Skip to playerSkip to main content
Ipinababasura ni Vice President Sara Duterte ang mga impeachment complaint laban sa kaniya. 


Bukod aniya sa kawalan ng sapat na ebidensya, nilabag din umano nito ang kaniyang karapatan sa due process, at double standard ang pagtalakay ng House Committee on Justice.


Nagpasabi naman ang mga complainant na hindi sila magsusumite ng kontra-tugon sa sagot ng bise sa mga reklamo.
 
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ipinababasura ni Vice President Sara Duterte ang mga impeachment complaint laban sa kanya.
00:06Bukod anya sa kawalan ng sapat na ebidensya, nilabag din umano nito ang kanyang karapatan sa due process
00:12at double standard ang pagtalakay ng House Committee on Justice.
00:16Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:21Sa 15 pahinang sagot ni Vice President Sara Duterte sa House Committee on Justice,
00:27sinabi niyang ang mga panibagong impeachment complaints ni recycle lamang mula sa reklamo noong isang taon
00:33na dineklarang void abinition ng Korte Suprema.
00:36Puro daw ito opinion, espekulasyon at konklusyon at hindi mga ultimate facts.
00:42Yun yung sinasabi nilang atony, wala namang sinasagot sa mga negasyon si BP.
00:48Paano naman po namin masasagot kung wala naman po ultimate facts that will constitute yung impeachable offenses
00:56na pinaparatang nila laban sa ating Vice Presidente.
00:59It is not for the Vice President to prove her innocence.
01:02It is first for the complainants to actually prove na meron siyang ginawang mali in the first place.
01:09Pag diin ni Duterte, ang simpleng aligasyon lamang ay hindi ebedensya at mga aligasyong nakabase sa espekulasyon ay hindi dapat
01:17tanggapin.
01:18Kaya hiningin ang Vice na i-dismiss ang impeachment complaints.
01:22Una niyang katwiran, nilabag daw ang kanyang karapatan sa due process.
01:27Double standard daw ang pinaira ng Kumite sa pagdalakay sa impeachment complaints laban sa kanya at laban kay Pangulong Bongbong
01:33Marcos.
01:33Aga daw kasing isinantabi ng Kumite ang mga seryosong aligasyon laban sa Pangulo.
01:38Pero sa kanyang kaso, sabi ni Duterte, etrinato daw bilang katotohanan na ang mga aligasyon pa lamang sa kanya
01:44at hinusgahan na ang bigat ng mga paninesentang ebidensya na mga complainants na ihaharap pa lamang sa impeachment court.
01:52Hindi pwedeng meron kang one set of standards para sa isang impeachable officer and another set para sa isa namang
01:59impeachable officer.
02:00Kaya natin sinasabi na double standards. Bakit yung nagahanap ka ng final decision doon sa impeachment complaints laban sa Pangulo
02:08pero pagdating sa Vice President, e wala namang ganung usapan na kailangan may final decision ng mga korte.
02:16So maning-maning paggamit ang BC sa kanyang confidential funds.
02:19Tinukoy ng BC ang notice of disallowance ng Commission on Audit na basihan daw ng akusasyon.
02:24Sabi niya na hindi daw pinansin ang Kumite na may petition for review pa ito na nakapending pa sa Commission
02:30on Audit.
02:30Kailangan mong pakita unang-una na nag-disburse ng pera. Kailangan mong pakita pangalawa na nagkaroon nga ng personal gain.
02:40Kumbaga, nabigay o na-transfer sa kanya yung pera na yun which was not alleged tuon sa mga offensyon.
02:46Ayon sa BC, bahagi daw ng due process ay pagtrato ng patas. Kung hindi, maituturing na void ang proseso at
02:54isang paglabag sa constitutional rights.
02:57Binanggit din sa reply ang affidavit ni Ramil Madriaga, ang nampakilalang bagman umano ng BC.
03:02Sabi ni Duterte sa kanyang reply, itunuring na ng Kumite bilang gospel truth ang kanyang mga sinabi.
03:08Kahit wala naman daw itong iniharap na ebidensya.
03:11Ang akusasyon namang plunder, malversation at graft, wala rin daw basihan.
03:16Kasama rin sa akusasyon laban sa BC ang pagkuhan ng contract to kid, laban sa Pangulo, First Lady at House
03:22Speaker.
03:23Pero sa kanyang reply, sinabi ni Duterte na wala naman daw pinakitang ebidensya na may ganong kontrata.
03:29Sa sinasabi namang meron siyang di maipaliwanag na yaman na hindi niya inilagay sa kanyang statements of assets, liabilities and
03:35net worth,
03:36sinabi ni Duterte na ang aligasyon ay nakabase sa kanyang mga salen bago siya maging Vice President.
03:42Sinabi na raw ng Supreme Court, nang mga akusasyon dapat ginawa sa terminor ng isang impeachable official,
03:49hindi bago siya nahalal o na-appoint.
03:51Sa akusasyon namang meron siyang hindi-dineklara mga bank accounts.
03:55Nakabase lamang daw ito sa isang online article noong 2016, kaya may tuturin daw itong her say o chismis lamang.
04:02Kaya sa mga impeachment campaigns daw, walang naipakitang ultimate facts na susuporta sa anumang impeachable conduct.
04:08I-pina-uubay na raw ng depensa sa komite ang kahihinat na ng impeachment complaints sa Vice President.
04:15Umaasa silang pagbobotohan ito, hindi lamang basis sa kanilang konsensya, kundi basis sa may ebidensyang ipinilisinta sa kanila.
04:22Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, nakatuto 24 oras.
04:31Nagpasabi na ang mga complainants sa mga reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
04:36na hindi sila magsusumite ng kontra-tugon sa sagot ng bise sa mga reklamo.
04:42Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
04:47Sa manifestation of waiver ng mga complainants sa third impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,
04:54sinabi nilang hindi na nila kailangang sagutin ang consolidated verified answer ad kotelam
05:00na isinumite ng bise sa House Committee on Justice.
05:04Nabasa namin, walang specific denial as to specific paragraphs of the 98-page complaint that we filed.
05:15So for that reason alone, talagang wala pong basihan, wala pong silbi.
05:20Yung pagka-file, pagkahain ng isang reply to an answer na hindi naman po sinunod ano yung pinaka-basic requirements
05:28sa rules.
05:28Pinabulaanan ni Atty. Ligutan ang mga sinabi ng bise na walang ultimate at evidentiary facts sa mga reklamo.
05:36May isang eyewitness. May mga notice of disallowance audit observation memorandum from the commission audit.
05:46May mga documents evidencing payment na sabi ng PSA, Philippines Statistics Authority,
05:55ito yung mga taong to do not exist thick tissues.
06:01Despite that, you still have the carriage and the gull to claim wala man lang ultimate facts.
06:10Pinabulaanan din niyang recycled ang mga allegasyon na ayon sa bise ay ibinasura na noon ng Korte Suprema.
06:16Kami yung sumulat ng third impeachment complaint, hindi po ni-recycle yan.
06:21Hindi po ni-recycle yan.
06:22Tsaka isang bagay na dapat we have to settle, yung decision ng Supreme Court in Duterte versus House of Representatives
06:30last year,
06:31never po diniscuss ng Supreme Court na walang basihan on the merits yung impeachment complaints filed last year.
06:38Si Atty. Nathaniel Cabrera, complainant sa fourth impeachment complaint laban sa bise,
06:44nag-hahin din ang manifestation of waiver to file a reply.
06:48Sabi ni Cabrera, dahil hindi rin naman daw sinagot ng bise ang mga allegasyon at wala rin itong inihayag na
06:54bago,
06:55wala na raw saisay at makatatagal pa sa proseso kung maghahain pa siya ng sagot.
07:00Ang pahayagan niya ng kampo ng bise na walang ultimate facts sa mga reklamo ay bunga ng maling pagkakaintindi sa
07:08rules na pwede nang humingi ng detalyadong ebidensya sa puntong ito ng impeachment proceedings.
07:14Dahil hindi na nag-hahin ang reply ang mga complainant, sabi ni House Committee on Justice Chair Jervie Luistro
07:21na pwede nang talakayin ang House Committee on Justice kung may sufficient grounds para magsagawa na ng hearing proper.
07:28Si House Committee on Justice Chair Representative Jervie Luistro pinabulaanan ang sinabi ng bise na walang ultimate at evidentiary facts
07:37sa impeachment complaints.
07:38Hindi rin daw totoo ang bintang ng bise na mayroon silang double standard pagdating sa impeachment complaints laban sa bise
07:47at laban kay Pangulong Marcos.
07:49They failed to show proof of the president's personal involvement or participation in the alleged offense.
07:59It's a case ng vice president.
08:01To illustrate again, the offense of threat, what evidence will you still require?
08:08It's a locator, it is the vice president who is uttering the threat against the president,
08:15the first lady and the former speaker.
08:19Now about the confidential fund, you remember Congresswoman Laila de Lima even read and showed the certification
08:27of the training of the military to the signature of the vice president.
08:38Kinontra rin ni Luistro ang sinabi ng kampo ng bise na nalabag ang kanyang karapatan sa due process.
08:45Well, I don't think there was violation of due process. Nakita nyo naman, we gave ample opportunity to all the
08:57members of the Justice Committee
08:59and even non-members who wish to make manifestation or interpolate during the determination of sufficiency in form and in
09:08substance.
09:09Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.
Comments

Recommended