00:00Tukoy na ng polisya kung kanino galing ang paputok na napulot at sinindihan ng dalawang batang naglalaro sa Tondo, Maynila.
00:07Na-cremate na ang isa sa mga biktima habang nasa ospital pa rin ang isa pa.
00:11Balitang hatid ni Jomar Apresto.
00:18Pasado alas 8 ng gabi nitong December 28, nang mahagip sa CCTV,
00:22ang 12-anyos na si Cesar Russell Sarmiento at kanyang kaibigan habang pasan-pasan ang napulot nilang paputok sa Abad Santos Avenue, corner A. Lorenzo Street sa Tondo, Maynila.
00:32Ilang minuto lang yan bago nila sinindihan ng paputok na kumitil sa buhay ni Russell.
00:38Ang pinanggalingan ng nasabing paputok, natuntun na ng mga otoridad.
00:43Nakuhanan sa CCTV ng barangay 226 ang limang lalaki na yan habang naglalakad sa Almeda Street mag-aalas 2 ng madaling araw ng December 28.
00:51Ang isa sa kanila, may bit-bit na kulay green na echo bag.
00:55Pagdating sa Yuseco Street, inilabas nila ang hindi patukoy na paputok.
00:59May kita pa sa video na pinatitigil ng grupo ang ilang motorista para masindihan na ito.
01:05Sa kuhang yan, may kitang umusok ang paputok, hindi ito nagtuloy.
01:15Maya-maya, kumuha ng tubig ang lalaking nagsindi nito at isinaboy sa kalsada.
01:20Makalipas ang labing limang minuto, isang paputok ulit ang inilabas ng grupo.
01:31Kagaya ng nauna, hindi rin ito pumutok.
01:39Lumipas ang mahigit labing walong oras, may kita na si Russell na nagpapaputok sa kaparehong lugar.
01:45Sabi ng barangay, nasita raw ang mga bata kaya umalis sila doon.
01:49Sa kuhang yan, may kita na ang magkaibigan na tumatawid ng kalsada.
01:53Huminto sila sa bangketa.
01:55Hindi nagaanong maaninag pero sabi ng barangay, doon na nila napulot ang paputok bago sila lumiko papunta ng A. Lorenzo Street.
02:02Ito raw ang paputok na sinindihan noon ng grupo ng mga kalalakihan.
02:06Tinabi doon sa gilid. Noong gabi na, yung mga bata nagpaputok sa kabilang side, nadaanan yun, nakuha na.
02:15Tapos, mga pinagbabawalan sila dito, doon nila dinala sa bakante na walang sisita sa kanila.
02:23Sabi ni Chairman Pulintad, residente roon ang ilan sa mga lalaki, pero ang may dala ng paputok, dayo lang daw.
02:30Yung sinasabi sila, barkada nila yun, nakakula, tagabulakan daw po yun.
02:35Yun daw po yung may dala ng paputok para magtry kung malakas. Kaso, hindi naman siya pumutok.
02:44Nasabihan na raw ang mga lalaki na magtungo sa pulisya at magbigay ng salaysay.
02:49Nauna nang sinabi ng Manila Police District na posibleng managot ang mga taong nag-iwan ng paputok
02:54na ikinamatay ni Russell at ikinasugat ng kanyang kaibigan.
02:57Na-cremate na ang mga labi ng bata habang nakakonfine pa sa ospital ang kaibigan niya na 12 anyos din.
03:04May tama siya dito sa balikat eh. Tsaka yun niya, yung mata niya, pinagagaling pa.
03:08Kasi talaga medyo nasunog din.
03:10Tiniyak naman ang mga barangay sa lugar na mas paiigtingin nila ang pagbabantay para maiwasan na ang ganitong klase ng insidente.
03:17Samantala, nitong December 27, umabot sa mahiging 350,000 pesos na halaga ng mga iligal na paputok
03:23ang nakumpis ka sa divisorya ng mga tauhan ng Special Operations Unit ng MPD.
03:29Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments