00:00At yung araw ng Merkules, alamin muna natin ang presyo ng mga biligin sa ilang palengke.
00:04Si Vel Custodio sa Detalye, Live.
00:09Dayan, tumaas ang presyo ng ilang mga pangunahing produkong agrikultura dito sa Kamunim Public Market.
00:15Hindi pa raw kasi nakakarating ang ilang mga deliveries ng produktong agrikultura,
00:20dulot ng nagdaang bagyong uwan.
00:25Hanggang 30 piso ang itinaas ng gulay dahil sa mababang supply,
00:30at hindi pa rin panahon na anihan para sa ilang gulay dito.
00:34Mabibili ang carrots sa 170 hanggang 200 pesos per kilo.
00:39Ang ampalaya ay 160 pesos kada kilo.
00:42Ang repolyo ay 70 hanggang 95 pesos.
00:45Ang sayote ay 80 pesos per kilo.
00:48At ang pechay ay 20 pesos kada tali.
00:50May paggalaw din sa presyo ng isda, kung saan mabibili ang bangusang 280 pesos per kilo.
00:57Ang tilapia ay 160 pesos at ang galunggong ay 320 pesos kada kilo.
01:03Batay sa inisyal na inilabas sa halaga ng pinsala ng bagyong uwan sa sektor agrikultura,
01:08142.29 million pesos ang agricultural damage sa Bicol Region at Bimaropa,
01:15kung saan 116.37 million pesos dito ay mula sa mga nasirang palayan.
01:21Kaya naman bahagyang tumaas ang presyo ng local rice dito sa Kamuning Public Market.
01:2640 hanggang 49 pesos ang kilo ng lokal na bigas dito sa Kamuning,
01:31habang tumaas naman ng hanggang 2 pesos per kilo ang imported rice dahil sa pagnipis ng supply nito.
01:38Dian, samantala, wala naman paggalaw sa presyo ng mga karneng baboy,
01:45kagaya ng liyempo o pige na mabibili ng 360 pesos per kilo,
01:50at ang liyempo na 460 pesos per kilo.
01:55Inaasahan naman na babalik sa dating mapabang presyo ang mga produkong agrikultura sa susunod na linggo.
02:01Balik sa iyo, Dian.
02:01Paraming salamat, Vel Custodio.