Skip to playerSkip to main content
Inilabas ni dating Cong. Zaldy Co ang umano’y confidential letter kay Pangulong Bongbong Marcos na kaniya raw ipinadala nang maramdamang sinisisi na ang Kamara sa panggugulo sa 2025 national budget. Paliwanag ni Co sa liham na walang petsa, sinunod lamang niya ang sinabi sa kaniyang utos umano ng pangulo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilabas ni dating Congressman Zaldico ang manoy confidential letter kay Pangulong Bongbong Marcos na kanya raw ipinadala ng maramdamang sinisisi na ang kamera sa pangugulo sa 2025 national budget.
00:13Paliwanag ni Ko sa liham na walang pecha, sinunod lamang niya ang sinabi sa kanyang utos umano ng Pangulo. Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:22Noong February 2025, sumulat po ako ng isang confidential letter kay Pangulong Marcos.
00:32Doon ko ipinaliwanag na ginagawa ko lang ang mga utos niya tungkol sa mga insertions na sinasabi niyang hindi na raw niya makilala.
00:42Tulad ng kanyang sinabi sa videong pinos noong Martes, inilabas ni dating Congressman Zaldico ang kanya umanong confidential letter kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:53Ang pitong pahin ng sulat, pirmado ni Ko.
00:57Walang nakasaad na pecha rito, bagamat sinabi ni Ko na ipinadala niya ito sa Pangulo noong Pebrero.
01:05Hindi rin malinaw kung paano ito ipinadala sa Pangulo.
01:08Walang anumang marka na natanggap ito ng Malacanang o ng Office of the President.
01:14Sa liham, sinabi ni Ko na sumulat siya sa Pangulo para magpaliwanag dahil pakiramdam niya na akusahan ng Kamara na ginulo nito ang 2025 budget
01:25gayong sinunod lang naman daw nila ang National Expenditure Program na isinumite ng Ehekutibo.
01:31Binanggit din ni Ko sa sulat ang umanay 100 milyon pesos na budget insertion na hinihiling umano ng Pangulo.
01:40Sabi ni Ko na paulit-ulit daw niyang tinanong kung inutos nga raw ba talaga ito ng Pangulo.
01:45Pero kinumpirmaan niya ni na Nooy Budget Secretary Amena Pangandaman at dating PLLO Chief Undersecretary Adrian Bersamin na utos nga raw yon ng Pangulo.
01:57Sinisiri ni Ko si Nooy Senate President Chief Escudero kung bakit daw lumobo ng husto noon ang budget ng DPWH ng mas malaki pa sa budget ng edukasyon.
02:09Gusto raw kasi ni Escudero na magkaroon ng 200 milyon na alokasyon ang Senado na ang malaking bahagi ay ipapasok sa mga proyekto ng DPWH kaya kinailangang magbawas sa pondo sa ibang departamento.
02:24Nagbabala pa raw siya kay Escudero na hindi pwedeng mas malaki ang alokasyon ng DPWH kesa edukasyon
02:31pero nagbanta raw si Escudero na patatagali ng budget deliberations para magkaroon na lang ng re-enacted budget.
02:40Ito raw at ang hininging budget insertion ng Pangulo ang dahilan kung bakit naging mas malaki ang budget ng DPWH sa edukasyon
02:48bagay na hindi raw alinsunod sa saligang batas.
02:52Itinuro rin ni Ko ang staff ng Senado na siya raw may kasalanan sa kinwestiyon noong mga blanco
02:58sa Bicameral Conference Committee report sa 2025 budget at hindi raw ang mga tao ng Kamara.
03:05Binanggit din ni Ko si dating DPWH Secretary Manny Bonoan.
03:10Ayon kay Ko, sa opisina raw ni Bonoan, nag-aaway-away umano ang mga broker at mga contractor
03:17dahil daw nakapagbigay na ng mga anyay advance.
03:21Hinimok pa ni Ko ang Pangulo na i-review raw ang mga naging desisyon ukol sa budget
03:25at imbestigahan ang papel ng Senado at ng mga pinakamalalapit na kaalyado ng Pangulo
03:32sa malakihang realignment sa budget.
03:35Hinihingan pa namin ang reaksyon si Escudero, si Bonoan at ang malakanyang tungkol sa mga sinabi ni Ko.
03:42Ang ilang mambabatas naman na aming nakausap, hindi raw kumbinsido sa mga pahayag ni Ko.
03:48Hinimok nilang bumalik ito sa bansa, panumpaan ng lahat ng kanyang sinasabi at humarap sa korte.
03:55Dapat niyang ihain ito sa proper forum and then make himself personally be able to at least make these complaints
04:05before the courts so that he can also be given the due process to make all these allegations come into light
04:15before the proper forum. Umuwi siya.
04:17Mahirap malaman kung ano yung nasa utak ni Saldi ko.
04:22But if you look at the statements, it's very serious accusations.
04:26But at the same time, sabi lang niya yun.
04:30Ang iniintay ko ay maglabas siya ng supporting evidence, lalong-lalo na yung independent corroboration.
04:37Dapat bumalik siya dito, iharap niya yung mga kaso.
04:41Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended