00:00Ilang bagay ang napuna na ilang senador sa pagsalang muli ng Development Budget Coordination Committee sa Senate Committee on Finance para sa panukalang 2026 National Budget.
00:12Kabilang dito ang pagkakaparehas umano ng presyo ng flood control projects sa ilang probinsya na milyon milyong piso ang halaga.
00:21Si Daniel Manalastas sa Sentro ng Balita, live.
00:25Ang jilik sa muling pagsalang ng DBCC sa Senate Committee on Finance para sa panukalang 2026 National Budget,
00:36ilan sa mga naungkat na mga senador ay ang usapin sa umanoid insertions pati na ang flood control program.
00:45Sa budget briefing, napansin na mga senador na tila ilang flood control projects sa ilang probinsya na tila parehas ang presyo na animoy duplication ng proyekto.
01:03Tanong ni Senador Erwin Tulfo, hindi ba dapat iba-iba ang costing? Depende na lang sa materyales na gamit, saklaw ng trabaho at lugar.
01:13Sa Antiquet, Iloilo. Same amount. 149,750,000. Each. At hindi man lang ginawang 149 flat o isanara na lang sa 150 para may pangkape.
01:29Pare-pareho pong halaga hanggang sa huling piso. Nilagyan pa ng butal para hindi po halata.
01:35May question now, I will direct this to the DBM. Can you explain, Madam, bakit nagkaroon po ng exact duplication of amount for flood control projects in Antiquet and Iloilo?
01:46Ito po, nanggaling po ito sa proposal ng DPWH. Hindi po kaya ng DBM i-check. Wala po sa mandato ng DBM i-check isa-isa lahat po ng projects na binibigay.
02:00Kaming ganong expertise to check. We assume that the DPWH already knows what they're doing given their mandate.
02:12Maging si Sen. Panfilo Laxon, tinawag na red flag ang napansin ni Tulfo, kunsaan napansin naman ni Laxon na bilyong-bilyong piso na ang halaga at mungkahi ng Senador.
02:26Red flag po ito eh. So I'd like to propose that by your leave, Mr. Chairman, that we should schedule an executive session.
02:34Way forward po ito. Kasi with your guidance, we are willing to amend and delete all these similarly, parang posted projects.
02:51Kasi yung huling bilang namin, yung 100 items, no, 373 items na tigwa 100 million, that's already 37.3 billion.
03:01So as of our initial count, nasa mga 50 billion pesos na yung para-pareho, yung red flag.
03:12Angelique, isa pa ang puna ng mga Senador ay ang insertions na tila sa National Expenditure Program pa lang lumulusot na raw.
03:21Pag yung mga contractors have invaded the House of Representatives and congressmen have invaded the contractor construction business,
03:35eto po yung outcome.
03:37Kasi NEP pa lang, inapayagan na sila ng DPWH to make insertions.
03:42Ang tama po sa atin dito, hindi po isang WAMI, hindi double WAMI, hindi triple WAMI, quadruple WAMI.
03:49NEP may insertion, House Gab may insertion, Senate version may insertion, BICAM may insertion, quadruple WAMI po ang tama ng Pilipino rito.
03:59If you agree.
04:00We agree po.
04:01Doon mukhang sa BICAM nagkakaroon ng mga insertions, so hindi kaya baka dito sa NEP nagkaroon ng insertions because I have received reports na susubukan ng ilan na magpasok o kargahan magkaroon ng insertions sa NEP pa lamang.
04:16Moving forward, meron na po kaming ginagawang guidelines and nag-usap na po kami together with my team.
04:25And then we'll come up with a, baka IT system po, and yung submission ng DPWH baka kailangan early on para we'll have more time to really check each and every project.
04:41Moving forward, rest assured po that we will try to do something po para maiwasan po yung mga ganito problema.
04:50Uupuan po namin to ni Secretary Vince Dizon.
04:52Alam mo, Angelique, inaasahan na ng ilang senador na mas magiging mahigpit ang talakayan sa panukalang 2026 national budget.
05:02Kasi kung mapapansin ninyo, usapin pa lamang yan ang flood control projects.
05:08Wala pa dyan yung ilang usapin, katulad na lamang sa edukasyon, katulad na lamang sa labor, pati na rin sa iba pang mga mahalagang programa ng pamahala.
05:17At ilaasahan sa mga susunod araw, sasalang naman yung iba pang tagawaran ng pamahalaan.
05:24Angelique.
05:24Alright, maraming salamat, Daniel Manalastas.