- 3 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30Nananatili naman sa Barangay Hall ang mga residenteng nawalan ng bahay.
00:38Umabot sa tinatayang 600,000 ang dumalo sa kilos protesta ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand ngayong araw.
00:46Tinapos na ng INC ang kanilang pagtitipon ngayong gabi.
00:48Pero bago ito matapos, nagbitiw ng mabigat na akusasyon si Senadora Amy Marcos laban sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos at kay First Lady Lisa Araneta Marcos.
00:58Ang sagot naman ng Malacanang, wala itong basihan.
01:02Mula sa Quirino Grandstand sa Ksila, si Sandra Ginaldo.
01:06Sandra?
01:06Yes Pia, bandang alas 8 nga ng gabi ay tinapos na na Iglesia Ni Cristo o INC ang kanilang rally dito sa Luneta.
01:18Dapat ay bukas pa po matatapos ang 3-day rally ng INC.
01:22Pero ayon po sa kanilang tagapagsalita na si Kaedwil Zabala ay nakamit na nila yung kanilang goal sa loob ng dalawang araw.
01:33Yan daw ay yung panawagan para sa justice, accountability, transparency at peace.
01:39At nagligpit na ng mga gamit niyang ating mga kababayan, yung kanila mga tent, yung kanila nga mga upuan at pagkain.
01:46At marami po sa mga nagsidalo sa rally ay nagsiuwian na at may landig naghihintay daw ng umaga para po sila ay umuwi.
01:55Ang iba naman po ay nagsabing bitin sila, lalo't may iba parang miyembro na ngayon lang naka-attend sa rally.
02:02At Pia, kanya-kanya nga rin nga linis ang ating mga kababayan dito at tumulong din sa kanila ang local government.
02:10At bago po matapos ang rally, ay nagtalumpati sa stage ang kapatid ng Pangulo na si Senadora Aimee Marcos.
02:21Sa ikalawang araw ng protesta kontra korupsyo ng Iglesia Ni Cristo, nagsalita sa entablado si Senadora Aimee Marcos.
02:30Hayagan niyang binatikos ang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
02:34Batid ko na, nanagdadrag siya, nalaman ko at ng pamilya, nalaman ng pamilya, seryoso ito.
02:51Minsan, kami ng Presidential Guard at Metro Gong pa, ang naglilinis tuwing nagpa-party po sila.
03:01Namuhay kaming magkakapatid sa ibang bansa, kami-kami lang.
03:11Kinumbinsi ko pa si Bongbong, pakasalan mo na si Lisa.
03:18Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon.
03:28Ang laki ng pagkakamaliko.
03:32Mas lumala ang kanyang paglulong, pagkalulong sa droga.
03:38Lahil, parehas pala silang mag-asawa.
03:44Noong 2016, kasabay ng kampanya ni dating Pangulong Duterte laban sa droga,
03:53lumabas ang pangalan ni Bongbong sa listahan.
03:59Nakasama siya sa listahan ng mga celebrities.
04:04Masinsinan kong kinausap si Pangulong Roddy.
04:11Halos maniklohod ako.
04:14Sinabi kong ayon sa kapulisan, dapat unahin, usigin ang mga pusher.
04:23At saka na lamang sagipin ang mga user.
04:27Naligtas si Bongbong.
04:31Si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
04:35iginiit na walang basihan ang mga aligasyon ni Sen. Aimee.
04:38Alam naman natin na nagkaroon na ng drug test.
04:44Nung pangbago mga kampanya ang ating Pangulong.
04:46Gusto ko pong ipakita sa inyo para po maalala niyo muli.
04:48Ito po, November 25, 2021,
04:53na may mga pagbintangang gumagamit di umano ng droga.
04:56Mismo, at the time, hindi pa po Pangulo,
04:59si Pangulong Marcos Jr.
05:01Siya mismo ang nagbolontaryo para magpa-drug test.
05:05At sinasabi po sa drug test na ito ay negatibo.
05:08Ano ang dahilan ng disperadong galawan ni Sen. Aimee Marcos
05:13laban sa sarili niyang kapatid at pati kay First Lady?
05:16Kung di makapanira lamang, walang basihan.
05:20So, Sen. Aimee, sana naman maging makabayan ka.
05:24Tumulong ka po sa pagpapaimbestingang ginagawa ng sarili niyang kapatid.
05:28Tulik sa ina lahat, ang mga korup,
05:30huwag niyo pong kampihan, huwag niyong itago.
05:32Hayaan natin magtrabaho ang Pangulong Marcos Jr.
05:35para masawata lahat itong korupsyon na po.
05:37Bago ang programa, sinagot ng INC ang sinabi kahapon
05:41ng mga Duterte supporters na nagtipon sa Plaza Salamangka
05:44na hindi sila pinayagang makisali sa INC Rally Saloneta
05:49dahil sa mga banner nilang BBM Resign.
05:52Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Ka Edwil Zavala,
05:57welcome sumali sa kanila kahit hindi miyembro ng INC,
06:00basta hindi lilihis sa panawagang transparency, accountability at justice.
06:05Wala kaming nakitang mga placard na BBM Resign sa rally ng INC,
06:10hindi tulad kahapon sa pagtitipon ng mga Duterte supporter.
06:14Hindi tayo sang-ayon sa revolusyon.
06:17Hindi tayo sang-ayon sa revolusyonary government.
06:22Hindi tayo sang-ayon sa co-data.
06:26Hindi tayo sang-ayon sa snap election.
06:29Ang ikalawang araw ng INC Rally generally peaceful pa rin
06:37ayon sa NCRPO Chief na si Brigadier General Anthony Aberin.
06:42This can be attributed dun sa comprehensive security plan natin
06:47and at the same time yung real-time coordination po natin dun sa mga organizers po.
06:57Mainit sa maghapon kaya nagka-alta presyo ng ilang nakatatanda.
07:02May mga nakakalat namang first aid stations.
07:04Sumasakit dito sa batok ko at saka mainit ang katawang ko talaga kaya ako nag-ano na lang.
07:13Nakabantay rin ang mga tauha ng Manila Traffic and Parking Bureau.
07:17May mga nahuli silang mga sasakyang nag-double park.
07:20Kaya hinatak na ang mga ito para hindi makaabala.
07:28Pia Pasado Alas Yes ay marami na po tayo mga kababayan na nagsiuwi na
07:32at patuloy pa rin po ang paglilinis dito sa kapaligiran ng Quirino Grandstand.
07:38Yan muna po ang pinakahuling ulat, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
07:43Tatlong tangga pa ng ehekutibo ang may bagong liderato
07:46kasunod na anunsyo ng Malacanang na nagbiteo si na-Executive Secretary Lucas Bersamin,
07:50Budget Secretary Amena Pangandaman at Presidential Legislative Liaison Office
07:55Undersecretary Adrian Bersamin.
07:58Ay po sa Malacanang kusang nagbiteo ang mga opisyal alang-alang sa delikadesa.
08:02Matapos silang mabanggit sa mga aligasyon ni dating Congressman Zaldico.
08:07Saksi si Ivan Mailina.
08:12Nagbiteo sa pwesto ngayong araw,
08:13ang tatlong matataas sa opisyal ng Administrasyong Marcos.
08:16Si na-Executive Secretary Lucas Bersamin,
08:19Budget Secretary Amena Pangandaman,
08:21at Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin.
08:26Tinagap na ni Pangulong Marcos sa kanilang pagbibitib.
08:28Officials respectfully offered and tendered their resignations out of delikadesa.
08:34After their departments were mentioned in allegations
08:37related to the flood control anomaly currently under investigation
08:42and in recognition of the responsibility
08:45to allow the administration to address the matter appropriately.
08:48Sa inilabas sa video ni dating Congressman Zaldico,
08:52sinabi niyang si Pangandaman na nagsabi umano sa kanya
08:54na iniutos umano ng Pangulo na magsigit ang 100 billion peso sa 2025 national budget.
08:59Kinumpirma umano ito kay ko,
09:01ni Yusek Bersamin,
09:02nakaanak ng nagbiteo na Executive Secretary.
09:04Itong Biyernes,
09:06si Giniti Pangandaman na hindi nakialam sa buy cam ang Pangulo
09:08at mahigpit nilang sinunod ang budget process.
09:12Wala pang pahayag ang mga nagbiteo na Sekretary Bersamin at Yusek Bersamin.
09:16Kasunod ng pagbiteo ng mga opisyalit,
09:17itinalaga bilang Executive Secretary si Finance Secretary Ralph Recto.
09:21Papalit naman kay Recto bilang Finance Secretary,
09:23si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs,
09:27Frederick Goff.
09:28Si Undersecretary Rolando Toledo naman,
09:30ang tatayong Officer in Charge sa Department of Budget and Management.
09:33Hindi pa raw personal na nakausap ni Recto sa Pangulong Marcos
09:37matapos inanunsyo ng palasyo na siya
09:38ang papalit binang Executive Secretary.
09:59Tingin naman niya sa paggibitiyon ni Budget Secretary
10:02kaya may na-pangandaman.
10:12Nasa Senate Budget Debates kanina si Pangandaman
10:15pero hindi nagpaunlak ng panayam.
10:17Inaasahang sasalang sa Budget Debates ngayong gabi ang DBM.
10:21Si Toledo muna ang aharap sa Senado
10:22kasama ang ibang Senior Undersecretary ng Kagawaran.
10:25Sa isang pahayag, sinabi naman ni Goff na nagpapasalamat siya sa tiwala ng Pangulo
10:48at handa siyang isurong ang fiscal strength at paglagunong ekonomiya ng bansa.
10:51Hinimok din ang palasyo ang iba pang miyembro ng gabinete
10:54na kung sa tingin nila isangkot sila sa anomalya
10:57ay magkaroon ng delikadesa at pusa magbitiyo.
11:00Pero giyit ang palasyo kahit magbitiyo sa pwesto
11:02ay hindi pa rin sila lusot sa investigasyon.
11:05Magyan Pangulo, hindi rin lusot sa pagsisiyasan.
11:08Sabi po ng Pangulo walang exempted sa investigasyon.
11:12Does that statement also apply to him?
11:14Of course, wala naman talagang dapat na exempt.
11:17Pero ang Pangulo, alam niya po ang kanyang ginagawa,
11:20alam niya po kung bakit niya pinaimbestigahan
11:22at tinangunahan ang malalimang pag-iimbestigan na ito.
11:27Nauna namang sinabi ng Pangulo na ayaw na niyang patulad ang mga pahayagdiko.
11:30Itong Sabado, naglabas ikaw ng litrato ng hilera ng mga maleta.
11:50Record daw ito na mga diniliver niya at na kanyang mga tauhan
11:53sa bahay ng Pangulo at ng pinsang si dating House Speaker Martin Romualdez.
11:57May mga nakalagay na petsa sa mga litrato pero hindi pinaliwanag ni ko kung anong ibig sabihin ito.
12:03Wala pong perang napunta sa akin.
12:06Lahat po ng insertion napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez.
12:12Ako lang at ang aking mga tao, sila Paul Estrada, Martin Xay,
12:16at ang aking mga security ang nag-deliver papunta sa bahay
12:19nila Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez
12:23sa North Forbes Park, South Forbes Park, hanggang sa Malacanian.
12:28Hindi direkt ang sinabi ni Ko na perang laman ng mga maleta
12:31pero sinigundahan niya sa video ang pahayag ni Orly Gutesa sa Senado
12:35na nag-deliver daw siya ng mali-maletang pera sa bahay ni Naco at Romualdez.
12:40Sa hiwalay na video nung linggo,
12:41sinabi ni Ko na may ilalabas pa siyang ibang impormasyon sa mga susunod na araw.
12:46Isa na dito ay kay Henry Alcantara, ang DPWH boys,
12:50ang sinasabi nilang halaga sa ICI ay 21 billion.
12:54Hindi po totoo yan.
12:57Ang totoong numero ay 56 billion pesos
12:59at yung pong halaga na yan ay kay Pangulong Bongbong Marcos
13:03at Martin Romualdez na punta lahat.
13:06Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat.
13:10Hinamod din ni Ko si Obotsman Jesus Crispin Rimulia
13:13na yung bisigahan ng Pangulo at si Romualdez.
13:17Ayon kay Palas Press Officer Undersecretary Claire Castro,
13:19walang maipakitang ebidensya at puro basa lang ng skripsi ko.
13:23Naging comedy series narawang expose.
13:26Pino na rin ang Malacanang ay hindi rotugmang timeline
13:28sa mga larawang inilabas si Ko.
13:30Minilagay po siya na 2024.
13:32Tating January 2024 hanggang November 2024.
13:35E nagumbisa po yung Bicam Conference noong November 2024.
13:38So, papaano po manasabi na nagkaroon na po ng bigyan ng maleta
13:43kung 2025 budget ang pag-uusapan?
13:47Meron date din na maleta, mga January 2025, March and May 2025.
13:52So, papaano din po mangyayari yun kung January 13 pa lang,
13:56na 2025, ay hindi na po siya head ng Appropriations Committee,
14:01hindi na siya chair.
14:02So, saan magagaling yung kanyang power?
14:05Iginita man ni Romualdez na malinis ang kanyang konsensya
14:07at ayaw na rin niya magkomento sa mga pahag ni Ko
14:10na hindi naman daw pinanumpaan.
14:12Ang ombudsman naman,
14:13nanawagan kay Ko na umuwi at isumiti ang salaysay
14:16para rin mapaberipika at sumailalim sa tamang proseso.
14:20Pero sabi ng abogado ni Ko,
14:21walang puntong gawin ito
14:22dahil hinusgahan na anya ng ombudsman
14:25ang kaso ng kliyente niya.
14:27Magsusumiti raw ng sworn statement si Ko
14:28kung naayon ito sa layunin nila
14:30alinsunod sa procedural rules.
14:32Pero hindi raw niya papayagan magsumiti si Ko
14:34para lang makilaro sa anya'y political games.
14:37Ayon naman kay Prosecutor General Richard Fadullion,
14:40pinag-aaralan na nila ang mga pahag ni Ko.
14:43Para sa GMA Integrated News,
14:45ako sa iban may rinangin yong saksi.
14:47Sa isang pahayag sinabi ng nagbitiw na Budget Secretary
14:52na si Amena Pangandaman,
14:54nagpasalamat siya sa tiwala ni Pangulong Bongbong Marcos.
14:59Anya, ang pagiging unang Muslim na Budget Secretary
15:02at nag-iisang Filipina Muslim sa gabinete,
15:05ang pinakamalaking karangalan ng kanyang buhay.
15:08Patuloy raw niyang susuportahan si Pangulong Marcos
15:10bilang pribadong individuan.
15:12Magigit 6 na milyong pisong halaga na alahas
15:14ang tinangay ng mahold-upper sa Malabon.
15:17Arestado ang tatlong suspect.
15:19Saksi, sinisumangil exclusive.
15:25Bibili lang dapat ng baterya ng sasakyan
15:28ang lalaking ito ng targetin ng 6 na suspect
15:31sa barangay Tugatog, Malabon.
15:33Hold up ang pakay ng grupo.
15:35Punteriya ang relo,
15:36quintasset bracelet ng biktima.
15:38Nasa 6.7 milyon pesos ang halaga
15:40ng tinangay ng mga suspect.
15:42Hindi ko makakalimutan,
15:43may narinig ako sa likod
15:45na naananigan ko na din.
15:47Ito, pwede na to, pwede na to.
15:49Paglingon ko, nung narinig ko yun,
15:51meron ng saslong motor na
15:53pumalibot sa akin.
15:56Akala ng biktima,
15:57katapusan na niya.
15:58Huwag kang sisigaw,
15:59babarilin kita.
16:00Ganon ang pagkakasabi sa akin.
16:02At lahat po yun,
16:02ay nakatutok sa akin yung baril.
16:04Yung 6.7 milyon,
16:06hindi naman galing yun sa
16:07madaling pamamaraan.
16:09Yun po ay pinagpag-uran,
16:10pinaghirapan sa apat na taong
16:14pagninegosyo at hindi naman din ako
16:15anak ng o galing sa mayamang pamilya.
16:18So lahat yun ay pinagpag-uran.
16:20Bago ang isidente,
16:21tinangay ng parehong grupo
16:22ang alakas na mga customer
16:24sa isang kainan sa Barangay Longos.
16:27Matapos ang ilang araw,
16:28tatlo sa mga suspect
16:29ang arestado sa Las Piñas.
16:30Kabilang sa lahuli
16:31ang umunoy pinuno ng grupo.
16:32Yung kilay,
16:34kasi yung kilay ni Sansui dito,
16:36may cut dito eh, dalawa.
16:38Hindi siya pwedeng magkamali
16:39pati boses
16:39nung pinagsalita.
16:41Kasi tinakot siya eh.
16:43Pinagsuit nga namin siya ng helmet.
16:44Eh talagang
16:45ang
16:46victim eh,
16:48positive identified na.
16:49Yan nga po,
16:50yan nga.
16:51Hindi siya pwedeng magkamali.
16:52Na-recover mula sa mga suspect
16:54ang baril
16:54at mga motorsiklong
16:55ginamit sa krimen
16:56sa tactical interrogation
16:58ng mga pulis.
16:59Sinabi ng leader ng grupo
17:00na nabuo sila sa Boys Town.
17:03Dati raw delivery rider
17:04ang mga suspect
17:04kaya kabisado
17:05ang Metro Manila.
17:06Ang style
17:07ay titignan nila yung tao
17:08kung sa pananamit
17:10sinisiguro nila
17:11na
17:11ang alahas ay totoo.
17:14Tumanggi
17:14ang mga nahuling suspect
17:15na magbigay ng pahayag.
17:17Hindi bababa sa limang
17:18iba pa ang inakanap
17:19ng mga pulis.
17:20Kabilang dito,
17:21ang binagsakan
17:21umano ng mga alakas
17:22at relo
17:23na ninakaw nila
17:24mula sa negosyanteng biktima.
17:26Para sa GMA Integrated News,
17:28ako,
17:29si Emil Subangin,
17:30ang inyong
17:30saksi.
17:33Patay ang driver
17:34na isang ride-hailing app
17:35matapos magulungan
17:36ang dump truck
17:37sa Antipolo City.
17:38Nahati naman sa dalawa
17:39ang isang kotse
17:40matapos itong sumalpok
17:41sa poste
17:42sa Taytay Rizal.
17:44Saksi,
17:45si E.J. Gomez.
17:46Humaharurot ang isang kotse
17:51madaling araw nitong linggo
17:52nang sumalpok
17:54sa poste ng ilaw
17:55sa Manila East Road
17:56sa Taytay Rizal.
17:58Sa bilis ng takbo,
17:59nahagip din ang isang gate.
18:01Tatlong taong
18:02naglalakad ang muntik
18:03masalpok,
18:04bumagsak
18:05at nagpagulong-gulong
18:06ang isa
18:07habang nakatakbo
18:08ang dalawa.
18:08Tumambad
18:15ang kotse
18:15na hati sa dalawa
18:17at humambalang
18:18sa gitna ng kalsada.
18:19Sa lakas ng pagbangga,
18:21nagkayupi-yupi
18:22ang unahang bahagi
18:23ng sasakyan.
18:24Nakalas
18:25ang mga gulong
18:26at upuan.
18:27Walang natirang salamin
18:28sa windshield
18:28at nagkabasag-basag din
18:30ang mga bintana.
18:31Nasa loob po ako dito
18:32sa Gardaos
18:34noong time na yon.
18:34Tapos nunggulat na ko
18:35biglang
18:36ang lakas ng impact
18:37yung git dito sa Gardaos.
18:39Napatayo ako.
18:40Parang nabibingi ako sa
18:41lakas ng impact talaga.
18:43Grabe.
18:43Parang lindol yung
18:44itong Gardaos ko.
18:45Parang akong nabibingi.
18:46Diyan siya o,
18:47tumama sa ligid.
18:48Ayon sa pulisya,
18:49nawalan ng kontrol
18:50sa sasakyan
18:51ang 25-anyos na driver.
18:54Yung driver po ng car
18:55is mabilis po
18:56yung takbo po niya.
18:57Na out of control po niya
18:59yung kanya pong
18:59minamanayong sasakyan.
19:01So ito po ay
19:01magiging self-accident, ma'am.
19:03Dinala sa ospital
19:04ang driver
19:05na naharap
19:06sa reklamong
19:06damage to property.
19:08Sinusubukan pa namin
19:09kunan ang pahayag
19:10ang kaanat ng driver
19:11na nagpapagaling pa
19:12sa ospital.
19:13Wala pang pahayag
19:14ang tatlong sugatan
19:15matapos muntik
19:16mahagit ng sasakyan.
19:19Sa bahagi
19:20ng sumulong highway
19:21sa Antipolis City,
19:22mabigat
19:23ang trapiko
19:23sabado ng gabi.
19:25Nambiglang,
19:26sumulpot
19:27ang humaharurot
19:28na damtrak
19:28sa kabilang linya.
19:29At sa kainararo
19:34ang dalawang
19:35nasa unahang
19:36motorsiklo.
19:38Dead on the spot
19:40ang isang rider
19:41ng ride-hailing app.
19:42Napuruhan siya
19:43sa ulo.
19:45Ang isa naman
19:46naputulan
19:47ng dalawang paa.
19:48Sugatan
19:49ang kanyang angkas
19:50matapos tumilapon.
19:52Base sa investigasyon,
19:54nawala ng preno
19:54ang damtrak
19:55kaya nagdire-diretsyo
19:56sa pakurbang daan.
19:58Mayroong kasing
19:58passenger jeep
19:59na nakaparada.
20:01Nakahinto
20:01o nagsasakyan
20:02ang pasajero
20:03sa may
20:03outer lane
20:04ng Calcita.
20:06Kaya binilit
20:06nitong driver
20:08mahiwasan
20:08yung jeep na yun.
20:10Nasa kustudiya na
20:11ng pulisya
20:11ang truck driver
20:12na hindi nagpaunlak
20:14ng panayam.
20:15Desididong magsampa
20:16ng reklamo
20:16ang rider
20:17na naputulan
20:17ng paa.
20:18Gayun din
20:19ang pamilya
20:20ng nasa wing rider.
20:21Post-a-sya po.
20:23Mag-asahan nyo nga naman ako eh.
20:25Kakasawa ko po
20:25yung ano na
20:26ang rider.
