00:00Samantala, pinagtibay na ng Department of Justice ang inisyal na listahan ng mga individual nakasama sa Lookout Bulletin Order
00:06sa harap na nagpapatuloy na investigasyon sa mga umano'y maanumalyang flood control projects.
00:12Batay sa monitoring ng Bureau of Immigration, isa sa 35 individual na nasa Lookout Bulletin ang posibleng nakalabas na ng bansa.
00:20Si Luisa Erispe sa Sentro ng Balita.
00:22Naglabas na ng Immigration Lookout Bulletin Order ang Department of Justice para sa mga sangkot sa investigasyon sa flood control at ghost projects ng pamahalaan.
00:35Sa pahayag ni ASIC Mico Clavano kagabi, tagapagsalita ng DOJ,
00:39ang pinirmahang ilbo ni Sekretary Jesus Crispin Remulia ay inisyal na batch pa lang at mula ito sa request ng Blue Ribbon Committee ng Senado.
00:48Para naman sa request ni DPWH, Sekretary Vince Dyson, inaasahan ngayong araw ito pipirmahan.
00:54Ayon sa Bureau of Immigration, natanggap na nila ang unang napirmahang ilbo at nasa 35 individual ang kabilang dito,
01:02kasama ang pinakamalalaking contractors ng gobyerno at mga empleyado ng DPWH.
01:08Hapon po, nang hapon nakatanggap tayo ng kopya ng Immigration Lookout Bulletin na ibinaba po ng Department of Justice
01:16para i-implement po namin sa Bureau of Immigration.
01:19Ilan po doon sa mga pangalan na nakalagay, Alex N. Raymond Abelido, Cezara Diskaya, Maria Roma Diskaya, Rimando,
01:29and ilan pa pong mga individual.
01:32Hindi kasama sa ilbo si dating DPWH Sekretary Manuel Bonoan,
01:36pero hihintayin pa ng BI ang pipirmahan ni Remulia ngayong araw.
01:40Batay naman sa monitoring ng immigration, posibleng may isa mula sa 35 na individual
01:46ang nakalabas na ng bansa nitong mga nagdaang araw.
01:50Pero hindi pinangalala ng BI dahil dadaan pa ito sa verification.
01:53Sa initial verification po, mukhang meron pong isa sa outside the country,
01:59but it has yet to be verified to confirm po kung siya yun or it might be someone na namesake niya.
02:05Muli namang ipinaliwanag ng Bureau na hindi nila haharangin sa mga paliparan ang mga nasa ilbo
02:11kung wala naman itong warrant of arrest.
02:13Ang dokumento ay upang mamonitor lang ang kanilang biyahe.
02:16Ang proseso po nito is we contact the relevant government agencies
02:23to confirm if there is a freshly issued full departure order or a warrant of arrest against the subject.
02:31Kung meron po, i-implement po ito.
02:33Kung wala naman po, true to its name, Immigration Lookout Bulletin,
02:38we monitor the travel by getting the necessary information.
02:43Samantala, sinabi naman ni Remulya na maging ang DOJ,
02:46nagsasagawa na rin ang sariling investigasyon.
02:49Katunayan, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation na kumilos.
02:54Wala naman anyang sisinuhin o sasantuhin sa investigasyon.
02:58Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.