00:00Aminado ang kapatid ng Umanoy Mercenary ng Russia na si Raymond Gumangan
00:05na maging siya ay ni-recruit online ng isang banyagang pinangalanan niyang
00:10FIRST para magtrabaho sa Russia.
00:14Nakatutok si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:22Yan ang mga huling salitang sinabi ni Raymond Gumangan sa kanyang kapatid na si Ryan.
00:26Si Raymond na tubong Alcala, Pangasinan ay nagpunta sa Russia para magtrabaho
00:32sumalit ginawang sundalo para makipagdigma sa Ukraine.
00:36Ngayon, bihag na siya ng mga puwersa ng Ukraine.
00:40Pag-aamin ni Ryan, isa raw siya sa mga ni-recruit online ng isang banyagang pinangalanan niyang FIRST.
00:46Hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa recruiter.
00:49Labintatlo raw silang inalok ng trabaho sa Russia na may magandang sahod.
00:53Truck driver po yung apply ko doon, logistic.
00:55Tapos pagdating daw po doon, paper mo ng kontrata.
00:59May matatanggap na 300,000 pesos to 400,000 pesos Philippine money, sir.
01:05Tapos ang sahod ng buwan-buwan na sa 200 to 250,000.
01:09Palipad na sana papuntang Russia via Kuala Lumpur si Ryan,
01:13kasama ang dalawang iba pang narekrut noong October 2024,
01:17nang harangin sila ng immigration officer sa airport dahil sa kakulangan sa dokumento.
01:21Hindi na sila pinayagan na makaalis sa bansa.
01:25Nagbigay raw ng second option ang banyagang recruiter upang matuloy ang kanilang pagpunta sa Russia.
01:31Ngunit nagpasya silang huwag nang tumuloy nang magkausap ni Ryan ang kanyang kuya Raymond.
01:35Ang instruction ni Perth, pupunta ng Sambonga tapos magbabangka para makatawid ng ibang bansa, sir.
01:42Magmamalay siya, sir.
01:43Sinabihan ako ng kapatid ko na,
01:45Tul, huwag ka nang tumuloy kasi hindi mo kaya yung trabaho dito, sir.
01:50Sa ngayon, hindi na niya nakakausap ang recruiter at umalis na umano ito sa kanilang group chat.
01:56Nagpaalala ang pamunuan ng Migrant Workers Office na maging mabusisi sa mga nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa.
02:02Pakikipag-usap lang via social media.
02:07Illegal recruitment po yun.
02:08Punta po dito sa office, magtatanong kung license ba yung agency, kung proper ba yung person na mag-recruit.
02:16Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, CJ Torida, Nakatutok, 24 Horas.
Comments