00:00Satisfied si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paghahanda ng mga kinaukulang ahensya ng pamahalaan
00:08kung saan pinangunahan niya ang situation briefing sa NDRRMC sa Camp Aguinaldo,
00:13kaugnay ng efekto ng Super Typhoon Nando at Habagat at ang inaasahang pagtama ng bagyong opong.
00:21Pinatitiyak naman ng Pangulo na sapat ang karampatang tulong para sa mga atektado ng bagyo.
00:26Nagpa-situation briefing siya kung may kinakailangan na augmentation na galing sa DBM, maagapan natin.
00:36We have sufficient reserves for the QRF at sufficient pa yung emergency funds ng mga agencies.
00:45Kasama rin sa paghahanda ang pagiging saturated ng lupa dahil sa mga pagulan dulot ng magkakasunod na bagyo.
00:51Una nang naka-activate ang inter-agency coordinating cell para sa masabilis na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno.
01:00Sana naman, hindi gaano lumakas itong si opong.
01:05Para sa ganun, medyo maspare tayo ng konti. But we have to prepare for the worst case scenario.
01:12Bilang naunguna naman sa disaster response,
01:15Ikinadisbaya ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na tumatayo rin chairperson ng NDRRMC
01:22ang isyo ng katiwalian sa flood control projects.
01:26Talagang unang-una, ito ay sala sa bayan.
01:30Mapatunayan talaga kung sino may kinalaman dito dahil buhay talaga nakasalalay dito.
01:35Secondly, it should serve as a lesson din na ang flood control ay national government initiative yan.
01:45Ngayon, itong pera na ito, sana napunta sa tama, whether sa national defense or resilience ng communities.
01:57Kaya ito, dapat may managot dito at credible yung proseso.
02:02Dapat may magbayad dito.
02:04Samantala, umakyat na sa labing isa ang naiulat na patay dahil sa magkakasamang epekto
02:09ng mga bagyong mirasol, nando at hanging habagat.
02:13Kabilang narito, ang tatlong nabagsakan ng debris sa Kalayan, Cagayan at Morong, Bataan
02:18at isang biktima ng landslide sa Tuba, Benguet
02:22habang pitong mayangisda naman sa Santa Ana, Cagayan dahil sa lumubog na fishing boat.
02:27Aabot naman sa 156,000 na pamilya o 692,000 na individual ang apektado
02:34kung saan higit sa 24,000 katao ang nananatili ngayon sa mga evacuation center.
02:40Patrick De Jesus para sa Pabansang TV sa Bagong Pilipinas.