Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, November 7, 2025


-PAGASA: Bagyong tatawaging "Uwan," nasa mahigit 1,000 kilometro ang lawak; kasinglawak ng halos buong Luzon at Visayas


-OCD: Umakyat na sa 188 ang bilang ng nasawi dahil sa nagdaang Bagyong Tino


-Kilos-protesta kontra-katiwalian, isinagawa sa tanggapan ng Ombudsman


-PAGASA: Bagyo sa labas ng Ph Area of Responsibility, lumakas bilang Severe Tropical Storm


-Code Blue Alert Status, itinaas ng DOH sa lahat ng kanilang opisina at pasilidad kasunod ng pananalasa ng Bagyong Tino


-25, namatay sa bayan ng Compostela dahil sa Bagyong Tino; mga naulilang pamilya, naghihinagpis


-NEA: Halos 918,000 consumer, wala pa ring kuryente dahil sa pananalasa ng Bagyong Tin


-3 magkakaibigan na sangkot sa gulo sa Quezon City, arestado; 2 sa kanila, huli-cam na nanutok ng baril


-Binatilyo, patay nang mabangga ng bus; 17 pasahero, sugatan


-Lalaking nasa gilid ng kalsada, patay matapos mabangga ng armored van; driver, sumuko sa mga pulis


-Sawa, namataang lumalangoy sa baha sa Purok Maryland


-ICI Chairman Andres Reyes, Jr. sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects: We need to love our country


-Malacañang: Hindi pipigilan ni PBBM ang paglalabas ng kanyang SALN


-Ph Statistics Authority: 4% ang GDP growth sa 3rd quarter ng 2025; pinakamabagal mula noong 1st quarter ng 2021


-SUV, tumagilid matapos sumalpok sa center island sa ADB Avenue


-Dept. of Agriculture, planong magtakda ng MSRP sa pulang sibuyas at karneng baboy; ilang nagtitinda, umaalma


-Oil price adjustment, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


-2 suspek sa pagkamatay ng isang babaeng natagpuang nakagapos sa isang hotel, arestado na


-23-anyos na babae, patay matapos mabagsakan ng gumuhong bato


-2 lalaking nagbebenta ng ni-refill na butane gas canisters, arestado


-Calamity loan applications ng mga nasalanta ng Bagyong Tino, tinatanggap na sa SSS


-INTERVIEW: JUNIE CASTILLO, SPOKESPERSON, OFFICE OF CIVIL DEFENSE


-Iba't ibang grupo, nagkilos-protesta kontra-katiwalian sa harap ng Office of the Ombudsma


-OCD, nagbabala laban sa mga pekeng donation drive o solicitation para sa mga biktima ng Bagyong Tino


-Miguel Tanfelix, Elijah Canlas, at Jon Lucas, nagkuwento tungkol sa "KMJS' Gabi ng Lagim"




For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:34.
00:38.
00:42.
00:43.
00:47.
00:52.
00:53.
00:56.
00:57.
00:58Pumakit na sa 188 ang nasawi dahil sa nagdaang Bagyong Tino, ayon sa Office of Civil Defense.
01:04Pinakamarami po sa nasawi sa Central Visayas.
01:08Sa panayam ng unang balita sa unang hirit kay OCD spokesperson Junie Castillo, 140 sa mga namatay ang galing sa nasabing lugar.
01:1633 naman sa mga biktima ay mula sa Negros Island Region.
01:20Pumakit din sa 135 ang bilang ng mga nawawala, 79 sa Central Visayas at 56 sa Negros Island.
01:29Sa pinakahuling datos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit 2.2 milyong Pilipino ang naapektuhan dahil sa Bagyong Tino.
01:41Isa pang mainit na balita, ilang ralista ang sumugod sa tanggapan ng ombudsman.
01:50Sigaw na mga nagpaprotesta ang pagpapanagot sa nangyayaring katiwalian sa bansa.
01:57Mabagal daw kasi ang aksyon ng gobyerno.
01:59Kinalampag na mga ralista ang gate ng ombudsman.
02:02Ang ilan, sinubukan pang akyatin ito.
02:05Ang buong detalye, ihahatid namin maya-maya.
02:12Lumakas pa bilang severe tropical storm ang binabantay ang bagyo sa Pacific Ocean.
02:16Ayon sa pag-asa, taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa isang daang kilometro kada oras.
02:23Huling na mataan yan, 1,325 kilometers, sila nga ng Eastern Visayas.
02:29Mamayang hating gabi o madaling araw bukas, inaasahang nasa loob na po ng Philippine Area of Responsibility ito bilang typhoon.
02:37Posible rin magkaroon ng rapid intensification o mabilis na paglakas ang bagyo habang tinatahak nito ang Philippine Sea.
02:45Hanggang sa ito'y maging super typhoon bago mag-landfall sa Isabela Aurora area sa lunes.
02:51Maaga nang naglabas ng abiso ang pag-asa ukol sa posibleng ulan na ibubuhos ng bagyong uwan.
02:56Sa narating po na linggo, posible ang torrential rains o matitinding ulan sa Katanduanes.
03:02Intense rains naman sa Northern Samar, Eastern Samar, Suorsogon, Albay at Camarines Provinces.
03:09Heavy rains o malalakas na ulan ang mararanasan sa Samar, Biliran, Leyte, Masbate, Quezon Province, Marinduque, Romblon, Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan.
03:20Kung tinignan naman natin ang rainfall forecast ng metro weather, posible ng ulanin dahil sa bagyong uwan ang ilang bahagi ng Bicol Region at Samar Island umpisa Sabado ng hating gabi.
03:31Umaga po ng linggo, asahan na rin ang ulan sa iba pang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
03:38Posible ang torrential rains sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
03:45Kasunod ng pagdideklara ng state of national calamity sa bansa, itinas na ng Department of Health ang Code Blue Alert status sa lahat ng kanilang opisina at pasilidad.
03:53Ibig sabihin, may mga karagdagang health personnel na ipadadala sa evacuation centers at pansamantalang tinutuluyan ng mga sinalanta ng bagyong tino.
04:03Handa rin nilang ipamahagi ang mga gamot, medical supplies at mobile response teams para umalalay sa mga lokal na pamahalaan.
04:10Mas pabibilisin din ang koordinasyon sa emergency response sa pamamagitan ng kanilang operations center at health emergency management staff.
04:17Handa naman daw ang Department of Social Welfare and Development na maghati ng tulong sa mga pamilyang posibleng maapektuhan ng paparating na bagyo na tatawaging uwan ngayong weekend.
04:27Ayon sa DSWD, mahigit 2 milyong family food packs ang nakahanda sa kanilang mga bodega sa buong bansa para sa mas mabilis na pamamahagi nito.
04:37Nakikipagugnayan na rin sila sa Department of Budget and Management para sa agarang dagdag sa kanilang quick response funds.
04:42Ang DILG naman, hinihikahit na ang mga lokal na pamahalaan na palikasin ngayong weekend ang mga nakatira sa high-risk areas o mga lugar na mas mataas na bantaang pagbaha at landslide.
05:00Buhay, ari-arian at kabuhayan ang nawala dahil sa malawakang pagbaha sa Cebu dulot ng Bagyong Tino.
05:07Kaya ang Cebu Provincial Government gustong paimbisigahan ang bilyong-bilyong pisong pondo na ibinuhos sa flood control projects ng lalawigan.
05:17Balitang hatid ni Fem Marie Dumabok ng GMA Regional TV.
05:25Nabalot ng lukot ang barangay Tamiyao sa bayan ng Kompostela sa Cebu matapos masawi ang labing dalawang tao roon dahil sa pananalasan ng Bagyong Tino.
05:35Sa isang punirarya, nakahilira ang mga bangkay na pinaprocess.
05:40Nabutan ng GMA Regional TV si Dixie Capuyan na humahagulhol at yakap ang kabaong.
05:47Sa loob nito, ang labi ng kanyang 18-anyos at bunsong anak na si Angel.
05:52Katabi nito ang kabaong ng asawa ng kapatid ni Angel na si Jonaline.
05:56Ngayong buwan sana nakatakdang mga anak si Jonaline.
05:58Before I tried it, sir. Hanapit sa duhas mo rin, nagpahiwating na, giba?
06:04Ang kanin silang duha, magsigig. Sabak na ako. Katumulaki ang tao ni anak siyang hama.
06:11In jail, ayaw ginig biya. Kuyog na ako. In jail, ayaw biyae si Alin.
06:15O akong anak bantayin. Pagkamatay nila, sir. Nariskyo ng tapat taon silang duha, sir.
06:21Kahapon, natagpuan ang bangkay ng kanyang panganay na anak na si Kyle na asawa ni Jonaline.
06:27Kaya't ganun na lang ang paghihinagpis ng ina.
06:29Nasa trabaho raw siya nang mangyayari ang malawakang baha sa barangay.
06:33Ang pangalawang anak ni Dixie na si Ashley Chanel, ang nag-iisang nakaligtas sa insidente.
06:39Kwento niya, umakyat sila sa isang bahay at akala nila ay ligtas na silang lahat.
06:44Nang rumagasa ang baha, natangay raw ang mga wing van at nahulog sila sa tubig.
06:49Pagkatagak na ako, di ba dito tunta ako kay mamulang way, seria.
06:54Ako manghod, kamaoy, yuta, to siya.
06:57Kaya nakakupot, makugbaboy na patay.
07:00Muraghiwala kong salbabida, makupta na untan ako kung manghod.
07:03Pero nabuyan na ako, kaya nalumbos ko, kaya di ko kamaulang way.
07:08Suwerte lang ko, kaya akong buhok na sangit.
07:10Sada akong kawayan mo ang napataas kong makaingon ko.
07:13Sa kabuhuan, nasa 25 individual ang nasawi sa bayan ng Kompostela.
07:33Kabilang ang anak ni Betty Bataluna na si Olivia, na nuoy nagtatrabaho sa isang manukan.
07:44Sa barangay Tamiyao, halos na wipe out ang mga bahay.
07:48Inanod ang tatlong wing van na dumagan sa mga bahay sa lugar.
07:52Nasaksihan din daw ng mga tao ang inanod ng mga residente na humihingi pa ng tulong.