20:27Para sa GMA
20:28Integrated News,
20:30ako,
20:30si EJ Gomez,
20:32ang inyong saksi.
20:34Mga kapuso,
20:35malakihan
20:36ang taas presyo
20:37sa ilang produktong
20:37petrolyo bukas.
20:39Piso at dalawampung sentimo
20:40ang dagdag singil
20:41sa kada litro
20:42ng diesel
20:42at gasolina.
20:44Wala namang pagalaw
20:45ang presyo ng kerosene
20:46dahil sa umiiral
20:46na price freeze
20:47mula na i-deklara
20:48ang state of national emergency
20:50bunsot ng paghagupit
20:52ng bagyong tino.
20:54Sugata na isang babae
20:55matapos mabagsakan ng drone
20:56sa People Power Monument
20:58sa Quezon City.
20:59Tinamaan sa ulo
21:00ang babae
21:01na isa po sa mga dumalo
21:02sa kilos protesta.
21:04Agad rumesponde
21:04ang mga tauhan
21:05ng Quezon City
21:06DRRMO
21:07at ng PNP
21:08para mabigyan siya
21:09ng lunas.
21:10Kirumpis ka naman
21:11ang drone.
21:12Wala pang kumpirmasyon
21:13mula sa QCPD
21:14kung sino
21:15ang may-ari ng drone.
21:16Dahil araw ng lunes
21:19mas matindi
21:20ang naging epekto
21:21sa dalay ng trapiko
21:22na ikalawang araw
21:23na protesta
21:23sa EDSA People Power Monument
21:25kung saan dumalong
21:26ilang politiko
21:27at retiradong sundalo.
21:29Saksi
21:29si Chino Gaston.
21:34Tanghali
21:35nagsimula ang programa
21:36na hindi natinag
21:37kahit ang bahagyang
21:38umulan
21:39dakong alas dos
21:40ng hapon.
21:40Bukod sa mga miyembro
21:42ng UPI
21:42na mga retiradong sundalo
21:44may mga dumaluring
21:45politiko.
21:47Ipinakita rin sa programa
21:48ang mga videos
21:49ni dating
21:50Kongresman Zaldico
21:51na nagdidiin
21:52sa papel umano
21:52ni Pangulong Bongbong Marcos
21:54at dating House Speaker
21:55Martin Romualdez
21:56sa katiwalian
21:57sa flood control projects.
22:00Hindi raw bibigyan
22:01dignidad ng Pangulo
22:02ang mga aligasyon ni Co
22:03habang si Romualdez
22:05naniniwalang walang bigat
22:06sa korte
22:07ang mga sinabi ni Co.
22:09Umaga palang
22:09tukod na ang trapiko
22:11sa northbound
22:11ng EDSA
22:12simula sa canto nito
22:13at ng White Plains Avenue
22:15hanggang sa EDSA
22:16Mandaluyong.
22:17Kinailangang paradahan
22:18ng isang lane
22:18ng EDSA
22:19ng service vehicles
22:20ng mga polis
22:21at iba pang bantay
22:22na seguridad.
22:23May rerouting din
22:24dahil sarado
22:25ang bahagi ng
22:26White Plains Avenue
22:27mula sa Corinthian Gardens
22:28hanggang EDSA.
22:30Mas matindi
22:30ang epekto sa trapiko
22:32ngayon
22:32kumpara sa unang araw
22:34ng bagtitipon dito
22:35ng United People's Initiative
22:37o UPI.
22:38Hindi maiwasan
22:39kasi nga
22:39today is Monday
22:41may pasok na
22:42yung mga tao natin
22:43kaya nga
22:44yung mayor natin
22:45nung una
22:45kinukombinsi namin
22:48na huwag na munang
22:49payagan
22:50umanap na lang
22:51na ibang araw
22:52pero nung nakita namin
22:54na mas magiging problema
22:55yung uuwi ito
22:56babalik pa ito
22:57tapos yung mga logistics
22:58nila maapektuhan
22:59binigyan na namin
23:00another permit
23:02for today.
23:03Para sa GMA Integrated News
23:05ako si Chino Gaston
23:06ng inyong saksi
23:07Tumugon
23:09ang Independent Commission
23:10for Infrastructure
23:11sa ilang kumukwestyon
23:12sa kanilang pagiging
23:14anila ay independent
23:15at transparent
23:15pinag-aaralan na rin
23:17daw nilang dumulog
23:17sa kworte
23:18para ipa-indirect
23:19contempt
23:19si dating
23:20Congressman Zaldi Koh
23:21saksi si Joseph Morong
23:23Matapos ilabas
23:28si dating Congressman
23:29Zaldi Koh
23:30ang mga video
23:30na nag-aaku sa akin
23:31na Pangulong Bongbong Marcos
23:33dating House Speaker
23:34Martin Romualde
23:35sa di ba bang matataas
23:36na opisyal
23:36haman ng Independent Commission
23:38for Infrastructure
23:39kay Kof
23:39tumistigo na siya
23:40sa komisyon
23:41we've been inviting him
23:42right
23:43so the fact that
23:44we've been inviting him
23:45we want to know
23:46his statements
23:48under oath
23:49before the commission
23:50kasi malaking bagay yun
23:52kailangan talaga
23:53nandito sila
23:53in person
23:54testifying under oath
23:56para maging credible
23:57ang kanilang testimony
23:58Dalawang beses na
24:00na ipinasapina
24:01ng ICI
24:01si dating Congressman
24:02Zaldi Koh
24:03pinakahuli para
24:04noong November 11
24:06pero ayon sa ICI
24:07hindi raw tinanggap
24:08ang sapina
24:09sa pinagdala nito
24:10pagdidesisyon na na
