- 1 year ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging Saksi!
00:14Binayo ng malalakas na ulan at hangin ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Bagyong Opong.
00:206 na beses itong nag-landfall.
00:22Una, sa San Policarpo Eastern Summer, alas 11.30 kagabi.
00:27Sumunod naman sa Palanas at Milagros Masbate.
00:30Alas 8 na umaga naman kanina na mag-landfall ang bagyo sa San Fernando Romblo.
00:35Sunod nitong tinumbok ang bayan ng Alcantara.
00:38At pinakahuli na nag-landfall sa Mansalay Oriental Mindoro, pasado las 11, imedya na umaga.
00:44At dahil po sa bagyo, nabuwal ang mga puno at nagliparan ang mga babo.
00:47At mula sa Calapan City, saksila si Bea Pinla.
00:53Bea?
00:56Pia, pabugso-bugso pa rin ang hangin dito sa Oriental Mindoro.
01:01Ilang oras matapos bayuhin ng Bagyong Opong ang probinsya.
01:10Tila nililipad ang mga alon.
01:14At mga puno sa lakas ng hangin at ulan sa Rokas Oriental Mindoro kaninang umaga.
01:19Sa lakas nito, halos mag-zero visibility sa baybayin.
01:24Natumba pa ang ilang puno.
01:25Opo tako! Sobrang lakas po ayan!
01:29Binayo rin ang malakas na hangin ng barangay Lucio Laurea sa bayan ng Gloria.
01:34Bukod sa ilang debris, may lumipad ding bubong ng bahay.
01:40Sa bayan ng Mansalay kung saan nag-landfall sa ika-anim na beses ang Bagyong Opong,
01:45malakas na hangin din ang naranasan sa barangay Bidel Mundo.
01:48Nagmistulang ilog naman ang isang kalsada sa Sityo Kawakat, Barangay Kambunang sa bayan ng Bulalakaw dahil sa taas ng baha.
01:57Pansamantala itong hindi madadaanan ng mga motorista.
02:00Sa bayan ng Bako, namataan sa di kalayuan ang tila na mumuong ulap.
02:08Paglapit nito sa kumukuha ng video, nagdilim ang paligid at may mga debris na nililipad ng hangin kasabay ng ulan.
02:16Ilang bahay sa bayan ang nawala ng bubong dahil umano sa buhawing dumaan sa lugar.
02:21May mga natumbaring puno kaya pahirapan ang pagdaan ng ilang motorista.
02:25Nag-ikot naman ang mga otoridad nang tumama ang bagyo para kumbinsihin ang ibang residente na lumikas.
02:31May inintay pa kong apon. Sam-sama kami.
02:35Kaya mahirap din naman iwanan yung isa.
02:37Napapago din pagdapa, takbo-takbo ka pa, alis-alis sa bahay.
02:44Ano lang magagawa.
02:45Kailangan pong monitor namin po ang aming bangga po hanggat-hanggat medyo hindi po nalaki po ang tubig.
02:51Humambalang at nagkalat sa ilang kalsada ang mga dahon at putol na sanga ng mga puno.
02:56Isang lalaki pa ang nasugatan ng mabagsakan ng puno.
02:59Ayon sa mga otoridad, mahigit labing apat na libo ang apektado ng bagyo sa Oriental Mindoro.
03:05Wala rin biyahe ang mga barko sa ilang pantalan.
03:08Kaya stranded ang halos dalawandaang rolling cargos at iba pang sasakyan.
03:12So hopefully Sabado ng gabi, makapag-resume tayo ang pinakamatagal siguro linggo ng umaga.
03:22Bukod sa Oriental Mindoro, binayo rin ng malakas na ulan at hangin ang rumblon.
03:27Pia, mula signal number 3 kanina, binaba na sa signal number 1 ang Oriental Mindoro.
03:37Kung mapapansin nyo, dito sa Port of Calapan, tahimik yung sitwasyon dahil hindi pwedeng manatili dito yung mga stranded passengers.
03:45Dahil nga, under signal number 1, ay meron pa rin banta ng daluyo.
03:50Live mula rito sa Calapan, Mindoro, mula sa GMA Integrated News, ako si Bea Penlac, ang inyong saksi.
03:58Kansiladong biyahe sa Batangas Port dahil sa Bagyong Opong, kaya halos 6 na raang pasahero ang stranded.
04:05At ang ilang taga-agoncilio Batangas naman, pilit na isinalbah ang kanilang kabuhayan habang kalaban ang malalakas na alon.
04:14Saksi, si Oscar Oida.
04:16Nagkukumahog sa pagsalba ng kanilang kabuhayan, ang mga taga-barangay Subic Ilaya ng abutan ko kanina.
04:27Sinoong nila ang malalakas na hangin at nangalit na mga alon na bumayo sa Agoncilio Batangas.
04:34Kung tutusin, maagang inilikas ang mga taga rito, pero may mga dinapigilang magpaiwan.
04:40Inaayos po nila yung mga paraw po doon na may naman na tilapya.
04:46Dahil yung iba nga po nadala na dito sa tabi yung iba, nadala na ho ng alon.
04:50Parang nilalagyan po, lalo nila ng pampatibay.
04:53Mulaan nila na magka-landslide sa lugar dahil sa Bagyong Christine, noong 2024 ay naging bahay na ang lugar.
05:01Kung tutusin, may nasimula na umunong flood control project sa lugar, pero naudlot kamakailan.
05:07Ang hindi nga eh, kasi nga yung contractor noong area na yun ay sa Tiskaya, family din.
05:15Kaya na-revoke na yung license nila, ano na yung kontrata, so napatigil yung project.
05:25Problema rin ang baha sa barangay Bilibinuang sa Agoncilio, kaya gumamit na ng backhoe sa paglilikas.
05:32Habang sa Lemery, Batangas, binaha ang main highway dahil sa ulan bandang umaga na humupa rin kinahapunan.
05:42Pero hindi humupa ang epekto sa mga biyahero.
05:46Si Mang Jerry Pereda, mangyak-ngyak ng makausap ko sa Batangas Passenger Terminal dahil Merkurilas pa-stranded dito.
05:55Sa gitna ito ng pagluluksa para sa yumaong kapatid na nakaburol sa kanilang probinsya sa Oriental Mindoro.
06:02Medyo naiinipo kasi gusto ko na rin makarating sa amit, buwan ng patayong kapatid ko.
06:09Tsaka yung anak ko ngayon nasa ospital, kaya gusto ko na makarating.
06:15Isa lang si Mang Jerry sa halos 6 na raang stranded sa Batangas Port.
06:21Marami sa kanila ang sa mga upuan na ng terminal na tutulog.
06:26May pakain naman ang Batangas Port at DSWT at marami ring stalls na makakainan.
06:33May charging stations din, pero sadyaan nilang nakakabagot.
06:37So maaring dito sa lupa, sa atin dito, maayos ang panahon.
06:42Pero pagdating nila sa gitna ng karagatan, dun minsan nagkakaroon ng malaking dala ng hangin at ulan.
06:52So maaring hindi natin pwedeng i-compromise ang safety ng mga pasahero.
06:57Magdala po sila ng maraming pasensya at matatapos din po ito.
07:00Bukod sa mga stranded na pasahero, nasa 110 ding sasakyang dapat mabiyahe ang natingga dito sa Batangas Port.
07:09Sa probinsya ng Laguna, umapaw na sa kalsada ang tubig ng Laguna de Bay sa bayan ng Kabuyaw.
07:16Sa bayan naman ng bae, pumasok na rin sa mga kalsada at bahay ang tubig lawa.
07:22Gata'y deep naman ang baha sa boundary ng Las Piñas at Bacoor, Cavite, bunsod ng malakas na ulan.
07:31Buti na lang at agad tumigil ang ulan kaya hindi na binaha ang Zapote Road.
07:36Nakadalas ang binabaha tuwing may bagyo o masama ang panahon.
07:41Nagbabantay rin ang mga tauha ng barangay Longo sa Bacoor.
07:45Kagabi pa lang, pinuntahan na ang mga lugar na nasa tabing dagat.
07:50Kanina, nag-ikot muli sila sa coastal area.
07:54Habang wala pa po ang bagyo ay magsilikas at magtumunan po tayo sa pinakamalapit na evacuation centers.
08:01Sinabi na po namin sa kanila yan na huwag nyo nang antay na andyan na tapos siyempre pare-pareho tayong mahihirapan.
08:08At nandyan naman po mayroon naman po tayong pwedeng pag-stay yan.
08:12Para sa GMA Integrated News, Oscar Oydang inyong saksi!
08:22Nakikipag-ugnayan ng Justice Department sa Interpol para sa paghanap kay Ako Bicol Partylist Representative Zaldico.
08:29Tinayak naman ni Congressman ko sa kamera na uuwi siya sa bansa at haharapin ang mga aligasyon laban sa kanya.
08:37Saksi, si Tina Panginiban Perez.
08:42Sa sulit ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldico kay House Speaker Faustino D. III.
08:49Tinayak niyang babalik siya sa Pilipinas para sagutin ang mga aligasyon laban sa kanya kaugnay sa anomalya sa mga flood control project.
08:57Haharapin daw niya ang mga akusasyon sa tamang forum.
09:00Pero nangangamba raw si Ko kung ano ang naghihintay sa kanya pagbalik sa Pilipinas dahil nahusgahan na raw siya ng publiko at midi kasunod ng pagkansila sa kanyang travel clearance nang hindi man lang daw siya hinihinga ng paliwanag at kahit wala pang reklamong inihahain laban sa kanya.
09:18Matatanda ang nag-leave si Ko nang uminit ang isyo sa mga budget insertions para raw magpagamot sa Amerika.
09:25Pero ang travel authority niya para rito, kinansila ng maupo bilang speaker si D.
09:31Ang Department of Justice, kinukumpirma pa raw ang ulak na wala na sa Amerika si Ko at ngayon ay nasa Spain na.
09:39Nag-a-apply na ang DOJ para sa Interpol Blue Notice laban kay Ko.
09:44Interpol is being notified that they are subjects of an investigation, of criminal investigation.
09:48As a European, Spain or France, a lot of text messages are coming in that he's in France.
09:55Sa kanyang sulat, uginiit ni Ko na wala siyang tinanggap na pondong konektado sa mga proyekto ng DPWH.
10:03Pinabulaanan din niya ang aligasyon na mag-isa siyang gumawa ng budget insertions sa 2025 national budget.
10:10Hindi raw ito totoo dahil aprobado naman ang Senado at Camera at May Cameral Report na sumunod-umano sa proseso.
10:18Hindi rin daw totoo ang bintang na humingi siya ng fish import allocations para sa ZZ Victory Fish Incorporation.
10:26Wala raw siyang kinalaman sa naturang kumpanya at hindi raw Zaldico ang ibig sabihin ng ZZ, kundi Zamboanga City.
10:33Pati ang aligasyong pag-aari niya ang eroplanong naghatid kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, the Netherlands, pinabulaanan niya.
10:43Pumaasa si Ko na pagbalik niya sa Pilipinas, bibigyan siya ng due process at matitiyak ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.
10:50May hanggang September 29 si Representative Elizalde Ko na bumalik sa bansa. Alinsunod ito sa direktiba ng speaker.
11:00Kung hindi siya makakabalik sa nasabing pecha, babala ng speaker. Mahaharap si Ko sa disiplinary at legal actions.
11:08Sabi pa ni Di, hindi naman prejudgment kay Ko ang pagbawi sa travel clearance nito, kundi oportunidad para direktang harapin ni Ko ang mga aligasyon sa tamang forum.
11:19Tiniyak pa ng speaker na kung babalik nga sa bansa si Ko, makikipag-ungnayan ang kamera sa mga otoridad para masiguro ang kaligtasan niya at kanyang pamilya.
11:29Sakaling hindi umuwi sa takdang pecha si Ko, sabi ng Malacanang, maaari raw humingi ang Department of Justice ng Blue Notice mula sa International Police o Interpol.
11:40Ito ay para sa pagkalap ng karagdagang impormasyon sa pagkakakilanlan, lokasyon o aktividad ng isang tao kaugnay ng isang criminal investigation.
11:52Maaari din naman po maghiling ang DOJ ng Blue Notice at dahil nagsisimula na rin po silang mag-imbestiga.
11:58Pero bilang courtesy po sa Senado, mas nanaisip po nila na mauna po ang Senado kumilas dito.
12:04Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez ang inyong saksi.
12:09Ilalaan po sa mga proyekto ng DSWD ang pondong tinanggal sa mga flood control project.
12:16Nagkakahalaga ito ng 36 na bilyong piso.
12:20Saksi, si Ivan Mayrina.
12:24Kasabay ng pagbuo ng komisyon nag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects.
12:29Pinakansila rin ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng flood control projects para sa taong 2026.
12:34Sa matitipid na pondong 195 bilyon pesos ayon sa Pangulo.
12:3936 bilyon ang ililipat sa DSWD.
12:43Inanunso ng Pangulo yan sa harap ng mga nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Programa for Peace na kinilala sa Malacan niya kanina.
12:49Ilalaan natin sa mga programa ng DSWD.
12:55Kasama na rito ang tinatawag na Assistance to Individuals in Crisis Situations o ang pagkakilala ng karamihan ay yung AX at saka yung Sustainable Livelihood Program.
13:09Bukod sa AX, ilalaan din ang programa para sa mga dating rebelding nagbabalik loob sa pamahalaan.
13:15Palalawakin din daw ang 4Ps para mas marami ang makinabang.
13:19Kauday nito, pinag-aaralan ng pag-ambiyanda sa programa tulad ang pagtatanggal sa 7 taong limit na mapasailalim sa programa.
13:25Ang pagsaklaw sa mga edad 0 hanggang 3 years old at pagsama sa sektor ng pabahay sa Advisory Council.
13:31Mas mabuti po at mas gugusoyin po ng pamahalaan na ang karamihan po sana na naging bilipisyaryo ng 4Ps ay makagraduate.
13:41Dahil ibig sabihin po noon ay umaangat ang kanilang buhay.
13:44Bukod sa mga karaniwang ayuda tulad ng Family Food Packs at Health Kits gula sa DSWD,
13:49namigay ang Pangulo nanting 3,000 pesos sa Fuel Subsidy Card sa halos 300 farmer beneficiaries sa La Union, may pinamahagi ring fertilizer at mga binhi.
13:58Kaya po, nakapag-savings po tayo dahil marami kaming nakita na project na hindi talaga tumutugon doon sa problema at saka may mga ghost project pa at saka yung pagkagawa.
14:10Kaya tinigil ko lahat yan para matiyak natin na tama naman ang paggamit ng pera ninyo dahil pera ninyo ito.
14:19In-anunsyo naman ang House Appropriations Committee na maglalaka ng 12.3 billion pesos para sa full implementation ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
14:30Para sa GMA Integrated News, Iban Mayrina ang inyong saksi.
14:34Posible na lumakas po ulit ang bagyong opong habang papalayo sa bansa.
14:38Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Kanlurang bahagi ng Batangas, Occidental Mindoro at Calamian Islands.
14:44Signal number 1 naman sa Metro Manila, Pangasinan, Timog na bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at iba pang bahagi ng Batangas.
15:01Ganyan din po sa Quezon, Kanlurang bahagi ng Camarines Norte, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro at hilagang bahagi ng Palawan kasama na ang Puyo Islands.
15:11Signal number 1 din sa Aklan, sa hilagang bahagi ng Antique kasama ang Kaluya Islands at Kanlurang bahagi ng Capis.
15:19Huling na mataan ang bagyo, 235 kilometers, Kanlura ng Calapan City, Oriental Mindoro.
15:27At basa sa forecast track ng pag-asa, inaasang lalakas pa ang bagyong opong habang binabaybay ang West Philippine Sea.
15:35At bukas ng umaga at tanghali, posible lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
15:39Hindi pa man tuloy yung nakakaalis ng PAR ang bagyo, isang bagong cloud cluster o kumpol ng mga ulap ang binabantayan sa silangan ng bansa.
15:48Ang sa pag-asa, unti-unti itong papasok sa PAR at posible magpaulan sa mga susunod na araw.
15:54Sa ngayon, bagyong opong at ang pinalalakas itong habagat ang naka-aapekto sa bansa.
15:59Basa sa datos ng Metro Weather, unti-unting mababawasan ang malawakang pag-ulan.
16:04Pero pagdating ng hapon, posible ang kalat-kalat na ulan sa Ilocos Region, Central at Southern Luzon.
16:10Bicol Region, ilang bahagi ng Visayas, Caraga at Davao Region.
16:15At sa linggo, mataas ang chance ng ulan sa bandang hapon at posible ang malalakas na ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
16:23May mga kalat-kalat din pag-ulan sa Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.
16:28Posible rin maging maula ng weekend dito sa Metro Manila.
16:34Wasak ang isang taksi matapos mabagsakan ng nabuwal na puno sa Quezon City.
16:39Dahil po yan sa lakas ng hanging dalaan ng bagyong opong saksi.
16:43Si Sandra Ginaldo.
16:47Sa Baseco sa Maynila, na isa sa mga binabantayan ng local government
16:52at dahil sa dami ng residente sa tabig dagat, parang ordinaryong araw lang.
16:58Halos buong maghapong makulimliman langit, may kalakasan ng hangin.
17:03Kaya marami ang naglilibang sa Baseco Beach.
17:07Pero ang lokal na pamahalaan, naghahanda sa mga posibleng pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha.
17:14Si Manila Mayor Isco Moreno, nakipagpulong sa City Risk Reduction Management Office.
17:19Handa na raw ang kanila mga evacuation center, pagkain at inumin para sa mga lilikas at mga gamit pang rescue.
17:28Tiniyak ng LGU na gumagana lahat ng pumping station,
17:32maliban daw sa sunog-apog pumping station na iniimbestigahan sa posibleng anomalya.
17:3724 pumping station in the north of Manila and 14 in the south of Manila.
17:43Lahat naman na gumagana.
17:44Sa dam ka naman na di-batteryang pumping station.
17:48Huwag kayong magalala, may bateriya.
17:51Nag-setup din ang mobile pump ang MMDA sa Ross Boulevard
17:55para mailabas ang tubig mula sa mga drainage patungo sa Manila Bay.
17:59Ito po ay isang mobile pump na may capacity ng 1 cubic meter per second.
18:07Ang isa pong ganito ay kayang magpuno ng isa't kalahating Olympic-sized swimming pool sa loob ng isang oras.
18:18May sampu kang ganito para kang may isang pumping station.
18:21Alam ni Mang Tomas na may paparating na bagyo.
18:27Pero ang pinagahandaan niya, hindi ang hagupit ng alon, kundi ang kalam ng kanyang sikmura.
18:34Kaya hinango na niya ang ginawa niyang uling para maibenta na.
18:39Wala pa raw sa kalahati ang maisasalba niya bago dumating ang bagyo.
18:43Sa Cubao, Quezon City, nabagsakan ng nabuwal na puno ang isang nakaparad ng taxi.
18:56Wasak ang bubong at pinto ng sasakyan.
18:59Pero ligtas naman ang driver nito.
19:01Agad ding pinutol at inalis ang humambalang na puno at nasirang taxi sa kalsada.
19:06Basta nung nakatayo ako doon sa tabi ng taxi ko, nabibiglang lumagasan na puno.
19:13Mga pagitan nito, isang dangka lang sa ulo ko.
19:15Nai-report na raw ng driver sa kanyang operator ang nangyari.
19:19Ayon sa pamunuan ng Araneta City, nabuwal ang puno dahil sa malakas na hangin dala ng bagyong opong.
19:25Anila walang nasaktan sa insidente at nagpaabot na sila ng tulong sa taxi driver para mapaayos ang kanyang sasakyan.
19:33Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo ang inyong saksi.
19:39May mga nasirang bahay sa Bicol Region dahil sa paghagupit ng bagyong opong.
19:43Tatlo ang naitalang nasawi sa masbate.
19:46Saksi si JP Siriano.
19:54Bago pa mag-landfall sa lalawigan ng masbate ang bagyong opong,
19:58Ganito na kalakas ang ulan at hanging dala nito sa masbate city mula hating gabi hanggang kaninang madaling araw.
20:09Nang magliwanag, humambalang sa ilang kalsada ang mga natumbang poste at nilipad na yero.
20:17Pati mga nabuwal na puno.
20:19May mga nasira rin bahay at establesyemento.
20:23Nawala ng kuryente ang lunson, pero normal ang linya ng komunikasyon.
20:27Sa bayan ng batuan, matinding pinsala ang tinamo ng simbahang ito.
20:33Bumagsak ang kisame ng Parish of Immaculate Conception at tinamaan ang mga evacuees sa loob.
20:40Inaalam ba kung ilan sa kanila ang nasugatan?
20:46Malalakas na hampas ng alon ang bumunga din sa mga tagadimasalang.
20:50Nasa isang daang pamilya ang inilikas.
20:58Pinakamarami ay mula sa barangay Suba.
21:01Sa bayan ng San Jacinto, nagsasagawa na ng clearing operations ang lokal na pamahalaan.
21:07Batay sa initial report ng PDRRMO at CDRRMO ng Masbate,
21:12tatlo ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyong opo,
21:17isa sa Monreal at dalawa sa Masbate City.
21:20Mahigit sampu ang nasugatan at nagpapagaling pa sa ospital.
21:25Nagtamo sila ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan,
21:28gaya ng ulo, paa at tibdib,
21:30matapos mahangip ng sanga ng bumagsak na puno.
21:34Tinatayang 26,000 residente ang apektado
21:37at nasa evacuation centers ayon sa Masbate PDRRMO.
21:42Patuloy ang pagsusuri sa lawak ng pinsala ng bagyong sa buong lalawigan,
21:47pero umaapila ang lokal na pamahalaan ng tulog tulad ng pagkain at tubig.
21:52Ang napo din ng food items na karaniwa natin ginihigit
21:55may mga sakonang ganito sa resheng market.
21:58Sa bulan Sorsogon, may mga palayang nasira dahil sa bagyong.
22:03Stranded sa Matnog Port ang daandang sasakyan,
22:06tulad ng mga bus at rolling cargo,
22:09hindi muna pinapayagang pumalaot ang mga manging isda.
22:14Pasado alas 8 kaninang umaga,
22:17nang lumakas ang hangi at lumaki ang mga alon sa Municipal Fish Landing sa Piyoduran, Albay,
22:23bawal din munang lumayag ang mga roro.
22:25Kaya stranded sa pantalan ang mahigit 150 sasakyan,
22:30karamihan ay mga 10-wheel cargo truck na byahing pamasbate
22:34ang ilang stranded na driver nag-ambagan para sa pinaksiyo nilang isang peraso ng tulingan
22:40para sa pananghalian pero titipirin pa raw nila ito dahil posibleng hindi pa sila makabiyahe.
22:46Umagahan hanggang hapunan.
22:49Eh kasi kapag hindi namin tipiran yan, sir, saan kami kukuha ng allowance?
22:54Limang araw na kami dito.
22:55Si Lino problemado dahil kulang ang perang ipapadala sa kanyang pamilya.
23:01Kami na mga truckie, pag hindi kami bumiyahe, wala.
23:04Gutom yung pamilya namin.
23:07May mga nagpuputol naman ang sanga ng puno sa daraga para hindi mahulong.
23:11Sa Ligao, inaayos na ang mga natumbang poste.
23:18Pinauwi na ng lokala pamahalaan ang mga pinalikas na residente.
23:23Ang GMA Kapuso Foundation nakarating na sa albay
23:26at sinisikap na makarating sa masbate sa lalong madaling panahon.
23:32Sa lalawigan ng Kataduanes, mahigit 20,000 residente ang naapektuhan ng bagyo.
23:37So, halos kalahating ito ay mga tagabayan ng San Miguel.
23:42Ayon sa Office of Civil Defense,
23:44nasa proseso sila ng pagberipika
23:46ng naiulat na apat na nasawi sa Bicol Region
23:49dahil sa bagyong opong.
23:51Mula rito sa albay at para sa GMA Integrated News,
23:55ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
23:59Nanalasa rin ang bagyong opong sa Visayas
24:02kung saan apektado pati ang supply ng kuryente sa ilang lugar.
24:05Saksi, si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
24:14Ramdam sa bayan ng San Roque at ibang bahagi ng Northern Summer
24:18pati Eastern Summer
24:19ang hagupit ng bagyong opong
24:21nang mag-landfall ito sa San Policarpo.
24:24Eastern Summer, alas 11.30 kagabi.
24:27Sa lakas ng hangit,
24:28tila matutumba na ang mga puno.
24:30Hinampas din ang alon ang baybayin sa Baragay Lauangan
24:33alas 2-3 na madaling araw.
24:35Agad nag-inspeksyon ang mga opisyal sa Baragay
24:37para malaman kung tumaas ang level ng tubig
24:39o kung may daluyong o storm surge.
24:42Mga bangka ng mga tao dito,
24:43itinitingnan natin kung nasa shape na lugar.
24:50Kinamusta rin ang mga residenteng inilikas
24:52nasa mga paaralan.
24:54May 50 tao rin lumikas sa isang hotel.
24:56Pinakailangan po talaga na lumikas kami
24:58kasi marami din po yung mga bata.
25:01Siyempre, mam, yung mga bahay nila,
25:04mga lapit sa dagat.
25:05Pag ganyan po ang ganyan may bagyo,
25:07dito sila po magpunta.
25:08Sa Palapag, Summer,
25:09aabot sa sandaan at 25
25:11ang inilikas sa Barangay Hall
25:13ng Barangay Paisud.
25:14Sa buong probinsya naman,
25:16mahigit sa 20 bahay na ang nawasak.
25:18Karamihan ay gawa sa life materials.
25:20Karakterization ng hazard.
25:23Hindi naman kami tinamaan ng eyewall.
25:28Medyo yung damage ay
25:30slight damages po sa ilang towns
25:34like Lope de Vega,
25:36San Isidro,
25:37and San Vicente towns.
25:39Ito yung truck ng bagyo
25:41palabas ng Northern Summer.
25:43Walang nasaktan ng buwalin
25:45ng malakas na hangin
25:46ang 60 taong gulang na puno
25:48sa Barangay Makiwalo
25:49sa Bayan ng Mondragon.
25:51Bandang alas dos.
25:53Yung maglakas yung hangin,
25:55yun na damage.
25:58May mga natumba ring puno
25:59sa Bayan ng Katarman.
26:01Gumamit na rito
26:02ng generator set
26:03ang ilang negosyo.
26:05Sa lakas kasi ng hangin,
26:06apiktado ang supply ng kuryente
26:08sa Northern at Eastern Summer.
26:11Sa Ormok Leyte,
26:12pahirapan ang biyahe
26:13dahil sa lakas ng ragasan ng baha.
26:15Pumasok na ang tubig
26:16sa ilang bahay.
26:19Ilang residente
26:20at talagang hayop
26:21ang inilikas.
26:24May stulang ilog din
26:26ang ilang kalsada
26:27sa Bayan ng Maasi.
26:28Bumigay na rin ang pader
26:29ng isang paaralan
26:30dahil sa ragasan ng tubig.
26:33Aabot hanggang Western Visayas
26:34ang bagsik ng bagyong upong.
26:36Sa Aklan,
26:37tila isinayaw
26:38ng malakas na hangin
26:39kasabay ng ula
26:39ng mga sanga
26:40sa Buracay sa Malay.
26:42Hinambalos naman
26:43ng malalaking alon
26:44ang sikat nitong baybayin.
26:48Kagabi pa,
26:49suspendido ang biyahe
26:50ng mga bangka
26:51papunta at paalis
26:52ng Buracay.
26:53Kaya maraming stranded
26:54sa pier.
26:56Inilikas naman
26:56sa karating barangay
26:57ang walong pasyente
26:58ng Malay Hospital
26:59dahil sa baha.
27:00Sa Amtike,
27:03mahigit 70 pamilya
27:04ang inilikas
27:05sa Bayan ng Kaluya.
27:07Sa Balasan,
27:08Iloilo,
27:08may mga inilikas
27:09nasa tulong ng Lubid
27:10ang Bureau of Fire Protection.
27:13Hanggang dibdib naman
27:14ang baha
27:14sa barangay Kanuan
27:15sa Bayan ng Karis.
27:17Dari lang kami,
27:17pwede kong magbaha.
27:18Dari lang kami sa tiya
27:19kung gaano.
27:20Ga kuwan sa babaw.
27:21May babaw manda.
27:23Ga mga bayo namon,
27:24mga pamakal kami
27:25sa amon lang
27:26ang kilang lano.
27:27Nawasak naman
27:28ang mga bubong
27:29at kisame
27:29ng ilang tagapilar kapis.
27:32Sus,
27:32pag nabot din naman
27:33sa pertahan,
27:34lumagapok gidaso niya.
27:36Ngayon si papaya
27:36naka-atras,
27:37nabot gidasang kahoy
27:38sa ulo.
27:39Sa Cebu City,
27:41Sus,
27:41pindidong mula
27:42kaninang umaga
27:43ang biyahe ng mga barko
27:44papuntang Eastern Visayas.
27:46Stranded sa pantalan
27:47ang mga biyahero.
27:50Ramdam din
27:50ang masamang panahon
27:51sa Lazis si Kihor.
27:53May umapaw rin
27:54at tubig
27:54sa Ditor Bridge
27:55sa lungsod ng Kanlaon.
27:57Pahirapan naman
27:58ang pagsakay
27:59ng mga pasahero
27:59dahil sa masamang panahon
28:01na naranasan
28:02sa Tagbilaran Buhol.
28:04Sa bayan ng Naval,
28:05sa Biliran,
28:06rumaragasa
28:07ang baha
28:07sa kalsada
28:08sa gitna
28:08ng malakas na ulan.
28:11Para sa GME Integrated News,
28:13Femarie Dumapo
28:15ng GME Regional TV
28:16ang inyong saksi.
28:18Hihilingin po sa korte
28:21na ifreeze
28:21ang mga ari-arian
28:23ng 21 personalidad
28:25na isinasangkol
28:26sa maanumalyang
28:27flood control projects.
28:29At ayon po sa NBI,
28:30hiniling na rin
28:31na isyuhan sila
28:31ng Immigration Lookout
28:33Bulletin Order.
28:35Saksi
28:35si Salimarefran.
28:36Mabigat ang paratang
28:42ni Orly Gutesa
28:43na nagpakilalang
28:44dating security aide
28:45ni Ako Bicol Partilist
28:47Representative Saldi Ko
28:48sa pagdinigahapon
28:50ng Senate Blue Ribbon Committee.
28:52Sabi niya,
28:53personal na raw siya
28:53nakapag-deliver
28:54ng mali-malitang
28:56may lamang pera
28:57na tinatawag nilang basura
28:58sa bahay ni Ko
29:00at sa bahay
29:01ni dating House Speaker
29:02Martin Mualdes.
29:03Pumigit kumulang
29:05tatlong beses
29:06ako mismo
29:06ang nag-deliver
29:07ng basura
29:08sa bahay ni Congress 1
29:09Saldi Ko
29:10at sa mga bahay
29:13ni Speaker Mualdes.
29:16Kapwa ng itinanggini
29:18na Mualdes
29:18at Ko
29:19ang akusasyon.
29:20Pero
29:20ang affidavit ni Gutesa
29:22na binasa niya kahapon
29:23wine-question ngayon.
29:26Ang notary public
29:27kasing nakapirma rito
29:28na si Atty.
29:29Petchy Rose Espera
29:30sinabing
29:31hindi siya
29:31ang nagnotaryo
29:32lumagda
29:33o lumahok
29:34sa pagawa ng affidavit.
29:35Ayon kay
29:36Sen. Blue Ribbon Committee
29:37Chairman
29:37Sen. Panfilo Lacso.
29:40Palsifikado rin daw
29:41at walang otorizasyon
29:42ang pirma nito
29:43at ibang detalye
29:44sa notaryo.
29:46Pinuntahan namin
29:46ang opisina
29:47ni Espera
29:48sa Maynila
29:48para kunin
29:49ang kanyang pahayag
29:50pero wala ito roon
29:52ayon sa staff
29:53na nakausap namin.
29:54Kailangan
29:56kailangan niyang
29:56makilatis
29:57ang background
29:57at record
29:58ni Gutesa
29:59lalot mabigat
30:00at seryoso
30:01ang mga testimonya
30:02nito.
30:03Surpresa raw
30:03ang pagpipresenta
30:04ni Sen. Rodante
30:05Marcoleta
30:06kay Gutesa
30:07kahapon
30:07at hindi man lang
30:08nag-abiso
30:09sa kanya
30:09bilang chairman
30:10ng komite.
30:12Sinisika pa namin
30:13makuhang panig
30:14ni na Gutesa
30:14at Marcoleta.
30:16Ang Department
30:16of Justice
30:17inaalam na rin
30:18kung peking
30:20nga
30:20ang notaryo
30:21ng salaysay nito.
30:33No show raw
30:34si Gutesa
30:35sa usapan nila
30:36ni Justice
30:36Secretary
30:37Jesus Crispin
30:37Remulia
30:38ngayong araw.
30:39He wanted
30:40to enter
30:40the witness
30:41protection program
30:42and I told him
30:43yesterday
30:43I'll be here
30:44at 9.30
30:44punta ka na
30:46para makusap tayo.
30:48In the end
30:48I think he said
30:49na hindi
30:50that he can
30:51defend himself.
30:53Eh sa ngayon
30:53hindi siya
30:54no show siya
30:55so hindi na
30:56nagpunta
30:56NBI dito.
30:58Gumugulong na
30:58ang case build-up
30:59laban sa
31:0021 isinasangkot
31:01sa mga anomaliyang
31:02flood control
31:03projects.
31:04Inirekomenda
31:05ng NBI
31:05na sampahan sila
31:06ng reklamong
31:07graft,
31:08malversation
31:09of public funds
31:10at indirect bribery.
31:12Isinumitin na rin
31:13ang kanila mga
31:13pangalan
31:14sa Anti-Money
31:14Laundering Council
31:15para hilingin
31:16sa Court of Appeals
31:17na ifreeze
31:18ang kanila mga
31:19ari-arian.
31:20Hiniling na rin
31:21sa Bureau of Immigration
31:22na maesuhan sila
31:23ng Immigration
31:24Lockout
31:24Bulletin
31:25Orders
31:25o ILBO.
31:27Kabilang
31:27sa mga
31:28nasa listahan
31:29sina Senador
31:30Cheese Escudero,
31:31Joel Villanueva
31:32at Jingoy Estrada.
31:34Gayun din
31:34sinako
31:35at dating
31:35Senador
31:36Bong
31:36Revilla,
31:37pati na
31:37si dating
31:38DPWH
31:39Undersecretary
31:40Roberto
31:40Bernardo
31:41at ang mga
31:42dating
31:42engineer nitong
31:43sina Henry
31:43Alcantara,
31:44Price Hernandez
31:45at JP
31:46Mendoza.
31:47Wala naman
31:47sa listahan
31:48si dating
31:49House Speaker
31:49Martin
31:50Ramualdez.
31:51Kaya kung hindi
31:52kasama si
31:53Representative
31:55Ramualdez
31:55dahil hindi
31:56pa nga
31:56ipapasok
31:57yung
31:57kutesa?
31:58Yes,
32:00yun lang naman
32:00ang statement
32:01so far.
32:01Mayro ba
32:01ibang statement
32:02about it?
32:03Wala pa eh.
32:04Pati si Makati
32:05Mayor Nancy
32:05Minay
32:06na iniugnay
32:07naman
32:07ni dating
32:07DPWH
32:08Undersecretary
32:09Roberto
32:09Bernardo
32:10na hinatiran
32:11umano niya
32:12ng pera.
32:12We're working
32:14on it.
32:16Marami pa yan.
32:17Marami pa
32:17kaming kailangan
32:18kasuhan.
32:19Hindi lang talaga
32:20kaya sabay-sabay.
32:21We want to work
32:21with the ICI
32:22already
32:23about all of
32:24these people
32:24who have to be
32:25brought to court.
32:26Hindi naman daw
32:27isinama sa listahan
32:28ng mag-asawang
32:29Curly at
32:30Sara Descaya
32:31dahil may mga
32:31reklamo na silang
32:32hinaharap sa
32:33ombudsman
32:34na inihai
32:34ni DPWH
32:35Secretary
32:36Vince Disson.
32:37Subject na rin
32:38sila ng
32:38ilbo
32:39at freeze
32:39order.
32:40Itinuturing namang
32:42protected witness
32:43ang kontatis
32:44ng si Sally Santos.
32:46She really wants
32:47to step out,
32:48tell the truth,
32:49and makikipag-coordinate
32:51siya sa lahat
32:52ng proses
32:53ng DOJ
32:54and to settle
32:56all things.
32:57Para sa GMA
32:58Integrated News,
32:59ako si Sanima Refra
33:00ng inyong saksi.
33:03Sunod-sunod na pumasok
33:04ang halos
33:05dalawampung
33:05nakamaskara
33:06sa tinda
33:07ng mga alahas
33:08sa California
33:08sa Amerika.
33:09May bit-bit
33:10silang baril,
33:12piko
33:12at martilyo
33:13pinagbabasag nila
33:15ang mga istante.
33:16At ang isang mga
33:16atoridad
33:17ang abo sa
33:181 milyong dolyar
33:19o mahigit
33:2058 milyong piso
33:21ang halaga
33:22ng mga ninakaw
33:23na alahas.
33:25Nahuli rin
33:25ang mga suspect
33:26kalaunan.
33:29Nakiisa
33:29ang ilang
33:30sparkle artist
33:31sa paghanda
33:31ng mga relief goods
33:32ng GMA Kapuso
33:34Foundation
33:34para sa mga
33:35apektado
33:35ng bagyong opong.
33:37Kasamang
33:37matauhan
33:38ng Armed Forces
33:39of the Philippines
33:40tumulong
33:41sa repacking
33:42ng relief goods
33:43sa GMA Kapuso
33:44Foundation
33:44headquarters
33:45si na Angel
33:46Guardian
33:47Shuvia Trata
33:48at Brent
33:50Valdez.
33:51Katawang din nila
33:52ang sparkle
33:52campus cuties
33:54at social media
33:55influencers.
33:56Gumuho
34:01ang kulungan
34:02ng mga manok
34:03ng isang residente
34:04sa Sukat
34:05Muntinupa
34:05at sa lakas
34:06ng hangin
34:07halos iwas-iwas
34:09sa ere
34:09ang natumbang kulungan.
34:12Epekto pa rin po yan
34:13ng bagyong opong.
34:17Bago sa saksi,
34:18nagbitiyo bilang
34:19Special Advisor
34:20sa Independent Commission
34:21for Infrastructure
34:23o ICI
34:24si Baguio City Mayor
34:25Benjamin Magalong.
34:27Kasulot po yan
34:27na utos ni Pangulong
34:28Bombo Marcos
34:29sa kanyang legal team
34:30na suriin
34:31ang pagiging bahagi
34:32ni Magalong
34:33na ICI
34:33kasabay ng kanyang
34:34pagiging alkalde
34:35ng Baguio.
34:37Ayaw daw kasi
34:37na Pangulo
34:38na mapabayaan
34:39naman ni Magalong
34:40ang kanyang tukulin
34:41bilang mayor
34:42ng Baguio City
34:43at gusto rin daw
34:44ng palasyon
34:45na maiwasan
34:45ang conflict of interest
34:46sa gitna ng umano'y
34:48maanumaliang
34:49tennis court project
34:50sa Baguio.
34:52Sa sulat ni Magalong
34:53sa Pangulo,
34:53sinabi niyang
34:54dahil sa mga
34:55pangyayaring
34:55nagbigay bahid na
34:56sa integridad ng ICI,
34:58maliwanag daw
34:59na hindi na kailangan
35:00ang kanyang servisyo.
35:02Iginit din ni Magalong
35:03na kailanman
35:04ay hindi niya
35:05pinabayaan
35:06ang kanyang responsibilidad
35:07bilang alkalde.
35:09Malapit na ang mapanood
35:17si SB19 member Justin
35:19sa Encantadio Chronicles
35:20Sangre.
35:22At may pasilip naman
35:23ng GMA Pictures
35:24sa pagsasamahang
35:25o pagsasamahang
35:26proyekto
35:26ni Nasanya Lopez
35:28at Elijah Canlas.
35:30Narito
35:30ang showbiz
35:31saksi
35:32ni Aubrey
35:33Canampel.
35:35Sanya Lopez
35:36at Elijah Canlas
35:37in one project?
35:39May pasilip ang
35:40GMA Pictures
35:40sa pagsasamahang
35:41proyekto
35:42ng dalawa.
35:43Wala pang
35:44ibang detalyang
35:45binanggit
35:45pero nakaabang na
35:47ang marami.
35:48Ika nga sa
35:48caption ito?
35:50Hashtag
35:50coming soon.
35:53Avisala
35:54Encantadio
35:55malapit ng mapanood
35:57ang debut
35:57ni SB19 member
35:58Justin De Dios
35:59sa Encantadio
36:00Chronicles
36:01Sangre
36:01bilang eshnap.
36:05Bilang paghahanda
36:06sa kanyang role,
36:07sumabak si Justin
36:08sa acting lessons
36:10at fight training.
36:11Nung nag-training kami
36:12parang
36:13kinonsider ko po siya
36:14na choreography.
36:16It's one din
36:17na very favorite
36:18ko na scene
36:19yung fighting scenes
36:20kasi
36:20yun nga
36:21para siyang choreography
36:22para ding sumasayaw.
36:24Dream come true
36:24nga raw ito
36:25para kay Justin
36:26dahil dati na raw
36:27niyang pangarap
36:28maging aktor.
36:29I know na
36:30excited din po talaga
36:31yung 18
36:31kasi it's something
36:32different from SB19
36:33from performing
36:34pero hindi ko po
36:35in-expect na
36:36marami rin
36:37Encantadix yung
36:38parang na-excite
36:39sa pagpasok ko po.
36:41Para sa GMA Integrated News
36:42ako si Aubrey Carampel
36:44ang inyong saksi.
36:47Salamat po sa inyong
36:48pagsaksi.
36:49Ako po si PR Kanghel
36:50para sa mas malaki
36:51mission
36:52at sa mas malawak
36:53na pagilingkod
36:54sa bayan.
36:56Mula sa GMA Integrated News
36:57ang news authority
36:59ng Filipino.
37:00Hanggang sa lunes
37:01sama-sama po tayong
37:03magiging
37:04saksi!
37:05Mga kapuso,
37:10maging una sa saksi!
37:12Mag-subscribe sa GMA Integrated News
37:14sa YouTube
37:14para sa ibat-ibang balita.
37:16Mula sa ibat-ibang balita.
37:25music.
37:28vine to be the Selex пришier
37:28as Momma!