Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:30Pagkakuha ng senyas, pinalibutan agad ng NBI Rizal ang isang kotse sa parking lot na ito sa Taytay Rizal.
00:46Tumaas ang tensyon na magmatigas ang dayuwang target at tumangging bumaba ng sasakyad.
00:50Pero nung dumami na ang mga ahente, napinita na nababas ang kotse ang Nigeria National.
01:00Pagkakuha ng inyong kanyang live-in partner ayon sa NBI Rizal.
01:14Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang complainant laban sa isang dayuan na nagpakilalang intelligence operative ng Amerika na kanyang nakilala sa isang dating app.
01:23Kinala unan, naging karenasyon niya ito.
01:26Una ay hinigan siya ng pambayan sa mga materiales at mga workers.
01:37Nung hindi umamdi bahay niya pinapagawa dito sa Pilipinas.
01:41At pagkatapos dito daw huling mission niya, siya daw ay dito naman nindirahan sa Pilipinas.
01:49Umabot sa 3.5 million pesos ang kanyang naibigay.
01:53Pero nagduda na siya nang sabihin ng kanyang kausap online na may package siyang pinadala at kailangan niyang bayaran ang insurance at fees nito.
02:01Sinusuyo at nililigawan at tinatrabaho ng sindikato.
02:06Lagi siya nahinya ng pera, nakahalata na ito, plainan, kaya lumapit siya sa aming tanggapan.
02:10Tatlong buwang buntis ang naarestong babae na bukod sa tagakuha ng pera sa kausap ng grupo ay nagsisilbi rin umanong money mule sa tuwing ipinapagamit ang kanyang bank account para sa transaksyon ng mga Nigerians.
02:24Itusang kaming kunin ang pera at bibigyan kami ng komisyon.
02:28Tumanggap po kami ng trabaho dahil naghangat din po kami ng kumita.
02:32Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.
02:35Kung ano po yung utos sa akin, ilang po ang ginawa ko.
02:37I'm not a scammer. I'm innocent. I'm used on this.
02:42This is not my kind of business. I have my own business.
02:46Naging eye-opener daw para sa biktima ang inakala niyang true love na scam lang pala.
02:52Kaya paalala niya.
02:53Huwag maniwala o magbigay ng mga personal na itong masal sa mga nakikilala natin online.
03:02Ngayong magpapasko, muli nabigay ng paalala ng NBI para sa mga posibleng binibiktima ng ganitong modus operandi.
03:09Para sa GMA Integrated News, John Konsulta ang inyong saksi.
03:16Isinalalim sa forensic exam ang gadget ng babaeng ikakasasana noong December 14 pero isang linggo nang nawawala.
03:23Nagsagawa rin ng walkthrough ang special investigating team na tumututok sa nawawalang bride-to-be.
03:29Saksi si Marisol Abdurama.
03:34Itinutuling ng person of interest si Mark J. Reyes sa pagkawala ng kanyang bride-to-be na si Shara D. Juan.
03:40Since siya po ang partner na sila ang magkasama for how many years at siya rin po ang kuling merong conversation at sila ngayon nagsasama.
03:53At tingin namin siya rin ang makakatulong po sa amin sa pag-solve nitong missing bride niya.
04:01Pero paglilinaw ni QCPD Director Police Col. Randy Gensilvio, hindi pa nangunguhulgang suspects na si Reyes.
04:09Kaninang umaga, nagkaroon ng walkthrough ang special investigating team na tumututok sa nawawalang bride-to-be.
04:15Pinuntahan nila ang bahay ni Reyes at Ruan.
04:18Kinignan natin kung how long yung paglakad niya.
04:22Basa namin, sumakay siya either sa bus or yung kasunod ng bus.
04:28Hinahanap yung driver ng bus at yung konduktor para ipakita kung talagang sumakay si Ms. Shara.
04:36Gusto natin makita baka may iba siyang cellphone na hawak during nagwalakad siya from his residence.
04:45Up to doon sa Petron.
04:47Isinailalim na rin sa forensic exam ang mga gadget ni D-Juan.
04:51Pina-expedite po natin yung laptop ni Ms. Shara at yung cellphone niya for forensic exam.
05:00Pinuntahan na rin ng mga otoridad ang mga kamag-anak ni D-Juan sa kanyang probinsya pero wala siya roon.
05:05Wala rin informasyon ng kanyang mga kaanak tungkol sa kanya.
05:08Nakikipag-ugnayan na rin ang QCPD sa Bureau of Immigration para ma-check kung nag-abroad si D-Juan
05:14simula ng mapangulat na nawawala.
05:16Wala rin siyang record na bumiyahe sa iba pang lugar sa Pilipinas sa pamamagitan ng eroplano.
05:21Nagtanong na rin po tayo sa PNP-ABSI group.
05:25Nag-check tayo kung merong nag-travel locally.
05:29At so far wala naman na pangalan Ms. Shara D-Juan.
05:35Aminadong Quezon City Police na hamon sa kanila ang kaso ni D-Juan.
05:39Kaya lahat daw ng anggulo, kanilang tinitingnan.
05:42Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman ang inyong saksi.
05:50Uunahin kumpunihin ang EDSA Ross Boulevard sa pagsisimula ng malawakang rehabilitasyon sa EDSA sa December 24.
05:58Git po ng MMDA, hindi ito makakadagdag sa matindidang traffic sa EDSA ngayong Kapaskuhan.
06:03Saksi si Joseph Moro.
06:05Saktong December 24, sisimula na ang unang bukso ng simpleng versyon ng EDSA Rehabilitation ng DPWH, DOTR at MMDA.
06:17Alas 11 ng gabi, sasagawa ang re-blocking o pagpapalit ng mga basag na bahagi ng EDSA mula Rojas Boulevard hanggang Orense sa Makati.
06:25Sasamantalahin na rin nila ang oras habang marami ang papalabas ng Metro Manila para magbakasyon sa paparating na Pasko.
06:32Ang bahaging ito ng EDSA dito sa May Maynila, Kanto ng Ross Boulevard, naunang kukumpunihin ang pamahalaan.
06:38Simula yan December 24, alas 11 ng gabi.
06:41Ayon sa MMDA, DPWH at DOTR, itong bahaging ito hanggang dito sa Mayta at Orense ang may pinakamaraming kailangang kumpunihin sa bahagi ng EDSA.
06:52Sinisiguro rin nila na hindi ito magdudulot ng Carmageddon dahil hindi kailangang isara ang malaking bahagi ng EDSA.
06:59Hindi rin magpapatupad ng dagdag na odd-even scheme o kaya ay maglilibre ng tolls sa Skyway.
07:05Mananadili rin ang EDSA bus carousel.
07:07Yung closure na 24-7, selected yung area kung saan lang kailangan yung re-blocking.
07:21In effect, wala na pong saradong karasada by January 5, 5 a.m.
07:26Very minimal disruption ito, both sa commuters at sa motorists.
07:32Sa January 5 naman na inaasahan ang pagwabalik ng karamihan sa Metro Manila galing sa bakasyon sa gabi na lamang hanggang madaling araw gagawin ang rehabilitasyon.
07:42Hanggang May 31, 2026 natatagal ang schedule na yan hanggang watapos ang proyekto.
07:47Isa rin sa mga hakbang para maibsa ng mabigat na trapiko sa Metro Manila, ang pagto sa mga nakahambalang nasasakyan.
07:54Gaya na lamang sa Dahlia Avenue sa Fairview, dalawang tricycle lang na ito dahil sa maling pwesto ng kanilang terminal.
08:01Gayun din ang nangyari sa Republic Avenue.
08:03Sa Commonwealth Avenue naman sa Quezon City natiketa ng mga sasakyan na huling nakaparada sa pedestrian road.
08:09Kung piskado rin ang alagang manok na nabutang nakabalandra sa kalsada.
08:13Agad na puno ang tow truck pagdating sa tapat ang isang ospital sa Regalado Avenue dahil sa dami ng illegally parked vehicle.
08:20Ilang tindahan din ang pinaklas sa Chino Rosas Avenue naman sa Makati City na mataan din ang dami ng sasakyan iligal na nakaparada.
08:28Hindi lang mabigat na traffic ang problema ngayong kapaskuhan, pati na rin ang mataas na presyo o rates ng Transport Network Vehicle Services o TNDS.
08:37Kaya magpapatubad na ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng surge pricing cap.
08:44Ipatuto pa dito sa December 20, imbes na ngayong araw alinsunod sa hindiin ng ride-hailing companies.
08:50Para si GMA Integrated News, ako si Joseph Morong ang inyong saksi.
08:54Binawi na ng Land Transportation Office o LTO ang lisensya ng pickup driver na nanakit ng lalaking nagkakariton sa antipolo Rizal.
09:03Kanina, nagharap ang dalawang panig sa tanggapan ng LTO.
09:06Humingi ng tawal ang driver at sinabing hindi na niya ito uulitin.
09:10Ay pa si LTO, naka-aalarma na ang sasakyan nito sa talaan ng ahensya para matiyak na hindi na ito magagamit sa anumang paglabag sa batas trapiko.
09:19Bukas, nakatagdang ilabas ng LTO ang resolusyon kaugnay nito.
09:23At mali pa rao itong iapela ng driver.
09:27Nababahala isang grupo sa pagloba ng budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o IECS.
09:33Mula sa halos 27 bilyon piso sa ilalim ng National Expenditure Program,
09:37naging halos 64 bilyon piso ito sa Bicameral Conference Committee.
09:42Saksi, si Rafi Tima.
09:43Sa ilalim ng National Expenditure Program, 26.9 bilyon piso ang panukalang budget para sa programa ng DSWD
09:54na Assistance of Individuals in Crisis Situations o IECS.
09:57Pero kanina, itinas ito ng Bicameral Conference Committee sa 63.9 bilyon piso,
10:03mahigit doble sa nakasaad sa NEP.
10:05Madalas daw kasing maubos ang IECS dahil sa sunod-sunod na kalamidad.
10:08Pagdating ng around October, November, pumihingi na po kami ng QRF kasi sunod-sunod po yung bagyo.
10:15Ngayon nga, bagyo pa lang po nung panahon po eh.
10:18Nagkasunod-sunod yung ABRA, etc.
10:20Ngayon po may earthquake po eh.
10:22So they really need a bigger budget for this, Mr. Chair?
10:25That is a very good point po, Senwin.
10:27We no longer have unprogrammed appropriations allocated for IECS.
10:32So kung halimbawa po, kulangin po tayo ng pondo sa IECS sa taong 2026,
10:40wala na po tayong paghihilaan because there's no longer any legal basis for us to be able to pull any other funds that can augment IECS.
10:52Ayon sa grupong bayan, nakababahala ang paglobo ng budget ng IECS.
10:56Ang decision rao ng Bicam ay pagpapakita na buhay na buhay ang pork barrel system sa 2026 budget.
11:01Matagal na ro'ng nagagamit ang IECS bilang patronage fund ng mga mababatas na may malaki umunong impluensya sa pamamahagi nito.
11:09Sabi naman ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian, may inilagay silang anti-patronage provision.
11:15Meron kami ang anti-patronage provision na mas tight.
11:18Pag titignan natin yung 2026 budget natin, it gears towards local recovery.
11:24Iginate din ni Gatchalian na walang pork barrel sa budget.
11:26Wala umunong basihan at grossly misleading ang aligasyon ni Act Teachers Parties Representative Antonio Tinio
11:32na naglaan umano ang Senado ng 17.9 billion peso sa pork barrel fund ng LGU.
11:37Ayon kay Tinio, tinapyas ang pondo para sa mga rack and file na empleyado ng gobyerno.
11:42Makikita mo yun sa seksyon ng MPBF sa budget at saka sa allocations to local government units.
11:54Special purpose funds.
11:56Pinabulaanan din ito ni Sen. Pink Laxon at sinabing inilaan ang pondo para pataasin
12:01ang subsistence allowance ng mga uniformed personnel.
12:03Una-una, yung realignment ginawa papunta sa mga subsistence allowance ng uniformed personnel.
12:10Mag-aaral siya ng budget.
12:11Sabi pa ni Laxon, trabaho ang tamad o may mali siya ang akosasyon ni Tinio.
12:16Alam ni Sen. Turpinian, either siya ang tamad o ignorante sa sariling budget na pinasa ng Senate
12:24o nagmamaang-mangan para pagtakpan yung ginawa nila dun sa pondo na dapat ay para sa government employees.
12:33Sa pagpapatuloy ng BICAM ngayong araw, pinuna ang pagpapalit ng proyekto ng Department of Agriculture.
12:40Sumunod kasi ang kalihim ng DA para baguhin ang listahan ng mga farm to market rules na nauna nang naaprubahan ng BICAM.
12:46Nagkakahalaga ng 8 billion pesos ang halaga ng mga proyekto ang pinalitan.
12:50Baga matulang dagdag na pondo, pinalitan daw ng kagawaran ng mga proyekto dahil ang unang isunumintang listahan
12:56ay hindi aprobado ng kalihim dahil siya ay nakamedical leave noon.
12:59Ang bagong listahan ay basi-umuno sa pag-aaral na ginawa ng DA para matiyak na ito ay makompleto at lubos na mga pakinabangan.
13:06Mariin naman ang pagpunarito ni Sen. Loren de Garda.
13:10Matagal na raw problema ng mga ahensya ang pagkahabol ng proyekto.
13:13Baka maglapitan lahat ng ahensya ngayon, pwede palang magpalit.
13:16Palitan namin lahat ng laman, pareho naman ang level eh.
13:20There has to be some discipline in government.
13:23Kagabi, kinwestiyon na Sen. Erwin Tufo ang malaki ibinaba ng budget ng Department of Human Settlement and Urban Development, ODISUD.
13:30Mula sa 700 billion pesos, 35 million pesos na lang ang naiwan dito para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program o 4PH Program.
13:38Mr. Chair, ano ang nangyari dito sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino?
13:43Hindi po ba ito ay isa sa mga flagship programs po ng administrasyon?
13:48Ayon kay Sen. Gatchalian, naapektuhan ang pag-implement sa programa dahil nagkaroon ng reforma ang kagawaran.
13:55Mismo ang disudin daw ang nagsabing alisin na sa 2026 ang budget para rito.
13:58Hindi nila nagagamit. At sabi nila, in fact, pwedeng ilipat sa ibang departamento yung portion at yung portion iman ilipat sa NHA.
14:09Mungkahi naman ni Tulfo, isubsidize na lang ng gobyerno ang mga subdivision at condo units na tinirhano ng pogo workers na pinaalis na sa bansa.
14:17Naipasa na rin kagabi ang budget ng Department of Agrarian Reform na nagdagdag ng budget para sa pagpapatayo ng mga bagong tulay at kalsada papunta sa mga agrarian reform areas.
14:26Gayun din ang budget ng Department of the Interior and Local Government na may dagdag na P23 billion.
14:33May dagdag ding P4.25 billion sa inaprubahang budget ng Department of National Defense para sa pagbili ng bagong air assets.
14:42Inaprubahan din ang BICAM kagabi ang P889.2 million na budget ng Office of the Vice President.
14:48Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyo. Saksi!
14:52Nahaharap sa isang bilong pisong class action civil suit sa Naquezon City, 5th District Congressman Patrick Michael Vargas,
15:01dating Congressman Zaldico, at dating House Speaker Martin Romualdez.
15:05Inihay po yan ay isang grupo at ng mga residente ng 5th District dahil sa mga palpakumanong flood control project sa Navaliches.
15:12Saksi, si Sandra Aguinaldo.
15:14Takbo laban sa trilyong itinakbo.
15:21Ang tema ngayon taon ng ovation run sa UP Diliman sa Quezon City.
15:25Bit-bit na mga kalahok ang mga placard na kumukondina sa korupsyon.
15:29Kaisa sa malawakang panawagan para may managot sa pagpurakot ng kabanang bayan.
15:35Ang isyong ito, umabot na sa pagpupulong ng United Nations Convention Against Corruption o UNCAG sa Doha, Qatar.
15:44Binigyan diin ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla ang tulungan ng mga bansa sa asset recovery o pagbawi ng nakaw na yamang maaaring naitago sa ibang bansa.
15:54No country can address corruption alone. We welcome deeper cooperation in asset recovery, procurement transparency, information sharing, and countering cross-border and technology-enabled corruption.
16:10Tinawag niyang systemic corruption ang anomalya sa mga flood control project.
16:15We moved quickly to places where evaluated, evidence was assessed, and charges were filed.
16:21Several high-level officials now faces cases before the San Diego Bayan are anti-corruption court.
16:32These actions send a clear message. Accountability must reach those who believe that they are beyond the law.
16:39Sa ngayon, dalawang batch ng kaso na ang naihain ng Ombudsman sa Korte kaugday sa mga flood control projects.
16:46Una, ang kaso laban kay dating Congressman Zaldico, mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa at SunWest,
16:54kaugnay sa P289M flood control project sa Nauhan, Oriental Mindoro.
17:00Ikalawa, ang kaso kaugnay sa P96M ghost flood control project sa Davao Occidental,
17:07kung saan sangkot o manawang ilang opisyal ng DPWH Davao Occidental at St. Timothy Construction, kabilang si Sara Diskaya.
17:16Ang mga kaso laban kay na Diskaya, nailipat na sa Lapu-Lapu RTC mula sa Korte sa Davao.
17:22Alinsunod ito sa patakaran ng Korte na ilipat sa pinakamalapit na anti-graft court,
17:28ang mga kasong may kinalaman sa korupsyon sa mga infrastructure projects.
17:33Sa Quezon City, naghain ng grupong United Peoples Against Corruption at mga residente ng District 5
17:39ng P1B class action civil suit, kaugnay sa anilay ghost at palpak na flood control projects sa Navaliches.
17:47Kinasuhan si na 5th District Congressman Patrick Michael Vargas,
17:51dating Congressman Zaldico, dating House Speaker Martin Romualdez,
17:55at mga dyan daw na kawanin ng DPWH sa District 5 at mga kontraktor.
18:00Ang hinihingi nila sa kanilang civil case, danyos o bayad sa mga naperwisyo ng baha sa District.
18:07Ito ay isang civil case for damages.
18:11Di ba may mga nagsosoli ng pera?
18:14Ang tanong, nakakuha ba tao doon?
18:16It goes to the treasury.
18:18Yun sa mga tao, mababalik ba nila?
18:20Bawat isa sa kanila ay may karanasan kung saan na-damage sila.
18:28Nagkaroon sila ng mga averya, for instance,
18:34yung mga hindi nakapasok sa trabaho, yung mga nasiraan na sasakyan,
18:39nasiraan ng bahay, nagkasakit yung kanila mga anak.
18:42Ang kampo ni Romualdez, tiwalang magiging patas ang korte.
18:46Former Speaker Martin G. Romualdez voluntarily appeared before the Independent Commission on Infrastructure
18:52and submitted all relevant documents.
18:56The ICI report expressly states that there is no adverse finding against him.
19:03Ang kampo naman ni Ko, gusto mo nang makita ang reklamo bagong magkomento.
19:08Sinisika pa naming makuha ang panig ng iba pang kinasuhan.
19:13Sa usapin naman ng restitution, dalawang DPWH engineer na ang nagbalik ng pera,
19:18si na Henry Alcantara at Gerard Opulensya.
19:21Kinumpirma ng DPWH na nag-resign na rin si Opulensya na in-iugnay sa umunay paghahanda ng listahan ng mga proyekto
19:29ng ilang senador at pangungulek paumano ng kickback para sa kanila.
19:33Hindi ibig sabihin nag-soy ka ng pera, hindi ka na mananagot.
19:37Kung ang investigasyon, tutumbok sa kanya, namukha namang doon din papunta.
19:42Kasi nga, na-mention siya ni former Yusek Bernardo, then kaya nga pa rin niyang harapin mo.
19:48Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
19:53Ngayong holiday season, maaga nang nagpaalala ang PNP na maging mapanuri kapag bibili ng paputok.
20:01Ayon po sa PNP, wala pang isang kutsarita ang dami ng pulbura na pinapayagan sa isang paputok.
20:07Saksi si June Venerations.
20:12Pagkasindi na tiyak, nagkakaalaman kung gaano kalakas o katindi ang mga paputok.
20:18At pagiging mapaminsala nito, mas pinaniwalaan lang ng ilan.
20:22Pag may nasaktan na.
20:25Pero may paraan kayang malaman yan bago pa bumili?
20:28Kapag sobrang laki at sobrang bigat, pasok agad yan kaya nasa kategoryang bawal na paputok o pailaw
20:34ng PNP Firearms and Explosives Office o FEO.
20:38Gayunman, ang sukatan kung gaano kadelikado ang isang paputok ay hindi ang makikita sa labas, kundi ang nasa loob.
20:45Ito ang dahilan kung bakit ikakda ng FEO na hindi dapat lalampas sa 130 spoon o 0.2 grams ang pulbura ng isang paputok.
20:55Kung mas malaki yung content ng firecracker, definitely yung lakas o impact ng pagsabog niya ay mas malawak rin.
21:08So kung malapit sa katawan mo at sumabog, definitely affected yung katawan mo.
21:15Ito ang sample kung gaano ka-konteng explosive content lang ang pinapayagan.
21:20Mula dito sa Judas Belt, ito po yung para ma-visualize natin, makita natin yung gaano karami yung laman nito.
21:31Ito po yung sinasabi na one-third of the teaspoon.
21:36So yung mga ginagawa na ganito ang mga firecrackers, ganito kalaki, definitely ang laman ng mga ito ay mas marami pa doon sa one-third of the teaspoon na inaalaw.
21:50May regulasyon ding dapat sundin sa paggawa ng mitya.
21:54Kailangan hindi ito sisindi at hindi sa sabog ng mas mababa sa 3 segundo matapos hindihan o ng lalampas sa 6 segundo.
22:02Delikado kasi kung lapitan pa ito dahil delayed lang ang pagsabog.
22:08Kung minsan yung mitya ay may defect or yung masyadong maiksi, doon yung nakaka-cause ng injury or disgrace siya.
22:25Hindi rin puro malaki ang bawal.
22:27Ang maliit na Watusi, matagal ng bawal dahil kumakapit ang lasong sa kamay at nakakalason.
22:34Kasama yan sa 31 bawal na paputok ngayong salubong sa bagong taon.
22:38Tulad din ang Lola Thunder, Lapla at marami pang iba.
22:42Pero di porket wala na sa listahan ay pwede na.
22:46Ang iba, maaaring iniba lang ang pangalan pero sobra rin sa binanggit nating limitasyon ng pulmura.
22:51Sa mga pinapayagang pailaw at pamputok, kailangan pa rin maging mapanuri.
22:57Tiyaking, merong label at PS mark sa pamimili.
23:01Para sa GMA Integrated News, June venerasyon ng inyong saksi.
23:05Dalawang daan at labindalawang medalya na ang nakamit ng Pilipinas sa 2025 SEA Games sa Thailand.
23:12Base po yan sa huling tala sa opisyal na website ng SEA Games kanina alas gis ng gabi.
23:17Tatlong putito ang ginto.
23:19Ang iba pang panalo ng mga atletang Pilipino sa pagsaksi ni Jonathan Andal.
23:24Sa score na 4-0, tinalo ng Sibul Men's Team ang Malaysia sa eSports na Mobile Legends Bang Bang.
23:37Gintong medalya ito para sa Pilipinas.
23:39Pang-apat na sunod na gold medal ito sa naturang event mula nung ipasok ang eSports Mobile Legends sa Southeast Asian Games noong 2019.
23:47Umaasa ang coach ng Team Sibul na lalawak pa ang pangunawa ng publiko sa eSports.
23:52Sometimes din kasi kailangan din ng mga magulang umintindi sa kung ano yung ginagawa ng anak nila kung saan sila mas masaya.
23:59Hindi ka naman din po masisi yung mga parents na ganun kasi hindi naman po lahat ng naglalaro ng ML na bibigyan ng chance na maging ganto ka gaya sa amin.
24:07Kailangan mo lang talaga patanayan na may mapapalakad, gustong-gustong mo yung ginagawa mo.
24:11Tulad ng Sibul Men's Team, ikaapat na sunod na pagkakataon na rin ito ng Pinoy Olympia na si EJ Obiena
24:16na mag-uwi ng gold para sa men's pole vault event sa SEA Games.
24:21Naabot din niya kahapon ang bagong record na 5.70 meters
24:25at ang naging motivation ni EJ nang galing sa AI o Artificial Intelligence.
24:30Before the start, I was like, Chad GPT, I was like, so what would it mean for EJ Obiena to win the Southeast Asian Games?
24:37And I'm like, looking for some fire there, you know, like some motivation.
24:42And I'm very happy, he said, like, there's no pole vault in the history of the Southeast Asian Games have won this four times.
24:48That was the goal, not the record for the first time.
24:51Sa larangan ng triathlon, tatlong gintong medalya ang nakuha ng Pilipinas.
24:56Una sa Women's Team Relay, pangalawa sa Men's Team Relay at pangatlo sa Mixed Team Relay.
25:01Sa Muay Thai, dalawang gold medals pa ang nakuha ng Team Pilipinas mula kina Islay Erika Bumogaw at LJ Rafael Yasay.
25:09I stopped school for almost 2-3 years now.
25:15Yeah, guys, lahat ng oras ko, minus ko talaga, dito sa ring atlet ako.
25:22Pero siyempre, mabawit tayo sa school, guys.
25:24Yung kalaban ko po kasi superstar po siya talaga dito, so it feels so nice to finally beat someone at that level.
25:32Wagin naman ang silver medal si Tyrone Jamborello sa Men's Muay Thai 45kg event.
25:38Sa tennis, wagin ng bronze medal ang tandem ni na Alex Yalat at Francis Cassie Alcantara,
25:44na bigo silang talunin ang pambato ng Thailand sa Mixed Doubles.
25:48Initial feelings is of disappointment.
25:52Just, you know, when you lose and you give your all, but no regrets.
25:56And I think both Kuyanins and I, we did everything we could.
26:00We really could have won today, but in the end, so many takeaways and I had so much fun playing Mixed Doubles.
26:06Naka-bronze din si Eunice Daniel Villanueva at Christian Jester Concepcion sa fencing event.
26:13Aabante naman sa finals ng Men's 80kg Boxing si Pinoy Olimpian Yumir Marshall, matapos niyang magwagi kanina kontra Vietnam.
26:21Siyempre nagpapasalamat ako sa lahat ng mga Pilipino nandito na nagbibigay ng support na sa amin, aiming for the gold medals.
26:31Lalaban din sa finals si na J. Brian Baricuatro, Flint Hara at Aira Villegas.
26:37Bago nito, humingi ng paliwanag ang chairman ng Association of Boxing Alliances in the Philippines
26:42sa anilay nakababahalang trend sa mga home court decisions ng SEA Games organizers sa boxing events.
26:48The issue of unfairness, basically it's the very basic judging and the scoring of who wins the fight.
26:57So that's one. And number two, we also ask that the tape that's being used for our boxers be replaced with professional tapes.
27:09Mag-hahain naman ang protesta ang Pilipinas matapos natakihin ng coach ng Malaysia ang isang Pilipinong judge ng penchak silat.
27:16Hindi umanos ang ayon ang coach ng Malaysia sa resulta ng game kung saan ang host country na Thailand ang nanalo.
27:22Nagpwede din tayo ng protesta doon. Bakit sinaktan yung jury na Pilipino?
27:27Na-hospital po ba siya?
27:28Hindi naman.
27:30Okay na po siya ngayon?
27:31Ang ma-hospital ata natin, check-up lang yung nagkaroon ng chickenpox sa water polo.
27:36Mula rito sa Bangkok, Thailand, ako si Jonathan Andal ng GMA Integrated News at ng Philippine Olympic Committee Media.
27:43Ang inyong saksi!
27:44Magiging three vinyos na ang lumalaking pamilya ni Nauancho Trevino at Joyce Spring.
27:56Masayang ibinahagi ng mag-asawa na magkaka-baby number three na sila.
28:01Sa isang post sa Instagram, ipinakita pa nila ang pregnancy test kit na may dalawang guhit.
28:07Kapansin-pansin na rin ang baby bump ni Joyce.
28:10Mga kapuso, walong tulog na lang, Pasko na at muling bumida.
28:17Ang mga float at mga parol sa taon ng Lantern Parade sa UP Diliman.
28:21At gaya po ng nakasanayan, may mensahe ang mga ipinarada na sumentro sa paksa ng pagpapanagot sa mga kurakot.
28:30Saksi si Jamie Santos.
28:31Makahulugan at makabuluhan.
28:37Ganyan ang mga tampok na float sa UP Lantern Parade ngayong taon.
28:42Takaw pansin ang malaking float na ito na mukha ng isang lalaki at tinawag nilang si Mayor Balbal.
28:48Sa likuran nito, makikita pa ang isa pang mukha.
28:51Ito raw ay maskara na simbolo raw ng pagpapanggap na katauhan.
28:55Ang disenyo ng aming float ay nananawagan para managot yung mga korap sa flood control, maraming korupsyan dito po sa Pilipinas po.
29:05Sa mutsaring parol, ilaw at malikhaing disenyo na kumakatawan sa mga karanasan, alaala at kwento ng buhay iskolar,
29:14mula sa silid-aralan hanggang sa lansangan ng makikibaka.
29:17At dahil nga likha ng mga iskolar ng bayan na mga float at parol sa parada, hindi lang ito balot ng kagandahan ng disenyo.
29:25Paggus, ipinapakita rin ang kanilang mga float at parol ang kasalukuyang hinaharap na problema ng bayan.
29:32At mga panawagang managot ang mga dapat managot.
29:36Ang Kulehyo ng Ekonomiyang Pangtahanan, ipinakita ang payak na pamumuhay ng mga Pilipino sa pagpapakita ng isang munting bahay.
29:44At ang mga alon sa paligid nito na nagsisimbolo raw ng mga agos at unos at katiwilian na bumubuo sa atin.
29:52Hiling din nila na sana ngayong Pasko, matupad ang wish ng bawat Pilipino.
29:57Makulong ang mga dapat makulong.
30:00Makamit po ng bawat pamilyang Pilipino ang mga, ang hustisya po na matagal na naming hinihingi
30:09para ang bawat pamilyang Pilipino po ay masaya rin ang Pasko.
30:14Ang National College of Public Administration and Governance, ONCPAG naman,
30:19ipinakita sa kanilang float ang mga tumatayong kanser sa ating nipunan.
30:24At binigyan nila ito ng titulong pagkukurap.
30:27Ang wish ko po, gamitin po natin ang ating kapangyarihan at ang boses ng kabataan
30:32upang patuloy tayong tumindig laban sa korupsyon.
30:36Malinaw na malinaw ang mensahe ng College of Law sa kanilang float na may malaking buwaya at may mga katagang,
30:43justice delayed is justice denied.
30:46Ito na ang panahon para magkaroon ng hustisya sa ating bansa, laban sa korupsyon at katiwalian.
30:51May float din mula sa College of Fine Arts na nananawagan ang katarungan para sa mga missing sabongeros.
31:02Bukod sa panawagan ng katarungan, may panawagan din para pangalagaan ang kalikasan.
31:07Lumahok din ang UP Varsity Pep Squad na nagpakita pa ng kanilang mga breathtaking stunts.
31:14Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
31:20Salamat po sa inyong pagsaksi.
31:22Ako po si Pia Arcangel para sa mas malawang misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
31:28Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
31:32Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging saksi!
31:37Mga kapuso, maging una sa saksi!
31:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
31:48Mga kapuso, maging una sa saksi!
31:54You
Comments

Recommended