24:11ng komisyon
24:12kung dudulog na sila
24:13sa Regional Trial Court
24:14para ipa-indirect
24:15contempt si Koh
24:16Wala pang pahayag
24:18si Koh
24:18ukol sa hamon
24:19ng ICI
24:20ayon sa ICI
24:21sa ngayon
24:22hindi nila magagamit
24:23na ebidensya
24:23ang mga video
24:24ni Koh
24:25The videos come in
24:26alam niyo
24:27sa under the rules
24:28of evidence
24:29pagka video yan
24:30kailangan dyan
24:31untampered
24:32diba
24:32pere-diretsyo
24:33plus the fact
24:34that there's also
24:35a requirement
24:35under the rules
24:36of court
24:37on rules of evidence
24:38that the person
24:39taking that video
24:40should verify
24:43in fact
24:44validate
24:45this video
24:46Kanina
24:47harap dapat
24:48sa ICI
24:48si dating DPWH
24:50under Secretary
24:50Roberto Bernardo
24:51sa halip
24:52nagsumiti siya
24:53ng supplemental
24:53affidavit
24:54na kapareho
24:55nang ibinigay niya
24:56sa Senado
24:56Confidential
24:57ang kopyang
24:58ibinigay
24:59sa ICI
24:59dahil ginagamit
25:00ito ni Bernardo
25:01sa aplikasyon niya
25:02para maging
25:03state witness
25:03Dahil din dito
25:05hindi na maiimbitahan
25:06ng ICI
25:06si Bernardo
25:07bagaman gagamitin
25:08ng komisyon
25:09ng affidavit
25:10sa kanilang
25:10investigasyon
25:11at mga
25:12referrals
25:12sa ombudsman
25:13sa nakaraang
25:14pagdinig
25:14ng Senado
25:15kabilang
25:15sa mga
25:16idiniin
25:16Bernardo
25:17sa anomalya
25:18sa flood
25:18control
25:18projects
25:19ang pitong
25:20dati
25:20at kasulukuyang
25:21senador
25:21Ayon
25:22kay ombudsman
25:23Jesus Crispin
25:24Remulia
25:24lahat ng nabanggit
25:25sa affidavit
25:26ni Bernardo
25:26iniimbestigahan
25:28naano nang itinanggi
25:29ng mga nabanggit
25:30ni Bernardo
25:30ang kanyang
25:31mga aligasyon
25:32ang ginagawang
25:33investigasyon
25:34ng ICI
25:34kasama sa mga
25:35binanggit
25:36ng ilang
25:36personalidad
25:37sa kilus potesta
25:38ng Iglesia
25:39ni Cristo
25:39sa Quirino
25:40Grandstand
25:41ginawa po
25:42ang tinatawag
25:43na ICI
25:45tinatanong ko po
25:46paano naging
25:47independent
25:47ang ginawa nilang ito
25:50samantalang sila po
25:52ay humihingi
25:53ng tulong
25:54sa House of Representatives
25:55humihingi ng
25:57informasyon
25:57sa Senado
25:58humihingi ng
25:59informasyon
26:00sa Sandigan Bayan
26:01sa mga korte
26:02at sa lahat
26:04ng mga opisina
26:06ng ating pamahala
26:06hindi siya
26:08independent
26:09tuntunin
26:11at pangalanan
26:12ang mga sangkot
26:14lalo na
26:17ang utak
26:19ng katiwalian
26:20sagot dyan
26:21ng komisyon
26:22ang aming
26:23being transparent
26:24is shown
26:25through our actions
26:26meaning nakita naman ninyo
26:28yung aming mga referans
26:29we already
26:30included there
26:32several high ranking officials
26:33kung anong
26:34ebedensyang meron kami
26:35at ito'y tumuturo
26:37to any
26:39individual
26:40who may be
26:40responsible
26:41on these
26:43anomalous
26:44projects
26:45then we will
26:45include them
26:46in our
26:46referans
26:47for possible
26:48filing of charges
26:49by the
26:49Ombudsman
26:50Para sa GMA
26:51Integrated News
26:52ako si Joseph Morong
26:53ang inyong saksi
26:54Sa gitna ng
26:57kabikabilang protesta
26:58kwenestyo ni
26:58Vice President
26:59Sara Duterte
27:00kung paano
27:00hinaharap
27:01ng administrasyon
27:02ang mga
27:02imbisigasyon
27:03sa isyo ng
27:04korupsyon
27:04Anya nahaharap
27:06sa crisis of
27:07confidence
27:07ang Pangulo
27:08Ang sagot
27:09naman ng
27:09Palacio
27:10Huwag magmalinis
27:11ang hindi
27:12malinis
27:13Saksi
27:14si Marisol
27:15Abduramaan
27:15The President
27:20now faces
27:20a profound
27:21crisis
27:22of confidence
27:23especially
27:24in the way
27:24these corruption
27:25investigations
27:26are being handled
27:27which appear
27:28to lack
27:28both direction
27:29and resolve
27:30We also
27:31seek clear
27:31answers
27:32on how
27:32a budget
27:33that deprived
27:34Filipinos
27:35of billions
27:36and billions
27:36of pesos
27:37was approved
27:38under his watch
27:39Ito
27:40ang pahayag
27:40ni Vice President
27:41Sara Duterte
27:42sa gitna
27:43ng kaliwakan
27:44ng potes
27:44sa kontra
27:45korupsyon
27:45karapatan
27:46daw ng mga
27:47mamamayan
27:47na magpahayag
27:48ng kanilang
27:49salo o binaban
27:50sa pamahalaan
27:50Kaisa ako
27:52ng milyong
27:53milyong
27:53Pilipino
27:54na dismaya
27:55at nandidiri
27:56sa pamahalaang
27:57nulong
27:57sa inseguridad
27:58at walang
27:59kabusugang
28:00kasakinan
28:01Ang karapatan
28:02nating magsalita
28:04at magpahayag
28:05ang sandigan
28:06ng demofrasya
28:07Dapat itong
28:08pakinggan
28:09ng pamahalaan
28:10hindi
28:11para isang tabi
28:13at baliwalain
28:14lamang
28:14We Filipinos
28:16deserve
28:17better
28:18Inungkat din
28:19muli ng
28:20busy ang kanya
28:20raw karanasan
28:21sa muna
28:22ginawang
28:22pagmanipula
28:23ng House
28:24of Representatives
28:25sa budget
28:26ng Department
28:26of Education
28:27noong kalihim
28:28pa siya nito
28:29Sa halip na sundin
28:30ang isahan
28:30ng DepEd
28:31upang matugunan
28:32ang malalang
28:33kakulangan
28:33sa classrooms
28:34misulang
28:35ginawang
28:36pork barrel
28:36ang pondong
28:37na kalaan
28:38para sa kabataang
28:39Pilipino
28:40at pinaghati-hatian
28:42ng mga
28:43kongresistang
28:44malapit
28:44sa mga
28:45makapangyarihan
28:46Pinili kong
28:47huwag sumalik
28:48sa panggagago
28:49sa taong bayan
28:50Sa aking pagbitiw
28:52bilang kalihim
28:53ng DepEd
28:53ininda ko
28:54ang kalibatkanan
28:55na atake
28:56kasama na
28:57ang impeachment
28:58para lamang
28:59mapagtakpan nila
29:00ang katiwalian
29:01sa 2025 budget
29:03Sabi naman
29:04ni Palace Press
29:05Press Officer
29:05Undersecretary
29:06Claire Castro
29:07Ang pangulo
29:07uulit-ulitin natin
29:09na siya po
29:09ang nagpaumpisa
29:10ng pag-iimbestigan
29:11na ito
29:12Noon pa po
29:13ay marami
29:14ng anomalya
29:15Since 2020
29:16sinabi na po natin
29:18na marami
29:18na po
29:19ghost projects
29:20pero wala po
29:21ganitong klaseng
29:22pag-iimbestigan
29:23nangyari
29:23Kung sino man
29:24yung nagsasabing
29:25walang klaseng
29:25confidence
29:26siguro siya po
29:27ang mismo
29:27ang maglahad
29:29kung mayroon siyang
29:30nakakaharap
29:32na anomalya
29:33huwag magmalinis
29:34ang hindi malinis
29:35at huwag magpapabayani
29:36ang hindi bayani
29:37Para sa GMA Integrated News
29:40Marisol Abduramal
29:42ang inyong saksi
29:43Binigang parangal
29:45ng malabon
29:46ang mga natatangi
29:46indibidwal
29:47na nag-ambag
29:48sa pag-unlad
29:49at nagbigay ng karangalan
29:50sa lungsod
29:51At kabilang po
29:52sa mga kinilala
29:53si GMA Network
29:54Incorporated Chairman
29:55Atty. Felipe L. Gozon
29:58Saksi
29:59si Jimmy Santos
30:00Tumanggap ng Malabon
30:05Medal Badge Lifetime Award
30:07bilang Most Outstanding
30:09Citizen of Malabon
30:10si GMA Network
30:12Incorporated Chairman
30:13Atty. Felipe L. Gozon
30:15Para kay Atty. Gozon
30:17isa raw malaking karangalan
30:18ang natanggap niyang pagkilala
30:20Sa kanyang talumpati
30:22sinariwan ni Atty.
30:23Atty. Gozon
30:23ang kanyang kabataan
30:25At kahit hindi na raw siya
30:27nakatira sa Malabon
30:28nananatili
30:29ni Anya
30:29ang kanyang puso
30:30para sa lungsod
30:31Dahil ang team
30:33eh parangal
30:36sa mga nakaraan
30:37o gunitain natin
30:39ang nakaraan
30:40I would like to say
30:42that I am proud
30:45that I studied
30:46in Malabon Elementary School
30:47during my primary grades
30:50that was a very
30:52very long time ago
30:54that I learned
30:56how to swim
30:57in Malabon River
30:59when it was
31:00not yet polluted
31:02and that I spent
31:04my early
31:05formative years
31:07in Malabon
31:08Kasama niya
31:09sa pagtanggap
31:10ng parangal
31:11ang kanyang mga kapatid
31:12na si Carolina
31:13Gozon Jimenez
31:14pati si Florencia
31:16Gozon Tariela
31:17na nauna
31:18ng ginawara
31:18ng dangal
31:19ng Malabon Award
31:20Ayon sa Kasama Incorporated
31:22na nag-organisa
31:23ng event
31:24kinilala si
31:25Atty. Gozon
31:26dahil sa kanyang
31:27matatag na paninindigan
31:28sa katotohanan
31:30at pagsusulong
31:31ng responsabling
31:32pamamahayag
31:33sa pamamagitan
31:33ng pamumuno
31:34ng GMA Network
31:35Incorporated
31:36Pinarangalan din
31:38ang iba pang personalidad
31:39mula sa sining
31:40akademia
31:41negosyo
31:41at servisyo publiko
31:42Ito po nga
31:43pagbibigay
31:44ng ating
31:45gintong parangal
31:47ay hindi lamang po
31:48para sa kanila
31:49kundi para sa bawat
31:51malabwenyong
31:52nangangarap
31:53nagbibigay ng
31:55masigasig
31:55na pagmamalasakit
31:57at karunungan
31:59kagalingan
32:00Para sa GMA
32:02Integrated News
32:03ako si Jamie Santos
32:05ang inyong saksi
32:06Sumabok!
32:08Sumabok!
32:09Oo nga
32:09ano yung sumabok?
32:10Makapal na usok
32:11ang bumungad
32:11sa bahagi ito
32:12ng Dagupan City
32:13kasunod po yan
32:14ang pagsabog
32:14na iligal na paggawaan
32:15ng mga paputok
32:16Lima ang sugatan
32:18at nasira rin
32:19ang ilang gamit
32:19ng mga bahay
32:20malapit sa paggawaan
32:21Sinusubukan pa po namin
32:23makuha ang panig
32:24ng may-ari
32:24ng naturang paggawaan
32:25Tuloy ang
32:27investigasyon
32:28Mari'ing pinabulaanan
32:30ng developer
32:31ng Monterazas de Cebu
32:32ang mga paratang
32:33laban sa kanilang
32:34high-end residential project
32:35na sinisisi
32:36sa pagbaha sa Cebu
32:38Sa isang pahayag
32:39sinabi nito
32:40ang hindi totoong
32:40nagputol sila
32:41ng pitong daang puno
32:43At base rao sa isinimiteng
32:45Environmental Impact Statement
32:46sa DNR
32:47na babalot
32:49ng mga damo
32:50palumpong
32:50at maliliit na halaman
32:52ang lugar
32:52kung saan itinayo
32:53ang proyekto
32:54Binigyang diindi nila
32:56na ang proyektong
32:57nasa Barangay Guadalupe
32:58sa Cebu City
32:59ay malayo
33:00sa Lilowat
33:01Mandawe
33:02at Talisay
33:03na nakaranas
33:04ng matinding pagbaha
33:05Kaunay naman
33:07sa inilagay nilang
33:07retention pond
33:08kung saan iniipon
33:09ng tubig ulan
33:10mas mataas
33:11ng 51% raw
33:13ang kapasidad nito
33:14kumpara sa requirement
33:16ng DENR
33:17Nagsanipwesa na
33:26ang mga brilyante
33:27ng lupa
33:27tubig
33:28apoy
33:29at hangin
33:29sa episode ngayong gabi
33:31ng Encantadio Chronicles
33:32Sangre
33:33Hawak naman ito
33:34ni Sangre Tera
33:35na nagkaroon
33:36ng pangmalakasang
33:37transformation
33:38Tatapusin ko na
33:44ang kasamaan mo
33:45Mitena!
33:51Abangan
33:51sa mga susunod na episode
33:53kung tuluyan
33:54ang habang
33:54matatalo
33:55si Kera Mitena
33:59Para po sa mga
34:04mahilig sa adventure
34:05at magandang tanawin
34:06may mahaba
34:07at nakakalulang
34:08hanging bridge
34:09sa mountain province
34:11At sa Ilocos 2 naman
34:12may waterfalls
34:13na 4 in 1
34:14makibiyaheng saksi
34:17kay Sandy Salvation
34:18ng JMA Regional TV
34:20Kaakit-akit na ganda
34:27ng kalikasan
34:28ang binabalik-balikan
34:29ng mga turista
34:30sa Salcedo
34:31Ilocosur
34:32yan ang
34:33Kinmarin Falls
34:34na tinagoy ang
34:35Majestic 4 in 1 Falls
34:37may apat kasi itong
34:38waterfalls
34:39at nanggagaling
34:40ang tubig
34:40mula sa iba't ibang
34:41parte ng kabunduka
34:43ng Cordillera
34:44patok din itong
34:45pasyalan
34:45ng mga mahilig
34:46mag-hide
34:47Mula Ilocosur
34:48Tara na
34:49sa La Union
34:50Malaparaiso
34:51ang Imuki Island
34:53na dinarayon
34:53ng mga turista
34:54sa Bayan ng Balawan
34:56Bubungad sa inyo
34:57ang mga bakawan
34:58na napapalibutan
34:59ng napakalinaw na tubig
35:01Magtampisaw all you want
35:03dahil ang tubig
35:04hindi lang malinis
35:06Presco rin
35:07May mga bangka sa paligid
35:08para maikot
35:09ang puong isla
35:10kung saan tanaw mo rin
35:12ang West Philippine Sea
35:13Kung refreshing na tubig
35:15ang handog
35:15ng La Union
35:16Humanda namang Malula
35:21sa Hanging Bridge
35:22sa Sadanga
35:23Mountain Province
35:24Kitang-kita mo
35:25ang luntiang tanawin
35:26mula sa Nabenggan Bridge
35:28na may haba
35:29na 320 meters
35:30at taas
35:31na 180 meters
35:33Tinatawag din itong
35:35The Peace Bridge
35:36na nauugnay
35:37sa apat na liblib
35:38na barangay
35:38sa Sadanga
35:39Para sa GMA Integrated News
35:41ako si Sandy Salvation
35:43ng GMA Regional TV
35:44ang inyong saksi
35:45Salamat po sa inyong pagsaksi
35:49Ako po si Pia Arcangel
35:51para sa mas malaki misyon
35:52at sa mas malawak
35:54na paglilingkod
35:55sa bayan
35:56Mula sa GMA Integrated News
35:58ang news authority
35:59ng Filipino
36:00Hanggang bukas
36:02sama-sama po tayong
36:03magiging
36:04Saksi
36:05Mga kapuso
36:10maging una sa saksi
36:12Mag-subscribe sa GMA Integrated News
36:14sa YouTube
36:14para sa ibat-ibang balita
36:16Mula sa GMA Integrated News
36:19Mula sa GMA
36:20Mula sa GMA
36:22Mula sa GMA
Recommended
33:25
32:16
38:30
37:34
37:33
27:13
36:34
24:51
34:09
23:17
40:32
35:49
39:37
34:36
39:27
29:39
24:11
27:03
27:06
32:42
Be the first to comment