00:00Para naman sa lagay ng panahon, dalawang low-pressure area ang binabantayan ng pag-asa sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
00:07As of 3 a.m., yung unang low-pressure area ay namataan sa coastal waters ng Kalibo Aklan.
00:13Magdadala po ito ng mga pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, Mimaropa at Quezon.
00:19Habang ang isa pang LPA ay nasa layong 425 kilometers kanluran ng Iba Zambales.
00:25Wala pa itong direktang efekto sa anumang bahagi ng bansa.
00:29Samantala, naka-apekto naman ang easterly sa Caraga.
00:33Gayun din ang nagpapaulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
00:37Samantala, ngayong araw posibleng maitala ang pinakamataas na heat index na 44 degrees Celsius sa Sangley Point, Cavite at Tuguegaraw, Cagayan.
00:46Habang 42 degrees Celsius naman na heat index ang maitatala sa Metro Manila ngayong araw.
00:52Bayo po sa publiko, ugaliin ang pag-inom ng tubig at kung hindi kinakailangan lumabas, ay manatili na laman po sa ating mga tahanan.