- 2 days ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Welcome to the Rekli.
00:08Rekli.
00:10Rekli.
00:12Rekli.
00:14Rekli.
00:16Rekli.
00:18Rekli.
00:20Rekli.
00:22Nagpabot po ng pagkikiramay ang matataas opisyon ng gobyerno sa pagpanaw ni Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile.
00:32Pumanaw si Enrile sa edad na isandaan at isa.
00:36Saksi si Marie Zumali.
00:41Sa post ni Katrina Ponce Enrile, sinabi niyang pumanaw bago magalas 4.30 ng hapon ang kanyang amang si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile
00:51sa kanilang tahanan.
00:53Ito raw ang kagustuhan ni Enrile na makapiling ang kanyang pamilya sa kanyang mga huling sandali, bagay na kanila raw tinupad.
01:01Isandaan at isang taong gulang si Enrile nang pumanaw.
01:05Base yan sa poster na ipinost ng kanyang anak kung saan nakasaad na 1924 ang kanyang year of birth.
01:11Bagamat sa ilang panayam, nabanggit din ng kanyang mga anak na 103 years old na ang nakatatandang Enrile.
01:17Humiling muna ng privacy ang pamilya Enrile para ipagluksa ang pagyaw ng kanilang padre de familia.
01:24Sa mga susunod na araw, ilalabas nila ang mga detalya ng public viewing.
01:29Sa isang pahayag nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa pamilya Enrile,
01:34tinawag pa niyang Tito Johnny ang namayapang statesman na naging malapit na kaalyado ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
01:41Aniya, sa mga huling taon nito, nanatili raw matalas ang isip at matibay ang paninindigan ni Enrile
01:48na dapat paglingkuran ng batas at gobyerno ang mamamayang Pilipino.
01:53Ang Senado na ilang taong pinagsilbihan ni Enrile,
01:56pinutol ang budget plenary deliberation bilang respeto sa pagyaon ng dating Senate President.
02:02Binigyang pagkuri ni Senate President Tito Soto ang mga pamana ni Enrile.
02:06He has dedicated his whole life, even until his last days, to public service.
02:13And we will remember him for his formidable intellect and compassion to the people,
02:19especially the employees of the Senate.
02:21As we mourn his passing, we find comfort in knowing that the legacy of Mahmoud Johnny will always live on,
02:30etched within the walls of this institution that he loved,
02:36and his service to the nation will be forever etched in the hearts of many Filipino.
02:42Suspendido ang plenary session ng Senado at magbabalik sa Lunes, November 17.
02:48Kinilala naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri
02:51ang pagiging pihasa ni Enrile sa batas bilang abogado at mambabatas.
02:56Naka-half-mask na ang matawad sa Senate Building bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ng kanilang dating miyembro.
03:03Sa plenary session itong Martes, inanunsyo ni Senador Gingoy Estrada
03:07ang balitang nasa ICU sa Enrile at hindi magandang lagay dahil sa pneumonia.
03:13Para sa GMA Integrated News, Mariz Umaliang Inyong, Saksi!
03:17Naglagay na po ng mga checkpoint ang lokal na pamahalaan ng Quezon City
03:23matapos mag-positibo sa African Swine Fever ang ilang baboy sa Laloma.
03:28Sarado muna ang labing-apat na tindahan ng lechon doon.
03:31At saksi si Salimere Fran.
03:33Malibong, malinamnam, at talaga namang katakam-takam ang lechon.
03:40Isa sa mga paboritong handa tuwing may okasyon kaya ng Pasko.
03:45Pero mahigit isang buwan bago magpasko,
03:48sarado muna ang labing-apat na tindahan ng lechon sa Laloma, Quezon City.
03:52Nang inspeksyonin kasi ng City Veterinary Department at ng Bureau of Animal Industry,
03:57nakitang may ASF o African Swine Fever ang mga baboy nakakatayin pa lang ng mga lechonat.
04:04Yung pong ASF ay isolated po sa Laloma
04:07at kaya nga po isinara na natin kagad upon the recommendation of the Bureau of Animal Industry
04:14para hindi na po kumalat sa iba pa.
04:17Pinatay na ang mga may sakit na baboy.
04:20Nagsimula na rin ang disinfection sa mga apektadong lugar sa Laloma.
04:23Ang lokal na pamahalaan, naglagay na ng checkpoints para makontrol ang paglabas-masok ng mga baboy.
04:30Pagtitiyak ng lokal na pamahalaan,
04:32tanging mga hayop lamang ang apektado ng ASF at hindi ang mga tao.
04:37Ligtas naman pong kumain ng lechon, wala pong problema.
04:41At ano, wala naman pong,
04:43yun naman pong ASF ay hindi napapasa sa tao.
04:46Ayaw naman po yan sa mga advisories ng Department of Health
04:50at saka po ng kahit ng ating City Vet at saka ng City Health Department.
04:55Nagkausap na rin ang LGU at mga apektadong negosyante
04:58at sinabi ang babawiin ng temporary closure order
05:02oras na masunod ang mga requirement ng lokal na pamahalaan at ng ba'y.
05:07Ang ASF ay isang sakit ng baboy na dulot ng virus.
05:11Luba itong nakakahawa at nakamamatay sa mga baboy.
05:15Pero hindi naman ito nakakahawa sa tao.
05:17As of October 17, 25 barangay sa labing isang bayan at lunsod
05:23ang may aktibong kaso ng ASF.
05:25Ipinatutupad na ang government-controlled rollout ng bakuna kontra ASF.
05:30Ngayong taon, planong magkaroon ng commercial release.
05:33Para sa GMA Integrated News,
05:35ako si Salima Rafraan, ang inyong seksi.
05:39Posible maharap sa reklamong administratibo at kriminal
05:42ang nasa likod ng kinukustyong high-end residential project sa isang borol sa Cebu City.
05:48Nakitaan po ito ng DNR ng tatlong paglabag.
05:52Saksi, si Luan May Rondina ng GMA Regional TV.
05:55Sa video na inalabas sa kanyang YouTube account noong 2023,
06:07ipinakilala ng celebrity at project lead engineer na si Slater Young
06:12ang high-end residential project na ito sa barangay Guadalupe, Cebu City.
06:16Sinabi noon ni Young na sustainable ang malahagdan-hagdang proyektong sinimula noong 2024.
06:22This whole structure is now spread out across the mountain,
06:26making it a whole lot safer and less yung environmental impact natin.
06:31By doing this trip also of greenery,
06:35we are able to give back towards the mountain one hectare of greenery.
06:41May irrigation system din anya ito na kawangis
06:43ng ginagamit ng mga magsasaka na kukolekta ng tubig ulan.
06:47This entire building will be collecting all the rainwater to a tank down below
06:54and then meron tayong irrigation system from the irrigation system.
06:58And by the way, amenity area will be supplemented by solar power also.
07:02So that's another sustainability thing that we did.
07:06Pero nang humagupit ang Baguantino noong nakaraang linggo,
07:09ganito ang nakunan sa isang viral video.
07:12Oh, grabe baha oh. Monterazas, gikan oh. Gumpay lang damo.
07:16Ilalquino.
07:19Monidelikado kayo oh.
07:21Delikado kayo yung slamslides.
07:23Sinisisi ng uploader ang Monterazas sa nangyari.
07:26Meron, Tanawa. Tanawa, Tagamuntarasas, inyong kabuang.
07:32Oh.
07:33Tanawa ninyo mga guys.
07:34Awa, inyong gikupa. Awa.
07:41Ang bagyo.
07:43Madahapag ampok.
07:44Pero kini, di nagyong madahap ampok.
07:47Ang inyong damo, nabungkag inyong dam.
07:50Oh, Tanawa, inyong kwastubig, nabungkag.
07:53Sa isa pang video, makikita naman ang tila nakalbo ng bahagi ng burol kung saan itinatayo ang proyekto.
08:00Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, nakakuha ng tree cutting permit ang proyekto.
08:06Pero mula sa higit pitong daang puno sa lugar noong 2022, labing isa na lang ang natira.
08:12Isa ito sa tatlong nakitang paglabag ng DNR.
08:15Nilabag din a nila ang Presidential Decree 1586 na nagsusulong ng Philippine Environmental Impact Statement System.
08:24Bigo rin umano ang proyekto na makakuha ng discharge permit alinsunod sa Philippine Clean Water Act of 2004.
08:31Ayon pa sa DNR, kulang pa ang planong Centralized Retention Fund at labing limang iba pang retention fund o mga estrukturang sasalo sana sa tubig ulan.
08:43Kung natuloy, kaya sanang sumalo ng tubig na kasingdami ng mahigit pitong Olympic swimming pool.
08:49Ang analysis is itong 18,500, itong mga na-establish or to be established pa ng mga detention funds that would somehow catch yung mga water para ma-eliminate or ma-prevent yung mga runoff going down.
09:05Yung nakita namin is only 12 detention funds.
09:09Sapat ba yun? So parang hindi siya sapat. So dapat i-upgrade.
09:12Bukod dyan, sa 33 Environmental Compliance Certificate o ECC, may sampung nilabag ang proyekto.
09:20Dahil sa mga ito, ayon sa kagawaran, posibleng maharap sa reklamong administratibo at kriminal ang nasa likod ng kinekwestiyong residential project.
09:30Patuloy naming hinihinga ng panig ang mga nasa likod ng proyekto.
09:34Bukod sa Monterasas, may iba pang mga proyektong iniimbestigahan dahil marami pang lugar sa Cebu ang binaharin.
09:40Para sa GMA Integrated News, ako si Luan Merondina ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
09:48Tatlo pa pong senador ang madaragdag sa mga irekomenda ng Independent Commission for Infrastructure
09:53na makasuhan kagawin ng questionabling flood control projects.
09:57Ay kay Pangulong Bombo Marcos, bago sumapit ang Pasko, may makukulong na sangkot sa anomalya.
10:04Saksi, si Van Mayrina.
10:05Mahiyang naman kayo.
10:11May git tatlong buwan na mula ng sabihin niya ni Pangulong Bombo Marcos
10:15na sinundan ang imbestigasyon sa mga maanumalyang flood control project
10:18pero wala pa rin nakukulong.
10:21Pagtitiyak ngayon ng Pangulong.
10:23Mula silang Merry Christmas.
10:24Before Christmas, makukulong na sila.
10:27Palagay ko, bago mag...
10:28Hindi, hindi palagay ko. Alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito
10:34ay palagay ko nasa, ano na, matatapos na yung kaso nila, buo na yung kaso.
10:42Makukulong na sila.
10:43Ayos sa Pangulo, may tatlong putpitong individual na sangkot sa flood control scandal
10:47base sa unang batch ng case referral ng Independent Commission for Infrastructure o ICI sa ombudsman.
10:53Ito ang mga naimbisigahan na at may nakalap ng ebidensya.
10:56Hindi tinukulong ng Pangulo kung sino ang kabilang sa listahan.
10:59Pero kabilang sa mga nirefer ng ICI si dating congressman at Appropriations Committee Chairman Zaldico
11:04na hanggang ayaw ay ayaw magbalik pansa dahil sa mga badtao manong sa kanyang buhay.
11:08Hindi pa nasampahan ng kaso.
11:10Therefore, the request for the cancellation of his passport cannot yet be made.
11:17However, when that time comes, we will immediately cancel his passport.
11:23Ibang usapan naman ang tungkol sa dating speaker at pinsan ng Pangulo na si Congressman Martin Rubualdez
11:29na iniugay din sa kontrobersya.
11:31Wala pa raw kasing ebidensya laban sa kanya sa ngayon.
11:34Not as yet. Not as yet.
11:36If something else comes out, then he might have to be answerable for something.
11:41So, again, you know, we don't file cases for optics.
11:49We file cases to put people in jail or to make people answer.
11:55I know that there are many, many suggestions of who else we should file cases against.
12:01Well, we're fine with that.
12:03Provide us the evidence and we will file cases against them.
12:06Bukod sa pagpapanagot sa mga may sala, layon ng gobyerno na mabawi ang mga pondong ibinulsa sa maanumalyang flood control projects.
12:14Sa ngayon, nasa 6.3 billion pesos na ang naipafreeze ng Anti-Money Laundering Council.
12:20Hinahabol na rin ang BIR ang mga sangkot para sa mga hindi nabayarang buis.
12:24At i-auction na rin ang milyong-milyong pisong halaga ng mga sasakyan na mag-asawang diskaya.
12:30Pagtitiyak ng Pangulo, mas lalaki pa ang halagang mababawi sa mga susunod na araw.
12:37May mga ginagawa na rin daw na reforma, mga ahensya ng pamahalaan para maging mas transparent ang mga transaksyon sa mga proyekto.
12:43At hindi na maulit ang mga ganitong anumalyang.
12:46Pero babala ng Pangulo, pauna pa lamang ang mga mananagot dito sa anumalyang at may mga susunod pa.
12:52Sa pagkapatuloy na investigasyon ng ICI, tatlong senador parao ang ire-rekomenda nilang kasuhan kaugday sa mga flood control project.
12:59Hindi tinukoy ni ICI Chairman Andres Reyes Jr. kung sino sila.
13:02Iba pa ito sa naunang rekomendasyong plunder at graft laban kayo na Senador Jingo Estrada at Senador Joel Villanueva.
13:10Isinumiti rin ang ICI ang kaliman nitong rekomendasyon sa Ombudsman.
13:13Ang kasuhan din ng graft, malversation at iba pangkasong kriminal.
13:17Sina dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, dating DPWH Engineer Bryce Hernandez, Engineer Ernesto Galak at tatlo pang opisyal ng DPWH Bulacan.
13:30Gawd na yan ang 74 milyon peso ghost flood control project sa Hagonoy Bulacan.
13:35Pinakakasuhan din ang may-ari ng kontraktor na Darcy and Anna Builders and Trading na si Darcy Kimel Respecio.
13:40Ang rekomendasyon ay base sa report ng Commission on Audit Ocoa na nagsabing walang istrukturang itinayo sa lakasyong sinabi sa proyekto kahit ang binayaran nito at idiniklarang tapos na Oktobre noong isang taon.
13:53Pinakakasuhan naman ulit ang kasong administratibo si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na nasa labas na ng bansa ngayon
13:59at mga dating DPWH Undersecretaries Roberto Bernardo at Catalina Cabral.
14:05Wala pang pahayag ang mga inirekomendang kasuhan.
14:08Bukas naman magpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa mga flood control project.
14:14May nakuha mo nung impormasyon si Sen. Amy Marcos na magpapakita o manuroon si Coe.
14:19Nakon din siya na umapir ng Zoom pero may duda pa rin ako kung talagang matutuloy.
14:24Nabalitaan natin dati na si Martin Romualdez ay a-appear sa Blue Ribbon, nagbago rin ang isip.
14:30Tignan natin kung magbago rin ang isip ni Saldi.
14:33Pero since tinatanong ninyo kung sino yung VIP, sa pagkaalam ko yun yun.
14:39Pero sabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson,
14:42hindi na niya itinuloy ang plano na imbitahan si Coe na dumalos sa pagdinig via Zoom.
14:47Anya, kung pagbibigyan si Coe na online ang pagdalo,
14:50baka magamit umanon ni Coe ang pagdinig para sa propaganda.
14:53Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
14:59Umakyat na sa sampu ang naitalang patay sa ifugao dahil sa bagyong uwan.
15:04At kabilang sa napinsala, ang bahagi ng sikat na banawi rice terraces.
15:08Saksi, si Ian Cruz.
15:10Kulay putik na baha, mga gumuhong bato at lupa, at mga bahay na nasira.
15:18Ganyan ang pinsalang iniwan ang superbagyong uwan sa rice terraces ng barangay Batad sa Banawe, Ifugao,
15:26isang UNESCO World Heritage Site.
15:29Ayon sa barangay chairman, dalawang residenteng mag-ama ang patay.
15:32Sa Kasibun, Nueva Vizcaya, apat ang naitalang nasawi dahil sa bagyong uwan.
15:39Kabilang dito ang lalaking sampung taong hulang na natabunan ng landslide.
15:43Madaling araw ng lunes, natutulog ang biktima at labing dalawang taong hulang nakapatid niya
15:48nang bumagsakang bahagi ng bundok sa kanilang kubo.
15:52Nakaligtas ang kuya ng biktima.
15:54Sa tala ng NDRRMC, di bababa sa dalawampot ito ang patay dahil sa bagyong uwan.
16:00Sa mga kuha naman mula sa himpapawid, kita kung gaano kalawak ang pinsala sa lalawigan ng kalinga,
16:08partikular sa tanudan, labwagan, pasil at bahagi ng Tabuk City.
16:14Sira ang mga maisan, kalsada at tulay.
16:17Bakas ang mga iniwang landslide ng superbagyo.
16:21Gamit ang mga black oak helicopter.
16:23Naghatid ng relief goods sa mga isolated na barangay sa pasil at tanudan.
16:29Kita naman sa mga drone video na ito, ang lawak ng pinsala sa barangay Masagana sa Dilasag, Aurora.
16:37Sa lawak ng pinsala, masasabing isa sa pinakanapuruhan dito sa Aurora,
16:42ang bayan ng Dilasag sa pananalasan ng superbagyong uwan.
16:46Sa inisyal na tala ng provincial DSWD, nasa 148 ang totally damaged na bahay dito,
16:52habang nasa mahigit 1,100 naman ang mga partially damaged na tahanan.
16:58Sa barangay Dinyog, nakilala namin si Rose Marie.
17:02Sa dalawang dekada niyang pamumuhay sa playa,
17:04ngayon lang nawasak ng daluyong ang kanilang bahay at bangka.
17:07Yun nga po, umiyakban po ako kasi sabi nga po nung ibang pupunta dito,
17:15sabi nga binagyo ka na nga lang, nakangiti ka pa.
17:18Sabi ko, wala naman tayo magagawa kasi kalikasan yan.
17:21May awa ang Diyos na may tutulong din po.
17:25Sabay ng kasiguran naman, ganitong kabagsik ang pagyong uwan.
17:30Winasak nito ang bubong at pintana ng bahay ni Andrea sa sityo pa bahay sa barangay Estevez.
17:39Naghihintay po kami ng tulong kung sila.
17:46And pata sa good birthday din po yung kapatid.
17:49Walang...
17:50Wala kayo.
17:52Buti po dumating si Papa, nilagyan po ng luna muna pa sa mansala.
18:02At kapag umulan po, hindi po kami ganun mababasa.
18:07Dalamandaang bahay ang winasak ng bagyo sa sityo na housing project
18:11ng National Housing Authority.
18:13Ang mga taga dito, kumihiling na maayos ang mga nasira nilang tahanan.
18:18Yung mga bahay po napasok po, yung pag may bagyo po hindi ka pwedeng mag-iste
18:22at yung mga bubong napasok po sa loob ng bahay, matatakot ka din po.
18:27Nasira rin ang bubong ng covered court ng Kasigura National High School.
18:32Pinakanapuruhan ang gusali ng grade 7 na ginagamit din na science lab at computer lab.
18:38Pinilipat muna sa ibang silid ang mga apektadong estudyante.
18:41Ang affected na klase lang ay dalawa sa grade 7.
18:45Ngayon, may mga baka hindi kaming classroom.
18:48At mga facilities.
18:50So, dun muna ang mga bata mag-aakad.
18:52Ngayon, ang aming science lab at saka ang aming computer lab,
18:57actually nandyan pa eh.
18:58Kasi bago bumagyo, tinagay namin yan sa mga plastic.
19:04Kanina, namahagi ng tulong sa Northern Aurora ang GMA Capuso Foundation.
19:09Katuwang ang Philippine Army at Barangay Esteves.
19:12Masaya po kami na kayo dumating dito na GMA na pumunta.
19:16Marami pong natulungan po kayo. Salamat po sa inyo.
19:20Sarap pong pakiramdaman na tayo tumutulong na sa amin.
19:23Si Pangulong Bongbong Marcos, bumisita sa Karamoran, Katanduanes,
19:30na wala pa rin kuryente at pahirapan pa rin ang signal.
19:34Tiniyak niya makakatanggap ng 5,000 piso hanggang 10,000 piso ang ayuda
19:38ang mga nawala ng tirahan.
19:40Pag-aaralan rin daw ang relokasyon para sa mga nakatira sa tabing dagat.
19:45Unfortunately, ang katotohanan yan, mangyayari ito ulit eh.
19:49Kaya't huwag na natin sila ilagay sa alanganin.
19:51Hanapan na natin ng ibang paglalagyan na malayo na sa storm surge.
19:57Para sa GMA Integrated News, ako sa Ian Cruz, ang inyong saksi.
20:03Natupo ka isang kotse sa gitan ng flyover sa CM Recto Avenue sa Cagayan de Oro City.
20:08Ayon sa mabumbero, nangyari po yan matapos bumanga ang kotse sa isang SUV.
20:13Sumalpok ang kotse sa railing at naiupi ang likuran nito na posibyong dahilan
20:18kaya umunong nagkatagas ang tanken ng gasolina.
20:22Ay sa polisya, nagtuturoan ang parehong driver kung sino sa kanila
20:25ang lumihis ng daan na nagdulot ng disgrasya.
20:29Nasugatan ang isang sakay ng SUV at ligtas naman ang iba pang pasahero at dalawang driver.
20:36Wala pa po silang pahaya.
20:37Ay sa mga polis, mag-uusap ang dalawang panig sa mga susunod na araw.
20:42Matapos ang sampung taong pagtatago, arestado ang lalaking ng gahasa umano sa sariling pamangkin.
20:49Saksi, si Emil Sumangil, Exclusive.
20:55Hello, tatago sir!
20:56Wala nang nagawa ang lalaking yan kundi ang magpa-aresto sa mga polis na nakapalibot sa kanya.
21:04Ang lalaki, pinagkakana pala dahil sa kasong panggagahasa.
21:08Ang kanyang biktima dito na kanyang minumulis siya ay kanyang mismong pamangkin.
21:14Nung panahon nito na minumulis siya niya, ay minor victim pa itong ating biktima dito, 13 years old.
21:23So, sampung taong na nagtago itong ating suspect.
21:27Ito ay nerasto namin sa kasong rape.
21:29Nangyari umano ang pangahalay sa Pasig City.
21:31Ang suspect, lumipat naman sa Castle City para magtago kaya doon na siya dinakip ng mga polis.
21:37May mensake ang suspect sa kanyang pamilya magiging sa biktima.
21:54Kapag napatunay ang nagkasala, makakarapan suspect sa kabambuhay na pagkakabilanggo.
22:07Kung hanggang saan lang yung limitations nila, pwedeng hawakan yung mga ating mga anak.
22:12Para sa GMA Integrated News, Emilio Sumangil ang inyong Saksi!
22:23Magit kalahati ng buhay ni dating Senate President Juan Ponce Enrile,
22:27ginugol niya sa mundo ng politika.
22:30At sa administrasyon ng walong magkakasunod na Pangulo,
22:32nag-iwan siya ng marka sa kasaysayan.
22:36Ating saksihan.
22:44Isa siya sa mga naging mukha ng martial law.
22:48Ngunit, naging mukha rin ang EDSA People Power.
22:51Pero sa totoo lang, si Juan Ponce Enrile walang naging iisang kulay sa politika.
22:56Ipinanganak noong February 14, 1924 sa Gonzaga, Cagayan.
23:04Hindi naging madali ang kabataan Enrile na nakaranas na mangisda
23:08at maging houseboy para tustusan ang pag-aaral.
23:13Pero nang tumuntong sa edad na dalawampu't isa,
23:16nakilala niya ang tunay na ama na isa palang politiko mula sa prominenteng pamilya.
23:22Sa tulong ng ama, nakapagtapo si Enrile ng kursong abugasya bilang cum laude sa Universidad ng Pilipinas
23:31at nagka-masters sa Harvard Law School.
23:36Pero simula 1966, gagawa siya ng pangalang higit sa sino man sa kanilang pamilya.
23:43Nang maging undersecretary at kalaunay acting secretary ng Department of Finance
23:52ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.,
23:56nagsilbi rin siyang justice at defense secretary sa ilalim ng parehong administrasyon
24:02at kalaunay madidikit ang pangalan sa mga kontrobersya.
24:05Isa sa mga idinahila noon ni dating Pangulong Marcos para ideklara ang Batas Militar
24:25ang umano'y ambush ng mga rebelting grupo sa nooy defense minister na si Enrile.
24:31Dalawa ang versyon niyan sa kasaysayan na parehong galing sa kanya.
24:35May puntong inamin niyang peke at palabas ang engkwentro.
24:40Pero kalaunan ay iginiit niyang totoo.
24:43That's silly because martial law is already going on.
24:50Why should I fake my ambush to justify martial law when it was already on?
24:56An irreversible way.
24:57Naging malaking bahagi man ang administrasyon ni Marcos Sr.,
25:08isa si Enrile sa mga naging nitsya rin ng EDSA People Power Revolution noong 1986.
25:14Kumala siya at ang nooy AFP Vice Chief of Staff na si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa administrasyong Marcos.
25:21Nagsilbi pa nga siyang defense minister ng pumalit na si Pangulong Corazon Aquino.
25:27Pero kalaunay pinagbitiw at kinasuhan ng masangkot sa umano'y planong Kudita laban sa administrasyong Aquino.
25:35Hila mauulit ang kasaysayan nang ipaaresto naman siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2001.
25:42Matapos iugnay sa paglusob ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Estrada sa Malacanang bilang protesta.
25:53Naging kinatawa ng kagayan at minsan ding tumakbo sa pagkapangulo noong 1998.
25:58Pero pinaka-tumatak si Inrili sa Senado kung saan apat na beses siyang naluklok.
26:08Lalo na na maging presiding officer sa impeachment trial ni nooy Chief Justice Renato Corona noong 2012.
26:16Hinangaan ang talas ng isip niya sa kabila ng edad.
26:19I'm not going to allow any slight, any abuse of authority against this court for as long as I am the presiding officer.
26:31At itinuring na rockstar ng impeachment trial.
26:35Hindi papayagan na babastusin itong spusgado na ito na masisino man.
26:40Pero dalawang taon matapos niyan, isinangkot naman si Inrili sa kontrobersyal na pork barrel scam at kinasuhan pa ng kasong plunder.
26:50Gayunman, pinalaya siya noong 2015 ng payagang makapagpiyansa dahil sa lagay ng kalungsugan.
26:57Tuluyan siyang inabswelto sa lahat ng kaso kaugnay ng pork barrel issue noong October 2025.
27:04Silasasalamatan ko yung mga magistralo for rendering justice to all of us.
27:13I knew all along that I reacted because I've done anything.
27:17Nag-anunsyo man ang pagre-retiro sa servisyo publiko noong 2016.
27:23Tumakbomuli si Inrili bilang senador noong 2019, bagabat natalo.
27:28Sa pagkakaupo naman ni Pangulong Bongbong Marcos sa pwesto,
27:31naging Chief Presidential Legal Counsel si Inrili sa kabila ng edad niyang siyamnaputwalo.
27:37Mula sa aklat ng kasaysayan hanggang sa mga meme na nagtampok sa kanya sa social media,
27:48wala nang duda sa haba ng karera ni Inrili sa politika.
27:51No one, no president, no senator, no member of the house can simply develop this country.
28:04It must be developed by the collective effort of every Filipino and every generation.
28:12It is the only country that we have and we happen to be here.
28:16Ngayon, isasara na ang kanyang kabanata.
28:24Pero patuloy na mararamdaman ng susunod na henerasyon ang ambag niya sa paghulma ng takbo ng bansa.
28:33Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
28:38Humiling po si Sen. Bato de la Rosa sa Korte Suprema ng Temporary Restraining Order
28:45para pigilan ang pagtalima ng gobyerno sa napabalitang arestwaran na inilabas umano ng International Criminal Court laban sa kanya.
28:53Basa sa inihayang manifestation ni de la Rosa,
28:56humiling din siya na pigilan ang gobyerno na magbigay ng tulong sa mga testigo ng ICC
29:01sa pamamagitan ng Witness Protection Program o iba pa,
29:06pati na ang anumang uri ng pakikipag-ugnayan sa ICC.
29:10Ang ombudsman ang unang nagbanggit na may inilabas ng arestwaran para kay de la Rosa
29:14pero wala pang kumpirmasyon mula sa Department of Justice at maging sa ICC.
29:19Wala pang naisa publikong anumang kasong nakasampa laban kay de la Rosa sa ICC
29:23pero iniuugnay siya sa embisigasyon sa War on Drugs sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
29:29Baga man nalusaw na, ang low-pressure area na dating Bagyong Uwan
29:34asahan pa rin ang pagulan sa ilang bahagi ng bansa.
29:37Sa ngayon, walang bagong sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility ayon sa pag-asa
29:41pero umiiral pa rin sa Batanes ang Amihan.
29:45Intertropical Convergence Zone o ITCZ at localized thunderstorms naman
29:49ang posible magpaulan sa iba pang lugar.
29:52Sa datos ng Metro Weather, posible ang pagulan sa ilang lugar sa Maropa at Quezon bukas na umaga.
29:57At sa hapon uulan din sa Northern and Central Luzon pati na sa Southern Luzon at Bicol Region.
30:03Sa Visayas at Mindanao naman, asahan din ang kalat-kalat na pagulan sa umaga.
30:08Mas marawak po yan sa hapon o gabi.
30:10At sa Metro Manila, may tsyansa pa rin ang localized thunderstorms sa hapon o gabi.
30:16Pagtitipon ng bigating Korean stars sa Hong Kong
30:25at ang paghanda para sa ikatatlumpung anibesaryo ng Sparkle GMA Artist Center.
30:31Silipin ang mga hiyan sa showbiz saksi ni Aubrey Caramper.
30:38Sa iisang lugar sa Hong Kong Disneyland Hotel,
30:41nagsama-sama ang naglalakihang Korean stars.
30:44Ilan sa mga narito ang mga bida ng iba't-ibang serye,
30:47gaya rin na Hyun Bin, Shin Minak, Chu Ji-hun, Lee Se-yong, Lee Dong-wook, Kim Hye-jun at Park Bo-yong.
30:55Magkasama namang numarap sa presi na Ji Chang-wook at EXO member Do Kyung-soo o D-ho
31:00na unang beses nagkontrabida sa isang serye.
31:03Nag-tipon-tipon sila rito sa Hong Kong para sa star-studded Disney Plus Originals Preview 2025.
31:10Ang Disney Plus Showcase ay dinaluhan ng mahigit 300 member ng media at content creators
31:15mula sa iba't-ibang bansa sa Asia-Pacific, US at Latin America.
31:21Bigatin naman ang selebrasyon para sa 30th anniversary yung Sparkle GMA Artist Center,
31:26na Sparkle 30.
31:27Sa MUA Amphitheater ngayong Sabado, puspusan na ang paghahanda para makapagbigay ng magagandang performances.
31:35Yung tiwala na binigay sa akin ng Sparkle din and na-feel ko talaga yung love.
31:39So yun yung siguro pinaka-okay na milestone for me.
31:42Para sa GMA Integrated News, ako si Aubrey Carampel, ang inyong saksi.
31:48Nagpasalamat po ang anak ng namayapang dating Senate President Juan Ponce Enrile
31:52sa lahat ng nag-alaga at nagdasal para sa kanyang ama.
31:55Masaya raw silang mapagbigyan ang kahilingan nitong makauwi sa kanilang tirahan kasama ang kanilang pamilya.
32:03Nabigyan daw sila ng pagkakataon na maipahayag ang kanilang mga saluubin bago siya pumanaw.
32:09At hanggang sa huling sandali raw ng ama,
32:11ay ipinakita nito ang dedikasyon at malasakit hindi lang sa pamilya, kundi pati sa bayan.
32:19Kinulayan po ng pamosong Aurora Borealis o kilala rin sa tawag na Northern Lights,
32:24ang kalangitan na Iowa sa Amerika.
32:27Kita sa time-lapse video, ang tila nagsasayawang liwanag na kulay rosas at luntian.
32:34Namula rin ang kalangitan ng Matterhorn Mountains sa Italy.
32:39Ang mga liwanag na ito ay dulot ng interaksyon ng plasma na lumalabas mula sa araw kapag may solar storm
32:45at ng geomagnetic field ng mundo.
32:49Ito ang nagiging geomagnetic storm.
32:53At kung meron pong Northern Lights, meron ding Southern Lights o Aurora Australis na tanaw sa Southern Hemisphere.
33:01Pinaliwanag din ito ang kalingitan ng Timog Silangang Bahagi ng Australia.
33:06Naglabas na alerto ang kanilang Bureau of Meteorology para sa posibeng geomagnetic storm
33:11na naka-apekto sa radio at satellite communications.
33:15Salamat po sa inyong pagsaksi.
33:20Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
33:27Mula po sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
33:31Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging.
33:35Saksi!
33:35Mga kapuso, maging una sa saksi.
33:42Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Recommended
37:34
|
Up next
37:33
33:25
24:51
28:58
40:32
27:06
37:08
36:08
32:42
35:36
27:03
39:27
38:10
38:08
34:36
38:30
27:42
23:17
35:41
27:33
36:34
35:41
34:09
39:37
Be the first to comment