- 15 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:30At sa bayan ng Bato, at sa bayan ng Manaviga, gumuho ang lupa sa kasadang naguugnay sa dalawang barangay.
00:37Naantala ang daloy ng trapiko at hindi itong madaanan ng mga sasakyan.
00:41Pereyuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong huta habang patuloy ang clearing operations.
00:47Ay sa pag-asa, Easter Lease ang naka-apekto sa Bicol Region.
00:55Malagim na aksidente dalawang araw bago magpasko.
00:58Tatlong magkakaanak ang patay sa salpukan ng kotse at truck sa South Luzon Expressway sa bahagi ng Alabang Muntinlupa.
01:05Tatlong iba pa ang sugataan kabila ang batang limang taong gulang.
01:09Saksi si Marisol Abderrama.
01:11Wasak na wasak ang kotse ito matapos salpukin ng isang truck sa Northbound Lane sa South Luzon Expressway sa bahagi ng Alabang Muntinlupa alas 3 na madaling araw kanina.
01:25Base sa embisigasyon ng PNP Highway Patrol Group, nagminor ang kotse, ngunit hindi na nakapagpreno ang truck hanggang sa sumalpok sa kotse.
01:32Nagminor itong sedan at hindi na rin nakapagpreno o nakapagminor itong truck na ito.
01:39Pero para magkaroon ng ganito kagrabing casualty, malabilis ang truck kasi ganong kalakas ang impact.
01:46Isa din yan sa tinitigdan din po ng anglo ng ating mga investor.
01:51Ang masaklap, patay ang tatlo magkakaanak na sakay ng kotse.
02:02Sugata naman ang tatlo pa nilang kasama kabilang ang limang taong gulang na bata.
02:07Patuloy silang ginagamot sa ospital.
02:09Hawak na ng PNP Highway Patrol Group ang driver ng truck na posibing maharap sa reklamong reckless influence resulting in multiple homicide at damage to property.
02:18Paalala ng otoridad, ngayong holiday rush, tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan at dapat din maging alerto ang driver upang maiwasan ang trahedya.
02:29Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduramad ang inyong saksi.
02:36Hindi na pala droga ang kaso na isang lalaking inaresto sa by-bust operation sa Kainta Rizal.
02:42Suspect din pala siya sa pamamaril sa lalaking nakaalita niya ang may hit isang buwan na ang nakakaraan.
02:47Ating saksi ha!
02:52Sa kuha ng CCTV, makikitang hinahabol ng isang lalaki ang isa pang lalaki sa bahaging ito ng Riverside-Chassenville Subdivision, Barangay San Juan, Kainta Rizal.
03:05Maya-maya, maririnig ang sunod-sunod na putok ng baril.
03:09Ang lalaking binaril, tinamaan ng dalawang beses sa katawan at agad dinala sa Kainta Municipal Hospital.
03:22Ang pamamaril, nangyari noong araw ng Undas, November 1.
03:28Ang suspect naman, tumakas at nagtago.
03:31Sa ikinasang follow-up by bust operation, isang lalaki ang naaresto ng mga pulis.
03:37Ikinasa ang operasyon sa tulong ng impormante na nagsabing may isang lalaking madalas nakikitang nagtutulak umano ng droga sa lugar.
03:46Sa pagsisiyasat na mga pulis, napagalamang ang lalaking inaresto ang siya palang hinahanap na mga pulis sa kasong frustrated homicide base sa kuha ng CCTV.
03:58Lumalabas ding nagkaroon muna ng mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang humantong sa pamamari.
04:04Nag-kaino man at nagkaroon ng pagtatalo kung saan yung biktima ay sinapak itong s*****.
04:10Subalit ang s***** ay gumante at binunod yung kanyang 38 baril at binaril na kanyang kaibigan.
04:17Mga dalawang beses po na baril niya.
04:19Bukod sa reklamong frustrated homicide na isinampan ang biktima, may dagdag na suntong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspect.
04:29Nakuha sa kanyang 12 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang mahigit 80,000 piso at isang .38 caliber revolver.
04:39Sa pahayag ng suspect, kinumpirman niyang sa kanya ang drogang na samsam.
04:43Sa isyo naman, sa navideohang pamamari, sinabi ng suspect na sa korte na lang siya magpapaliwanat.
04:51Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.
04:57Inabot po ng dalawang araw ang paghihintay na ilang pasaerong sasakay ng barko sa Matnog Port o Matnog Port sa Sorsogon.
05:05Mahaba na rin po ang pila ng mga sasigang tatawid patungong Samar.
05:09Saksi, si Marie Zumali.
05:13Mahabang pasensya ang kailangan sa mahabang pila sa Matnog Port sa Sorsogon, dalawang araw bago ang Pasko.
05:21Abot na sa labas ng kalsada ang pila sa booking office.
05:25Ayon sa ilang pasahero, labindalawang oras ang kanilang hinintay bago makasakay.
05:29Ang iba nga, umabot pa raw ng dalawang araw.
05:33Mahaba na rin ang pila ng mga sasakyan sa Maharlika Highway na tatawid sa Samar.
05:37Dahil dito, nanawagan na ng tulong ang pamuno ang panalawigan ng Sorsogon sa Marina at Postgard Region 8 na maipatupad ang stay time ng mga barko o yung nakatakdang tagal ng pananatili sa pantalan sa Samar.
05:49Ang alam mong stay time sa kanila is 2 hours, maximum stay time, and 3 hours dito sa amin sa Matnog.
05:57So, as per observation, yung turnaround ng barko is napakabagal kasi naantay nilang mapuno yung mga vessels doon sa kabila before nila palayagin dito.
06:09Bagamat may delay sa mga biyahe ng mga barko, wala namang kanselasyon.
06:14Naglabas na rin ang travel advisory ang lalawigan na hanggat maaari, ay gumamit na muna ng mga alternatibong pantalan lalo na ang mga babiyahe pa Cebu at Mindanao.
06:24Mas lalo rin dumarami ang mga pasahero sa Dumaguete Port sa Negros Oriental.
06:28Wala na tuloy maupuan ang ilan sa loob ng terminal.
06:31Ayon sa PCG, umabot sa halos 8,000 ang mga dumating at umalis na pasahero kaninang umaga.
06:38Sa Batangas Port, mula December 13, umabot na sa 177,000 ang mga pasahero.
06:45Ngayong araw, halos 8,000 ang pasahero hanggang tanghali at inaasahang madaragdagan pa rao ngayong gabi.
06:51Nilinaw rin ang pamunuan ng pantalan ng pansamantalang pagkaantala sa pag-issue ng ticket ng kasagsagan ng dagsa
06:56ay dahil sa kakulangan ng available seats sa mga barko at sa mahigpit na passenger limit na ipinatutupad ng Philippine Post Guard.
07:03Nasasagawa natin ng maayos yung ating maritime safety and security protocols.
07:09Lahat ng ating mga barko dito ay compliant, ma'am.
07:12Mahigpit din daw nilang binabantayan ang nakarating na balitang may mga fixer o manong naniningil ng 2,000 pesos
07:18para maisingit sa pila ng mga truck o roro passengers.
07:22Inaprubahan naman ang Philippine Ports Authority ang hiling ng Asian Terminals Incorporated
07:27na itaas ang passenger terminal fee sa Batangas Port na ipatutupad sa dalawang yugdo o tranches.
07:34Mula sa kasilukuyang 30 piso, itataas ang terminal fee sa 60 piso simula January 1, 2026
07:40at magiging 70 piso naman pagdating ng July 1, 2026.
07:45Kita niyo naman ang lumaki at naging mas maganda at mas naging mag-abangang atin na transport.
07:50Wala naman kasing increase in terminal fee over the past 15 years.
07:56Hiwalay ang terminal fee sa pamasahe kaya hindi madaragdagan ang pamasahe sa biyahe.
08:01Ang terminal fee ay babayaran lamang ng mga outbound passengers.
08:05Mananatili naman daw ang terminal fee exemption para sa piling sektor.
08:09Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang Inyo, Saksi.
08:15Kasabay na uwian na marami para sa Kapaskuhan ang simula ng matagal nang hinihintay na rehabilitasyon sa EDSA.
08:22Binabantayan din ang mga PUV na namamasada kahit kolorong.
08:26Saksi la, si Bam Alegre.
08:29Bam?
08:30Pia, tatlong kolorong na van na biyahe ang probinsya na na-intercept ng mga otoridad dito sa Cubao, Quesa City.
08:44Nahuli ang ilang van na ito na bibiyahe sana pa-probinsya isang araw bago ang bispiras ng Basko.
08:50Papunta sana ng Isabela at Kamarines Sur ang mga van pero wala may pakitang kaukulang dokumento
08:54ng sitahin ng SAIC o Special Action and Intelligence Committee for Transportation.
08:58Kumpiskado ang kanila mga plaka at for impounding ang mga sasakyan.
09:02Kukunin din ang mga lisensya ng mga driver at kitikitan.
09:05Kailangan itong tubosin mismo sa LTO.
09:08Depensa ng driver ng mga van, mga kamag-anak lang daw ang sakaysanan ng sasakyan.
09:12Pero sa pagsisiyasad ng SAIC, may ilang pasahero na hindi nila kakilala o kaano-ano.
09:16Ito po'y napakadelikado para po sa ating mga kababayan sapagkat hindi po sila covered ng mga insurance ng mga sasakyan po ito.
09:24At yung pong, ika nga, yung pagiging koloro may iligal at yung pong mga pamasahe ay hindi nare-regulate.
09:30Yung mga sakay po namin, sir, alus mga konektado lang din po sa pamilya po.
09:35Na mga gusto pong makauwi ngayong Pasko.
09:37Kanina, abala na rin ang provincial bus station sa Edsa-Cubao ng pasyalanamin.
09:41Patuloy ang pagdating ng mga pasahero, bit-bit ang kanilang mga bagahe, pauwi sa kanilang-kanilang prominsya bago ang Pasko.
09:50Sa PITX, nagdagdag na ng mga bus.
09:53Bandang tanghali, nagkaroon ng ilang segundong power interruption, pero hindi naman naka-apekto sa operasyon.
09:58Mula December 19 hanggang kahapon, nasa 800,000 pasahero na ang dumaan sa PITX.
10:03Naasahan po natin na 23 po ang pinakamaraming mga babyahe dahil ito na po yung last day bago po yung start ng ating Christmas holiday.
10:12190,000 to 200,000 po nakita natin for today.
10:16Nasa 1,600 special permits ang inisyo ng LTFRB para sa dagdag na bus.
10:21Meron pong congestion ngayon sa Port of Matnog dahil sa volume lang talaga.
10:26So yung turnaround time ng ibang bus, e medyo tumatagal more than usual.
10:32So yun ang ating minomonitor kung kailangan pa talaga mag-issue ng additional special permits.
10:39Kasabay ng exodus ng mga sasakyang biyaheng probinsya, ang simula ng rehabilitasyon ng EDSA bukas alas 11 ng gabi.
10:46Naglabas ng schedule ng DPWH para sa 24 oras na pagkukumpuni hanggang December 27.
10:52Sa southbound, may concrete re-blocking sa ilang bahagi ng Picella Street hanggang Rojas Boulevard at Tramo Flyover hanggang Picella Street.
10:59Gayun din sa northbound ng Rojas Boulevard hanggang Park Avenue at Park Avenue hanggang Taft Avenue.
11:06Asphalt overlay naman ang gagawin sa ilang bahagi ng EDSA Orense hanggang Ordaneta Village southbound, EDSA Orense hanggang Magallanes Interchange at Tramo hanggang Loring Street.
11:16Magbibigay ang DPWH ng panibagong schedule ng pagkukumpuni para sa December 28 hanggang January 5.
11:22Wala rin coding mula ngayong araw hanggang December 25 at mula December 29 hanggang January 2.
11:28Sa kanto naman ng EDSA at Scout Borromeo sa Quezon City, tumagilid ang isang van matapos sumalpok sa concrete barriers ng EDSA southbound.
11:36Pasado alas 10.30 ng umaga, nagtulungan ng mga motorista para mailabas ang mga naipit na pasahero.
11:41Ayon sa MMDA, isang sugatan. Wala namang indikasyon na nakainom ang driver.
11:45Pia, makikita ninyo sa anging likuran, ganito karami yung mga pasahero rito na naghihintay ng masasakyan.
11:56At patuloy naman ang pag-ikot ng DOTR sa ik para tiyaking walang biyaheng color room.
12:01Mula rito sa Cubao, Quezon City para sa GMA Integrated News.
12:04Ako si Ba Malegre, ang inyong saksi.
12:06Tugmara po sa mga fingerprint, mga larawan at iba pang biometric features ng pamanong na dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
12:16ang katawang nakita sa Kennon Road sa Benguet nitong Webes.
12:20Sinisiyasot naman ng PNP at ng NBI ang CCTV video sa hotel kung saan huling tumuloy si Cabral bago po siya namatay.
12:28Saksi si June Veneracion.
12:29Baga alauna ng hapon noong Webes, makikita sa kuha ng CCTV si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
12:41na naglalakag papasok ng driveway ng Ayon Hotel sa Baguio City.
12:45Makalipas ang limang minuto, dumating ang kanyang SUV na minamaneho ng kanyang driver.
12:51Nakuna ng CCTV ang pag-check-in nila sa hotel.
12:54Bandang 1-10 ng hapon, inihatid ng driver si Cabral sa suite nito sa 4th floor.
12:581-20 ng hapon, pumasok ang driver sa kanyang kwarto.
13:02Sa susunod na video, nakuha 2-47 ng hapon.
13:06Kumatok saka pumasok si Cabral sa kwarto ng driver.
13:09Saka sila makukunan ang magkasunod na lalabas.
13:12Makalipas ang ilang minuto, ubalis ang SUV na pinaniniwala ang dubiretso noon sa Kennon Road bago mag-alas 3 ng hapon.
13:19Ang makuhang ito ng CCTV, hawak na ng mga investigador matapos isilbiin ang PNP at NBI ang Sub-Pinas sa hotel.
13:27Eksklusibo itong nakuna ng GMA Integrated News.
13:30Pero hindi na ipinakita ang ibang nilalaman ng mga CCTV.
13:34Dahil kasama ang mga ito sa malalimang investigasyon ng NBI at PNP,
13:38naood na lang hinalughog ng mga otoridad ang hotel room ni Cabral,
13:41kung saan may nakuhang kutsilyo at gamot sa kanyang bag.
13:44If we're talking about the knife or the items that were recovered,
13:48yung knife or self-protection,
13:50while the medications, we secure that.
13:53We also took tissues so that we can study if these medications were used.
14:05Ayon sa PNP,
14:07lubapas sa laboratory test na positibo si Cabral sa isang uri ng antidepressant drug.
14:11Sabi ni Interior Secretary John Vic Rimulia,
14:15pwede nang alisin ang ang gulong foul play base sa mga ebidensya.
14:18The post-mortem examination showed extensive facial injuries on the right side of her face,
14:23extensive injuries on the rear of her skull,
14:28extensive injuries to the right side of her ribcage,
14:34and her hands.
14:36It shows a forward motion drop from the tip.
14:44Gayun man,
14:45kailangan isa ilalim sa digital forensics ang cellphone ni Cabral.
14:49Kaya nag-apply na ng search warrant ang PNP sa korte para makuha ito.
14:53What we have to determine is whether,
14:56number one,
14:56there were threats to her life.
14:58Number two,
14:59if there were any conversations she had prior to the event.
15:05Number three,
15:07if there were still transactions pending.
15:10And number four,
15:11who was she conversing with in the week before the event.
15:17Absuelto na rin daw sa ngayon ang driver ni Cabral.
15:19To our investigation so far,
15:21we see no conclusive links with him and the fall of Yusek Cabral.
15:26Lumabas din daw sa pagsusuri sa biometric features si Cabral.
15:29Nakatawan niya talaga ang natagpuan sa bangin sa Kenan Road.
15:32Ayon kay Rimulya,
15:33malapit ito sa isang overpriced rock netting project
15:36na base sa investigasyon,
15:38ay sasabit din ang dating DPWH official.
15:40The fingerprints match,
15:43then the pictures match.
15:44All the biometric features show that it is her
15:49with great degree of certainty.
15:51Naibigay na ng DPWH sa Office of the Ombudsman
15:54ang mga computer at files ng yumaong si Cabral.
15:58Ayon sa DPWH,
16:00galing ang mga ito sa tanggapan dati ni Cabral sa kagawaran.
16:03Kasama sa mga binigay na dokumento,
16:05ang mga request ng mga opisyal
16:07habang inihahanda
16:07ang National Expenditure Program
16:10sa nakalipas na sampung taon.
16:12Ay ka-assistant Ombudsman Miko Clavano,
16:15mananatiling selyado ang CPU at mga file ni Cabral
16:17hanggat di na isasagawa
16:19ang digital forensic examination.
16:22Para sa GMA Integrated News,
16:24ako si John Van Arashon,
16:25ang inyong saksi.
16:28Blacklisted na sa Pilipinas
16:29ang dalawang Chinese national
16:30na inaresto ng Bureau of Immigration.
16:33Isa po sa kanila,
16:33wanted sa China para sa kasong kidnapping.
16:37Saksi si John Consulta.
16:42Pagkakuha ng senyas sa aset,
16:47sumalakay na ang operatiba
16:48ng BI Fugitive Search Unit.
16:53Una nilang pinusasan
16:54ang Chinese national
16:56na inabutan sa labas ng bahay.
17:00Inabutan namang natutulog sa sala
17:02ang Chinese ding
17:03pangunahing target ng operasyon.
17:05Meron po siyang kinakaharap na kaso
17:07sa kanilang bansa.
17:08Ayon po sa kanila,
17:10ito pong si Xi
17:11ay wanted ng Chinese police
17:13for kidnapping.
17:14At meron pong standing
17:15warrant of arrest
17:17issued po
17:18ng Public Security Bureau
17:19of Jinjang City
17:20noong 2024.
17:22Ito yung isa sa mga kwarto
17:24ng bahay na pinasok
17:26ng Bureau of Immigration
17:28and Fugitive Search Unit.
17:29Pero ang isa sa mga nakaagaw
17:32pansin ay itong weighing scale.
17:36Electronic weighing scale
17:37na nandito.
17:39Merong mga maleta.
17:41At ito,
17:43medyo highlight,
17:44mga kapuso.
17:45Merong katlong vault
17:47na nandito sa sulok.
17:48Merong mga small,
17:52medium,
17:54at large.
17:56So,
17:57hindi pa natin ito
17:59kung ano naman
18:00yan ay nakuha
18:02sa pag-iingat
18:03itong ang
18:04na-arrestong
18:06Chinese fugitive
18:08dito sa bahagi
18:09ng Taytay Rizal.
18:11Bukod sa mga gadgets,
18:12Wi-Fi radios,
18:13at cell phones,
18:14nakumpis ka rin
18:15ng reading team
18:16ang LTO driver's license
18:17ng isa sa mga
18:18Chinese fugitive
18:19na merong litrato niya
18:20pero Pilipino
18:21ang nakalagay
18:22na pangalan.
18:23Tuluyan nang
18:24naipadeport pabalit
18:25ang China
18:25ang primary target
18:27na Chinese fugitive
18:28habang ang kapwa niya
18:29Chino
18:29na unang inaresto
18:30nakapila na rin
18:32for deportation.
18:33Blacklisted na rin
18:34ang dalawa rito
18:35sa Pilipinas.
18:36Para sa GMA
18:37Integrated News,
18:38John Konsulta
18:40ang inyong
18:40saksi.
18:41Inaasak ang magpapasko
18:44habang nakadetineh
18:45sa Senado
18:46ang mga dating
18:47DPWH engineer
18:48na sinahen
18:49ni Alcantara,
18:50Bryce Hernandez
18:50at JP Mendoza
18:52ganyan din ang kontratistang
18:53si Curly Descaya.
18:55Tinanggihan kasi
18:56ng Senado
18:56ang hiling lang
18:57makalabas pa
18:58ang samantala
18:58ngayong kapaskuhan.
19:00Ating saksihan!
19:04Ito ang 15 milyong pisong
19:05ibinalik
19:06ng kontratistang
19:07si Sally Santos
19:08kahapon
19:08bilang bahagi
19:09ng proseso
19:10ng restitution
19:10o pagbabalik
19:11ng pera
19:12sa gobyerno.
19:13Si Santos
19:13ang may-ari
19:14ng SYMS
19:14Construction Trading
19:15na dawit
19:16sa mga ghost
19:17at substandard
19:18na flood control
19:19projects sa Bulacan.
19:20Nadawit din
19:21ang kumpanya
19:21sa hiraman
19:22ng lisensya
19:22ng mga kontratista
19:23ng gobyerno
19:24para umano
19:25sa mga proyekto
19:25ng DPWH.
19:27Ayon sa DOJ,
19:28sa kabuuan,
19:2920 milyong piso
19:30na na ibalik
19:30ni Santos,
19:31kabilang
19:31ng 5 milyong pisong
19:32na ibalik niya
19:33noong December 4.
19:34Ang kabuuan
19:35halaga
19:35ibabatay raw
19:36sa royalty fees
19:37na nakuha umano
19:38ni Santos
19:38sa hiraman
19:39ng lisensya.
19:40Nabigyan na raw
19:41ng provisional
19:41admission
19:42sa WPP
19:43si Santos
19:44gaya ni na dating
19:45DPWH
19:46Bulacan 1st District
19:47Engineer
19:47Henry Alcantara
19:49at dating
19:50DPWH NCR
19:51Director
19:51Gerard Opulencia
19:52na nauna na rin
19:53magsauli
19:54ng pera
19:54sa DOJ.
19:56Nanatiling
19:56nakakulong
19:57si Alcantara
19:57sa Senado
19:58patapos siyang
19:59makontempt
19:59na o mga pagdinig.
20:01Kasama niya roon
20:01ang mga dati ring
20:02DPWH Engineer
20:03na sina Bryce Hernandez
20:04at JP Mendoza
20:06gayon din
20:06ang kontraktor
20:07na si Curly Diskaya.
20:08Ayon kay
20:09Senate Blue Ribbon Committee
20:10Chairman Panfilo Lacson
20:11bumiling ang
20:12apat na pansamantala
20:13makalabas ng Senado
20:14para sa Pasko.
20:15Pero inaprubahan
20:16daw ni Senate President
20:17Tito Soto
20:17ang rekomendasyon
20:18ni Lacson
20:19na huwag silang pagbigyan.
20:21Ilang beses kasing
20:21nagbabalasin na
20:22Ombudsman
20:22Jesus Crispin Remulia
20:24at Pangulong Bombo Marcos
20:25na maglalabas
20:26ng warrant
20:26laban sa kanila
20:27bago magpasko.
20:28Kaya may security risk
20:29daw na tumaka sila.
20:30Papayagan lang daw
20:31silang dumalo
20:32sa Misa
20:32sa Senado
20:33at mabisita
20:34ng kanika nilang
20:34mga pamilya.
20:35Ang asawa naman
20:36ni Curly Diskaya
20:37na si Sarah
20:37nakakulong
20:38sa Lapu-Lapu City Jail
20:39dahil sa mga kasong
20:40graft at malversation
20:42para sa ghost flood
20:43control project
20:43sa Davao Occidental.
20:46Nananatili namang
20:46at large
20:47si dating Congressman
20:48Saldico
20:48na may warrant pa rin
20:49sa graft at malversation
20:51dahil sa anomalya
20:52sa proyekto
20:52sa Oriental Mindoro.
20:54Ayon kay Interior Secretary
20:55John Vicrimulia
20:56may ginagawang
20:57limang palapag
20:57na basement
20:58sa bahay ni Co
20:59sa Forbes Park.
21:00Base raw yan
21:01sa informasyon
21:01mula sa Homeowners Association
21:03at Construction Plan.
21:04We always assume
21:05that it is for parking
21:06but it is to our knowledge
21:09that it was going to be used
21:11for storage of money
21:12because fire goes upwards
21:16so they put the money below
21:18in the lowest point of the house
21:20so that it won't be handed
21:21there sa fire.
21:22Pinabulaanan na yan
21:23ng abogado ni Co.
21:24Espekulasyon lang daw
21:25ang sinasabi ni Rimulia
21:26na sa basement
21:27iimbakin ang pera
21:28para di madamay
21:29kapag nagkasunog.
21:31Ilabas daw dapat ni Rimulia
21:32ang pinagmula na impormasyon
21:33na wala raw sa building
21:34o construction plan.
21:36Pang sasakyan lang daw
21:37ang disenyo ng basement.
21:38Para sa GMA Integrated News,
21:40ako si Bama Legre
21:41ang inyong saksi.
21:43Traffic at siksikan
21:44ang sinuong
21:45na ilang mamimili
21:45para makahanap
21:47ng murang panregalo
21:48sa Divisoria sa Maynila.
21:50At saksi live
21:51si Katrina Saw.
21:53Katrina,
21:53may namimili pa rin?
21:58Pia,
21:59dalawang araw nga
22:00bago ang Pasko,
22:01mas matindi ngayon
22:02ang dagsa
22:03ng mga mamimili
22:04ng mga gifts
22:05para sa mga
22:06mahal nila sa buhay
22:07dito yan
22:08sa Divisoria sa Maynila.
22:10Gabi na,
22:14dagsa pa rin
22:15ng mga mamimili
22:16dito sa Divisoria
22:17sa Maynila.
22:18Mga panregalo
22:19na pasok sa budget
22:20ang ginarayo
22:20ng karamihan dito.
22:22Si Maylin,
22:23dumayo pa
22:24mula sa Nueva Ecija
22:25kasama ang asawa
22:26at mga anak.
22:27Pwede raw silang
22:28makipagsiksikan
22:29dito sa Divisoria.
22:30Dito raw kasi
22:31niya pipilhan
22:32ang pamasu
22:32ang kanyang mga anak.
22:34Kasi alam ko po
22:35na magiging masaya po sila.
22:37Yun naman po yung
22:38para po sa isang magulang
22:41yung makita po
22:42masaya yung mga anak.
22:43Ang Pasko po
22:44ay para sa mga bata.
22:45So,
22:46ang parang po na tayo
22:47para sa kanila.
22:48Tsaga at pasensya
22:50naman ang baon
22:50ng mga mamimili.
22:52Hindi raw pasip
22:52basta-basta
22:53ang traffic na susungin
22:55makapunta lang dito.
22:57Maging ang siksikan.
22:58Sulit naman daw
22:59makabili lang
22:59ng regalo
23:00para sa mga mahal
23:01sa buhay.
23:02Mas kapansin-pansin
23:03hindi ngayon
23:04ang pagtuon
23:05ng mga pamimili
23:05sa mga regalong magagamit
23:07o na isusot
23:08sa araw-araw.
23:09Gaya ng
23:09pangregalong dami.
23:11Makakabili na
23:12ng ternong dami
23:13na pambata
23:13sa halagang 70 pesos
23:15hanggang 150 pesos.
23:17Ang mga shorts
23:17naman ay
23:18mabibili ng
23:182 for 150 pesos.
23:20Di rin mawawala
23:21ang mga regalong pambata
23:23tulad ng mga laruan
23:24na mabibili
23:25sa halagang
23:2525 pesos pataas.
23:27Mga kikai bags
23:28na 150 pesos
23:30ang isa.
23:31At mga party
23:32dresses for kids
23:33na 200
23:34hanggang 250 pesos
23:35ang halaga.
23:37Ang mga
23:37personalized gifts
23:38mabibili naman
23:39ng 100 pesos pataas.
23:41Mas magagamit kasi
23:42nung re-regaluan ko.
23:44Kasi po
23:45kung pera po
23:46parang wala lang din
23:47naman po
23:47and then pag ganito po
23:48halos araw-araw
23:49nila pang trabaho
23:50pang ano
23:51pang gamit po talaga
23:52pang araw-araw nila.
23:53Kahit malit lang
23:55na nabili mo siya
23:56pag binigay mo
23:57at least naalala mo sila.
23:59Ang mga
24:00nagkikinda
24:00naman dito
24:01may kanya-kanyang
24:02diskarte rin
24:03para makabenta.
24:04Ang ilan
24:05may mga
24:05pa last-minute
24:06discount
24:07at promo pa.
24:08Nagbabawas din po ma'am
24:09ganun din po.
24:10Kasi
24:11parang ano na sa kanila yun eh
24:12parang masaya na sila
24:13kahit konting
24:14na babawasan.
24:15Parang handog
24:16pamaskong handog
24:17muna sa kanila yun ma'am.
24:18Naglilis talaga kami
24:19pagalimbawa
24:20maramihan
24:21less 10
24:21less 15
24:23ganyan
24:23depende po.
24:24Ngayong gabi
24:25mabili na rin
24:26ang mga gulay
24:26at butas
24:27na gagamitin
24:28sa handaan.
24:29Busy ka na
24:30ngayon na gano'ng time
24:31na familiar.
24:32Pisa pag ganun
24:33pag malapit na yung
24:34siyempre
24:36takataka sila.
24:39By 25
24:40baka wala na magkikinda
24:41kasi mag-expire sila
24:42ng Christmas
24:43sa family nilino.
24:44Para makagaga
24:45kasi maraming tao
24:46ngayon paglating
24:46mabili.
24:47Kaya kinagana namin
24:48maganda.
24:57Pia
24:58mula naman
24:58na kaninang hapon
25:00hanggang sa mga oras
25:01na ito
25:02ay mabigat pa rin
25:03ang daloy
25:04ng trapiko rito
25:05lalong-lalo na
25:06sa may
25:06One Luna Street
25:08hanggang palabas na yan
25:09ng Recto Avenue
25:10dito sa Maynila.
25:12At live mula
25:13dito sa Divisorya
25:14para sa
25:15Jimmy Integrated News.
25:16Ako si
25:17Katrina Zorn
25:18ang inyong
25:19saksi.
25:21Magigit na
25:2120 milyong pisong
25:22halaga ng
25:22iligal na droga
25:23ang nakumpis ka
25:24sa Pasay City.
25:26Ay po sa
25:26Bureau of Customs
25:27laman ng mga ito
25:27ng limang parcel
25:28na naharang
25:29noong
25:29December 15.
25:31I-dineklara raw itong
25:32consumer items
25:33pero
25:33na-inspeksyonin.
25:35Tumambad sa kanila
25:35ang halos
25:36tatlong kilo
25:36ng shabu
25:37at halos
25:38isang kilo
25:38ng high-grade
25:39marijuana
25:39o cush
25:40nai-turnover
25:41na-turnover
25:42na sa PIDEA
25:42ang iligal na droga.
25:44Inaalang pa
25:45kung sino
25:45nasa likod
25:46ng tangkang
25:46pagkuslit
25:47sa mga kontraban.
25:49Mga kapuso,
25:50mabigat po
25:51ang daloy
25:51ng trapiko
25:52ngayong gabi
25:53sa ilambag
25:53ng North Luzon
25:54Expressway.
25:55Ay sa
25:56NLEX,
25:56mabagal
25:57ang usad
25:58ng mga sasakyan
25:58paglagpas po
25:59ng Balintawakto Plaza
26:01hanggang
26:02NLEX Harbor Link
26:03Interchange
26:04Northbound.
26:05At umabot na rin
26:06ng dalawang kilometro
26:07ang build-up
26:07sa NLEX Harbor Link
26:09Interchange
26:10patungo Mindanao
26:10Exit
26:11at NLEX
26:12Northbound.
26:19Magiging privado rao
26:20ang nalalapit na kasal
26:21ni Carla Abeliana
26:22pero ibabahagi rao
26:24niya ang mga detalye
26:25sa tamang panahon.
26:27Ganyan din
26:27ang mga detalye
26:28sa naganap na
26:29wedding proposal.
26:31Sa ngayon,
26:31gusto rao muna ni Carla
26:33na gawing privado
26:34ang kanyang buhay
26:35pag-ibig.
26:38We'll share everything.
26:39Oo,
26:40we'll share naman
26:40definitely everything
26:41kasi
26:41ang hirap ng
26:43overwhelmed ka,
26:44overjoyed ka
26:45kasi hindi mo
26:45mailabas,
26:46di ba?
26:46Gusto ko
26:47makita nila
26:48yung happiness
26:49talaga.
26:50Mashare ko yung happiness
26:51na yun.
26:52Shishare natin yan.
26:59Masayang
27:00unboxing ng regalo
27:01ang ibinahagi
27:02na isang guro
27:03sa Iloino.
27:04Excited na binuksan
27:05ang isang estudyante
27:06ang regalo.
27:08Una,
27:09bumungad sa kanya
27:09ay mga chichiria.
27:11Pero tila din
27:12ma siya.
27:14At tinuunang
27:14atensyon
27:15sa isa pang box
27:16at nang kanya
27:17itong buksan,
27:18cellphone pala
27:19ang nasa loob.
27:22Doon na naging
27:22emosyonal
27:23ang 13-annios
27:24na estudyante.
27:25At ang nakabunot pala
27:27sa kanya
27:27ang kanyang
27:28advisor.
27:28Naisipan daw
27:29ng guro
27:30na binha ng
27:30cellphone
27:31ang kanya estudyante
27:32dahil kita niya
27:33ang pagpupusigin ito
27:34sa kabila
27:35ng kahirapan.
27:36Ang iba pang
27:37estudyante
27:37nakatanggap
27:38naman
27:38ng madalit
27:39mula sa guro.
27:44Mga kapuso,
27:46dalawang tulog na lang.
27:48Paso na.
27:50At salamat po
27:51sa inyong pagsaksi.
27:52Ako po si Tia Arcangel
27:54para sa mas malaki
27:55misyon
27:55at sa mas malawang
27:57na paglilingkod
27:58sa bayan.
27:59Mula sa GMA Integrated News,
28:01ang news authority
28:02ng Filipino.
28:03Hanggang bukas,
28:05sama-sama po tayong
28:06magiging
28:07Saksi!
28:08Mga kapuso,
28:17maging una sa Saksi!
28:18Mag-subscribe sa GMA Integrated News
28:20sa YouTube
28:21para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment