Skip to playerSkip to main content
-Mga sasakyan, naglutangan dahil sa baha; ilang puno, nabuwal

-Bayan ng Dumangas, nakararanas ng malakas na ulan at hangin

-PAGASA: Bagyong Tino, 3 beses nag-landfall; posible pa muling tumama sa lupa

-Ilang residente sa coastal areas ng Bacolod City, pahirapan ang paglikas

-Malakas na ulang dala ng bagyo, nagpabaha sa Bais City/Ilang pamilya sa Bohol, lumikas bilang pag-iingat sa bagyo

-Preemptive evacuation, isinagawa sa ilang lugar sa Palawan dahil sa posibleng epekto ng bagyo

-Asst. Ombudsman Clavano: Walang gustong tumanggap sa utos kay Zaldy Co na magsumite ng kontra-salaysay kaugnay sa flood control projects

-Motorsiklo, bumangga sa center island; nanay ng rider na angkas niya, patay

-Bagyong Tino, ramdam na sa ilang bahagi ng Bicol Region


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Maraming ulan at matinding pagbaha ang resulta ng pananalasa ng Bagyong Tino sa ilang lugar sa Visayas.
00:07Kabilang sa mga nabulab o nalubog sa baha, ang lungsod ng Cebu.
00:11Nagmutangan po yung mga sasakyan dahil sa bahangyan sa Cebu City.
00:16Ang iba, tinatangay pa ng agos ng tubig.
00:20Rumaragasa rin ang kulay putik na baha sa Tanisay City.
00:23Sa taas ng tubig, nasa ikalawang palapag o kaya'y nasa bubong na ang ilang residente.
00:30Baha na rin po sa ilang bahagi ng National Highway sa Mandawi City.
00:33Sa iba pagbahagi ng lungsod, bumarang na sa kalsada ang mga nabuwal na puno.
00:39Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, may isa ng napaulat na nasawi dahil sa Bagyong Tino.
00:46For verification pa rin nila ito, sa tala naman ng NDRMC, mahigit siyem na libong pamilya ang nananatili sa mga evacuation center
00:53habang mahigit tatlong libong pamilya naman ang lumikas sa iba pang lugar.
00:59Update na po tayo ng latest na sitwasyon sa Dumangas, Iloilo.
01:04May ulat on the spot si John Sala ng GMA Regional TV.
01:08John?
01:09Connie, patuloy pa rin ang pananalasan ng Bagyong Tino dito sa bayan ng Dumangas, Iloilo.
01:15Dito nga sa bayan ng Dumangas, Iloilo'y Ramdam ang malakas na hangin at ulan.
01:20Kasulukuyang nasa ilalim ng Tropical Wind Signal No. 4 ang Dumangas.
01:24Sa labas ng Dumangas Port, daanda ang mga truck ang stranded dahil sa kasilasyon ng biyahe ng mga Roro Vessel simula pa kahapon.
01:31Marami sa mga truck ang babiyahe pa sana papuntang Dipolog City sa Mindanao,
01:34ngunit pansamantalang nakatinga muna sa highway papasok ng port.
01:39Nangagamba naman ang ilang mga driver sa kanilang supply ng pagkain dahil kung tatagal pa sila rito ay baka maubusan na daw sila ng supply.
01:46Marami sa mga residente naman, lalo na mula sa mga low-lying, flood-prone at coastal area sa probinsya ng Iloilo,
01:53ang nagsilikas na papunta sa mga evacuation center upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
01:58Sa ngayon nga, Connie, naka-full alert status na ang local government unit ng Dumangas pati na rin ang ibang mga LGU sa probinsya ng Iloilo.
02:06Sa mga oras na ito, Connie, ay malakas pa rin ang hangin at ilang mga sanga nga sa puno dito sa plaza ng bayan ng Dumangas ay nagsibagsakan at ilang mga sasakyan ang na-damage.
02:18Ayon naman sa pag-asa, Iloilo ay inaasahang tatagal pa ng ilang oras ang pananalasan ng bagyong tino dito sa probinsya ng Iloilo.
02:26Yan ang latest mula dito sa Iloilo Province. Balik sa inyo.
02:29Maraming salamat, John Sala, ng GMA Regional TV.
02:38Mainit na balita, tuloy ang pananalasan ng bagyong tino sa Visayas.
02:42Nakatatlong landfall na ito ayon sa pag-asa.
02:45Una ay sa Silago Southern Leyte, kaninang alas 12 ng hating gabi.
02:49Ikalawa ay sa Borbon Cebu, Pasalo, alas 5.
02:51Habang ang ikatlo ay sa Sagay Negros Occidental bandang alas 6.40 ng umaga.
02:57Sabi ng pag-asa, posibli pang maglandfall ang bagyo sa Panay Island at sa Palawan sa mga susunod na oras habang napapanatili nito ang pagiging typhoon.
03:06Namataan ang mata ng bagyong tino sa bahagi ng Sagay Negros Occidental.
03:11Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kmph.
03:15Bukod sa Visayas, apektado rin ang bagyong tino ang ilang bahagi ng Southern Luzon at Mindanao.
03:21Inuulan din ngayon ang Metro Manila, Calabarzon, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Isabela at Aurora.
03:30Dahil naman sa shearline o sa lubungan ng malamig na amihan at ng mainit na easterlies,
03:35isa pang bagyo ang nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
03:38Namataan ang Tropical Depression mahigit 2,000 km silangan ng Northeastern Mindanao.
03:45Ayon sa pag-asa, sa darating na weekend, posibli itong pumasok ng PAR.
03:49Kung sakali, tatawagin niya ng bagyong uwan.
03:55Mahirapan ang pagpapalika sa ilang residenteng nakatira sa coastal area sa Bacolod City
04:00sa gitna pa rin po ng pananalasa ng bagyong tino.
04:03Ang mainit na balita hatid ni Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
04:08Mga kapuso, Adrian Prietos po, ng GMA Regional TV, 1 Western Visayas.
04:13Nandito tayo ngayon sa Bacolod City, probinsya ng Negros Occidental.
04:17Isang Bacolod City, mga kapuso, sa may signal number 4 sa buong Pilipinas.
04:22Signal number 4 din ang karamihan sa mga LGU lugar sa Northern Negros Occidental.
04:28At signal number 3 naman ang karamihan sa Southern Negros Occidental, mga kapuso.
04:33Dito sa Barangay 2 ay pahirapan ang isinagawang pre-emptive at emergency evacuation
04:38ng ating Barangay Council dahil nga itong mga residente sa ating coastal areas
04:42ay hindi pumapayag at hindi gustong tumungo o pumunta sa kanilang evacuation center dito, mga kapuso.
04:49Kaya naman, ang isinagawa ng punong barangay at maging ng Barangay 2 Council
04:54ay sapilitan na itong pagkukuha o pag-evacuate sa mga coastal areas residents dito sa Barangay 2
05:02magpapadala rin ng mga kapulisan dito.
05:05Sa kasalukuyan, magkikita nyo sa aking likuran, mga kapuso,
05:08ay talagang napakalakas na ang paghampas ng hangin.
05:10Sa coastal area naman ay matataas na ang tubig mula sa dagat.
05:14Pinag-iingat ng Bacolod City Disaster Risk Reduction Management Council
05:18ang mga residente na kung pwede ay huwag nang umalis sa kanilang mga bahay.
05:22At kung pwede din sana, ay tubungo na sa kanilang mga barangay hall.
05:28Adrian Priatos ng Jeming Regional TV, nagbabalita para sa Jeming Integrated News.
05:36Pagpupaman nag-landfall ng tatlong beses ang Bagyong Tino sa Kabansa kanina umaga,
05:40kinagupit na nito ang ilang bahagi ng Surigao, Del Norte, Albay, Bohol at Negros Oriental.
05:46Balita ang hatid ni Bamalegre.
05:48Rumagasa ang baha sa Bae City sa Negros Oriental.
05:55Kasunod niya ng malakas na ulan na dulot ng Bagyong Tino.
05:58Ang mga residenteng inabot na ulan sa kalsada,
06:00dahan-dahan ang pagtawid sa kulay puting na tubig para hindi sila matangay.
06:05Nagpaulan din ang bagyo sa iba't ibang bahagi ng Bohol.
06:08Sa bayan ng tubigon, maraming residente ng mga island barangay
06:11ang isinakay sa bangka para dalhin sa evacuation center.
06:14Nagsagawa na rin ang preemptive evacuation sa bayan ng Getafe.
06:19Halos 70 pamilya ang inilikas mula sa mga coastal at island barangay ng munisipalidad.
06:25Mahigit 150 pamilya naman ang inilikas sa barangay Banawan sa Pio Duran, Albay.
06:31Isinakay sila sa mga rubber boat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
06:35Ayon sa Pio Duran MDRMO, delikadong matrap ang mga residente,
06:40lalo't napapaligiran ang kanilang lugar ng dagat at ilog.
06:43Kinagabihan, bumuhos ang ulan sa bayan.
06:47Naranasan din ang malakas na hangin at ulan sa isla ng Bucas Grande sa Socorro, Surigao del Norte.
06:52Pakikita ang tila pagsayaw ng mga puno dahil sa hampas na hangin.
06:56Ayon sa pag-asa ang mga lalawigan sa Visayas, Northern Mindanao,
06:59pati mga bayan sa Albay, kabilang sa mga apektado ng Bagyong Tino.
07:03Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:08Nagsagawa naman ang pre-emptive evacuation sa ilang lugar sa Palawan bilang paghahanda po sa Bagyong Tino.
07:15Sa Araceli, mahigit apat na raang pamilya ang nasa evacuation center.
07:20Mahigit dalawang daang residente naman sa magsaysay ang inilikas.
07:24Patuloy pa ang paglikas ng mga residente na nasa coastal area ng ibang bayan.
07:29Sa northern portion ng Palawan.
07:31Naka-red alert status na rin po ang Palawan Provincial Emergency Operations Center.
07:44Inimok ng Office of the Ombudsman si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico
07:48na magsumiti pa rin ng kontra sa Laisay kahit wala siya sa Pilipinas.
07:52Yan daw ang pagkakataon ni Ako na sagutin kung anuman na naging papel niya sa substandard flood control project sa Oriental Mindoro.
07:59Balitang hatid ni Salima Refran.
08:01An order to file counter affidavit was given to Elizalde Zaldico but the recipient refused to accept.
08:14Pinadalhan na ng Office of the Ombudsman si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico
08:20ng utos para maghahina ng kanyang kontra sa Laisay kaugnay ng P289M na substandard umanong flood control project sa Nauhan Oriental Mindoro.
08:32Inire-reklamo si Ko at labing pitong iba pa na mga taga-DPWH at contractor na Sunwest Incorporated
08:38ng graft, malversation, falsification of public documents at paglabag sa Government Procurement Act.
08:45The last place or the last residence of former Congressman Ko was used in the delivery of the order
08:54and yet the persons who received it on his behalf refused to accept the order.
09:02Julio pa wala sa bansa si Ko matapos magpaalam noon sa Kamara na magpapagamot sa Amerika
09:07bago tuluyang magbitiw sa pwesto bilang Partilist Representative nitong Setiembre.
09:12May Interpol Blue notice na kay Ko na pinaniniwala ang nasa Europa.
09:18Kayon man, hinihikayat pa rin ang Office of the Ombudsman na maghahin si Ko ng kanyang counter affidavit.
09:24The Ombudsman has intelligence on his whereabouts, although we can expect na palipat-lipat po siya.
09:32This again is an opportunity for him to air his defenses.
09:35You can go to a Philippine embassy para po mag-swear in sa harap ng isang konsul
09:44and then that will be treated as if it was sworn in before a prosecutor which is the actual process.
09:53Inaaral na lamang daw ng Office of the Ombudsman kung napasuna ba ang panahong dapat ay nakapaghahina si Ko ng kontra sa leisay
10:01para maituring in default na ito sa preliminary investigation.
10:06Pag in default po kasi ang isang respondent, hindi siya nakapagbigay ng kanyang defense sa mga allegations laban sa kanya,
10:13ang nangyari po dun yung lahat ng nasubmit including na po yung complaint affidavit ng complainant
10:21ay magiging basis na po ng prosecutor dun sa kanyang resolution whether or not there is probable cause
10:29or yung prima facie case with reasonable certainty of conviction.
10:34Samantala, labing lima pang field investigators ang tinalaga ni Ombudsman Jesus Crispin Remuya
10:39para tumulong sa imbestigasyon. Kabuo ang 30 field investigators na ang nakatutok sa flood control projects.
10:48Sa Nima, Nefra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:54Ito ang GMA Regional TV News.
10:59Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
11:03Patay ang angkas ng isang motorsiklo matapos maaksidente sa Dasmarinas, Cavite.
11:09Chris, ano ang detalye?
11:14Connie, tumama sa Center Island ng Aguinaldo Highway ang sinasakyang motorsiklo
11:19ng naaksidenteng mag-ina.
11:21Basta sa kuha ng CCTV, papunta ang motorsiklo sa inner lane
11:25nang sumemplang ito at tumama sa Center Island.
11:28Dead on the spot ang nanay ng rider na angkas niya.
11:32Nagpapagaling naman sa hospital ang rider.
11:34Ayon sa imbestigasyon, nawala ng kontrol ang rider.
11:36Patuloy pang inaimbestigahan ang insidente.
11:41Ramdam na sa ilang bahagi ng Bicol Region ang epekto ng Bagyong Tino.
11:46Malakas na buus ng ulan at hangin ang naranasan sa Pamplona, Camarinesur.
11:51Halos mag-zero visibility rin ang daan sa Legaspe City sa Albay dahil sa masamang panahon.
11:57Batay sa datos ng Office of the Civil Defense Region 5,
12:01mahigit sanlibong pasahero at mahigit apat na rang sasakyan
12:04ang stranded sa iba't ibang pantalan sa regyon.
12:07Outro
Be the first to comment
Add your comment

Recommended