Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 26, 2025
- 83 pamilya sa Brgy. Roxas District, lumikas na bago pa man manalasa ang Bagyong Opong | 16 na pamilya sa Brgy. Bagong Silangan at 63 pamilya sa Brgy. Apolonio Samson, lumikas na rin
- Mga nakatira sa flood-prone areas sa Tagkawayan, Quezon, pinalikas na bilang paghahanda sa Bagyong Opong | ilang kalsada, binaha dahil sa ulang dulot ng Bagyong Opong
- Halos magdamagang ulan, naranasan sa Tagbilaran City | Ilang biyahe ng barko sa Dumaguete at Cebu City, kanselado bilang pag-iingat sa Bagyong Opong | Blue alert, itinaas sa buong Cebu Province dahil sa Bagyong Opong
- DOJ Sec. Remulla: Mga idinawit ni dating DPWH Usec. Bernardo sa issue ng kickback sa flood control projects, inirerekomenda ng NBI na kasuhan na | DOJ Sec. Remulla: Protected witness na rin si dating DPWH Usec. Bernardo | Escudero, Binay, at Olaivar, itinangging may nakuha silang kickback sa flood control projects; Revilla at Co, itinangging sangkot sila sa katiwalian
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
00:31Isa itong Rojas District doon sa mga barangay dito sa Quezon City na patupad na ng pre-emptive evacuation simula kagabi.
00:37Karamihan doon sa mga residente na lumikas ay mga naninirahan sa tabing ilog na karaniwan na nakakaranas ng lampas taong baha.
00:48Kagabi palang lumikas na ang senior citizen na Simona patungo sa multi-purpose gymnasium ng barangay Rojas District, Quezon City, bilang paghahanda sa banta ng Bagyong Opong.
00:57Nakatira siya sa Gumamela Street, nakaraniwan daw lampas taong baha kapag tuloy-tuloy ang buhos ng ulan.
01:03Mahirap kasi pag may tubig na doon sa amin.
01:05At saka yung bahay namin hindi mapasok ng bangka.
01:09Kaya mahirap kami ma-rescue pag mataas na yung tubig.
01:14Kasama naman ni Marie nilang tatlo niyang ana.
01:16Sa tabing ilog sila naninirahan.
01:18Kaya hindi na nagdalawang isip ang pamilya na maagang lumikas.
01:21Natatakot po kasi ako lampas taong na po kasi yung tubig sa amin.
01:26Kahit nasa pangalawang palapag kami, aabot pa rin po kami.
01:30Hindi kami makakababa pagawas na umabot na sa pangalawang palapag.
01:35Tatlo pa po yung anak po.
01:37Hindi ko po kayang ilika sila lahat.
01:40Nagtayo ng modular tent sa barangay.
01:43Sa tala nila umabot na sa 83 pamilya.
01:46Katumbas ang 277 individual ang lumikas.
01:49Pusbusan din ang pag-iikot ng mga taga-barangay sa apat na flood-prone areas.
01:54Nilagyan ng lubid ang ilang poste para magamit sa rescue operations.
01:57Naka-standby na rin ang mga bangka gaya ng rubber boats.
02:00Ano yung mga tali?
02:01Yan po yung nagiging giya namin na kung saan mapadali kami sa mga gusto pang magpa-rescue.
02:07At unang-una, siyempre, nandiyan yung kalaban namin na karin, na tubig.
02:10Yan yung nilalaban namin para makalapit lalo kami sa mga gusto pang magpa-rescue.
02:17Ang ibang residente gaya ni Torrio, inilagay na sa mas mataas na lugar ang mga gamit at appliances.
02:22Ano mang oras, handa na rin daw silang lumikas.
02:25Sana naman po kami pero kailangan po namin mag-ingat.
02:27Kailangan po namin iangat pa yung mga iba para wala na kaming gagawin.
02:32Kano'n makataas at tubig ito na rin?
02:34Minsan, lagpas tao po talaga.
02:36Sa barangay Bagong Sinangan, may inilikas na rin labing-anim na pamilya kagabi.
02:41Inuna ang mga senior citizen, buntis at may kapansanan.
02:44Nagpatupad na rin ang pre-emptive evacuation sa barangay Apolonyo, Samson.
02:48Lalo na sa mga residente na nakatira sa tabing ilo.
02:51Kaninang hating gabi, umabot na sa 63 pamilya ang nasa evacuation center.
03:01Samantala, Susan, balik dito sa Rojas District.
03:03Bukod po dito sa mga lumikas sa gymnasium, ay meron na rin mga residente na lumikas doon sa kanilang simbahan.
03:09Pitong pamilya po yun na tinaasahan ng mga taga-barangay na madadagdagan pa yan ngayong araw.
03:14Sa lagay ng panahon naman, kanina madaling araw ay nakakaranas tayo ng pag-ambon dito sa Quezon City.
03:18Pero ngayon naman, ay wala pa tayong pag-ulan na nararanasan.
03:21Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
03:23Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
03:25Nagsagawa na rin ng preemptive evacuation ng mga otoridad sa ilang lugar sa Quezon Province
03:31bilang paghahanda sa bagyong opong.
03:33Sa tagawayan, inilikas na ang mga nakatira sa flood-prone areas,
03:37gayon din ang mga nasa lugar na may bantanang storm surge at landslide.
03:41Pansamantala silang nananatili sa isang parala na nagsisilbing evacuation center.
03:46Gatered na ang bahasa JP Laurel Highway sa Lipa Batangas dahil sa pag-ulan.
03:51Inanod ang mga plastic barriers sa kalsada na nagpubagal sa daloy ng trapiko.
03:56Binahari ng ilang kalsada sa Antipolo Rizal dahil sa malakas na ulan.
04:00Ayon sa pag-asa, ang nararanas ng pag-ulan sa Calwarzon ay epekto ng bagyong opong.
04:06Halos walang tigil ang pag-ulan sa Tagbilarang City sa Bohol dahil sa Habagat at Bagyong Opong.
04:12May hina hanggang katamtamang ulan ang naranasan sa Tagbilarang mula umaga hanggang gabi.
04:17Nahirapan ding makasakayang ilang commuter.
04:20Sa Dumaguete Port sa Negros Oriental, kansilado na lahat ng biyahe ng mga barko bilang pag-iingat sa bagyo.
04:26Wala naman daw stranded na pasahero.
04:28Sa Cebu City, wala rin muna ang biyahe ng mga barko pupuntang Samar at Lake Tepp provinces.
04:33Ayon sa Philippine Coast Guard, may higit 200 pasahero ang apektado sa Cebu City dahil dyan.
04:37Itinaas sa Blue Alert ang buong lalawigan ng Cebu dahil sa Bagyong Opong.
04:41Ayon sa Publicial Disaster Risk Reduction and Management Office, naka-alerto na ang otoridad sa mga posibleng i-rescue.
04:48Nakahandaan na rin ang mga ospital at evacuation centers kung kinakailangan.
04:53Inirekomendahan ng National Bureau of Investigation na sampahan ng kasong indirect bribery at malversation of public funds
05:05ang ilan pang umunay sangkot sa kickback sa flood control projects.
05:09Hindi inisa-isa ni Just Secretary Jesus Crispin Remulia pero lahat daw nang idinawit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
05:17ay pinakakasuhan.
05:20Ang mga binanggit na Bernardo ay sina Ako Bicol Party List Rep. Saldico,
05:24Sen. Cheese Escudero, dating Sen. Bong Rebilla, dating Sen. at ngayong Makati City Mayor Nancy Binay,
05:31DepEd Undersecretary Trigib Olaivar, at Commission and Audit Commissioner Mario Lipana.
05:37Pina-freeze na ng DOJ sa Anti-Money Laundering Council ang bank accounts at iba pang assets na mga nabanggit.
05:44Ipalalagay rin daw sila sa Immigration Lookout Bulletin.
05:48Sa sinumpaang salaysay ni Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kahapon,
05:52sinabi niya nag-deliver siya ng P160 million pesos sa kaibigan ni Escudero para ibigay sa Senador.
05:58P125 million pesos naman daw ang ipinadala ni Bernardo sa bahay ni Rebilla sa Cavite,
06:04habang P37 million pesos ang i-deliver niya kay Binay.
06:09Nag-deliver din daw siya ng pera kay Olaivar na no-istaff ni Rebilla.
06:13Tumawag naman daw si Saldico kay Bernardo para magtanong tungkol kay dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
06:20Nalg-parrefer din daw kay Bernardo si Commissioner Lipana sa DPWH Bulacan 1st District Office.
06:26Dahil sa mga isiniwalat na Bernardo, itinuturing na rin siyang protected witness ng DOJ.
06:31Mare yung tinanggin ni na Escudero Binay at Olaivar ang mga aligasyon ni Bernardo.
06:37Dati namang iginiit ni na Rebilla at to na hindi sila sangtot sa katiwalyaan.
06:41Sabi naman ang COA, naka-medical leave ngayon si Lipana at nagpapagamot abroad.
06:46Gusto mo bang mauna sa mga balita?
06:51Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment