Skip to playerSkip to main content
Sa pambihirang pagkakataon, isinantabi muna ng Senado ang rules sa budget hearing. Imbes na senador na sponsor lang ang puwedeng tanungin, pinayagan ang direktang pagtatanong kay DPWH Sec. Vince Dizon ni Sen. Chiz Escudero.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pambihirang pagkakataon, isinantabi muna ng Senado ang rules sa budget hearing.
00:06Imbis na Senador na sponsor lang ang pwedeng tanungin,
00:10pinayagan ang directang pagtatanong kay DPWH Secretary Vince Dizon ni Senador Chis Escudero.
00:17Nakatutok si Rafi Tima.
00:21Alinsunod sa alituntunin ng Senado o Kamara,
00:24kapag tatalakay na sa plenaryo ang budget,
00:26ang mambabatas na sponsor ng budget ng mga nakasalang na ahensya
00:29ang pwedeng sumagot sa interpellation o pagtatanong ng mga senador.
00:33Kagabi sa pambihirang pagkakataon,
00:35pinagbigay ng hiling ni Senador Chis Escudero
00:37na directang pasagutin si DPWH Secretary Vince Dizon sa ilan niyang katanungan.
00:42May I ask three questions directly to the Secretary
00:48because I believe only he can answer given that only he has personal knowledge
00:53about the questions I will be asking.
00:58Any objection?
01:00Hearing none,
01:03there is a motion to suspend the rules of the Senate.
01:08Hearing no objection, the motion is approved.
01:10Mayuriya ng mga tanong ni Escudero ay tungkol sa ginawang pagsasampan ng kaso
01:15laban kay dating Congressman Zaldico
01:16at pagre-recommenda sa umbutsman ng kasong Flander
01:19laban kay ko at dating House Speaker Martin Romualdez.
01:22May naramdaman po ba kayong anumang pangamba
01:25o pagdadalawang isip?
01:28Kaugnay sa ginawa po ninyong paghahain ng kasong ito?
01:32Wala po, Mr. President.
01:35Wala po. In fact, sa lahat po ng aking pag-uusap sa ating Pangulo,
01:40consistent po siya sa kanyang sinasabi na kung saan po ang ebidensya,
01:45doon po tayo pupunta kahit na sino pa po ang pwedeng maisama.
01:51Sa huli, nagpayag ng kasiyahan si Sen. C. Escudero sa mga hakbang na ito.
01:55Alam kong naging hindi madali ang isong ito para sa Pangulo Marcos
01:59nang malaman niyang posibleng sangkot ang kanyang pinsan dito sa isong ito.
02:07Subalit, yun ang Pangulo.
02:09Nais ko pa rin sabihin na binabati ko ang sigasig ng Pangulo
02:13na panagotin ang mga tunay na dapat managot.
02:15Sa interpelasyon naman ni Sen. Ping Lakson.
02:18Hinunan niya na tila may magkakaparehong proyekto at pondo pa rin
02:21na nakalaan sa dalawang magkaibang programa ng DPWH.
02:24Bagamat nilinis na anya ng ahensya ang listahan,
02:27tila may nakalusot pa rin umanong proyektong nakasulat sa SIPAG program
02:30at basic infrastructure program na pareho ang titulo at halaga.
02:34Anong plano natin sa 2026?
02:36I-collapse na lang natin ito.
02:39Kasi confusing.
02:40Maybe this is really designed to confuse eh.
02:43Hindi ba?
02:44Itong SIPAG and BIP talaga hong confusing rin huto
02:48dahil if you look at the subprograms and even the projects,
02:52wala hong pagkaiba eh.
02:54Parang ginagawa lang hong...
02:58Actually, it's very confusing.
03:00So talagang aayusin na huto ng DPWH.
03:03Para sa GMA Integrated News,
03:06Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended