00:00Sa detalya ng mga balita, natuwa at nagpasalamat ang mga residente ng Katanduanes sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang lugar,
00:08na mahagi din ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng tulong sa mga residente.
00:15Ang detalya sa report ni Rosie Nieva ng Radyo Pilipinas.
00:22Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Barangay Tubli, Karamuran, Katanduanes
00:28upang makita ang kalagayan ng mga residente matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Uwana.
00:33Una nitong pinuntahan ang Tubli Elementary School kung saan nananatili pa rin doon ang mga residente na nawala ng bahay.
00:40Sunod na nagtungo ang Pangulo sa mga napinsalang mga bahay sa kaparehong barangay
00:44kung saan umabot sa 161 ang naitalang total damage at 367 naman ang bahagyang napinsala.
00:52Naging emosyonal naman si punong barangay Maria F. Palero sa pagbisita ni Pangulong Marcos.
00:57Anya, labis ang kanilang pasasalamat at tuwa dahil nagkaroon sila ng pagkakataong maiparating ng personal sa Pangulo
01:04ang kanilang mga hinain at pangangailangan.
01:06Kaya ako labis ako nagpapasalamat na isa ako sa napili o ako ang napili ng ating minamahal na Presidente Marcos
01:19para babigyan kami ng aming mga mithiin sa aming mga pangangailangan especially po
01:25ang hinihingi ko po ang relocation site ng mga turok 5 and 6 at lahat ng mga kaapiktuhan ng bagyong ito.
01:33Kasabay ng pagbisita ng Pangulo, nagsagawa rin ang Department of Social Welfare and Development ng payout
01:39para sa mga apektadong pamilya at namahagi rin ng family food packs sa mga residente.
01:44Mula sa Katanduanes para sa Integrated State Media, Rosineva ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.