00:00Wala pa rin supply ng kuryente at tubig ang buong bayan ng Silago Southern Leyte.
00:05Dahil yan, sa landslide na sumira sa isa sa mga water pipelines sa lugar,
00:09si Reyan Arinto ng Philippine Information Agency sa detalya.
00:15Malalakas na hangin at buhos ng ulan ang humugopit sa mga lalawigan ng Leyte at Southern Leyte
00:20matapos ang unang landfall ni Bagyong Tino sa Silago Southern Leyte.
00:24Sa report ng Silago MDR-RMO, walang kuryente at supply ng tubig sa buong bayan
00:30dahil sa landslide na sumira sa mga water pipelines.
00:34Mahirap pa rin marating ang bayan sa ngayon dahil sa mga natumbang poste ng kuryente at mga punong kahoy.
00:41Sa rapid damage assessment na isinagawa ng Silago LGU,
00:45ay wala namang naiulat na namatay at nasugatan dahil sa forced evacuation na ipinatupad ng LGU.
00:52Naramdaman din sa Tacloban City ang hagupit ni Bagyong Tino.
00:56Sa videong ito, ipinakikita ni Mayor Alfred Romaldes ang malalakas na alon na humahampas sa Tide Embankment.
01:03Nagsagawa naman ng clearing operations sa malaking bahagi ng Tacloban matapos magsibagsakan ang mga punong kahoy.
01:10Samantala sa situational report ng RDRRMC, may 8,883 pamilya o 29,160 na individual ang apektado ng bagyo sa buong regyon.
01:23Aabot naman sa 10,977 na individual ang nagsilikas sa 114 na mga evacuation centers sa iba't ibang LGUs.
01:33Ang ilan sa kinila ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers habang hindi pa ibinababa ang storm warning signals.
01:41As of this time, initial information pala natin na re-receive, may na natin na mga identified kung mga number of affected families
01:53and may na natin na mga disruption to electricity and connectivity ito na natin na communication.
02:02But initial pala ito, di-repeto ang kabugusan sitwasyon kasi as of this time,
02:09gina-advise natin na mga affected local disaster reduction management councils, mga LGUs,
02:17to conduct itong era, tagsatagsang ng mga rapid damage analysis analysis.
02:21Ayun naman sa Philippine Coast Guard, may 764 na mga pasahero at 371 rolling cargos
02:30ang stranded sa Northern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte.
02:35Hindi pa rin pinapayagang pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat
02:39habang nakataas pa rin ang storm warning signals sa buong regyon.
02:44Wala pa rin pasok sa mga opisina at lahat ng antas ng paaralan.
02:47Wala pa rin supply ng kuryente sa karamihang bahagi ng Leyte at Southern Leyte
02:52at pahirapan pa rin ang linya ng komunikasyon.
02:55Ayon sa NGCP, ang pagkawala ng kuryente ay bunsod na mga nasirang poste
03:00at ang sitwasyon mismo sa mga local distribution utilities at electric cooperatives.
03:07Siniguro naman ang DSW din na sapat ang supply ng mga food at non-food items
03:11at lahat ay naka-preposition na bago pa man humagopit si Bagyong Tino.
03:17Sa report naman ng CAAP, bumalik na ang operations ng Katarman at Kalbayog Airports
03:22pero nanatiling canceled pa rin ang mga biyahe ng aeroplano.
03:27Sa Tacloban, operational na rin ang airport
03:30subalit nananatiling cancelado pa rin ang mga flights ng mga aeroplano.
03:34Mula sa lungsod ng Tacloban para sa Integrated State Media,
03:39Rayan Arinto ng Philippine Information Agency.