00:00Thank you for listening!
00:30Hindi lang Pangulo ang gumagamit ang droga, kundi pati ang First Lady at kanilang mga anak.
00:35Pinalagan yan ng anak ng Pangulo na si House Majority Leader, Sandro Marcos,
00:39na sinabing hindi asal ng tunay na kapatid ang ginawa ng kanyang tsahin.
00:45Tugo naman ng Senadora, handa siyang magpa-DNA test kung magpapa-hair follicle test ang pamilya Marcos.
00:53Nakatutok si Jonathan Andal.
00:55Batid ko na na nagdadrag siya!
01:03Ang aligasyon na yan, Senadora Amy Marcos, laban sa kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos,
01:09kagabi, agad na pinalagan ng palasyo.
01:12Sabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakakahiya at desperada na ang Senadora.
01:17So ano ang dahilan ng desperadong galawan ni Senador Amy Marcos,
01:26laban sa sarili niyang kapatid, at pati kay First Lady, kundi makapanira lamang?
01:36Walang basihan.
01:37Matagal ng issue to, pero since wala kayong makita sa Pangulo na anumang issue ng korupsyon,
01:44kung saan saan nyo dinadala ang issue.
01:47Nakakahiya, Senador Amy. Nakakahiya.
01:52Gate ni Castro, dati nagnagnegatibo sa drug test ang Pangulo.
01:56Alam naman natin na nagkaroon na ng drug test,
02:03nung pangbago mangampanya ang ating Pangulo.
02:05Gusto ko pong ipakita sa inyo para po maalala nyo muli.
02:09Ito po, November 25, 2021,
02:20nang may mga pagbintangang gumagamit di umano ng droga.
02:22Mismo, at the time, hindi pa po Pangulo,
02:26si Pangulong Marcos Jr.
02:28siya mismo ang nagbolontaryo para magpa-drug test.
02:34At sinasabi po sa drug test na ito ay negatibo.
02:38Ginawa ni Senadora Marcos ang kanyang mga aligasyon kagabi
02:41sa harap ng mahigit kalahating milyong miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Carino Grandstand.
02:46Yung bisyo niya na ang dahilan ng pagbaha ng korupsyon,
02:54kawalang direksyon, at maling-maling mga disisyon.
03:00Hindi na niya alam ang nangyayari.
03:03Hindi na pinapaalam sa kanya ang mga pangyayari.
03:09Sinamantala ng mga ito, ang paggamit niya ng droga,
03:12kinangkam na nila ang kaban ng bayan.
03:16Sa huli, inaya ni Aimee na umuwi na ang kapatid niyang Pangulo.
03:21Tama na, ading ko.
03:23Tapusin mo na ang paghihirap mo at ng bayan.
03:29Gaya noong umalis tayo sa palasyo,
03:32kaya ko pa rin hawakan ang iyong kamay.
03:35Kaya hinihingi ko na tayo'y umuwi na.
03:40Mamahinga, alang sa iyong kalusugan.
03:46Kaya kong mabigo at mawala sa iyo ang posisyon,
03:51pero hindi ko kayang mawala ka sa amin.
03:56Ayusin mo ang sarili mo.
04:00Magpagamot, alisin ang droga sa iyong sistema.
04:05Kung totoong makapilipino ka at totoong makabayan ka, Sen. Aimee,
04:11tumulong ka sa pag-iimbestiga,
04:13dapat na ma-pinpoint, dapat maituro kung sino talaga ang sangkot sa korupsyon.
04:21Huwag mong sirain ang kapatid mo.
04:23Hindi ito ang issue ngayon.
04:25Pero hindi lang ang Pangulo ang inakusahan ng pagdodroga ng Senadora.
04:28Idinawit din niya si First Lady Lisa Marcos
04:31at kanilang mga anak,
04:33kabilang si House Majority Leader Sandro Marcos.
04:37Kinumbinsi ko pa si Bongbong.
04:40Pakasalan mo na si Lisa.
04:42Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya,
04:48malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon.
04:54Ang laki ng pagkakamali ko.
04:59Mas lumala ang kanyang paglulong, pagkalulong sa droga.
05:06Lahil parehas pala silang mag-asawa.
05:12Nalaman kong pati ang mga anak niya ay nagdodroga na.
05:20Kinasusok lamang ko pa ang pag-alok ng mag-inang si Sandro
05:26ng droga ang aking mga anak at iba pang mga kamag-anak.
05:33Yan ang hindi ko na mapapalampas.
05:37Pero hindi rin pinalampas ni Congressman Marcos
05:39sa mga sinabing ito ng kanyang tsahin.
05:41Na wala raw basihan at wala raw katotohanan.
05:44Hindi raw totoo ang aligasyon sa kanya.
05:46Kahit pa raw tanungin ang mga pinsan niyang anak ni Aimee
05:49na sina Ilocos Norte Vice Governor Matthew
05:51at Atty. Michael Manotok.
05:54Masakit daw para sa kanya na nagpakababa ang tsahin niya
05:57sa pagsisinungaling,
05:59destabilisasyon sa pamahalaan
06:00at pagtraydor sa pamilya para lang sa ambisyon nito sa politika.
06:05Dagdag pa niya,
06:06ang akusasyon ng kanyang tita sa kanyang ama
06:08ay hindi asal ng isang tunay na kapatid.
06:11Buwelta ni Senator Aimee,
06:13gustong paingayan ni Congressman Sandro
06:15ang usap-usapang hindi siya tunay na kapatid ni Bongbong.
06:19Hamon niya ngayon.
06:20Magpapa-DNA test siya.
06:21Pero magpa-hair follicle test naman si Sandro.
06:25Para sa GMA Integrated News,
06:27Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
Comments