Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging sa Rakili!
00:15Marahas na krimen ang nahulikam sa isang live streaming sa Kamigin.
00:19Naharap po sa reklamang frustrated murder ang isang lalaki na naksak ng may-ari ng isang salon.
00:25Saksi si Cyril Chavez ng GMA Regional TV.
00:30Abala sa paggugupit at pag-aayos ng buhok ng mga kliyente ang mga hairstylist sa loob ng salon na ito sa Mambahaw, Kamigin Island, linggo ng gabi.
00:43Nagkakasiyahan pa nga sila habang nakalive sa Facebook.
00:47Maya-maya, may pumasok na lalaking nakaputi at pinuntahan ang isa sa mga hairstylist.
00:54Doon na pinagsasaksak ng lalaking ang hairstylist na may-ari ng salon.
01:00Takbuhan palabas ang ilan.
01:02Habang isa pang hairstylist, pinigilan ang sospek hanggang magpambuno silang dalawa at makalabas ng salon.
01:09Ang biktima, duguan na at pilit inaampat ang pagdurugo ng kanyang leeg.
01:15Agad na inireport ng mga residente ang krimen sa Mambahaw Police at inaresto ang sospek.
01:21Lumalabas sa investigasyon ng polisya na matagal nang may alitan ang biktima at ang babaeng ka-live-in ng sospek.
01:28Doon na yung mga online verbal dispute ang young live-in partner sa maong biktima.
01:37So gaaway sila through online, posting online.
01:40Nga maoy, taod-taod na po nga, maoy ka nang siguro.
01:47Nakainon ka niya sa maong sospechado, ang maong katong kontra sa maong biktima.
01:52Nasa mabuting kalagayan na ang biktima na hindi na nagpaunlak ng panayam.
01:57Wala pang pahayag ang sospek, pero umamin daw ito sa polisya na nakainom siya nang mangyari ang krimen.
02:04Mahaharap ang sospek sa reklamong frustrated murder.
02:08Para sa GMA Integrated News, ako si Cyril Chavez ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
02:17Hawak na na po yun siya ang bagong CCTV footage ng nawawalang babae na ikakasasana nitong linggo.
02:24Sa kuha ng CCTV noong Sabado na umaga, makikita ang isang babae na sumakay ng bus sa Commonwealth Avenue.
02:34Ayon sa QCPD, posibeng ito ang nawawalang bride-to-be na si Shera Dewan.
02:40Hawak na rin ang polisya ang kanyang cellphone at ipinatawag naman ng Special Investigating Team ang fiancé ni Shera na si Mark R.J. Reyes,
02:48pati na ang kapatid at best friend ng nawawalang bride-to-be at iba pang personalidad.
02:54Itinuturing ng missing person si Shera, pero sa ngayon, ayon sa polisya, ay wala pa silang nakikita ang foul play sa kanyang pagkawala.
03:02Bago sa saksi, nahanap na po ang isang taong gulang na batang tinangay umano ng street dwellers sa Quezon City.
03:11Ayon po yan sa ama ng bata.
03:12At bago po ito, inaresto ang suspect na dumipensang naawa umano siya sa bata, kaya niya kinuha.
03:19Saksi, si Oscar Oida.
03:20Kung saan-saan na hinanap ng street dweller na si Melvin, ang anak niyang si Kiana Jane na isang taon na pitong buwang gulang lang.
03:44Nakuhanan pa ng CCTV ang suspect habang karga ang bata nang lumaba sa convenience store noong December 10.
03:52Kwento ni Melvin, nakilala nila ang suspect sa kanilang racket sa lugar bilang tagabukas ng pinto para sa mga customer.
04:00Mag-aanda na kami ng dapat kakainin namin.
04:06Nag-offer po itong suspect, sir, na siya na po daw sasagot sa ulam namin.
04:10Siyempre bilang, ano, minus gasto, sir, pumayag kami, sir.
04:14Tapos siguro po mga 10 minutes, sir, hindi pa siya bumabalik, kinabahan na kami, sir.
04:19Yung misis ko, agad na naghanap.
04:23Agad silang dumulog sa barangay at puli siya para i-report ang insidente.
04:27Dumalabas sa investigation namin na yung minor, parang naipagkatiwalas niya sa mga suspect.
04:37Ang paalam kasi ng suspect nila na bibili lang ng pagkain.
04:42So, pumayag naman po yung mga parents nila.
04:46Tapos after a while, napansin nila, hindi na bumalik yung bata.
04:49Kalaunan, natagpuan din naman ang suspect.
04:53Pero di na nito kasama ang bata.
04:55Kung na-aristo po namin yung suspect, umamin naman po siya na
04:59ginamit niya nga po sa panlalimos yung bata at kung saan-saan nga po sila nakarating.
05:07Tapos, pinahiram niya raw po yung, iniwan niya raw po yung bata doon sa kaibigan niya sa may munyos.
05:13Isinama na mga puli sa munyos ang suspect para maituro ang sinasabing pinag-iwan ng kaibigan.
05:19Pero bigo silang matuntun ang bata.
05:22Hindi niya raw alam ang pangalan pero kaibigan niya daw.
05:25Nang tanungin namin ang suspect kung bakit tinangay ang bata.
05:28Naawa ko, sayang ako sa kanya na. Naawa ko. Lago yung mapapalo.
05:34Sorry, tuloy-tuloy maling kwento mo. Ano alip?
05:37Lago sa yung mapapalo sa nanay.
05:41Hindi ko sa kanya yung liyong ka.
05:43Naharap ang suspect sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse,
05:49Exploitation in Relation to Article 270 ng Revised Penal Code o Kidnapping and Failure to Return a Minor.
05:56Tuloy-tuloy pa rin po ang paghahanap natin sa naawalang bata.
06:01Nag-coordinate na po tayo sa mga nearest police stations, ganoon din po sa mga barangays.
06:06Patuloy namang nagdarasal at umaasa si Melvin na makakapiling pa rin muli ang pinakamahal na anak.
06:13Baka po makita niyo yung anak po. Pagbigay, alam niyo naman po kagad sa amin.
06:19Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy ang kanilang programa para mayalis sa mga kalsada
06:24ang naitalang 15,000 nakatira sa mga ganito sa Metro Manila.
06:29Nag-sasabawa tayo ng pitch-out activities sa mga families and individuals in strict situation
06:34at dinadalaan natin sa processing center. Meron tayong livelihood interventions.
06:41May tinutulungan natin sila para makapag-umpisa o makapagpatuloy ng kanilang kabuhayan doon sa kanilang mga probinsya.
06:49Sampung libo na ang naipasok nila sa programa at patuloy na hinihikayat ang iba pa.
06:56Meron talaga mga individuals na ayaw pa, ayaw sumama.
07:00Kumbaga diba parang they find comfort na eh, living industry, dapat walang naninirahan sa mga lansangan.
07:07So babalik at babalik at yan ng aming pong departamento.
07:11Para sa GM Integrated News, Oscar Oydang inyong saksi!
07:16Itinanggi po ng NBI na may special treatment silang ibinibigay kay Sara Diskaya.
07:23Kanina, humarap si Diskaya sa Malabon City Prosecutor dahil sa reklamong inihain ng lokal na pamahalaan.
07:29Saksi, si Sandra Aguinaldo.
07:35Bantay sarado ang kontratistang si Sara Diskaya nang ilabas siya sa NBI Headquarters sa Pasay,
07:41patunggo sa tanggapan ng Office of the City Prosecutor sa Malabon.
07:46Ayon sa DOJ, humiling si Diskaya na pansamantalang makalabas para makadalo sa pagdinig.
07:52Kaugnayan sa reklamo dahil sa walang permit na pagkapatayo ng barangay multipurpose building
07:57sa lupang pag-aari ng city government.
08:00Ayon sa Malabon LGU, na naghain ang reklamo nitong Nobyembre,
08:04itinuloy umano ni Diskaya ang proyekto nang di kinokonsulta sa Malabon LGU.
08:10Nahaharap si Diskaya sa reklamong paglabag sa National Building Code of the Philippines
08:15at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
08:18Alauna ng hapo na pagdinig na tumagal lang ng limang minuto,
08:23agad din siyang umalis kasama ang mga taga-NBI.
08:26Tumanggi magkomento ang kampo ni Diskaya.
08:29Ayon sa NBI, anumang oras ay pwedeng umalis si Diskaya sa NBI
08:33dahil wala namang arrest warrant laban sa kanya.
08:36Noong December 9, kusang nagpunta si Diskaya sa NBI matapos i-anunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos
08:42na magkakaroon ng warrant laban sa kanya
08:45dahil sa kinakaharap ng mga kaso kaugnay sa ghost flood control projects sa Davao Occidental.
08:51Ang DOJ, sinagot ang isyo sa paggamit ng resources ng gobyerno sa pag-escort kay Diskaya.
08:58The fact na her liberty is now being restrained despite the absence of a warrant of arrest
09:03means that the government is actually taking steps forward to be able to make sure that she
09:09or any person involved in these cases are held accountable.
09:12Wala pong preferential treatment.
09:14Iniharap din ang DOJ sa media ang 40 million pesos cash na isinuko ni dating DPWH-NCR District Engineer Gerard Opulensia.
09:24Bahagi yan ng 150 million pesos na ibabalik niya sa gobyerno bilang bahagi ng kanyang pag-a-apply para sa Witness Protection Program.
09:33Makatutulong daw si Opulensia para patibayin ang mga kaso kaugnay sa mga flood control projects sa Bulacan.
09:40Lumabas po sa mga pag-uusisa ng ating prosecutors na isang elemento or isang bahagi sa mga may kinalaman
09:49at may nalalaman sa mga transaksyon na ito ay si Engineer Opulensia.
09:54Kaya sa pag-uusisa po natin na makakatulong ang kanyang testimonya para mapatibay ang kaso ng ating estado.
10:02Kasama si Opulensia sa mga pinakakasuhan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
10:08Batay sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
10:13si Opulensia ang naganda ng lista ng mga proyektong pwedeng i-alok sa ilang senador.
10:19Tagakolekta rin umano siya ng kickback.
10:21Pero paglilinaw ng DOJ, ang perang ibinalik ni Opulensia ay mula umano sa iba pang proyekto ng DPWH.
10:28Actually, yung kanyang testimonya ay patungkol sa mga kaso na nangyari sa Bulacan.
10:37Pero yung pagsasauli ng pera ay base dun sa mga transaksyon na iba na kinasangkutan niya
10:43nung siya ay nasa NCR pa.
10:45At yun ang pinagpasihan ng pagsasauli.
10:48May provisional admission din si Opulensia sa WPP gaya ni Bernardo
10:52at di dating DPWH District Engineer Henry Alcantara na nauna nang nagsauli ng 110 milyon peso sa gobyerno.
11:02Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
11:09Pinangunahan ni Pangulong Bomba Marcos ang pagpapasinaya sa ilang bago at dagdag na pasinidad sa NIA Terminal 3.
11:15Kabilang po dyan ang mga dagdag na immigration e-gates na nagpapabilis sa proseso ng pagpasok sa bansa ng mga Pilipino.
11:23Sa ngayon, ang mga may Philippine passport pa lang ang nakakagamit nito.
11:28Pinasinayaan din ang dalawang bago at modernong food hall at mga bagong dignitaries lounge.
11:36Matapos sa apat na oras na pagkaantala, natuloy na ang pagpupulong ng Bicameral Conference Committee o BICAM para sa 2026 national budget.
11:45Napagkasundo ang bukas na lang tatalakayin ang budget ng DPWH na pinagtalunan dahil sa budget na tinapias ng Senado.
11:52Pero nice, may balik ng kagawaran.
11:55Saksi, si Rafi Tima.
11:57Alas 4 pa ng hapon, nasa PICC na ang mga Senador at Kongresista para sa pagpapatuloy ng BICAM meeting para sa 2026 general appropriations bill.
12:09Pero lumipas ang oras, hindi pa rin ito nagsisimula.
12:13Pasado alas 7 ng gabi, lumabas sa Senate Finance Committee Vice Chairperson Kiko Pangilinan at nagpaliwanag.
12:19Itong sinabi ni SecBins, reason na ire-recompute nila yung talagang cost of materials.
12:31So, we're waiting for that.
12:33Merong mga preliminary numbers, pero yung detalye, hindi pa napipirmi.
12:39They're also cross-checking.
12:40And we will also have to cross-check.
12:42Pero kaya po ba ma-analyze lahat doon ng data kapag kahit nandiyan?
12:46Yun ang dilema, depending on what we see.
12:49Depending on ano yung ibibigay sa atin at ano yung ire-report.
12:52So, we will have to wait for that data.
12:56Matapos ang apat na oras, itunuloy na ulit ang BICAM.
13:01Ipinagpalibad din kahapon ang pagtalakay sa 2026 National Budget dahil sa deadlock o hindi mapagkasundo ang fondo ng DPWH.
13:08Hinihingi kasi ng DPWH na ibalik ang 45 billion pesos na tinapyas na mga senador sa kanilang budget
13:14dahil magkukulang daw ang fondo para sa tinatayang 10,000 proyekto.
13:19Maliro kasi ang competition ng Senado sa halaga ng mga materyales na gagamitin sa mga proyekto.
13:24Pero sabi ng Senado, ang DPWH dapat ang umaming nagkamali dahil sa kanila galing ang mga isinumiting datos.
13:31Kanina, sumulat sa Secretary Dietz Dizon sa Senado para humingi ng paumanhin.
13:36Sabi ni Dizon, kulang ang inisyal na datos na isinumiting nila sa Senado kaugnay ng Updated Construction Materials Price Data.
13:44Inamin niyang hindi sapat ang kanilang ibinigay na inisyal na datos para makompute ng tama ang bawat isa sa halos 10,000 apektadong proyekto.
13:52Magsusumiti raw ang DPWH ng dagdag na datos para mas maging makatotohanan ang basihan ng kakailanganin pondo.
13:59Gate niya, isa lang ang layunin nila.
14:01Kailangan mapababa natin finally, after so many years, ang presyo ng materyales ng mga proyekto sa DPWH.
14:11At yun ay common purpose ng Pangulo at ng Kongreso.
14:15Sabi ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Sherwin Gatchalian, kanilang binavalidate ang isinumiting bagong datos bago i-apply sa mga proyekto sa budget.
14:25Mahalaga raw sa Senado walang overpriced items.
14:28Yung sinabit nila sa amin, walang hauling at walang logistics.
14:31So ngayon, pinasok na nila hauling, pinasok na nila logistics.
14:36So itong adjustment factor, itong pressure, masasabi ko, almost or near realistic.
14:45But I need to apply that to the project.
14:47Napagpasyahan ngayon ang BICAM na bukas sa lakay ng budget ng DPWH at unahin muna ang ibang departamento.
14:54Naniniwala si Gatchalian na may sapat pang panahon para maipasa ang 2026 national budget.
14:59May time pa naman, may time pa naman. So we just have to dapat bilisan lang.
15:05Like I said yesterday, may buffer naman. So kaya pa naman.
15:09Para kay Sen. Pantilo Lakson, mas mainam na maging re-enacted ang budget ngayong Enero,
15:14kahit pa hanggang sa unang kwarto ng 2026, kesa sa magpasa ng hindi masuri o may bayad korupsyon na budget.
15:21May pinuna pa si Lakson na nasa 8-billion-pinsong farm-to-market road projects
15:25na hindi properly identified, walang grid coordinates o description.
15:30Kapag kinapos sa oras, kasi kung hindi kaya ang paliwanag at hindi makorekt ng DA,
15:35yung kanilang pinalitan na at least 5-billion pesos worth of farm-to-market roads,
15:40eh baka gahulin sa oras.
15:42Sa kanilang majority caucus kahapon, nagkay sa ang mga senador na huwag itong payagan.
15:47Sabang ino-process namin, mayroong kaming na-identify na kulang na actually 8-billion.
15:548? So hindi ng 5?
15:56Yeah, 8. But so ang magiging posisyon natin dito,
16:02we want, we will move for the reconsideration of the approval of the 33 billion,
16:10we ask for a itemized geotag coordinates of the farm-to-market roads under that amount,
16:24specific projects, before we agree to prove it.
16:29Wala namang nakikitang problema si Majority Leader, Sen. Migs Udiri,
16:33sakaling mariinak ang budget kung hindi itong mapapaabot sa takdang oras.
16:37There's nothing wrong with that.
16:40A United States, 120 days yato, wala silang budget, 120 days.
16:44At inayos lahat ng busot.
16:46I'm not saying it will take 120 days.
16:48What I'm saying is, ayusin natin yung budget.
16:52Pero ang Malacanang, may alimlangan kung mauwi sa reenacted budget.
16:57Ayaw po ng Pangulo niyan, kahit po ang Department of Finance ay nangangamba
17:00kung magkakaroon ng reenacted budget dahil marami pong mali-delay na proyekto kapag nagkataon.
17:05Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Tima ang inyo.
17:10Saksi!
17:11Humingi na paumanhin si Poc Wang para sa kanyang kuya na nag-viral
17:15matapos sakta ng isang lalaking nagtutulak ng kariton sa antipolo.
17:19Ang atres planong dalawin mismo ang anak ng lalaking na napaiyak sa gitan ng komosyon.
17:25Saksi si Orbi Caramper.
17:27Ako po yung humihingi ng dispensa doon po sa kanyang nakaalitan
17:34at lalong-lalo na po doon sa anak na babae kasi siya ka na iha.
17:40Kinumpirma ng kapuso-komedia na si Poc Wang
17:42na kapatid niya ang pickup driver na nasa viral video
17:45ng pananakit sa isang lalaking nagtutulak ng kariton sa antipolo city.
17:50Maraming bumatikos sa pananakit ng driver na nagugat-umano sa pagtama ng kariton sa pickup.
17:58Hinampas at minura ng pickup driver ang lalaki
18:01nakasama pa noon ang kanyang batang anak na umiiyak sa video.
18:06Ayon kay Poc Wang, hindi niya kinukonsinti ang kanyang kuya
18:10dahil alam niyang mali ang ginawa nito.
18:13Para lang malaman ng lahat na maring ko pong kinukondi na yung nangyari.
18:20Hindi po, kahit anong mangyari, hindi ka dapat nabubuhat ng kamay din.
18:25Kahit wala naman daw siyang kinalaman sa pangyayari,
18:28nagpakumbaba na si Poc Wang at siya na rin mismo ang humingi ng paumanhin.
18:33Bago ito, sinabi ng antipolo police na nagkaayos at nagkausap na rin
18:38ang kanyang kapatid at nakaalitang lalaki.
18:41Pinagpapaliwanag ng LTO ang pickup driver at suspendido ngayon ang lisensya.
18:46Plano rao ni Poc Wang napuntahan at kumustahin ang anak ng lalaki.
18:51Dalawin ko si baguets, before or after Christmas.
18:55Kaya rin daw siya nagpost ay para makiusap na huwag naman sanang idamay
19:00ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya na wala naman daw kinalaman sa nangyari.
19:06May nagpost kasi ng litrato ng kanilang pamilya,
19:09pati na ang address ng kanyang kuya na nagdulot daw ng pangamba at takot sa kanyang mga pamangkin.
19:15Naiintindihan ko po na yung galit ng tao, misan hindi natin makokontrol din
19:21pero sa naisipin din po natin yung pag nagpo-post tayo, yung risk ko niyan,
19:26yung kaika nga eh, think before you click nga, diba?
19:31So ayun po, may ano yung mga pamangkin ko, natakot na.
19:35Para sa GMA Integrated News, ako si Aubrey Carampel, ang inyong saksi.
19:40Ngayong dumarami ang mga bumabiyahe para sa Kapaskuhan,
19:45pinaiting ang kampanya sa mga kolorum na sasakyan.
19:48At sa tala ng LTFRB, abot sa siyamnapung libo ang mga sasakyang kolorum.
19:53Saksi si Sandra Aguinaldo.
19:57Dahil sa malalang problema raw sa mga sasakyang kolorum o walang prangkisa,
20:02naglunsad ng Special Task Force at Department of Justice para labanan ito.
20:06Ayon kay Justice Acting Secretary Frederick Vida, nagtalaga ang DOJ ng mga prosecutor
20:12para tumutok sa case build-up laban sa mga kolorum at tumulong sa information campaign laban dito.
20:18Malaking bahagi raw kasi nang kita ng mga lehitimong pampasaherong sasakyan
20:23ang nawawala dahil sa mga kolorum.
20:25Meron nung injustice nun.
20:27Yung lumalagay sa tama, siya pa yung nadedehado.
20:30So, magkakaskade po kami ng aming mga bagay na natutunan at yung iba't iba pong strategiya
20:37para po mag-case build-up at para po lalo nating mausig yung dapat usigin.
20:43Dumating din sa DOJ si na Transportation Secretary Giovanni Lopez
20:48at LTFRB Chairman Vigor Mendoza.
20:51Anila, malaking tulong ito sa kanilang kampanya kontra kolorum.
20:55Teka-tekada na po na wala na hindi natin ginagamit yung sinasabing ngitin ng batas.
21:02Hindi na po kasi effective yung pagmumulta lang.
21:06Kailangan po natin maipakita na itong ginagawa ng ating mga sinasabing mga nagkokolorum
21:15ay talagang bawal sa mata ng batas.
21:19Up to 30% of their income ang tinatamaan ng kolorum operations.
21:26More or less, mga 30% ng mga sasakyan sa daan ay kolorum.
21:31You're looking at somewhere the vicinity of 90,000 vehicles.
21:35Hirit na isang miyembro ng transport sector,
21:38dapat papanagutin din ang mga protektor ng kolorum.
21:41Papanagutin naman po yung mga patong mismo na sa gobyerno,
21:46naglalagay po doon kaya tumadami at tumalakas sa loob ng mga nagkokolorum.
21:52Pagtitiyak ng DOJ at DOTR,
21:55Bigyan niyo ako ng workable and actionable intel.
21:58Tatrabahohin mo ng NBI, tatrabahohin mo natin dito sa DOJ.
22:02Baka may listahan ka na po ng mga nasa patong,
22:05ibigyan niyo na po sa akin, yayarihin na po natin.
22:08Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
22:14Isang daan at 62 medalya na nakamit ng Pilipinas sa 2025 SEA Games sa Thailand.
22:21Base po yan sa huling tala sa opisyal na website ng SEA Games kaninang alas 10 ng gabi.
22:2528 na real ang ginto.
22:27Kabilang ang nakamit ni Pinoy Olimpian E.J. Obiana sa men's pool vault.
22:32Ang iba pang panalo ng mga atletang Pilipino sa pagsaksi ni Jonathan Andal.
22:38Sa ika-apat na sunod na pagkakataon,
22:43muling nanguna ang Pinoy Olimpian na si E.J. Obiana sa men's pool vault event sa Southeast Asian Games.
22:50Sa taas na 5.70 meters,
22:52binasag ni Obiana ang SEA Games record na siya rin ang nagtala sa Cambodia dalawang taon ng nakararaan.
22:58Pero sabi ni Obiana, hindi bagong record ang kanyang target,
23:01kundi ang makapanalo ng apat na sunod na ginto sa pool vault event sa SEA Games.
23:07Considering where I'm coming from last year and how early it is,
23:12I'm happy in how I jumbled.
23:13I'm very happy that I'm able to take home the gold.
23:17Bronze medal naman ang nakamit ng isa pang pool vaulter ng Pilipinas na si Elijah Cole.
23:23Aabante naman sa gold medal match si Alex Ayala.
23:26Matapos talunin ng Thailand sa semifinals ng women's tennis singles,
23:30tinapos ni Ayala ang match sa malakas na smash.
23:33Game, set, match, yala.
23:36Straight, set, win, 6-1, 6-4.
23:40Sa rowing naman, nakuha ng team Pilipinas ang ginto ng manguna sa karera,
23:45ang tandem niya na Christine Paraon at ng Olympian na si Giovanni Del Gaco
23:49sa women's double skulls laban sa apat na bansa.
23:52Di po namin na-expectong gold mamin po kasi po, malalakas din po yung mga kalaban namin.
23:58Nag-worry din po ako sa atingin po kasi.
24:00Mag-wag-wag-wag-wag din po ako nawala sa rowing,
24:03dahil sa military training po.
24:05And nung after Paris po, medyo napatingin po ako.
24:08Talawang gintong medalya rin ang dagdag sa Pilipinas
24:10dahil sa bilis ng SEA Games first-timers
24:13na sina Usain Lorania at Naomi Marjorie Cesar,
24:16nakapwa-kampiyon sa 800-meter races sa men's and women's event ng Athletic.
24:21Super unexpected po kasi I'm up against South East Asia's fastest 800-meter runner
24:28and 400-meter runner as well.
24:30So super hindi ko expect na mananala ako sa event na ito.
24:34It feels amazing. I'm so honored and so proud to represent the country
24:38and to be on 2 and goal is a great country.
24:42Wagirin ng ginto si Zaira Bonas
24:45sa women's low kick 48kg category ng kickboxing kontra Thailand.
24:50Ito ang unang ginto ng bansa sa kickboxing sa SEA Games.
24:54Kahapon, emosyonal ang mga player ng Alas Pilipinas women
24:58matapos matalo sa bronze medal match kontra Indonesia.
25:01Dalawangpun taon nang hindi na nanalo ng medalya ang Pilipinas
25:05sa women's volleyball ng SEA Games.
25:08Masakit talaga eh kasi kaya talaga sana.
25:10Kaya nangyari po kasi meron dapat tayong ginawa before pala.
25:14Hindi rin pinalad kanina ang Alas men sa group stage
25:17kontra sa defending champion na Indonesia
25:19pero pasok pa rin sila sa semifinals.
25:23Pasok naman sa finals ang SEA Bullmen para sa larong Mobile Legends
25:26matapos talunin ang Indonesia 3-1
25:29mula rito sa Bangkok, Thailand.
25:31Ako si Jonathan Andal ng GMA Integrated News
25:34at ng Philippine Olympic Committee Media.
25:36Ang inyong saksi!
25:38Patawid sa Dalmonte Avenue sa Quezon City
25:40ang SUV na yan nang salpokin ito
25:42ng paparating na AUV.
25:45Sa lakas ng impact, tumagilid ang SUV.
25:48Parehong nagtamon ng pinsala
25:49ang dalawang sasakyan.
25:51Isinugo naman sa ospital
25:53ang sugatang driver ng SUV
25:54na isang senior citizen.
25:56Hawak na ng QCPD Traffic Sector 1
25:58ang driver ng AUV.
26:00Umamin-umano siyang bahagyang nakainom
26:03bago nangyari ang disgrasya.
26:06Kinilala naman dawin sa City Council
26:08ang babaeng buwis-buhay
26:09na sinagip ang mga alagang aso
26:10sa gitna ng sunog.
26:12Dumalo po sa sesyon
26:13si A. May Lee Maninggo
26:15kasama ang kanyang fur babies
26:17na sina Mia at Kyan.
26:19Kabilang din sa kumilala
26:21sa katapangan niya
26:22ang isang animal advocacy group.
26:26Nagbigay pa sila ng regalo
26:27at mga treats
26:28para sa mga aso.
26:30Kinangaan si Maninggo
26:31matapos mag-viral ang video
26:32kung saan makikita
26:33na inunan niyang iliktas
26:35ang mga alaga
26:35bago ang kanyang sarili.
26:43Jampack sa kilig
26:44ang mall tour
26:45ng Metro Manila Film Fest entry
26:47na Love You So Bad
26:48sa Maynila.
26:50Paray ang hiyawan ng mga fans
26:51habag ko bakit taas
26:52na Will Ashley,
26:55Dustin Yu,
26:57at
26:57Bianca Rivera.
27:01Lumakas pa ang hiyawan
27:02ng mag-ala bride
27:03si Bianca
27:04habang may suot na veil.
27:06Ang kinu-will,
27:07Dustin,
27:07at Bianca,
27:08nakakataba ng puso
27:10ang natatanggap nilang
27:11pagmamahal
27:12at suporta.
27:13Nagpapasalamat din sila
27:15sa oportunidad
27:16na bumida sa pelikula
27:17para mapakita
27:18ang kanilang talento
27:20sa pag-aarte.
27:24Salamat po sa inyong pag-saksi.
27:26Ako po si Pia Arcangel
27:27para sa mas malaki misyon
27:29at sa mas malawak
27:30na paglilingkod sa bayan.
27:32Mula sa GMA Integrated News,
27:34ang News Authority ng Filipino.
27:36Hanggang bukas,
27:38sama-sama po tayong magiging
27:39Saksi!
27:43Mga kapuso,
27:46maging una sa Saksi!
27:48Mag-subscribe sa GMA Integrated News
27:50sa YouTube
27:50para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended