Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Sunod-sunod ang mga napaulat na naaresto pero marami pa ring indibidwal ang may nakabinbing arrest warrants, kabilang sina Zaldy Co at iba pang personalidad. May P1M reward din ang DOJ para sa impormasyon sa kinaroroonan ng human trafficking suspect na si Cassandra Ong. Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, sunod-sunod na ang mga napapabalitang naaaresto.
00:05Pero marami pa rin ang pinaghahanap ng batas.
00:09Walong individual pa ang may nakabimbing arrest warrant
00:12sa mga sangkot sa maanumalyang flood control project.
00:17Kabilang na nga dyan si dating representative Zaldico.
00:21Sa kaso naman ng human trafficking,
00:23pinaghahanap na rin si Cassandra Ong
00:26at handa o manong magbigay ng isang milyong pabuya
00:29ang Department of Justice sa makapagbibigay ng credible at actionable na impormasyong
00:36tungkol sa kinaroonan niya.
00:38At si Harry Roque naman na wala ngayon sa bansa,
00:42napabalita ang naaresto raw pero ito nga ay kanyang itinanggi.
00:46Pag-usapan natin yan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
00:49Attorney, ang daming pinaghahanap ng batas.
01:01Ang iba may milyong reward pa.
01:04Ano po bang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:06Kapag po ba nakita namin ang mga taong to?
01:09Pwede po ba namin arestohin?
01:11Pwede bang isumbong?
01:12Kanino?
01:13Paano?
01:14Well, unang-una, kung makita ninyo ang isang tao na sigurado kayo
01:17ay na-issuehan na ng arrest warrant
01:20and in fact may pabuya pa nga
01:22at interesado kayo sa pabuya na yan,
01:25paano ba dapat arestohin yan?
01:27Pwede bang mag-citizens' arrest
01:29bago makatakas para din masiguro ang pabuya?
01:32Sa ilalim po ng rules of court,
01:34pinahihintulutan naman ang citizens' arrest
01:37pero sa palagay ko,
01:38hindi kayo papasok sa mga grounds
01:41para magpagsagawa ng isang citizens' arrest.
01:44Ano ba ang mga grounds na to?
01:46Una, ito yung tinatawag nating caught in the act
01:48o yung inflagrante delicto.
01:51Kung isang tao ay makita ninyo
01:52at maaktaon habang gumagawa na isang krimen,
01:56eh itong mga merong mga warrant of arrest,
01:58matagal na pong nagawa ang mga krimen nila.
02:01Hindi naman kasulukuyang ginagawa.
02:03Kapag sinasabing caught in the act,
02:05nakikita ninyong nagnanakaw halimbawa.
02:08Sa harap ninyo, yan ang classic inflagrante delicto
02:12at maaaring hulihin dun mismo.
02:15Pangalawang ground,
02:16ang tinatawag nating hot pursuit.
02:18Ito ay kung naganap pa lamang at krimen
02:20at sigurado kayo ng isang partikular na tao
02:22ang may sala.
02:24Pero ang requirement dito ay kagagawa pa lamang ng krimen.
02:27Sabi ng Korte Suprema,
02:29immediacy and freshness.
02:32Mahaba ng ilang oras,
02:34ang ibibilang at hindi araw o buwan.
02:37Hindi tulad sa mga kaso nga na kinakasungkutan
02:39ng mga persons of interest natin.
02:42Pangatlong ground, escapee.
02:44Ito yung mga takas o pumuga sa kulungan.
02:46Hindi naman mga escapee o fugitive from justice
02:49ang mga pinag-uusapan natin.
02:52Aaresto yun pa lang nga, di ba?
02:53So, mukhang walang ground para makapag-citizens' arrest kayo.
02:57Even then, hindi ko masyadong mairekomenda
03:00ang isang citizen's arrest kung meron mang ground.
03:03Pinakamabuti, tumawag sa mga kinaukulan
03:05para sila ang mag-effect ng arrest.
03:08Huwag ninyong lalapitan o kukomprontahin ang suspect.
03:13Ang taong may warrant of arrest,
03:15malamang armado, desperado,
03:18o mainit ang ulo.
03:19Kaya, keep your distance.
03:21Pero tandaan at ibigay sa polis
03:23ang mga importanteng detalye.
03:25Pinaka-importante ay ang lokasyon
03:27o kung saan nyo siya nakita.
03:29Ano ba ang appearance o ang itsura?
03:31Ano ang suot?
03:32May mga kasama ba?
03:33Sumakay ba sa kotse?
03:35Ano ang kulay?
03:36Make, model at plate number ng sasakyan?
03:38Anong direksyon papunta?
03:40Ito ang mga detalye na kailangan ninyong ibigay.
03:44Dapat ay nasa sapat na distansya kayo
03:46para hindi kayo posibleng masaktan ng suspect.
03:50Kung interesado kayo sa pabuya,
03:52tiyakin muna kung anong ahensya
03:54ang nag-offer ng reward.
03:55At dun kayo mag-report.
03:57Maaari kayo magpunta
03:58sa pinakamalapit na police station
04:00o sa PNP headquarters.
04:03Maaari ding tumawag sa PNP hotline na 117.
04:07Yung mga regional offices,
04:08meron po silang dedicated lines
04:10katulad sa NCR
04:11na pwede ninyong tawagan.
04:12Pwede din mag-report sa NBI.
04:14Usually, ang unit na nakagawa ng arrest
04:18ang gagawa ng report
04:19kung dun sa tip ninyo.
04:22At sila ang magiging susi
04:24kung na-arresto ang suspect
04:27para kayo ang makapag-claim ng reward.
04:29So, medyo pa-follow up nyo ng konti.
04:31Of course,
04:32dadaan pa yan sa proseso at review
04:34para siguraduhin na ito ay legit,
04:37tama,
04:37at hindi modus lamang.
04:39Pero reward or no reward,
04:41dapat ay gawin natin
04:42ang ating mga duty
04:43biglang bilang mga citizens
04:46para naman makulong na
04:48ang mga dapat makulong.
04:50Diba?
04:51Matagal na.
04:52Huwag na nating patagalin pa.
04:54Ang mga usuping batas,
04:55bibigyan po nating linaw
04:57para sa kapayapaan
04:58ng pag-iisip.
05:00Huwag magdalawang isip.
05:02Ask me.
05:03Ask Attorney Gabby.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended