- 4 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 25, 2025
- Dredging sa Marikina River, Inaasahang makakatulong sa problema sa baha sa lungsod | Ilang taga-Marikina, umaasang matatapos agad ang dredging sa ilog para hindi na sila bahain | Nabawasan na ang mga binahang lugar nitong mga nagdaang bagyo, ayon sa ilang opisyal ng barangay
- Mga residente sa Brgy. Apitong, kaniya-kaniyang diskarte sa paghahanda sa Bagyong Opong | Mga residente, nanghihinayang sa flood control projects na hindi ginawa; malaking tulong daw sana ngayong may bagyo | Ilang magsasaka, nangangamba sa kanilang palayan na posibleng malubog ulit sa baha | Mga residente sa mga bahaing lugar, pinaghahanda na sa posibleng paglikas
- QC LGU: Pasok ng child development centers hanggang kindergarten sa mga pampublikong eskuwelahan, suspendido | Kindergarten students ng Kamuning Elem. School, pinauwi na kasunod ng class suspension ng Quezon City LGU
- P4.7B halaga ng air assets ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, hinihiling ng DPWH sa AMLC na ipa-freeze | Sen. Lacson: Puwedeng humarap sa Senate Blue Ribbon Committee si Rep. Zaldy Co kung gusto niya; hindi siya iimbitahan dahil sa inter-parliamentary courtesy | Imbestigasyon ng House Infra Comm sa flood control projects, itinigil na; mga nakalap na ebidensiya, na-i-turnover na sa ICI
- DOJ: Mag-asawang DIscaya, dating DPWH-Bulacan Engrs. Alcantara, Hernandez, at Mendoza, itinuturing nang protected witnesses | DOJ Sec. Remulla: Posible pa ring maharap sa mga kasong kriminal ang protected witnesses
- VP Duterte, umalma sa pagbisita ng Philippine Embassy kay FPRRD sa ICC Detention Facility; DFA at ICC, iginiit na lehitimo ang welfare check
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Dredging sa Marikina River, Inaasahang makakatulong sa problema sa baha sa lungsod | Ilang taga-Marikina, umaasang matatapos agad ang dredging sa ilog para hindi na sila bahain | Nabawasan na ang mga binahang lugar nitong mga nagdaang bagyo, ayon sa ilang opisyal ng barangay
- Mga residente sa Brgy. Apitong, kaniya-kaniyang diskarte sa paghahanda sa Bagyong Opong | Mga residente, nanghihinayang sa flood control projects na hindi ginawa; malaking tulong daw sana ngayong may bagyo | Ilang magsasaka, nangangamba sa kanilang palayan na posibleng malubog ulit sa baha | Mga residente sa mga bahaing lugar, pinaghahanda na sa posibleng paglikas
- QC LGU: Pasok ng child development centers hanggang kindergarten sa mga pampublikong eskuwelahan, suspendido | Kindergarten students ng Kamuning Elem. School, pinauwi na kasunod ng class suspension ng Quezon City LGU
- P4.7B halaga ng air assets ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, hinihiling ng DPWH sa AMLC na ipa-freeze | Sen. Lacson: Puwedeng humarap sa Senate Blue Ribbon Committee si Rep. Zaldy Co kung gusto niya; hindi siya iimbitahan dahil sa inter-parliamentary courtesy | Imbestigasyon ng House Infra Comm sa flood control projects, itinigil na; mga nakalap na ebidensiya, na-i-turnover na sa ICI
- DOJ: Mag-asawang DIscaya, dating DPWH-Bulacan Engrs. Alcantara, Hernandez, at Mendoza, itinuturing nang protected witnesses | DOJ Sec. Remulla: Posible pa ring maharap sa mga kasong kriminal ang protected witnesses
- VP Duterte, umalma sa pagbisita ng Philippine Embassy kay FPRRD sa ICC Detention Facility; DFA at ICC, iginiit na lehitimo ang welfare check
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00E.J.
00:30Igan, now that we are planning to visit one of the flood control projects here in Marikina City
00:40to know the state of the project that will reach 17 billion pesos.
00:52Gaya ng ilang lungsod sa Metro Manila,
00:55nalasbahayin ang ilang lugar sa Marikina kapag may bagyo.
00:58Orans kasi na umapaw ang tubig sa Marikina River, babahayin na ang mga kalapit barangay nito.
01:05Isa sa mga flood control efforts ng Marikina City ang 17.45 billion pesos na Pasig Marikina River Channel Improvement Project.
01:15Ayon sa Marikina River Park Authority,
01:16nasa 50 to 55 meters ang orihinal na lapad ng Marikina River na magiging 80 to 100 meters kapag natapos ang ginagawang widening.
01:26Bahagi rin ang proyekto ang dredging na nasa humigit kumulang 3 meters.
01:31Kapag natapos ang flood control project, halos doble raw ang magiging water capacity ng Marikina River ayon sa Marikina LGU.
01:38Hiling na mga low-lying areas gaya ng barangay Malanday na pinakamalaki at isa sa mga unang binabaha sa Marikina,
01:47agad na matapos ang proyekto para hindi na muling lumubog sa baha ang kanilang lugar.
01:52Sa baha namin noon, talagang hindi safe kasi nga konting ulan lang baha talaga sa mga kabahayan, pumapasok na yung tubig.
02:04Yung nagkaroon po kami ng gredging, yung widening, wala na kami na-experience na gano'n.
02:11Nabawasan na rin daw ang mga lumilikas na residente nitong mga nagdaang bagyo at pagulan dahil naibsa na mga pagbaha sa barangay.
02:19Gaya ng Malanday, madalas ding problema ng barangay tumana ang baha.
02:24Malaking bahagi kasi ng barangay ang nasa tabi ng Marikina River.
02:28Noong time ng Undoy, grabe isang dubog na barangay ang aming barangay.
02:35Ngayon maraming progreso dahil ultimo ang barangay namin kahit konting ulan ay hindi gano'n nangangamba ang marami sa amin
02:43dahil nabawasan ang pumapasok na tubig dahil meron mga gravity wall, may mga pumping station, widening ng ilog.
02:53At gano'n din ang pagpapalawak ng mga kanal at nagkakaroon ng underground tunnel ng water na dinadaanan ng mga tubig kanal.
03:03Sabi ng Marikina River Park Authority, Setiembre na karaang taon pa sinimulan ang malawakang dredging at widening ng ilog.
03:11Isang taon makalipas, mas lumawak na ang ilog.
03:14Ilang bahagi rin ng mga isinarang kalsada ang bukas na sa mga residente at motorista.
03:23Igan, ayon pa dun sa mga tauhan ng barangay na nakausap natin, dati kapag walang bagyo o di kaya naman ay may pagulan lang na dulot ng habagat
03:35ay umaabot sa 15 meters o higit pa ang antas ng tubig dito sa Marikina River.
03:41At nitong mga nagdaang bagyo, particular itong bagyong nando, wala naman naging alarma.
03:48Umabot lang sa pinakamataas na 14.4 meters ang antas ng tubig.
03:53Ang first alarm kasi dito ay kailangan na sa 15 meters hudyat yan para mag-evacuate na yung mga nakatira sa mabababang lugar.
04:02At yan, ang unang balita mula rito sa Marikina City.
04:07EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
04:12Puspusa na ang paghahanda ng mga residente at otoridad sa Nauhan, Oriental Mindoro para sa Bagyong Opong.
04:18Nangihinayang ilang residente sa mga ghost flood control projects sa kanilang lugar na malaki sana ang maitutulong kapag may ganitong masamang panahon.
04:26Live mula sa Oriental Mindoro, may unang balita si Bea Pinla.
04:30Bea, kung saan na ang sitwasyon ngayon dyan?
04:32Maris, nasa ilalim ng signal number one ng Oriental Mindoro.
04:39Ibig sabihin po, bawal pumalaot ang anumang sasakyang pandagat at bawal muna ang pangingisda.
04:45Ang ilang residente na kausap natin dito ay nangangamba na sa posibling pinsalang idulot nitong Bagyong Opong.
04:51Bakas sa bahay ni Mang Ronil sa Barangay Apitong, Nauhan, Oriental Mindoro, ang epekto ng paulit-ulit na pagkalubog sa baha.
05:03Ang sahig at dingding na nabubogbog ng bagyo, tinatapalan na lang daw niya ng kahoy para hindi tuluyang bumigay.
05:10Minsan turog kami, tapos yung aso ay maingay.
05:14Pagbaba namin tubig na pala.
05:16Tapos minsan nadadala yung kung anong mga nasa baba, naaanod.
05:21Hindi namin alam, baha na pala.
05:23Kami ang kawawa-babahain.
05:25Talong-talo, ma'am.
05:26Kaya sa nagbabadyang paghagupit ng Bagyong Opong sa probinsya,
05:30bakas din sa muka ni Mang Ronil ang takot dahil sa posibleng pinsalang idudulot nito.
05:37Kung hindi lang daw sana naging ghost project ang mga pangon trabaha sa kanilang lugar,
05:42maiibsan sana ang paulit-ulit na problema.
05:46Medyo nakasama ng loob.
05:48Kumbaga, pera yun namin.
05:50Tapos dun inilagay sa flood control daw.
05:53Kaso wala naman.
05:55Kung meron sana nun, di malaking tulong sa amin.
05:57Hindi kami babahin dito.
05:58Hindi na kami mamamangamba na uulan na naman.
06:00Bahana naman ito mangyayari.
06:02Pati hanap buhay ng mga magsasakang gaya ni Mang Alan, malulubog na naman daw.
06:07Yan pong pala yan ito. Yan pong mga nakikita natin yan.
06:11Yan po ay talagang lubog po sa tubig yan.
06:13Ang nangyayari po sa amin,
06:14naiging kaawa-awa maliliit na katulad namin.
06:17Na wala pong ibang inaasahan,
06:19kundi po makisaka or may pala yan.
06:22Yung flood control na yung sayang.
06:24Kung di ito nga sana napalagay,
06:25eh di sana, wala na po kaming...
06:27Nung bumisita ang DPWH sa Barangay Apitong,
06:31hindi matuntun ang tatlong proyektong kontrabahan na pinondohan
06:34at idiniklarang tapos na noong 2024.
06:38Ngayon, puspusan ang paghahanda ng mga otoridad para sa bagyong opong.
06:44Magkakaroon po tayo ng pakikipag-ugnayan doon sa ating mga kabarangay
06:49na malapit dito sa mga prone area na binabaha
06:53upang wala pa man po yung baha ay palilikasin na po natin.
06:58Kung kinakailangan lumikas,
06:59pumunta na sa mga ligtas na lugar
07:01o yung mga evacuation center
07:02o yung mga kamag-anak nilang may mga malalaking bahay
07:05na pwede nilang tigilan pagka dumating yung bagyo.
07:08Inilatag na rin ang provincial government
07:10ang mga plano nito para paghandaan ng bagyo.
07:12Tulad ng preemptive evacuation sa mga residente sa vulnerable areas.
07:18Suspendido na rin sa biyernes
07:19ang pasok sa lahat ng antas
07:21sa mga pampubliko at pribadong paaralan
07:24pati sa government offices sa Oriental Mindoro.
07:26Maris, suspendido rin ang klase ngayong araw
07:33sa pampubliko at pribadong paaralan
07:35mula yung kindergarten hanggang senior high school.
07:38Samantara, isa sa mga ginagawa ng mga otoridad ngayon
07:40ay nag-iikot sa mga flood-prone at landslide-prone areas,
07:45particular yung mga coastal barangays
07:46para sa preemptive evacuation.
07:49Yan ang unang balita mula rito sa Oriental Mindoro,
07:53Bayapinlac para sa GMA Integrated News.
07:56Nasa ilalim na ng signal number one ng Metro Manila
07:58dahil sa bagyong opong,
07:59nagkasila na ng klase ang ilang lusod
08:01gaya ng Quezon City.
08:03Live mula sa Quezon City,
08:05na unang balita, si James Agustin.
08:07James?
08:10Igang, good morning.
08:11Papasok na sana yung mga kindergarten student
08:14nitong kamuning elementary school dito sa Quezon City
08:16pero dito pa lamang sa gate
08:17ay inaabisuan na sila ng gwardya na walang pasok.
08:21Mag-aalas 7 ngayong umaga
08:22nang mag-anunsyo ang Quezon City government
08:24na walang pasok sa pampublikong paaralan
08:26sa mga estudyante sa Child Development Centers
08:29at kindergarten.
08:30Ito'y matapos itaasang
08:31Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
08:33sa Metro Manila dahil sa Bagyong Opong.
08:36Dito sa Kamuning Elementary School
08:38inabutan namin sa labas ang skwelahan
08:39ng mga magulang at kaanak
08:41na iyahatid sana ang mga estudyante
08:43na nasa kindergarten.
08:44Alas 7 hanggang alas 10 kasi
08:46na umaga ang kanilang pasok.
08:47Inabisuan sila na umuwi na
08:49dahil sa klaso suspension.
08:50Sabi ng mga magulang,
08:51buti na lang ay maaga ang anunsyo
08:53para narin sa kaligtasan
08:54ng kanilang mga anak.
08:56Ngayong may banta ng bagyo.
08:59Mas mainam din po kaysa rin pong magkasakit.
09:01Kasi mayroon din pong magkasakit
09:02yung mahal din po yung gamot.
09:04Kasi baka maulan na yung mga bata?
09:06Pumahirap din po kasi
09:07pag maulan,
09:09pag magsundo po.
09:10Mas mainam po,
09:11iuwi na lang po kami.
09:12Kasi?
09:12Kasi baka maabutan po
09:14ng malakas na ulan
09:15at malakas na hangin po.
09:17Mas okay na po yun
09:18kasi habang wala pa pong ulan,
09:20mauwi pa po namin yung mga bata.
09:22Sa matala,
09:27ikan yung ibang mga magulang
09:28ay nananatili dito sa labas ng skwelahan
09:30dahil may pasok pa naman
09:31yung ibang grade level
09:32at naghihintay sila
09:33na kumadaragdagan yung class suspension.
09:35Sa lagay ng panahon naman po
09:36ay maganda pa naman
09:37at hindi pa tayo nakakaranas
09:39ng pag-ulan.
09:40Yan ang unang balita
09:41mula rito sa Quezon City.
09:42Ako po si James Agustin
09:43para sa Gemma Integrated News.
09:45Hindi pa malinaw
09:52kung nasa na ngayon
09:53si Ako Bicol
09:54Partialist Representative
09:55Saldico
09:56dahil na ako saang kumita
09:57sa maanumalyang flood control projects.
09:59Ang Department of Public Works and Highways
10:01hinihiling na sa
10:02Anti-Money Laundering Council
10:04na ipapfreeze
10:05ang air assets si Co
10:06na may halagang 4.7 billion pesos.
10:09May unang balita
10:10si Tina Panganiban Perez.
10:154.7 billion pesos.
10:18Ganyan kalaki ang halaga
10:19ng labing isang air assets
10:21ni Ako Bicol Partialist Representative Saldico
10:24basa sa listahang isinumitin
10:26ang Civil Aviation Authority of the Philippines
10:28o CAAP sa DPWH.
10:30Kabilang ang Gulf Stream 350,
10:33Bell Helicopter 407,
10:35Bell Helicopter 206B3
10:37at Agusta Westland AW 1398.
10:42Nakarehistro raw ang mga ito
10:43sa Misibis Aviation
10:45and Development Corporation,
10:47High Tone Construction Development Corporation
10:49at QM Builder.
10:51Mga kumpanyang may kaugnayan kay Co
10:53ayon sa DPWH.
10:55Ang High Tone at ang QM Builders
10:58kasama sa 15 contractors
11:00na ayon sa Pangulo
11:01ay nakakuha ng 100 billion pesos
11:04na proyekto mula sa gobyerno.
11:06Hihingi ng DPWH
11:08sa Anti-Money Laundering Council
11:10na ipapfreeze
11:11ang mga pag-aaring ito ni Co.
11:13Ito po ay isasubmit na rin natin
11:15sa AMLC
11:17sa ICI
11:19at sa DOJ
11:20para tulungan natin
11:22ang investigasyon.
11:23Hindi pa rin malinaw sa ngayon
11:24kung nasaan nga ba si Co.
11:26Ayon kay Senate President
11:28Pro Tempore
11:28at Blue Ribbon Committee
11:30Chairperson Sen. Ping Laxon
11:32welcome si Co
11:33sakaling gustuhin itong humarap
11:35sa pagdinig ng
11:36Senate Blue Ribbon Committee.
11:38Pero di raw nila ito
11:39pwede imbitahan
11:40o ipasubpina
11:41dahil sa inter-pollimentary courtesy.
11:44He's still a congressman
11:45and mayroong tradisyon
11:47na voluntarily
11:48he can appear
11:49and testify or manifest.
11:51Pero to send an invitation
11:53or even
11:54isopina
11:55hindi proper.
11:56Ang House Infrastructure Committee
11:58naman
11:58sinuspindi na
12:00ang pag-i-investiga
12:01sa mga flood control project
12:03matapos ang dalawang pagdinig.
12:04I think the chairs
12:06of the three committees
12:07had basically agreed na
12:08tumatakbo na po
12:10yung pong ICI
12:11I think it is best
12:12to make a decision
12:14that we have to suspend
12:15and cooperate na lang po
12:17with the ICI.
12:19Para ipakita
12:20ang pakikipagtulungan
12:21ng Kamara
12:21sa Independent Commission
12:23for Infrastructure
12:24itinurn over
12:25ni House Speaker
12:26Faustino Bojidi III
12:27sa ICI
12:29ang mga nakalap
12:30na nitong dokumento
12:31at ebidensya.
12:32Gayun din
12:33ang transcripts
12:34ng mga pagdinig
12:35ng InfraCo.
12:36Ito ang unang balita.
12:38Tina Panganiban Perez
12:40para sa GMA Integrated News.
12:44Limang personalidad
12:45na dawit
12:45sa mga anomaliyang
12:46flood control projects
12:47ang itinuturing
12:48ng protected witnesses
12:49ng Department of Justice.
12:51Sila ay sinasara
12:52at Pacifico Curly Descaya,
12:54dating DPWH
12:56Bulacan
12:56First District Engineer
12:57Henry Alcantara,
12:59at dating DPWH
13:00Bulacan Assistant
13:01District Engineers
13:02Bryce Hernandez
13:04at JP Mendoza.
13:06Ayon kay Justice Secretary
13:07Jesus Crispin Remulia,
13:09sumulat na siya
13:10kay Senate President
13:10Tito Soto
13:11para malinaw
13:12kung ano
13:13ang proteksyong
13:14sa klaw
13:14para sa
13:15protected witnesses.
13:17Dagdag ni Remulia,
13:18bagamat ang
13:18protected witnesses
13:19ay binibigyan
13:20ng siguridad
13:21at proteksyon
13:21laban sa mga
13:22banta sa kanilang
13:23buhay,
13:24posible pa rin silang
13:25maharap
13:25sa mga kasong
13:26kriminal,
13:27hindi tulad
13:28ng state witness.
13:29Kung pagiging state witness,
13:32it's another matter.
13:34It's something that we
13:35will use
13:36only when we have to.
13:38Kasi nga,
13:39you free them
13:40completely of
13:41criminal liability,
13:42then it has to be
13:43worth it,
13:43ita nga,
13:44sa ating bayan.
13:46So,
13:46marami yan,
13:47maraming parameters yan.
13:49Not the most guilty
13:50is one of them.
13:50Tiniyak ng Department of Foreign Affairs
13:56at International Criminal Court
13:58na lehitimo ang welfare check visit
14:00ng Philippine Embassy
14:01kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
14:03sa ICC Detention Facility
14:05sa The Hague, Netherlands.
14:07Kasunod ito
14:08ng pagpuna ni Vice President Sarah Duterte
14:10sa pagbisita
14:11na wala raw pahintulot
14:13ng kanilang pamilya.
14:14Narito po ang aking unang balita.
14:16Tinutulan ni Vice President Sarah Duterte
14:22ang ginawang pagbisita
14:23ng mga kinatawa
14:24ng Philippine Embassy
14:25sa The Hague
14:26sa kanyang amang
14:27si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
14:29Ayon sa Vice Presidente,
14:31nagpanggap daw silang
14:32isang welfare check
14:33ang kanilang gagawin.
14:34Pero tingin ni VP Sarah,
14:36utos o mano ito
14:37ni Pangulong Bongbong Marcos.
14:39Nakatanggap siya
14:40ng impormasyon mula sa Malacanang
14:41na nagsumite ang Philippine Embassy
14:43ng reports sa Pangulo
14:44tungkol sa ginawang pagbisita.
14:46Giit ng vice
14:47na lagay raw
14:48sa panganib
14:49ang buhay ng ama
14:49ng payagan ng ICC
14:51na pumasok ang mga ahente
14:52ng gobyernong
14:53kumidnap sa dating Pangulo
14:54nang walang pahintulot
14:56ng kanyang pamilya.
14:57I can only speculate,
14:59Mr. President,
15:01but I don't really have
15:03the facts
15:05obtaining
15:05on the ground.
15:08Sa tingin ko lang talaga
15:09ay baka yan ang purpose
15:11bakit sila pumunta doon
15:12para
15:12i-confirm siguro
15:15kung talagang totoo ba
15:16na merong
15:17cognitive impairment
15:19ang ating
15:19dating Pangulo.
15:21Paliwanag naman
15:21ng DFA
15:22welfare check
15:23ang ginawa ng mga
15:24taga-Philippine Embassy
15:25at naaayon ito
15:26sa Viana Convention
15:27on Consular Relations
15:28at Batas ng Pilipinas
15:30para protektahan
15:31ng kapakanan
15:31ng lahat
15:32ng mga Pilipino.
15:33Tungkulin daw ito
15:34ng lahat
15:35ng Philippine Foreign Service
15:36posts
15:36at walang pinagkaiba
15:38sa ginagawa ng DFA
15:39para sa iba pang
15:40nakadetening
15:41Pilipino abroad.
15:42Tiniyak naman
15:43ang International Criminal Court
15:44na naaayon
15:45ang mga aksyon ito
15:46sa ICC Rome Statute
15:48at sinusunod nito
15:49ang international standards
15:51na ang mga
15:52nakadetening individual
15:53ay may akses
15:54sa kinatawa
15:54ng kanilang mga konsulado.
15:56Ang anumang pagbisita raw
15:58merong pahintulot
15:59na nakadetening individual.
16:01Ito ang unang balita.
16:03Mariz Umali
16:03para sa GMA Integrated News.
16:06Mga kapuso,
16:07tumutok lang po
16:08sa mga ulat
16:08ng unang balita
16:09para laging una ka.
16:11Mag-subscribe na
16:12sa GMA Integrated News
16:13sa YouTube.
Be the first to comment