.
03:30Pero kung pagsagabi, madaling araw,
03:33yan na naman po.
03:34Mas po mamaya pong alas 10, yan na naman po.
03:37So, hindi ka talaga, kumbaga mahirap mag-move on?
03:39Apo.
03:40Madalas hindi mo siguro walang pasok?
03:43Nakaraan pong linggo,
03:45ala pong pasok.
03:45Pero po ngayong sa linggo na ito,
03:48pinagpatuloy po ng eskwela.
03:49Hindi ba kayo nag-aalala?
03:50Na baka hindi na magbago ito?
03:52Nag-aalala po kasi mahirap po ganito araw-araw ang sitwasyon.
03:56Napakahirap po sa amin na nanay na hatid sundo sa araw-araw.
04:01Maradas nga po ako madulas.
04:03Ako, ingat po kayo.
04:04Sige po, hindi ko na ko iabalahin.
04:07Nakausap ko natin si Diana.
04:09Diana, ayan, yung ayaw mabasa nung sapatos,
04:12eh, karga na lang ni tatay.
04:16Tay!
04:17Tatay, isang mabilis, isang mabilis.
04:19Isang mabilis lang, isang mabilis lang.
04:21Gano'n ho ka, gano'n kahirap, gano'n kalaking perwisyo sa inyo,
04:24yung ganitong kailangan niyong kargahin yung anak nun ninyo?
04:27Eh, mahirap para sa amin.
04:29Mahirap pa masakay ang mga bata, eh.
04:30Ako.
04:30Nahirapan.
04:32Hindi mo ba kayo?
04:34Sige, sige.
04:35Nag-atid na si tatay.
04:36Ito yung sinasabi ko kanina.
04:38Tingnan nyo yung mga tricycle dito.
04:40Ang tawag daw dito, eh, tikling.
04:42Modified.
04:43Inangat.
04:44Yan.
04:45Lifted, ikaw nga, sa mga pang-offroad na ito naman.
04:49Pangbahay.
04:49Wala, eh.
04:50Kailangan na mag-adapt ng mga taga rito sa kanilang buhay.
04:54Para po pag-usapan pa itong problema sa pagbaha dito sa Hagunoy,
04:58makakausap po natin ang kanilang municipal engineer.
05:03Si engineer Eugene Miguel.
05:05Sir, good morning.
05:06Good morning.
05:08Paki-explain nga po.
05:09Nabanggitin nyo kanina nung nag-uusap tayo.
05:12Meron ho kayong pinatawag na land subsidence dito.
05:16Ano ho ibig sabihin nun?
05:18Ang ibig sabihin nun, eh, kasi nararanasan na yun
05:22dahil dun sa patuloy na water extraction nung tubig.
05:26Potable water mula dun sa ilalim ng lupa.
05:28Okay.
05:29Kaya, base po dun sa aming mga benchmark
05:32at ayon din dun sa mga eksperto,
05:35eh, talagang meron hong land subsidence ngayon sa Hagunoy na aming nararanasan.
05:39Ang ibig sabihin po nun, bumababa yung lupa para sa mga kapuso natin.
05:43Bumababa po ang lupa.
05:44Ganun ho ka?
05:44Bilis ika ninyo?
05:45Sa datos po namin, eh, nasa 10 centimeters po, higit pa sa ibang bahagi po ng Hagunoy.
05:52Okay.
05:52Having said that, may ganun ho tayong issue, ano?
05:55Meron ho tayong mga interventions na ginagawa.
05:57Yun nga po yung mga flood control.
05:59Nabanggit po natin kanina, 42 flood control projects ang nakita natin sa website nung Isumbong sa Pangulo.
06:05Pero apparently, mas marami pa ho. 60 plus ka ninyo.
06:08Meron. Merong 21 sa 2025 na kaming nalaman na ongoing siya ngayon.
06:15At yun po ay iniwano na rin ng mga contractor.
06:20Karamihan dun ay nakatiwangwang.
06:21Sa inyo na ho, Manggaling Engineer,
06:23Nabanggit nyo kanina, may mga ghost project kayo nakita.
06:26Ilan ho yung ghost project na nakita ninyo?
06:27Ayon po doon sa inventory namin, lumalabas po na mayroong mga walo hanggang sampo po yung may problema na proyekto.
06:36Walo po doon yung hindi po namin malocate.
06:38Okay.
06:39Nawawala.
06:40Nawawala.
06:40Hindi po namin malocate yung lugar.
06:42Yung dalawa naman, mayroong magkaparehong contractor na nasa isang lugar.
06:48Yung coordinates nila.
06:49Ibig sabihin, para nagkaroon ng double charge, dalawang beses binadyatan, ganun ba?
06:54Maaari po siguro. Maaari pong tanongin ang DPWH tungkol doon, sir.
07:00Oo. Itong mga ginagawa, itong mga proyekto na ito, all 42 projects, ito ho ba'y dumaan sa inyo?
07:07Yung po nakakalungkot, sir. Iban, hindi po kasi nakonsulta ang lokal na pamalaan.
07:12Doon sa karamihan ng mga pinagawang dikin na yan, maging yung mga kababayan namin na mahalagang stakeholders po dito sa proyektong ito, hindi po nakonsulta.
07:23Kung baga, yung nakita niyong mga project engineer, tama ba yung diskarte?
07:29Sa tingin po namin, hindi. Kasi putol-putol po kasi ang pagkakagawa at wala pong naging epekto ito.
07:36Hindi po naramdaman ito ng mga taga-gunoy.
07:39Alam niyo ho, mga kapuso, habang kami po yung nag-i-interview ng engineer dito,
07:43may ilan pa mga ongoing na project 2025.
07:47Ongoing ang kontrata, pero nakatiwangwang, iniwan.
07:51Iyan pong mga 21 yan e. Sa pagsusuri po namin ito, karamihan po dun e, iniwanan na ng mga kontraktor.
07:59Iniwanan na pong nakatiwangwang, kaya wala pong gumagawa sa kaya.
08:03Iyan ho, masakit.
08:05Habang nakatiwangwang ho yung mga yan, habang inahanap natin yung iba mga project na nawawala,
08:10yung mga kababayan ho natin, ganitong sitwasyon.
08:13Ano ho ang pwedeng gawin ng municipal engineering office?
08:16Para ho paibsan kahit pa paano siguro, yung paghihirap ng mga tao?
08:20Actually po, sir, iba na isa po sa mahalaga rekomendasyon namin,
08:24maupisahan po talaga yung flood mitigation, water management master plan ng bayan ng Hagunoy,
08:31pati na rin po yung aming mga karatig bayan na paumbong, malolos, kalumpit.
08:36Para ho, lahat ng paggastos ng gobyerno, e, dito po kukuhin, maging gabay po ito sa amin.
08:43Saka mas mainam ho siguro, magkaroon ng say, yung stakeholders, ikanin nyo?
08:48Yung po ang mahalaga doon, dapat po magkaroon po ng say, yung pong aming mga kababayan,
08:53na higit pong kami po ang nakakaalam ng aming problema dito sa bayan ng Hagunoy.
08:58Pero sa tingin ho ninyo, magkakaroon ba tayo ng mga proyekto na posibleng agaran?
09:03Sa tingin po namin, dapat talaga isagawa muna po yung pag-aaral na yun,
09:08para mas sulit at mas tukoy po natin yung gastos ng gobyerno.
09:13Panghuli na lamang po, para lang sa pakaalaman ng mga kababayan natin,
09:17yung sinasabi ninyong 40 plus projects ayan o 60 pa nga, magkano hong halaga?
09:23Ang nag-average po siya, 72, 77 million po yung isa eh.
09:29Ayon po doon sa data sa website po ng Sabuong sa Pangulo.
09:33So, billion piso ho, no?
09:34Yan ho mga kapuso, ang napuntang pondo, sana sa mga proyekto,
09:41pero tulad ho na nakikita ninyo, ganito pa rin ang sitwasyon ng Hagunoy, Bulacan.
09:46Engineer, salamat po sa panahon.
09:47Thank you, thank you.
09:48Good luck po sa inyo.
09:48Mga kapuso, yan po, naipakita natin sa inyo,
09:52yung sitwasyon, yung pinagdadaanan ng mga tao,
09:55yung ginawasan ng mga solusyon,
09:57pero imbes na makatulong sa problema, ay lalo pang nagpalala.
10:01Yan mga kapuso, ang ating isyo ng bayan mula dito sa Hagunoy, Bulacan.
10:08Balik tayo sa studio.
10:11Wait! Wait, wait, wait, wait!
10:14Huwag mo munang i-close.
10:16Mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
10:19para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
10:23At syempre, i-follow muna rin ang official social media pages ng unang hirit.
10:28Thank you!
10:29Bye!
10:32Thank you!
10:35Thank you!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended