00:00Tiniyak ng Albay Public Safety and Emergency Management Office ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektado residente sa gitna ng pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
00:11Pinaghahandaan naman ang posibleng pagdami pa ng mga ililikas na pamilya. Si Connie Calipay ng Philippine News Agency sa Sentro ng Balita.
00:19Naghahanda ang Albay Public Safety and Emergency Management Office para sa posibleng paglikas ng halos 80,000 residente o humigit kumulang 19,758 pamilya sakaling itaas ang alert level ng Bulkang Mayon sa alert level 4.
00:36Sa isang panayam sa telepono, sinabi ng pinuno ng APSIMO na si Roderick Mendoza na ang mga pamilya ay nagmula sa 59 na barangay sa siyam na local government unit na matatagpuan sa loob ng pinalawig na 7-8 km danger zone.
00:52Sinabi ni Mendoza na ang pamahalang panlalawigan ay nakikipag-ugnayan sa Department of Education para ihanda ang mga paaralan na maaaring gamitin bilang mga evacuation centers kabilang ang mga paghanda para sa logistic at mahalagang supply.
01:07Sinabi rin ni Mendoza na aayusin din ng Provincial Engineering Office ang mga nasirang silid aralan para matiyak na ang mga pasilidad ay akma para sa mga evacuee.
01:17Ang Albae Provincial Health Office ay nakapaghanda na ng mga gamot at medical supply bilang paghahanda sa mga posibleng problema sa kalusugan sa panahon ng malawakang paglikas.
01:28Nakatakda rin dagdaga ng Bicol Regional Hospital and Medical Center ang operasyon ng Josefina Belmonte Duran Albae Provincial Hospital para sa mga emergency na may kaugnayan sa Mayon.
01:38Tinatayang nasa 1,133 pamilya o 4,039 individual mula sa 6 km permanent danger zone ang kasalukuyang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
01:50Mula rito sa Albae para sa Integrated State Media, Connie Kalipay ng Philippine News Agency.