07:56May isang tao na yumakap sa puno ng niyog.
07:59Nanay, nang anod rin mga balay, nang tabang-tabang, nang lango yunig to.
08:05Muna nga, kinsamayin nga mo tabang sa nila.
08:08Mag-laysan, may kilaw, makiang tubig.
08:10Ayon sa kapitan, may labing dalawang tao pa ang pinagahanap.
08:15Nag-recorrida na mi, nag-pre-entive evacuation na mi.
08:18In fact, usagalian ng mga missing rule yan, istorya ginanam mo, nga bakwit na lang mo.
08:24Isa ang bahay ni Ribugtay na tinangay ng baha.
08:27Nakaligtas ang kanyang pamilya, subalit nasawi ang kanyang mga kapatid at pamangkin.
08:32Paniwala niya, baka ligtas pa ang kanyang kamag-anak kung napasama ang lugar sa flood control project.
08:38Putolra nila kay ansumpayan ito, araman dito sa unahan.
08:41Masip, tigid ang amang bahay nga rin.
08:44O nauman pa.
08:46Nananawagan ang hostisya para sa mga namatay at sa lahat ng biktima ng baha sa Cebu Governor Pamela Baricuatro.
08:52Kailangang maimbestigahan kung saan napunta ang 26 billion pesos na pondo para sa flood control project sa iba't ibang parte ng probinsya ng Cebu.
09:02Simula 2022 hanggang ngayong taon, 2025.
09:06Ayon kay Baricuatro, ang matinding flash flood na kumitil sa mahigit isang daang buhay at patuloy na paghahanap sa iba pa
09:14ay hindi lang dahil sa environment, kundi dahil na rin sa aniya yung mga questionabling flood control projects.
09:20I started to ask the question, ano man na hitabo ni Nato, karoon inaani ang flooding ba?
09:28Nagrabe ka yung massive ang flooding, flash flood, grabe, it's costing life.
09:34Kanin na hitabo ka rin, na ay responsible sa mga previous administration na rin sa probinsya.
09:40Maliban sa flood control project, gustong maimbestigahan ng gobernador ang kondisyon ng Central Cebu Protected Landscape kung saan makikita ang mga watershed area.
09:51Ang watershed area ang konektado sa malalaking sapa sa Lusaran, papuntang Butuanon, Mananga at Kutkot.
09:58At sa mga sapa na papuntang Balamban, Astorias at Toledo City.
10:03Noong Merkulis na pag-alaman ng Kapitulyo na matinding apektado rin ng pagbaha at landslide ang mga bayan ng Balamban, Astorias at Toledo City.
10:12Gusto niya rin mapaimbestigahan ang iba't ibang mga quarry operations sa lalawigan.
10:17Femarie dumabok ng GMA Regional TV.
10:21Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:23Halos 918,000 na consumers ang wala pa rin kuryente sa ilang rehyon sa bansa dahil sa Bagyong Tino.
10:32Batay po yan sa datos ng National Electrification Administration as of 3 p.m. kahapon.
10:37Kabilang sa mga apektadong rehyon ay Mimaropa, Western, Central at Eastern Visayas pati Karga.
10:44Paglilinaw ng NEA, ito pa lang yung sakop ng mga electric cooperative at bukod pa sa private distribution utilities.
10:4928 electric cooperatives pa ang nakararanas ng partial interruption.
10:56Ang DOE naman may binuong Task Force Tino na magmamonitor sa supply ng kuryente sa mga apektadong probinsya.
11:03Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP,
11:06ngayong araw ang deadline para maayo sa mga naapektuhang transmission lines.
11:10Sa ibang balita, patong-patong na reklamo ang kinakaharap ng tatlong magkakaibigan sa Quezon City
11:18matapos maahulikam na nanakit at nanutok ng baril.
11:23Balitang hatid ni James Agustin.
11:27Bumaba mula sa minamanehong motorsiklo ang isang lalaki at saglit na pumasok sa kanyang bahay.
11:32Sa bahaging ito ng San Simon Street sa barangay Holy Spirit, Quezon City.
11:36Maya-maya pa dumating ang ilang magkakaibigan na nakasakay sa dalawang motorsiklo.
11:40Paglabas ng lalaki, nilapitan siya ng magkakaibigan.
11:44Hanggang sanao ito sa komprontasyon at besikalan.
11:47Hindi pa rin natapos ang kaguluhan.
11:50Biglang naglabas ng mga barilang dalawa sa magkakaibigan at itinutok ito sa lalaki.
11:55Mabilis na naka-responde ang mga taga-barangay at operatiba ng Holy Spirit Police Station.
12:00Pagkatapos na ihatid ng complainant yung boyfriend ng pamangkinong kinakasama niya,
12:07ilang sandali lang po ay bumalik itong boyfriend ng pamangkinong kinakasama niya.
12:14Kasama na po yung mga kaibigan nito.
12:17Pagkatapos po nun nagkaroon ng alitan, komprontasyon,
12:22doon na po nagkainitan yung kabilang panig at doon na po sa binunutan at tinutokan ng baril.
12:28Base po doon sa pagtanong-tanong natin doon sa complainant, ay ayaw po ng pamilya nila doon sa boyfriend po nung pamangkin nila.
12:38Kaya hindi siguro na, hindi siguro tanggap nitong boyfriend, kaya nagkaroon po ng ganong insidente.
12:46Naareso ng pulisya sa lugar ang 20 anyos na boyfriend at ang kaibigan niyang 23 anyos na nahulian ng kalibre 38 baril na kargado ng mga bala.
12:54Sa follow-up operation, nahuli naman ang 26 anyos na kaibigan na nakuha na ng kalibre 45 na gun replica.
13:01Request na po tayo ng firearms verification, pero po lumalabas doon na hindi po sila lisensyado na magkaroon po ng sarili ng baril.
13:10Tumangging magbigay ng payag ang 20 anyos at 26 anyos sa mga sospe, habang ang 23 anyos silang kaibigan.
13:17Sa korte na lang po natin pag-usapan, sir.
13:19Maarap ang tatlo sa reklamong grave threat. May karagdagang reklamong physical injury ang 20 anyos,
13:25habang ang dalawa pa niyang kaibigan ay reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
13:31James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:36Ito ang GMA Regional TV News.
13:41Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
13:45Patay ang isang pedestrian nang mabangga ng bus sa Gumaca Quezon.
13:50Chris, ano ang nga detalya ng pangyayari?
13:54Pony, hindi raw gumana ang preno ng bus, kaya nito nabangga ang binatiliyong naglalakad noon sa kalsada.
14:01Basis ang investigasyon, bago ang insidente ay nasiraan ang bus sa barangay Inaklagan.
14:06Nagtulungan ang mga pasero nito para itulak ang bus at ng mapagana,
14:11nawala naman umano ito ng preno hanggang sa magdere-derecho sa bangin.
14:15Labing pito sa dalawampu't siyam na sakay nito ang sugatan.
14:19Pahirapan ang pag-rescue sa kanila dahil madilim at matarik sa lugar.
14:23Hinahanap pa ng mga otoridad ang bus driver.
14:26Sinusubukan pa namin kunan ang pahayag ang pamunuan ng bus.
14:30Patay din ang isang lalaki nang mabangga naman ang isang armored van sa Kurimao, Ilocos Norte.
14:37Ayon sa pulisya, nag-overtake ang armored van hanggang mawala ng kontrol ang driver nito.
14:42Doon na nabangga ang lalaking, nakikipagkwentuhan lang daw sa gilid ng kalsada.
14:47Nagtamu siya ng matinding sugat sa ulo na kanyang ikinamatay.
14:51Nakaligtas naman ang kanyang mga kasama noon.
14:53Sumuko sa pulisya ang driver ng armored van na wala pang pahayag.
14:58Ayon sa Kurimao Police, nagkaroon na ng pag-uusap ang driver at mga kaanak ng biktima.
15:03Patuloy pa ang investigasyon.
15:09Huli ka mga paglitaw ng sawanayan sa Baha sa Purok, Maryland, sa Talisay, Cebu,
15:14sa kasagsagan ng pananalasan ng bagyong pino nitong Martes.
15:17Dumaan pa siya sa ibabaw ng nakalubog na kulungan ng manok at lumangoy papalayo.
15:22Ayon sa mga eksperto, posibleng na bulabog sa lunggang ahas kaya ito lumabas.
15:26Kung makakita ng ahas, huwag po itong lalapitan.
15:30Manatiling kalmado at hayaan itong umalis.
15:33Maaari rin tumawag ng otoridad at eksperto para mapaalis ito.
15:37Nag-ha-in ang reklamong may kaugnayan sa bid rigging
15:47ang Department of Public Works and Highways sa Philippine Competition Commission
15:51laban sa ilang construction company.
15:53Kaugnay po yan sa questionabling flood control projects.
15:57Sa gitna ng investigasyon, may panawagan naman ang pinuno ng ICI.
16:01Balit ang hatid ni Joseph Morong.
16:07Bitbit ni Justice Andres Reyes Jr. ang placard na ito.
16:11Pag-ibig daw at hindi kasakiman ang kailangan ngayon.
16:14We need to love our country.
16:18We need to love our countrymen.
16:21Hindi yung suapang ka, natang pera tila, tago mo.
16:25Ipinanawagan niya ni Reyes sa gitna ng mga anumalyang iniimbestigahan
16:30ng pinamumunuan niyang Independent Commission for Infrastructure o ICI
16:34kaugnay ng mga flood control projects.
16:37Tulad na lamang nang nakita ng Commission on Audito COA
16:40sa Bukawi, Bulacan na nagkakahalagang 95 milyon pesos.
16:45Idineklarang natapos itong Enero 2025 lamang,
16:48kompleto ang bayad.
16:49Pero ayon sa COA, wala namang naitayong istruktura
16:52sa sinabing lokasyon sa Barangay Bambang.
16:56Kaya ay narecommenda kang ICI sa ombudsman na kasuhan ng graft,
16:59malversation of public funds at iba pa,
17:01ang mga opisyal ng DPWH, Bulacan 1st District Engineering Office
17:05sa pangunguna ni dating District Engineer Henry Alcantara
17:09at kinatawa ng kontraktor na Top-Notch Catalyst Builders Incorporated,
17:13Beam Team Developer Specialists Incorporated,
17:15na si Alan Payawal na nameke umano ng mga dokumento ng proyekto.
17:20Hinihinga namin sila ng pahayag.
17:22Para sa ghost project na yan, sa Bukawi, Bulacan,
17:25wala mga mambabatas o mga proponent na nagpondo sa proyektong yan
17:29ang inerekomendang kasuhan ng ICI sa ombudsman,
17:33puro mga engineer at kontraktor pa lamang.
17:37Paliwanag ni Reyes, wala pa silang nakitang koneksyon
17:40ng mga mambabatas sa proyektong ito.
17:42There is definitely a connection, but we still have to establish the connection.
17:49Hindi naman pwede may magawin yung DPWH na walang nagbigay ng kontrata o project, referral.
17:58Hindi po nila sinabi sa ICI kung sino yung nagputos sa kanila.
18:02Hindi, nagbigay sila mga pangalan.
18:05But hindi lahat siguro.
18:08O baka yun lang alam nila.
18:09I don't know if they're withholding or what.
18:11Tungkol naman sa ipinangakong live streaming ng ICI sa Senado,
18:16kasalukuyon pa rin sila nagbabalangkas ng rules.
18:19Hindi naman kami korte.
18:21So, it's better talaga na investigate without other people present.
18:27Kasi yung testigo o yung akusado,
18:30pag mara yung tao,
18:32hindi iba yung, ano,
18:34people screaming for live streaming should understand na hindi kami, ano na kami, polis na kami.
18:42Naghae naman ang reklamo ng bid rigging si DPWH Secretary Vince Dyson sa Philippine Competition Commission laban sa mga kontraktor na St. Timothy Construction Corporation at Silver Wolves Construction Corporation at ilang opisyal ng DPWH, Davao Occidental at La Union,
18:59kaugnay sa labing limang kontrata na mga maanumalyang flood control projects doon.
19:04Ayon kay Dyson, 3.13 billion pesos ang maaaring imulta sa mga sangkot kung mapapatunay ang pineke nila ang bidding.
19:13Hinihinga namin ng pahayag ang mga nasabing kumpanya.
19:16Joseph Morong nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:21Hindi raw pipigilan ni Pangulong Bongbong Marcos ang paglalabas sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-N.
19:29Yan ang sagot ng mga kanyang matapos hingin ng ilang civil society groups sa Office of the Ombudsman ang kopya ng SAL-N ng Pangulo.
19:35Gayun din ang kay Vice President Sara Duterte, dating Ombudsman Samuel Martires at iba pang opisyal ng gobyerno.
19:42Sa ilalim ng bagong guidelines ng Ombudsman, pwede nang humingi ng kopya ng SAL-N kahit walang letter of authority mula sa opisyal na namamay-ari nito.
19:51Epektibo ang bagong guidelines sa November 15.
19:55Naonda nang sinabi ng Pangulo na handa siyang isa publiko ang kanyang SAL-N.
20:02Mainit na balita, 4% ang gross domestic product o GDP growth ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng 2025.
20:11Ayon sa Philippine Statistics Authority, ito ang pinakamabagal na GDP growth mula noong first quarter ng 2021 na panahon pa ng COVID-19 pandemic.
20:21Sabi ng PSA, kabilang sa mga nagpalago sa GDP nitong third quarter, ang wholesale at retail finance at professional services.
20:30Ayon sa Department of Economy, Planning and Development o DEP-DEV, mas mababa ang GDP growth nitong third quarter kaysa sa target ng gobyerno na 5.5% hanggang 6.5% para sa 2025.
20:44Ito na ang mabibilis na balita.
20:50Tumagilid ang SUV na yan matapos sumalpok sa Center Island sa bahagi ng ADB Avenue sa Pasig.
20:56Sa lakas ng impact, napinsala ang Center Island.
20:59Ligtas ang driver na nagtamo ng pasa sa muka at dinala na sa ospital.
21:04Nayalis din sa kalsada ang SUV at hindi nagdulot ng traffic sa lugar.
21:07Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.
21:14Arestado ang isa pang akusado sa panluloob sa apartment ng mga masahista at pangahalay umano sa dalawa sa kanila sa Pasay City noong August 29.
21:22Sa visa ng Warat of Arrest, nahuli ng mga otoridad ang lalaki sa Malate, Maynila.
21:27Nahaharap sa reklamong robbery with rape ang mga akusado.
21:30Una ng sumuko sa mga otoridad ang kasabot niya.
21:33Pareho nilang itinanggi ang mga parata.
21:37Planong magtakda ng Department of Agriculture ng maximum suggested retail price sa pulang sibuyas at kandang baboy.
21:47Kung magkano yan, alamin natin sa Balitang Hatid ni Bea Pinlak.
21:53Hindi pa man nahihiwa ang mga panindang sibuyas na ito, mapapaiyak ka na sa presyo.
21:59Nasa P130 to P180 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas dito sa Mega Q Mart sa Quezon City.
22:07Masakit. Actually, hindi lang naman talaga sibuyas ang mahal. Halos lahat ng gulay nagmamahal.
22:12Talagang napakahirap. Napakahirap sa pagbabudget. Pero ayun na nga, sinasabi ko wala tayong choice kundi talagang gagawan at gagawan mo ng paraan.
22:20Sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot ng 200 pesos kada kilo ang bentahan ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.
22:29Marami naman daw ang supply ng imported sibuyas.
22:32Kaya pinag-aaralan ng DA na magtakda ng 120 pesos maximum suggested retail price para rito sa susunod na linggo.
22:40Magandang balita para sa mga mamimili ang pagtatakda ng MSRP.
22:44Malaking may tutulong sa amin yun. Pero sana, sana talaga. Mahirap din kasi umasa. Antay na lang talaga natin. At gagawa na lang talaga tayo ng paraan.
22:51Ang mga nagtitinda ng gulay, tiyak daw naaaray.
22:54Hindi pwede. Hindi na kami magtitindan yan pagka yung presyo nila ang masusunod. Kasi ampuhuna namin, 150 na eh.
23:07Pati presyo ng karning baboy, posibleng lagyan ng MSRP. Palaisipan daw kasi sa DA kung bakit mataas ang presyo ng baboy, lalo na ng liyempo, dahil mababa naman ang farm gate rates.
23:18Ang liyempo talaga mataas. Kasi alam mo naman, mataas talaga kahit noon pa.
23:25Nangangamba naman ang ilang nagtitinda ng baboy sa posibleng epekto ng mababang MSRP sa kita nila.
23:31Sobrang tumal ngayon. Totoo lang.
23:33Mas totoo lang, hindi kami kumikita ngayon.
23:36Pwesto, tauhan, kulang pa. Tapos silang mga dealer, mga supplier, silang magbaba ng baboy, hindi kami.
23:41Sa Mega Q Mart, umaabot ng 450 pesos ang kada kilo ng liyempo at 360 pesos naman sa Kasim.
23:50Sa monitoring ng DA, nabibili ng hanggang 480 pesos ang kada kilo ng liyempo sa mga pamilihan sa Metro Manila.
23:58Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
24:04Bip, bip, bip. Sa mga motorista, may posibleng dagdagbawa sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
24:11Ayon po sa Oil Industry Management Bureau na Department of Energy, batay sa 4-day trading,
24:16tinatayang humigit kumulang 35 centavos ang rollback sa kada litro ng gasolina.
24:21Matapos ang libang sunod-sunod na linggong price hike.
24:24Inaasahan namang magpapatuloy sa ikatlong linggo ang taas presyo sa diesel na nasa 30 centavos kada litro.
24:30Pati sa kerosene na 35 centavos kada litro.
24:33Ayon kay Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero,
24:37tanging sa LPG at kerosene lamang magkakaroon ng price free sa mga lugar na nasa state of calamity.
24:44Arestado na ang dalawang suspect sa pagamatay ng isang babae na tagtuang nakagapo sa isang hotel sa Santa Mesa, Maynila nitong Oktubre.
24:54Balitang atin ni Jomra Presto.
24:56Wala ng buhay at nakagapos pa ang mga kamay.
25:01Ganyan na datna ng mga otoridad ang 35 anyos na massage therapist na si Alias Len
25:05sa loob ng kwarto ng isang hotel sa Santa Mesa, Maynila umaga noong Oktubre 23, 2025.
25:11Ang sospek sa krimen, isang babae at lalaki na nakita umanong sabay na dumating sa hotel noong hapon na Oktubre 22.
25:18Ibinok daw nila ang biktima na umalis sa kanyang tinutuluyan sa Taguig City
25:22bandang alas 5 na ng umaga na Oktubre 23 at dumating sa hotel bandang alas 5 e medya na ng umaga.
25:28Ang ginawa nila dito sa biktima natin, tinali nila gamit yung parang kortina ng hotel
25:35at may ginahit pa silang isang pantali din yung bandage, parang arm bandage, isa sa mga suspect.
25:44At yun nga, ang naging dahilan doon, sinakal at hanggang mamatay itong ating biktima.
25:52Makalipas sa mahigit isang oras, may kita na ang sospek na babae na nagmamadaling maglakad sa bahaging yan ng Old Santa Mesa.
25:59Nagpaikot-ikot pa siya bago tuluyang sumakay ng jeep.
26:02Sinubukan pa siyang habulin ng roomboy pero hindi niya naabutan ng babae.
26:06Hindi naman nahagi pang sospek na lalaki na sa kabilang direksyon naman dumaan.
26:09Nitong October 30, tuluyang na-aresto sa Nike Cavite ang 32-anyos na lalaking sospek.
26:15Habang sa Pasay City naman nahuli ang 32-anyos na sospek na babae.
26:20Na-inquest na sila at nasampahan na ng reklamong murder.
26:23Lumabas sa investigasyon ng pulisya na suffocation ang ikinamatay ng biktima.
26:27Pag nanakaw-umano ang nakikitang motibo ng maotoridad sa krimen,
26:31lalo at may kaparehong kaso noon ng babae na posibleng modus na ng mga sospek.
26:35Meron nakita na kaso niya na robbery with prostrate at home site.
26:40Ganun na ganun din yung ginawa nila. Dito nga yun sa isang hotel naman sa Pasay.
26:46Itinanggi naman ng mga sospek ang krimen.
26:48Sinabi ng sospek na lalaki na dati silang magkarelasyon ng sospek na babae.
26:52Nangangambaraw sila sa kanilang siguridad.
26:55No po, no po. Wala po talaga akong alam saan nangyari.
26:58Yun lang po yung totoo. Wala po talaga akong alam sa ginawa ng tao na yan.
27:02Basta gusto ko lang pumakasigurado sa kaligtasan namin dalawa.
27:06Isisipo talaga akong talagang nahihirapan na bukuhin talaga dito.
27:11Una namang sinabi ng barangay na may kakulangan talaga sa siguridad ng hotel
27:14dahil walang gwardya na nagbabantay rito.
27:17Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng hotel.
27:20Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
27:25Ito ang GMA Regional TV News.
27:29Mailit na balita din sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
27:35Nasa week dahil sa rock slide ang isang babae sa Vallehermoso, Negros Oriental.
27:40Sa esilo ng detalye sa balita ngayon.
27:44Rafi, nabagsakan ng malaking bato ang 23 anyos na biktima.
27:49Ayon sa pulisya, nasa loob ng bahay nila sa barangay Tabon ang babae ng magka rock slide.
27:54Nasa pulisya ng bato sa ulo at idiniklarang dead on arrival sa rural health center.
28:01Ang pagguho bunsod pa rin sa nagdaang bagyong tino.
28:05Sa bayan naman ng Ayungon, dalawang babaeng senior citizen ang sugatan sa magkahihwalay na disgrasya sa mga evacuation center.
28:13Ang isa, nabagsakan ng gumuhong kisame sa Gumintok Elementary School dahil sa malakas na hangin.
28:20Ang isa naman, nabagsakan ng naputol na sanga ng puno sa barangay Awaan.
28:24Agad naman silang dinala sa ospital para gamitin.
28:29Sa panabo Dabao del Norte, aristado ang dalawang lalaki dahil sa iligal na pagre-refill at pagbibenta ng mga butene gas canister.
28:38Sinugod ng NBI Regional Office ang bahay ng mga sospek sa barangay Credo dahil sa sumbong ng isang kumpanyang ginagamit-umano ang mga canister nila sa iligal na produksyon.
28:50Narecover sa mga sospek ang mahigit 1,600 na gas canisters, 10 malalaking LPG tanks at mga makinang ginagamit sa pagsasali ng gas.
29:00Ang modus, ibinibenta nila ang mga nirefill na canister ng mas mura, aminado ang mga sospek sa krimen na dalawang taon na raw nilang ginagawa.
29:10Nahaharap sila sa patong-patong na reklamo.
29:13Inaalam pa ng NBI kung sino ang nagutos sa mga sospek.
29:17Paalala ng NBI, huwag tangkilikin ang mga hindi-lihiti mong gas canister dahil delikado itong gamitin.
29:30Tumatanggap na ang Social Security System o SSS na mga application para sa Calamity Loan na mga miyembro nito na nasa lantan ng Bagyong Tino.
29:39Hanggang P20,000 ang maaring mahiram ng qualified members.
29:43Kabilang sa requirements para sa loan, dapat nakatira o nagtatrabaho sa lugar na isinailalim sa state of calamity.
29:49At may hindi bababa sa 36 na monthly contributions sa SSS.
29:54Babayaran ang Calamity Loan sa loob ng dalawang taon na may 7% interest.
29:59Hanggang December 5, tatanggap ang SSS na mga application.
30:06Kaugnay sa nagpapatuloy pa rin search and rescue operations sa ilang probinsya sa Visayas
30:10matapos ang pananalasan ng Bagyong Tino at paghahanda sa inasahang super typhoon na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
30:18Kausapin na natin si Office of Civil Defense Spokesperson Junie Castillo.
30:22Magandang umaga at welcome sa Balitanghali.
30:25Magandang umaga, Rafi. Magandang tanghali sa ating mga viewers.
30:28Apo, kumusta na po yung pagkalap yung dato sa bilang ng mga nasawi o nawawala sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Tino?
30:35Hanggang kailan po gagawin ang search and rescue operation o yung search and retrieval na po ba yung susunod?
30:40Sa ngayon, Rafi, yung kaninang this morning, meron na tayong 188 na mga kababayang nasawi dahil dito sa Bagyong Tino at meron pang missing na 135.
30:54So tuloy-tuloy pa rin yung search, rescue and retrieval dito sa mga nawawala nating mga kababayan,
31:00specifically dito sa Cebu at ganun din sa Negros Island region at saka sa iba pang area.
31:08Anong nakikita niyong dahilan itong maraming nasawi dahil hindi naman tayo nagkulang sa paalala.
31:13May mga forced evacuation pang nangyari.
31:15Pero bakit po umabot ng ganito kadami yung mga namatay lalo na doon sa mga dinaanan ng flash floods?
31:21Rafi, may mga areas dito na hindi pa ito nadaanan dati ng mga pagbaha.
31:28Kaya kahit may mga paalala tayo, hindi naman sanay na mag-evacuate yung mga areas na ito.
31:33At saka yung tindi rin talaga ng ulan na ibinuhos, especially mga highly urbanized area ito.
31:40Maraming mga sementado na siyempre, of course, highly concretized.
31:43So hindi ito dati binabaha.
31:44Tapos ngayon, dahil sa bigat ng ulan na ibinagsak, highly concretized ay binahanap po.
31:51Kaya nga, Rafi, if I may jump to the next, yung typhoon,
31:55yung talagang sinasabi natin, hindi na dapat gawing basihan yung historical na
32:00porket hindi tayo binabaha dati ay lang ang lumikas kapag sinabi ng lokal na otoridad.
32:06Ayun na nga po, paalala na rin natin na talaga nagbabago na yung panahon at pati yung forecast.
32:11Kuminsan talaga mas malakas yung buhos ng ulan.
32:14Pero kuminsan naman, mas mahina.
32:16Kaya siguro nagagiging kampati ang ating mga kababayan.
32:19Kumusta yung paghahanda ninyo?
32:20At paano ninyo kinukonbinsi?
32:22Yung mga lugar na dati, hindi naman tinatamaan na matindi na,
32:25kailangan ng lumikas kapag sinabi ng mga otoridad.
32:27Oo, ngayon, Rafi, ang kasama natin sa NDRRMC,
32:31yung Department of Interior and the Local Governments,
32:33nagpalabas na ito ng direktiba sa ating mga lokal na pamahalaan.
32:36Ang mahalaga kasing malaman talaga natin dito, lalo na yung mga komunidad at mga LGUs,
32:42saan, kailan, at gaano kalakas ang ulan at hangin na mararamdaman natin dun sa mga kanya-kanya nating lugar.
32:51Para alam natin na kailan dapat talaga lumikas.
32:54Like kapareho nito ngayon, nagpalabas ng direktiba na depende sa mga lugar,
33:00merong dapat ay Sabado pa lang, yun na yung huling araw ng pag-preemptive evacuation.
33:05Meron namang iba na linggo, hanggang linggo, pwede pang mag-preemptively evacuation.
33:10So dapat talaga alam natin sa bawat lugar natin yun.
33:14Meron din po, syempre, ang mga other considerations.
33:18Like we're looking at yung high tide din, anong oras yung high tide doon sa lugar ninyo,
33:23coastal area ba yan, kung malapit ba sa dam.
33:27So may mga dam din tayo, especially sa northern and central Luzon, na yun yung tatahakin nung bagyo.
33:33And even some other parts of Luzon also, southern Luzon hanggang sa Visayas,
33:39dahil ang tinitingnan natin dito sa pagyong paparating, ay malawak nga po.
33:44In fact, mahigit isan libong kilometro yung lawak nito.
33:48Kaya ibig sabihin, mas marami po talaga ang dapat mag-preemptively evacuation,
33:53lalo na yung mga nasa baybayang dagat, yung mga nasa mababang lugar.
33:58At yung mga listahan po, nung DENR-MGB, na dapat kung nandun tayo sa listahan yun,
34:04at saka sa rainfall warning ng pag-asa, ay dapat po talagang lumikas tayo.
34:08Siguro hindi na rin na dapat umaasa sa gobyerno, no?
34:11Dapat mag-research na rin at alamin nung mga bawat residente kung nasa dangerous na lugar ba sila.
34:18Sapat po ba yung mga tauhan at kagamitan ng OCD para respondin sa anong mga sakuna?
34:24Tumutulong pa huho kayo hanggang ngayon sa may Central Visayas.
34:28At we understand, may mga resources din na galing ng Norte na tumulong sa Visayas.
34:32Pabalik na rin siguro sila by this time.
34:34Paano po niyo pinaghahandaan ito?
34:36Tama, Rafi. Ang OCD, hindi lang yung Office of Civil Defense, kasama na yung ibang-ibang ahensya
34:42na kabilang sa National DRRM Council natin.
34:45So nagtutulong-tulong at nagsasama-sama ang mga ahensyang ito.
34:49Para na nga dun sa pag-preposition ng mga resources natin dito sa paparating na bagyo.
34:54Kaya nga po yung ating mga ibang-ibang ahensya ng response clusters,
34:58nakapreposition na rin po ng mga tao, ng mga equipment sa ibang-ibang lugar,
35:03lalo na dito sa Northern at sa Central Luzon.
35:06And at the same time, sabi kasi ng Pangulo,
35:07huwag pa rin pababayaan syempre yung response operations natin
35:10dun sa mga apektado ng bagyong tino.
35:13Ano po bang parameters kung kinakailangan na ang preemptive o mandatory evacuation?
35:19O Rafi, iba-iba.
35:20Unang-una, syempre, yun nga, yung binabang ito kanina,
35:23saan, kailan at gaano kalakas.
35:25So kapag kaganito, tinitingnan natin malakas yung bagyo
35:28at maaaring maging super typhoon ito.
35:29So lahat ng mga nasa coastal areas, dito sa Northern at sa Southern Luzon
35:35at sa Central Luzon din, and even some parts dun sa Eastern Visayas,
35:41so ibig sabihin, mahahagip yun nung storm surge
35:44dahil malakas yung mga hangin.
35:47So yun ay dapat talaga mag-preemptive evacuation yung mga yun.
35:51Ganun din yung mga tatamaan ng malakas na ulan.
35:54Ang pag-asa, merong mga rainfall warning.
35:56Itong mga tinamaan ng Bagyo Nontino, ito yung mga karamihan dito
36:00ng mga red rainfall warning.
36:03So ibig sabihin, 200 millimeters pataas ang pwedeng ibagsak na ulan nito.
36:08Nakita natin yun sa Cebu,
36:09ang mahigit 200 millimeters na pagpulan,
36:13e halos yung buong ground floor abot yung pagbaha na yun.
36:17So ito yung mga basihan natin.
36:19And then kasama syempre yung binabanggit natin kanina,
36:23if you are kung malapit sa dam,
36:25tapos mag-abiso ang lokal na pamahalaan,
36:28at saka yung mga authorities dun sa dam na mag-release nung tubig.
36:32So ito yun sa mga basihan natin.
36:34Meron pa pong isa,
36:35yung hazard hunter PH,
36:37nakikita doon kung yung lugar ninyo ay prone sa pagbaha
36:42o kaya sa rain-induced landslide.
36:44So kapag kasama tayo dun sa mga lugar na yun at identified areas,
36:47so mahalaga po talaga na mag-preemptive evacuation po tayo.
36:53Siguro simple lang,
36:54pagkayo nasa malapit sa dagat,
36:55kailangan na lumikas.
36:56Pagkayo nasa malapit sa ilog, usapa,
36:59pwede rin magkaroon ng mas malaking pagbaha at laat
37:01flash flood sa mga lugar na yan kung kahit kailangan na lumikas.
37:04Maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Halik.
37:07Maraming salamat, Rafi.
37:08Office of Civil Defense Spokesperson, Junie Castillo.
37:11Update tayo sa isinasigaw ang kilis protesta ng ilang grupo sa labas ng Office of the Ombudsman.
37:20May ulat on the spot si Salima Refran.
37:23Salima.
37:28Connie, nagka-atensyon nga dito sa Office of the Ombudsman,
37:32ang kalampagin ng iba't ibang grupo ang gobyerno
37:34para nga mapanagot ang mga dapat managot sa isyo nga ng korupsyon
37:39sa likod ng mga flood control at infrastructure projects.
37:45Alas 10 ng umaga ng sumugod sa Office of the Ombudsman,
37:48ang kilusang bayan kontra kurakot.
37:50Hinabol nila ang konvoy ni Ombudsman ni Suspies Pinrimuya
37:54na eksakto namang papasok ng gate ng Ombudsman.
37:57Pinigilan ng mga polis o pinigilan sila ng mga polis ng QCPD.
38:00Dito na nagkatulakan at nagkagirian ng mga ralehista at mga polis.
38:05Kinalampag nila ang gate ng Ombudsman at pinilit pang maglagay ng tarpaulin.
38:09Ilang minuto pang nagpatuloy ang girian hanggang sa may namagitan na leader ng mga grupo.
38:14Nag-spray paint din ang grupo sa mga letrato ni Pangulong Bongbong Marcos,
38:18Vice President Sara Duterte, Ombudsman Rimuya,
38:21at logo ng isang contractor na sanhiraw ng malawakang pagbaha sa Cebu nitong Bagyong Tino.
38:27Ang kanilang sigaw, walang dapat cover up sa imbestigasyon sa korupsyon sa mga flood control projects.
38:33Dapat din daw pati si Pangulong Bongbong Marcos ay maimbestigahan
38:37dahil abot raw sa kanya ang pananagutan sa nangyari.
38:41Paulit-ulit na lang daw na nabibiktima ang mga karaniwang Pilipino
38:44sa kasakiman na mga nasa kapangyarihan.
38:48Narito ang bahagi ng ating mga panayam kanina.
38:50Dapat ay isama si Marcos Jr. na iimbestigahan
38:56dahil naniniwala kami na si Marcos Jr. ang pangunahing korup dito.
39:01Kitang kita doon sa mga investigasyon na nagaganap,
39:07may nag-uugnay kay Marcos Jr.
39:10Siya ang pumirma ng napakalaking pondo para sa flood control project.
39:15Hindi kami naniniwala na wala siyang alam.
39:16Bukas po, anniversary ng Yolanda.
39:1912 years later, bulok pa rin ang ating sistema.
39:23Marami pa rin ang namamatay dahil sa mga kurakot sa pamahalaan.
39:27Sa nangyayari po ngayon, mukhang hindi umabot hanggang malakanyang ang investigasyon.
39:35Connie, bago nga mag-alas 11 ng umaga,
39:38ay payapang nag-disperse ang mga grupo dito nga sa Ombudsman.
39:42Samantala kapapasok lamang na balita,
39:44ang Office of the Ombudsman ay inanunsyong nagtalaga na ito
39:47ng isang special task force para imbestigahan yung mga flood control projects
39:52kaugnay nga ng pananalasa ng Bagyong Tino sa Visayas.
39:57At yan muna, let us bulanga dito sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
40:01Connie.
40:01Maraming salamat sa Lima Refran.
40:31Kung gustong tumulong,
40:34pwede raw itong i-direkta sa kanilang tanggapan
40:36o sa Department of Social Welfare and Development.
40:39Aside kay star of the new gen, Jillian Ward,
40:48tampok rin sa KMJS gabi ng lagim ang ilang talented actors ng generasyon ngayon.
40:54Kabilang dyan ang sparkle actor na si Miguel Tan Felix,
40:57nagkaganap na isang seaman sa pelikula.
41:00Chika ni Miguel, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang role.
41:04Ang multi-awarded actor na si Elijah Canlas,
41:07aminadong natakot sa pag-shoot sa gubat at in-enjoy lang ang oportunidad.
41:12Gaganap naman siyang isang Pinoy mythical character.
41:15Ang isa pang sparkle actor na si John Lucas,
41:18humugot naman ang inspirasyon at emosyon sa panunood ng horror films.
41:22Tampok din sa pelikula ang sparkle actor na si Nicky Ko
41:25na nagkaroon ng spooky experience habang nasa shooting.
41:29Nakapalibot kami dun sa i-exercise.
41:36Tapos biglang may tumunog sa gilid.
41:38Walang ganon, sabi ng props. May headache.
41:40Oo, nagtanong kami. May ganon ba dito? Wala.
41:42Oh my God.
41:44Tapos naganap kami, baka may cellphone, baka may nantitrip. Wala talaga.
41:49Weather update tayo sa bagyong inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ngayong pong weekend.
41:54Usapin natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
41:58Magandang umaga at welcome po sa Balitang Haliw.
42:01Magandang umaga, Connie, at sa lahat po na ating taga-subaybay.
42:04Oo, gaano kalakas ang hangin at ulan at kailan humararamdaman ba ang bagyo na tatawaging uwan?
42:11Well, sa ngayon po, ang bagyong may international name na Pungong
42:15ay nasa severe tropical storm category na, no?
42:18At inaasaan natin na posibleng pang umabot ng typhoon hanggang super typhoon category
42:23bago itutuloy ang mag-landfall dito sa may bandang northern and central Luzon area.
42:28Nga, yung paunang abiso natin at the moment, meron tayong press conference
42:31para hanggat maaga, maabisuan natin yung mga kababayan natin
42:35generally over the Luzon and some parts of the Visayas area
42:38patungkol nga sa paparating na bagyong si iwan.
42:41Para lang kung mas malinaw, doon sa mga dadaanan nitong bagyo,
42:45anong mga probinsya po ito?
42:46Pati po ba Metro Manila makakaramdam din nitong super typhoon over the weekend?
42:51Sa ngayon, ang pagtaya po natin, ang pagkilos nitong bagyong si iwan ay
42:57posibleng nga itong mag-landfall dito sa may bandang southern sa Bella Northern Aurora area
43:03sa darating po na sa pagitan ng linggo ng gabi hanggang lunis ng madaling araw.
43:09Then yung sentro nito ay nasang tatawid nga ng northern and central Luzon area.
43:13Subalit dahil malawak po yung tinatawag nating radius o yung nasasakupan ng bagyo,
43:17posibleng hanggang sa Metro Manila, southern Luzon area maging sa ilang pahagi po ng eastern Visayas
43:23ay maramdaman nga itong epekto ng bagyong si iwan sa mga susunod na araw.
43:28So, ang pagtaya po natin sa darating na Sabado bukas,
43:32once na pumasok na ito na ating PER at binigyan nga ng local name na iwan,
43:35ang unang makakaramdam ng epekto ay itong mga lalawigan sa silangang bahagi ng Luzon at ng Visayas.
43:41Itong Bicol region, eastern Visayas at maging itong lalawigan ng Cagayan, Isabela at Aurora.
43:49Then, Sabado ng tanghali hanggang linggo ng tanghali, of course,
43:54magiging mas marami yung pagulan, yung mga more than 200mm of rain
43:58sa nakararaming bahagi po ng northern Luzon at ilang bahagi rin ng central Luzon.
44:03And of course, may mga pagulan din tayong inaasahan dito sa Metro Manila
44:06at sa ilang bahagi po ng southern Luzon.
44:08Okay, so lilawin lang po natin dito sa Metro Manila, lalo na ngayong weekend.
44:13Mararamdaman po ba ito sa Sabado na rin yung malalakas na ulan
44:17o ito po ba ay yung mga pabugso-bugso lang na hindi ganun kalakas na ulan pa?
44:23Bukas po, generally, hindi pa naman ganun ramdam sa Metro Manila epekto nito.
44:28Pero yun nga, possibly sa Bicol region at ilang bahagi na eastern Visayas,
44:32ay mararamdaman na yung immediate effect nito.
44:34And then, habang patuloy na lumalapit ang bagyong si Iwan dito sa northern central Luzon area,
44:39Saturday afternoon up to Sunday and then Monday and Tuesday,
44:44of course, mas maraming uulanin kasama na nga dyan ang Metro Manila po.
44:47Alright, so may parang paghahanda pang po pwedeng maganap,
44:52at least doon po pagdating ng Sabado in the metro at karating probinsya,
44:57except for doon po sa mga area sa may northern Luzon ang talaga makakaramdam na po nito.
45:03Well, tama po, yun nga, yung pinapalabas po natin tropical cyclone advisory,
45:09ay dinidiseminate, pinapamahagi po natin yan sa mga partner agencies natin sa paghahanda.
45:14At ito nga, available po sa ating official website para yung mga kababayan din natin
45:18ay agarang makita yung update natin patungkol na dito sa paparating na bagyo.
45:22Alright, maraming pong salamat sa inyong pong update sa amin.
45:25Yan po naman si Pag-ASA Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
45:29Maraming salamat din po at magandang araw.
45:3048 days na lang before Christmas, mga Mari at pare,
45:38nagdagdag ningning ang ilang kapuso stars sa kabikabilang Christmas events.
45:453, 2, and 1!
45:49Yan ang grand reveal sa giant Christmas tree sa isang mall sa Mandaluyong.
45:54Tagtad yan ang iba't-ibang Christmas lights at character designs.
45:57Present dyan si Kapuso Primetime Queen, Marian Rivera at Miss Universe 2015, Pia Wurtzback.
46:04Game rin silang nagpo-picture sa fans.
46:06Nagningning ang isang iconic giant Christmas tree sa Gerson City.
46:19Personal kong natunghayaan ang lighting ceremony nito kagabi.
46:23Spotted ko rin sa event si na PBB Celebrity Collab Edition,
46:26Big Winners, Mika Salamangka at Brent Manalo.
46:29Pati na si na ex-PBB housemates Clarice de Guzman, Bianca de Vera, PBB host Alexa Ilacad at
46:37Uncavogable star Vice Ganda na nag-perform sa event.
46:41Sa mga Kapuso Redditor, parating na kami ni Rafi sa Kamuning Station.
46:51Bilang bahagi po yan ang 20th anniversary ng Balitang Hali.
46:55Makakasama nyo kami ni Connie mamayang hapon sa Ask Me Anything.
46:58Ask us anything.
46:59Yes!
47:01Mapalife o kaya career advice man yan.
47:04O experience namin sa coverages o sa production dito po sa Balitang Hali,
47:08e pwedeng pwede nyo yang itanong.
47:10Makikita ang Ask Me Anything namin ni Rafi sa News PH subreddit.
47:16At magsisimula kaming sumagot mamayang 1pm.
47:19See you there mga Kapuso!
47:24Samantala, mag-ingat at maghanda po tayo sa Bagyong Uwan.
47:27Ito po ang Balitang Hali at bahagi po kami ng mas malaking misyon.
47:31Ako po si Connie Sison.
47:32Rafi Tima po.
47:33Saman nyo rin to ako, Aubrey Karampe.
47:35Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
47:37Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority.
47:40Maan filippino!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended