Skip to playerSkip to main content
Mga driver na 'di nagpaubaya sa rerespondeng fire truck, pinagpapaliwanag


Pulis inaresto matapos idawit sa pagpatay sa mag-ina | Isa sa mga suspek idinetalye ang krimen


Villar Land, sinampahan ng reklamong kriminal ng SEC


Ilang bahagi ng North EDSA, isasara para sa pagdurugtong ng riles ng MRT-7


Kotse tinakasan ang sinalpok na motorsiklo sa EDSA


Nawawalang pulis natagpuan sa isang "human-made tomb"; 2 sa 12 suspek arestado


DPWH Sec. Dizon dismayado sa 'di pa tapos na flyover at ospital sa Bicol


Cha-cha 'di pinag-uusapan ayon sa palasyo; malabo ayon kay Sen. JV


Hike and swim sa Five Fingers Cove sa Bataan


Dust devil namataan sa Zamboanga City


Ilang barangay sa Bacolod City at Negros Occidental, binaha


35-anyos na tricycle driver, itinumba ng riding-in-tandem sa Maynila


Opening ng Panagbenga Festival, dinagsa ng mga lokal at turista sa Baguio City


Rep. Leviste, humingi ng 6 na buwang travel authority sa halos 20 bansa


Presyo ng LPG ng Solane at Petron, tumaas


Sparkle artist Arabelle Dela Cruz, wagi sa “Veiled Cup Korea”


Glaiza de Castro, dumalo sa world premiere ng "58th" ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa Europe


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Walang sinasayang na sandali ang mga bomberong sakay ng truck ng bombero na ito para rumesponde sa sunog sa Tansa, Cavite.
00:41Matapos ang halos 30 minuto, isa pang truck ng bombero na sinundan ng isang rescue vehicle ang nakasabay nila sa daan.
00:48Hanggang sa nauna na ang mga ito.
00:50Sa gitna ng biyahe, isang asul na truck ang sumingit sa pagitan nila hanggang sa napadpad ito sa kanang bahagi ng kalsada.
00:57Pero isa pang puting truck ang humarang sa kanilang harapan na agad nilang sinita.
01:05Mag-overtake na sila, saka naman biglang kumabig pa kaliwa ang asul na truck.
01:10Nagpatuloy ang biyahe ng mga bombero hanggang sa makarating sa lugar malapit sa sunog.
01:22Nasa likod pa rin nila ang asul na truck. Dito na nagkaroon ng kompruntasyon.
01:27Ang driver ng truck nagpakilalang tauhan ng mayor.
01:30May mga saksing umawat sa tensyon.
01:49Nakarating na sa Land Transportation Office ang video na viral sa social media.
01:54Agad silang naglabas ng show cost order para sa mga sangkot.
01:57Inutusan nila ang may ari at mga driver ng dalawang truck na humarap sa opisina ng LTO sa miyerkoles.
02:03Inilagay na sa alarm status sa mga plaka ng dalawang sasakyan.
02:07Suspendido ng siyam na pong araw ang lisensya ng mga sangkot na driver.
02:11Ayon sa LTO, ang mga emergency vehicle tulad ng truck ng bombero ay may tungkulin na iligtas ang buhay at ari-arian ng mga nasunugan.
02:18At ang pagbibigay daan sa kanila ay hindi lamang batas kundi pagpapahalaga rin sa buhay ng iba.
02:25Kinabukasan, ipinatawag ni Tansa Mayor Arcangelo Matro ang driver ng asul na truck na kanilang empleyado.
02:32Ililipat daw muna siya pansamantala sa ibang departamento.
02:35Humingi na rin ang public apology ang driver ng truck.
02:38Sinusubukan pang kunan ang pahayag ang driver ng puting truck, maging ang may ari nito.
02:43Para sa GMA Integrated News, Dano Tingko, nakatutok 24 Horas.
02:48Hindi na lang basta person of interest, arestado na rin ang polis na padre de familia ng pinaslang na policewoman at kanilang walong taong gulang na anak.
02:58Yan po ay matapos siyang idawit na isa sa mga unang naarestong suspect sa pagpatay sa mag-ina.
03:04Ang isa pa sa mga arestado ay dinetalye ang nalalaman sa krimen.
03:09Nakatutok si Marisol Abduramaan.
03:10Itinuro ng suspect na ito ang mag-asawang suspect din na pumatay raw kay Police Senior Master Sergeant Diane Marimo Llenido at kanyang walong taong gulang na anak na si John Ismael.
03:27Sila po talaga, wala na pong iba may gawa.
03:31Nakukonsensya na raw siya kaya kusan ang nagbigay ng nalalaman sa krimen.
03:35Napakasakit po. Nakita ako na lang yung nangyari, binabalot na nila.
03:41Doon yung bata, buhat-buhat na na ng pag-asawot, nilagay doon sa bodega.
03:48Wala ng buhay.
03:50Sabi ko ganun, mahirap yung ginawa ninyo.
03:53Anak din ako.
03:54Anya, bandang alas otso ng gabi noong January 16, pinapunta siya ng mag-asawang suspect din sa kanilang bahay.
04:03Sa garahe daw siya nanatili at tinanong ang asawa ng agent kung ano ang ipabibili sa labas.
04:09Nakita daw na niya ang agent at isang babae na pumasok sa bahay.
04:12Maya-maya, lumabas ang asawa ng agent at sinabihan siyang huwag munang aalis at tulungan siya.
04:17Pero makalipas ang ilang oras, lumakas daw bigla ang tugtog sa loob ng bahay at nakarinig siya ng kakaibang tunog.
04:24Iba po ang tunog. Tunog po talaga ng baril.
04:27At pagbuka siya ng pinto.
04:29Doon kung ano po nakita na, yun na nga po, binaril na nga po yung.
04:34Hindi ko kilala ang babae na nasa loob po, na nakaganon ko.
04:39Nagtanong daw siya kung anong nangyari, pero sa halip ng sagutin ay pinagbantaan siya.
04:44Wag kang magsasalita. Ikaw ang isusunod ko.
04:48Hawak na ng QCPD ang tatlong suspect at nakatakda silang sampahan ng reklamo.
04:54Kanina, inaresto na rin ng QCPD ang asawa ng biktima na si Police Senior Master Sergeant John Molinido,
05:00na nauna ng itinuring na person of interest.
05:03Nakausap ko pa ang nasabing polis ilang minuto bago siya inaresto ng QCPD.
05:07Tinanong ko ang kanyang komento sa pagdawit sa kanya ng agent sa pagpatay sa kanyang asawa.
05:12Sir, napanood mo yung interview ng agent?
05:15Bakit tinuturo kayo, sir?
05:17Nakoment na muna.
05:18Ayon naman sa pahayag sa Facebook page ng Rimando Law Office.
05:22Sumuko at hindi inaresto si John Molinido na kanila raw kliyente.
05:27Wala pa raw inilalabas na arrest warrant laban sa kanya mula sa isang korte.
05:31Kagabi, nagpunta ang mga otoridad sa isang bahay sa Santa Maria, Bulacan para hanapin ang isa pang suspect.
05:37Pero bigo silang makita ang target.
05:39Para sa GMA Integrated News.
05:41Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Oras.
05:47Sinampahan ng Securities and Exchange Commission ng reklamong kriminal ang Villar Land Holdings Corporation.
05:53Ayon sa SEC para ito sa market manipulation, insider trading at misleading disclosures
05:59na nagbago ng share price ng kumpanya at luminlang sa mga investor.
06:03Sinampahan ng Villar Land na dating Golden MB Holdings Inc.
06:07ng reklamong paglabag sa Securities Regulation Code.
06:10Kabilang sa mga respondent, sina Villar Land Chairperson at dating Senador Manny Villar,
06:16dating Senadora Cynthia Villar at kanilang mga anak, kasama sina incumbent Senators Camille Villar at Mark Villar.
06:23Inreklamo rin ang ibang kaugnay na kumpanya at mga opisyal nito.
06:26Yan ang Infra Holdings Corporation na pag-aari ng kapatid ni Manny Villar at ang MGS Construction.
06:34Ayon sa SEC, sangkot ang mga naturang kumpanya sa trading activities na gumawa ng artificial demand
06:39at sumuporta sa presyo ng Villar Land shares.
06:43Nag-ugat ang mga reklamo sa imbisigasyon ng SEC sa public disclosure at trading activities ng Villar Land.
06:49Batay sa financial statement ng Villar Land noong 2024,
06:54nasa 1.33 trillion pesos total assets at 999 billion ang income na kanilang indineklara,
07:01higit na mas mataas sa 1.46 billion pesos sa naunang taon.
07:06Ang pagtaas dahil anila sa revaluation ng real estate holdings.
07:10Ayon sa SEC, isa na publiko ang assets at income bago po manatapos sa external audit ng kumpanya.
07:17Sabi noon ang independent auditor ng Villar Land,
07:20hindi pa natatapos ang pag-audit ng financial statements.
07:23Nang naisumiti na ang audited financial statements,
07:26lumabas na nasa 35.7 billion pesos lang ang total assets.
07:32May elegasyon din ang insider trading laban kay Sen. Camille Villar.
07:35Bumilihan nilang senadora ng 73,600 shares noong December 2017
07:41bago inilabas ang isang corporate disclosure na nagresulta sa pagtaasang presyo ng shares.
07:47Binawi rin daw ng SEC ang accreditation ng property appraiser ng Villar Land
07:52at pinagmulta ng 1 milyong piso ng matukoy na unreliable o hindi maasahan ang valuation reports nito.
07:59Sa isang pahayag na nakuha ng GMA News Online mula sa Villar Group,
08:03sasagutin daw nilang lahat ang aligasyon kapag formal na nilang natanggap ang mga reklamo.
08:09Sinusubukan namin kunin ang pahayag.
08:11Iba pang inreklamo ng SEC para wala pa sila po pero wala pa silang tugot.
08:17Abiso po sa mga motorista, simula po ngayong gabi,
08:20may pangsamantalang pagsasara na ilang bahagi ng North Edsa sa Quezon City
08:24dahil po sa pagdurugtong na mariles ng MRT 7.
08:27At nakatutukla si Jamie.
08:30Jamie?
08:35Pia, pinapayuhan ng mga otoridad ang publiko na magplano ng kanila mga biyahe
08:41sundin ang traffic advisories at maglaan ng dagdag na oras
08:45dahil nga yan sa pagsasara ng ilang kalsada dito sa North Edsa
08:49para sa construction ng MRT 7.
08:51Isa sa gawa ang pag-angat at pagkakabit ng turnback greerder,
08:59ang bakal na magdurugtong sa dulong segment ng MRT 7 North Avenue Station
09:04at sa nakatayo ng tail track o relays sa West Avenue.
09:08Malaking tulong ito para sa daloy ng mga tren ng MRT 7,
09:12lalo na sa pagbalik namang ito sa estasyon.
09:14Ito po yung segment ng relays kung saan po magta-turnback o kung saan po parang mag-u-turn yung atin pong tren
09:24at kinakailangan po ito para sa ating operations by 2027.
09:29Ang turnback girder launching ay isa sa gawa ng DOTR at SMC Mass Transit 7 Incorporated.
09:36Napakalaki po at napakabigat ng mga steel girder po.
09:40Kinakailangan pong siguraduhin natin na ligtas po ang ating mga commuters habang itinatayo po natin itong mga DOTR.
09:49Apektado nito ang Edsa North Avenue, Edsa West Avenue at North Edsa mula Landmark Trinoma
09:56hanggang sa tinatayo pa rin Unified Grand Central Station.
09:59Sa Edsa Northbound o Patungong Balintawak, dalawang lane ang isasara 24 oras mula February 1 hanggang May 8.
10:08Sa piling gabi naman mula February 1 hanggang May 19, isasara sa pagitan ng 10pm at 4am ang North Edsa
10:16mula Landmark Trinoma hanggang Unified Grand Central Station.
10:21Sa Edsa Southbound o Patungong Kubaw, dalawang lane din ang isasara 24-7 mula February 15 hanggang May 18.
10:29May full night time closure din sa piling gabi mula 10pm hanggang 4am.
10:35Hindi rin muna madadaanan ang West Avenue, Edsa mula March 24 hanggang April 29, 10pm hanggang 4am.
10:43Sa mga araw na may full road closure, magpapatupad ng zipper lane.
10:48Ibig sabihin, magka-counterflow sa kabilang lane ang mga sasakyan.
10:53Naglatag na rin ang alternatibong ruta para sa mga motorista.
10:56Naka-antabay at magtutulungan ang mga traffic enforcer ng QCLGU, MMDA at DOTR contractors para sa maayos na daloy ng trapiko.
11:07Minimal daw ang epekto sa trapiko kapag partial ang night time closure, ngunit mas ramdam ang daloy kapag may full closures.
11:14Ito po ay napaka-importanting step para po matapos yung MRT-7 at pag natapos naman po ito ay siguradong magdudulot naman po ng kaginawahan lalong-lalo na sa ating mga commuters.
11:28Pero ngayon pa lang nasa stress na ang ilang motorista.
11:32Ang ilan kasi sa nakausap namin sa mall ang terminal ng mga jeep kung isasara raw ang North Avenue saan sila dadaan.
11:39Malaki nga bahala rin talaga kasi malayo iikutin eh.
11:42Saan kami dadaan?
11:43Paano iikot?
11:44Iikot pa ng edsa. Ay kung mahuli naman kami dun.
11:47Matapos ang Gilder Launching Activities, magbabalik sa normalang northbound lane sa May 8 at ang southbound lane sa May 18.
11:55Pia, pagdating naman sa MRT-7 ayon sa DOTR, plano nila o target nila na sa second quarter ng 2027 maging operational na ang labing dalawang estasyon mula sa Sacred Heart sa Caloocan hanggang dito sa North Avenue sa Quezon City.
12:15At yan ang latest mula rito. Balik sa'yo Pia.
12:19Maraming salamat, Jamie Santos.
12:25Ay!
12:26Susuro!
12:28Huli kam na hit and run sa EDSA.
12:30Motorsiklo, tinakasan ng nakabanggang kotse.
12:37Mga kalsada sa Negros Occidental nagmistulang ilo dahil sa baha.
12:47At atraksyon sa Mariveles, Bataan na mistulang limang mga daliri sa mapa.
12:53Yan at iba pa, Totoo ka sa 24 Horas Weekend.
12:58Kami ang Team Totoo.
13:18Maaasahan kami sa laban contra fake news dahil ito ay malaking banta sa demokrasya at mabuting pamamahala.
13:28Naniniwala kami na ang responsabling pagbabalita ang pinakamalakas na sandata laban sa fake news.
13:35Naninindigan kami na walang lugar sa ating lipunan ang maling impormasyong nagpapanggap na totoong balita.
13:43Naniniwala kami dapat bigilan ang mapaninlang na impormasyon na layong lukohin ang taong bayan.
13:50Ang aming panata na panan ng fake news sa abot ng aming makakaya.
13:56Ang aming panata
13:58Bantayan ang mga magsatangka na magpakalat ng maling impormasyon.
14:03Panata naming tumupad
14:04Sa pinakamataas na pamantayan sa aming pag-uulan.
14:07Panata naming tiyaki na sinuri at mapagkakatiwalaan ng impormasyon bago ito'y balita.
14:14Panata naming gawin ang lahat
14:16Para di malusutan ng fake news.
14:18Ang panata namin
14:20Ipakita sa publiko kung paano matutukoy ang fake news
14:25Para sama-sama tayong labanan ito.
14:28Kami, ang Team Totoo.
14:31Magkaisa tayong labanan ang fake.
14:43Napasigaw na lang sa mga nakakita ng pagsalpok ng kotse ito sa isang motorsiklo.
14:49Sa kahabaan ng EDSA.
14:51Imbis sa huminto, nagtuloy-tuloy lang ang pulang kotse habang napahiga sa kalsada ang rider at kanyang angkas.
14:58Ayon sa pulisya na sa maayos na kalagayan, ang dalawang biktima na handang ihabla.
15:02Ang nakabanga sa kanila.
15:03Inahanap pa ang driver ng pulang sasakyan.
15:06Posible siyang maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in damage to property and physical injury.
15:12Natagpo ang patay sa malolos bulakan ng isang polis na isang linggo nang nawawala.
15:19Batay sa spot report ng pulisya, binaril sa batok at saka isinirid sa isang human-made tomb ang katawan ng biktima.
15:28Nakita rin doon ang helmet at top box sa kanyang motorsiklo.
15:31Inahanap pa rin ang gunman na ayon sa pulisya ay nagtungo sa bahay ng ilang testigo at inamin ang pamamaril.
15:38Batay sa imbisigasyon, hindi raw nagustuhan ang gunman na naging biro sa kanya ng biktima.
15:42Nobas din sa imbisigasyon na nasaksihan ng isang polis ang krimen pero hindi niya agad inaresto ang suspect.
15:48Hawak na ng pulisya ang polis na suspect at isa pang suspect na nakatira sa kung saan nakita ang katawan ng biktima.
15:55Siyang pangsangkot ang tinutugis din.
15:58Sinubukan namin kunan ng pahayag ang pamilya ng biktima pero tumanggi sila.
16:03Dismayado po si DPWH Secretary Vince Dizon nang datnyan niyang hindi pa tapos ang ilang mga proyekto sa Bicol.
16:11Ang isang flyover na nakakontrata sa mga diskaya at sa kapatid ni dating Congressman Zaldico, wala pa po si kalahati ang natatapos.
16:19Nakatutok si Darlene Cai.
16:21Mga nakatiwangwang na po siyang dinatna ni DPWH Secretary Vince Dizon nang inspeksyon yan ang dapat sanay malabog flyover sa Albay na 2021 pa sinimulang itayo.
16:35Clear, ipinabayanan. Obvious naman.
16:38Inabando na na.
16:39Labing dalawang porsyento pa lang ng kabuang 700 metrong flyover ang nagagawa.
16:44Dalawang kontratista ang gumawa ng 159 milyon pesos na proyektong ito.
16:48Ang Hightone Construction and Development Corporation, ang kapatid ni dating Congressman Zaldico na si Christopher Co.
16:54At ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation, ang mga diskaya.
16:58Kasama ang dalawang kumpanya sa lista ang inilabas si Pangulong Bomo Marcos ng top 15 contractors na nakacorner ng 20% ng lahat ng flood control projects sa bansa.
17:10Magaking problema talaga itong dinadanas natin dito sa Bicol kasi ang daming SunWest at ang daming Hightone na nandito.
17:18Naalam naman natin, hindi na pwedeng mangontrata yung SunWest sa Hightone ngayon kasi may mga kaso na frozen na lahat ng accounts niyan.
17:26Ngayong February, papabid na natin ang bago. So may pondo naman ito for 2026.
17:36Kaya nga nang ipabid, terminate si Diskaya, tatapusin na natin.
17:41Disbayado rin si Dizon sa inabutang estado ng konstruksyon ng Bicol Regional Medical Center sa Daragaalbay.
17:47Mula nang simulan ng proyekto noong 2023, apat pa lang sa sampung palapag ang natatapos.
17:52Minus 15% yung magakiyon.
17:56Sinuspindi daw kasi ang pagawa sa ospital dahil kailangang baguhin ang disenyo.
18:01Pero masyado rang matagal ang pagkakabinbin, sabi ni Dizon, kaya 36% pa lang ang nagagawa sa ospital na nagkakahalaga ng 3.5 billion pesos.
18:10I will have to talk to DOH kung ano yung binago.
18:137 months is too long for a design revision. Masyado matagal yun.
18:17Ipatatawag at pagpapaliwanagin din daw ni Dizon ang kontratis na ng proyekto.
18:23Napakahalaga pa naman daw para sa buong Bicol Region na magkaroon na ng malaking ospital.
18:28We have, sometimes we have more than 600 patients at one time.
18:32So ang kaya ng nitong available natin is about 300 to 400 lang.
18:37So malaki ang backlog natin. Kaya nakausip ako yung secretary, kailangan ipastrack natin ito.
18:42Sisi kaapin daw ng DPWH na matapos ang Bicol Regional Medical Center sa susunod na taon.
18:48Pinamamadali na rin ni Dizon ang pagkukumpuni sa isang bahagi ng Maharlika Highway sa Albay.
18:53Sarado ang isang lane, lubak-lubak din at sira ang daan.
18:56Paspasanin ang lahat ko.
18:59Kasi pagdating ng Holy Week, tapos may mga closed lanes ka dito at tapos tayo sa traffic dito.
19:04Nauna nang ipinangako ng DPWH ang rehabilitasyon ng buong Maharlika Highway.
19:21Iniutos sa Manitransportation Secretary Giovanni Lopez sa Civil Aviation Authority of the Philippines
19:27na paglaanan ng 200 to 300 million pesos ang pagresolba sa issue ng Bicol International Airport sa National Grid Corporation of the Philippines.
19:36Limitado lang kasi ang nagagamit sa kanilang runway dahil may sagabal na transmission line.
19:41Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok, 24 oras.
19:45Malabo na rao na makapag-tsatsa o charter change sa Administrasyong Marcos ayon kay Senador J.B. Ejercito.
19:54Pinalutan yan matapos ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa pagbasura sa impeachment complaint kay Vice President Sara Duterte.
20:00Ang Malacanang naman sinabing hindi ito pinag-uusapan.
20:03Nakatutok si Jonathan Andal.
20:08Walang usapan ng tsatsa sa Malacanang.
20:12Yan ang sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
20:15Matapos sabihin ni mismong Senate President Tito Soto na susuportahan niya ang pagbabago sa konstitusyon o charter change.
20:22Matapos katigan ng Korte Suprema ang desisyon nito noong July 2025 na nagdedeklarang unconstitutional
20:28ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
20:32Sabi ng Palacio, nakatoon lang ngayon ang Pangulo sa ekonomiya at hindi pinag-usapan ng tsatsa.
20:37Sa huling meeting nito sa kanyang economic team noong biyernes.
20:40Pero sabi ni Yusek Castro, kung may mga nagawa ng hakbang tungkol sa tsatsa, aaralin nito ng Pangulo.
20:46Sabi naman ni Senator J.B. Ejercito, malabo ng mabago ang konstitusyon sa ilalim ng termino ni Marcos Jr.
20:52Wala na, halos dalawang taon na na. Talagang mahirap na yata ihabol sa ngayon.
20:58Open po ako dyan, pero pag-aralan muna natin. Kasi pag binuksan mo yan, maaaring mabuksan na rin yung ibang mga bagay.
21:07Hindi na nyo isang probisyon.
21:09Sabi naman ng Akbayon Portilis na minorya sa Kamara, hindi ito ang panahon para sa tsatsa.
21:14Sabi naman natin na pag binuksan ang usapin ng pagbabago ng konstitusyon, abay kung saan saan pa din pumunta na yan.
21:21At yung greatest fear natin ay magamit yung pag-amendan sa konstitusyon para sa mga anti-people na mga amendments sa ating konstitusyon.
21:281987 pa ang konstitusyon. Halos apat na dekada na ang tanda.
21:32Kaya may mga mambabatas na nagsabing kailangan nang i-update ang saligang batas.
21:36Sa biyernes, February 6, tapos na ang one-year bar rule at pwede na ulit magsampa ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
21:43Sabi ng Akbayon Portilis, kausap na nila ang mga citizen complainant na posibleng maghain ulit ng bagong impeachment complaint sa BSE.
21:50Huwag lang daw sanang may mauna mag-file ng mahinang impeachment para lang umandar na ulit ang one-year bar rule.
21:56Samantala, ang impeachment complaint naman laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
22:00Sisimulan ng dinggin bukas ng House Committee on Justice sa pamumuno ni Congresuman Gerval Luistro.
22:05Ang agenda, initial consideration ng dalawang verified complaint sa Pangulo.
22:09Una, ang inihain ni Atty. Andre De Jesus at inendorso ni Congressman Jett Nisay ng Pusong Pinoy Portilis.
22:17Ikalawa, ang inihain ng Makabayan Coalition at inendorso ni na Act Teachers Portilis Rep. Antonio Tino,
22:23Gabriela Portilis Rep. Sara Elago at Kabataan Portilis Rep. Rene Co.
22:29Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
22:35Bilang niyo ba sa daliri ang mga napasyalan yung atraksyon sa Pilipinas?
22:42Sa Bataan, merong cove kung saan pwede mong maisa-isa ang limang hugis daliring lupain.
22:47Pasyal tayo sa pagtutok ni Darling Kai.
22:49Let's high five sa Bataan!
22:55Literal na five pasyalan in one ang hatid ng Five Fingers Cove sa bayan ng Mariveles.
23:02Mapapaturo ka sa ganda ng pasyalang ito na hugis daliri sa mapa at may apat na look o lake sa pagitan.
23:09Halos 20 minutes na boat ride mula sa Mariveles Port ang kailangan para mapuntahan ng cove at maisa-isa ang mga daliri.
23:15First stop sa hinlalaki ng Five Fingers.
23:19Ang Cochino's Point na perfect sa hiking ang trip.
23:23Sa mga thrill-seeker, pwedeng puntahan ng apatot at puntang mahaba.
23:26May mga cove rito na swak sa cliff diving at cueva kung saan pwedeng mag-snorkel.
23:33Na-click point naman ang tawag sa palasing singa na may kakaibang rock formations.
23:37At last stop, ang Pinky Finger o Longos Kawaya na perfect spot for your snaps.
23:44Kung tapos na tawirin ang lahat ng daliri, pwede ka nang mag-chill sa Lucky Beach.
23:49Di na lalayo sa ganda ng burakay dahil sa puting buhangin at tubig nitong malinaw at banayad.
23:55Kaya talagang makakapag-relax ka.
23:59Oh, saan tayo sa susunod na pasyalo food trip?
24:02I-share nyo sa 24 Horas Weekend page ang inyong travel at food adventures.
24:06Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 Horas.
24:16Nakuhanan ang pamumuo ng dust devil na yan sa bukana na isang paaralan sa Zamboanga City.
24:22Napahinto tuloy ang isang dadaang rider.
24:25Kita rin ang isang bagay na tinangay ng umaalin po yung hangin at tuluyang nilipad.
24:31Ang kwento ng uploader, tumagal ito ng ilang sandali at wala rin nasugatan.
24:36Ayon sa pag-asa, hindi tulad sa buhawi na lumalabas kapag merong masamang panahon,
24:40nangyayari ang dust devil kapag sobrang init at medyo tuyo.
24:44Palala ng pag-asa, mag-ingat kapag nakakita nito.
24:47Dahil po sa matinding ulan, binulaga ng baha ang mayigit dalawampung parangay sa Bacolod City.
24:56At sa ibang bahag ng Negros Occidental, ilang pamilya ang sinagip at inilikas dahil din sa baha.
25:02Nakatutok si Aileen.
25:03Pilit ni Lusong ng ilang motorista at pedestrian ang malailog na kalsada sa barangay Mandalagan, Bacolod City, kagabi.
25:13Sa lakas ng ragasan ng tubig, hirap makausad ang mga motorsiklo.
25:18Agad tumulong ang ilang lalaki sa nabalahaw na rider.
25:21Maging ang multi-cub na ito, dahan-dahan ang takbo dahil sa lalim ng tubig.
25:25Ilan pang pangunahing kalsada sa Bacolod ang binaha dahil sa malakas na pagulan kagabi.
25:32Hirap makauwi ang mga inabutan ng abot-tuhod na tubig.
25:36Negros Occidental luxury was under yellow rainfall kagabi.
25:39Especially mga 6 o'clock, hindi kita hain tayong mga 7.
25:45Nagsagawa ng clearing at decluttering operation ang ilang personnel ng engineering office ng Nusod.
25:50Sa inisyal na tala ng Bacolod City RRMO, 24 na barangay ang binaha.
25:56146 na individual naman ang inilikas.
25:58Halos lahat ay nakauwi na paghupan ng baha ngayong umaga.
26:06Ilang lugar din sa Negros Occidental ang nakaranas ng baha.
26:10Sa bayan ng Tuboso, nagsagawa ng rescue operation ang Bureau of Fire Protection sa mga lugar na binaha.
26:15Sa Sagay City, dalawang barangay ang naapektuhan ng pagbaha.
26:35Nagkaroon din ang preemptive evacuation.
26:37Ang Santo Rosario Parish sa Lungsod, binuksan para sa mga residenteng pansamantalang lumikas.
26:42Wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa pagbaha.
26:46Ayon sa pag-asa, shear line ang umiiral at nagpaulan kahapon sa iba't ibang lugar sa Visayas at ilang laluwigan sa Southern Nuzon.
26:54Para sa GMA Regional TV at GMA Integrity News, Aileen Pedreso. Nakatutok. 24 oras.
27:01Itinumba ng Riding in Tandem ang isang lalaking tricycle driver sa Maynila.
27:07Ang biktima, nagawa pa magmaneho ng kanyang tricycle bago tuluyang humandusay.
27:12Nakatutok si EJ Gomez, Exclusive.
27:17Nakahandusay at wala ng buhay.
27:19Ang lalaking yan ang madatna ng otoridad.
27:22Sa Santa Barbara Street sa Ermita, Maynila, pasado alas 12.30 ng madaling araw kanina.
27:27Ang lalaki, pinagbabaril umano ng Riding in Tandem.
27:32Ayon sa saksi sa insidente, hinabol umano ng Riding in Tandem ang biktimang sakay ng kanyang tricycle,
27:38saka ito pinagbabaril.
27:40Nakapagmaneho pa rao ng ilang metro ang biktima hanggang sa bumagsak siya sa kalsada.
27:45Ang kanyang tricycle, dumiretsyo pa rao ng takbo hanggang sa tumama sa turf island ng kalsada.
27:51Dagdag pa ng saksi, parehong nagpaputok ng barilang driver at angkas ng motorsiklo.
27:57May tama ng bala sa iba't ibang parte ng katawan ng biktima.
28:26Naggalat sa crime scene ang mga baso ng bala.
28:29Lapitan ko po siya kasi naanap ko po yung cellphone niya, umigot ako doon.
28:33Dinignan ko lang, sabi ko taga sa amin din po yata ito eh, kasi namumukhaan ko po yung driver na yan eh.
28:40Ayon sa lisensyang nakuha sa biktima, 35 anyos ito at residente ng baseco sa Maynila.
28:46Wala namang plaka ang minamaneho niyang tricycle.
28:49Dumating sa crime scene ang kaanak ng biktima.
28:51Tumanggis siyang humarap sa kamera pero sinabing palaisipan sa kanila ang nangyari.
28:56Ayon sa pulisya, walang CCTV sa lugar.
28:59Patuloy ang imbistigasyon sa insidente.
29:02Gayun din ang pagtuntun sa mga salarin.
29:06Para sa GMA Integrated News,
29:08EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
29:12Literal na in bloom o in full bloom ang Baguio City sa pagubukasang Panagbanga Festival 2026.
29:24Ang kanilang makulay ng selebrasyon, silipin sa live na pagtutok ni Jasmine Gavriang-Galpa.
29:30Jasmine.
29:30Ivan, dagsa ang mga turistang nakisaya sa Grand Opening Day ng Panagbanga Festival 2026.
29:45Kung gaano kalamig ngayon sa Baguio City,
29:48siyang init naman ang pagsalubong ng mga turista
29:50sa pagsisimula ng month-long celebration ng Panagbanga Festival 2026
29:55ngayong unang araw ng Pebrero.
29:59Makulay.
30:00Masaya at maingay ang Grand Opening Day ng 30th Panagbanga Festival.
30:06Dagsang mga turistang nag-abang sa parada
30:08sa Session Road at Harrison Road.
30:14Nagpakitang kilas ang mga contingent
30:16mula sa anim na paralan
30:17sa kanilang drum and learn and sit dancing full demonstration
30:20sa Melvin Jones Football Ground.
30:22Level up ang kanilang performances
30:25na ipinapakita ang buhay na buhay na kultura-tradisyon
30:28ng mga Cordillieran.
30:29Anim yan.
30:30We had one from outside of Baguio,
30:34yung Pugo, Tagalo Union yan.
30:37And then we have two from our nearby municipalities,
30:41Tuba and Pugis.
30:42And then three from Baguio City.
30:44Ang saya-saya po,
30:45ang andaming tao masaya dito sa Baguio.
30:48Buti na lang na taon na opening.
30:50Opening, ang daming tao nanood kami kanina ng parade.
30:54Lagi namang masaya dito.
30:56Saka, magsang magsagpang malinig na panahon.
30:58Ay, yun yung pinupuntahan namin talaga actually.
31:01Matapos manood sa Melvin Jones,
31:03diretsyo ang mga turista sa Burnham Park
31:05para sa market encounter.
31:07Samot saaring masasarap na pagkain,
31:09ang ma-e-enjoy,
31:10at meron din mga souvenir na swak sa budget.
31:13Mapapawaw rin sa makukulay na flower and plant display
31:16sa panagbang escapes
31:17na tampok ang iba't ibang tatakordelieran landscapes.
31:19Ang tema ngayong taon,
31:22Blooming Without End.
31:23Under the theme,
31:25Blooming Without End,
31:27we declare
31:28that panagbangadas not fade with the season.
31:33It blooms in our memories,
31:36in our unity,
31:38and in our unwavering resolve
31:41to rise in march together again.
31:45Asahan pa raw ang iba't ibang aktibidad
31:47sa mga susunod na araw.
31:53Ivana,
31:53handang-handa ng lahat
31:55para sa highlights
31:55ng panagbanga festival celebration.
31:57Kabila nga dyan,
31:59ang Grand Seat Dance
32:00at Grand Float pa rin na nakaschedule
32:01sa February 28 at March 1,
32:042026.
32:05Ivana?
32:05Maraming salamat,
32:08Jasmine Gabriel Galvan
32:09ng GMA Regional TV.
32:11Humingi si Batangas 1st District Representative
32:14Leandro Leviste
32:15ng 6 na buwang travel authority
32:17sa halos 20 bansa.
32:19Pero sabi ni Leviste,
32:20ginawa niya ito
32:21dahil hiniling anya
32:21ng mga kinatawan
32:22ng administrasyon
32:23na umuli siya ng bansa
32:25at itigil ang paglalabas
32:26ng ebidensyang naguunay
32:28sa mga opisyal ng gobyerno
32:29sa mga maanumalyang DPWH project.
32:33Mula February 8
32:34hanggang July 26
32:36ang hiniling niyang travel request.
32:39Paglilinaw ni Leviste,
32:40hiniling sa kanyang ina
32:41ng ilang anya
32:42high-level representatives
32:43ng administrasyon
32:45na huwag silang pangalanan.
32:47Pero hindi naman daw siya
32:48mananatili sa ibang bansa
32:49sa loob ng 6 na buwan.
32:51Magsasalita raw siya
32:52kung bigyan man siya
32:53ng kongreso ng pagkakatong
32:54magsalita
32:55tungkol sa anumang issue.
32:57Sakot ng hiniling niyang
32:58travel authority
32:59ang halos 20 bansa
33:01kabilang
33:01ang ilang lugar sa Europa.
33:04Sabi ni Leviste,
33:04plano niyang bisitahin
33:05ng Filipino community.
33:07Ayon kay Palace Press Officer
33:08Undersecretary Claire Castro,
33:11ang mga dapat malaman
33:12ng bayan ay
33:12ipinakahayag,
33:14dapat nang walang takot.
33:16Wagaan niyang idaan
33:17sa drama,
33:18pahiwatig
33:19at ang niya'y
33:20pagbibintang
33:20sa administrasyon
33:21nang wala ang manong
33:23ebidensya.
33:25Nakatutokan niya
33:25ang pangulo
33:26at ang administrasyon
33:27sa mas mahalagang issue.
33:29At tagdag ni Castro,
33:31hindi binibigang halaga
33:32ang mga pahayag
33:33na
33:34ang mga pahayag.
33:34Ayan ay walang kabuluhan,
33:36walang kwenta,
33:37nakakatawa
33:38at sayang lang daw
33:39ang oras.
33:43Ngayong unang araw
33:44ng Pebrero,
33:45bumunga
33:45ng taas presyo
33:46sa LPG.
33:47Sa kada kilo
33:48ng LPG
33:48na pangkusina,
33:50piso at
33:50limamputlimang sentimo
33:52ang dagdag presyo
33:53ng Soleyn.
33:54Piso at limampung sentimo
33:55naman
33:56ang sa Petron.
33:57At ang paliwanag
33:58ng mga kumpanya
33:58ng LPG
33:59nakabatay ang presyo
34:00sa naging adjustment
34:01sa international contract
34:02price ng LPG
34:03ngayong buwan.
34:10Pinoy Pride,
34:11itinanghal na
34:12grand champion
34:12sa international singing
34:14competition
34:14na Veiled Cup Korea
34:15si sparkle artist
34:17Arabelle de la Cruz.
34:18Pinatunayan ni Arabelle
34:19aka Laguna Diva
34:21na world class
34:22ang talento ng Pinoy
34:23matapos taigin
34:24ang mga pangmalakasang singer
34:26mula sa iba't ibang
34:27mga bansa.
34:28Pinusuan at hinangaan
34:29ng netizens at judges
34:31ang kanyang power performance
34:32sa awiting
34:33feeling good.
34:35Bago nito,
34:36nakilala ang husay
34:37ni Arabelle
34:37bilang first runner-up
34:39sa The Clash
34:392025.
34:43Family first
34:44ang mantra
34:45ni Sangre Danaya
34:46Sanya Lopez
34:46ngayong 2026
34:48habang si Sangre
34:49Perena Gleisa de Castro
34:50nasa Europe
34:51para sa kanyang
34:52kauna-una
34:52ang International Film Festival.
34:54Narito ang aking chika.
34:55Ending the month
35:00with a dream
35:00coming true
35:01para kay Gleisa de Castro
35:02ang kanyang paglipad
35:04sa Europa
35:05para sa world premiere
35:06ng GMA Public Affairs
35:08and GMA Pictures
35:09film na 58
35:10sa International Film Festival
35:12Rotterdam.
35:13Bago siya umalis,
35:16dinayo muna siya
35:17ng GMA Integrated News
35:18sa set ng
35:19Encantadia
35:20Chronicle Sangre.
35:21It's my first time
35:22na mapasali
35:24sa isang
35:26International Film Festival.
35:27This one's in Europe.
35:30Excited.
35:31Super.
35:32Ang saya sa feeling
35:33na maging parte
35:35ng isang
35:35film festival
35:37kasi
35:37dati pa
35:38ano naman talaga.
35:40At saka
35:40this time
35:41International.
35:41Back to black
35:43and short hair
35:44si Gleisa.
35:46Balik maintenance
35:46free muna daw siya
35:47kapag hindi
35:48nagsushoot
35:49ng telepantasia.
35:51Mabuti na lang daw
35:52at marami
35:53ng red wigs
35:54na mukhang
35:54real hair
35:55to suit her role
35:56bilang pirena.
35:57Parang siguro
35:59pagka nagkakaedad ka
36:00na gusto mo
36:00low maintenance
36:01na.
36:02Saka
36:02three years
36:02na rin
36:03akong
36:03red hair
36:04and then
36:05every
36:05three weeks
36:07ako nagpapaday.
36:08For health
36:09din actually
36:09kasi nagbe-breakout
36:10na rin ako.
36:12Maganda rin daw
36:12ang pasok
36:13ng 2026
36:14para kay Danaya
36:15Sanya Lopez
36:16na nakutuon
36:17daw sa kanyang
36:18family.
36:19First time nga
36:19namin magkakasama
36:20ni na kuya
36:21talaga.
36:22Yung kami lang
36:22talaga.
36:23Pero this year
36:31kaya matutuloy
36:32ang matagal na raw
36:33niyang hinihintay
36:34na love life.
36:35Yung mga
36:36sisters ko
36:37dito.
36:38Yan si Natiglay,
36:39Alena,
36:40si Gabby
36:41tsaka si Kylie
36:42sobrang solid nilang
36:43ano na
36:44kailan mo kami
36:45papakilala
36:46meron bang
36:47may boyfriend ka na ba
36:48may ganyan
36:48so sila yung
36:49very excited.
36:50Even nung ano pa
36:51gigil na gigil na
36:52kaya na nakikita kami
36:54laging gano'n yung
36:55tanong nila sa akin.
36:56Mayin ko lang siya
36:56nakitang ganyan
36:57ka light
36:58yung aura niya.
36:59Malay mo po
36:59kung tano doon.
37:04Nagtago!
37:06Kaabang-abang
37:06sa Encantadia
37:07Chronicle Sangre
37:08ang tuksaan
37:09ng mga sangre
37:10laban kay Gargan
37:11na dadalhin nara
37:13mula sa mundo
37:13ng mga tao
37:14patungong
37:15Encantadia.
37:19And that's my chika
37:21this weekend.
37:21Ako po si Nelson
37:22can last.
37:23Pia, Ivan.
37:25Thank you, Nelson.
37:26Salamat, Nelson.
37:27At yan po ang mga balita
37:28ngayong weekend
37:29para po sa
37:30mas malaki ni Sean
37:31at mas malawak
37:32na paglilingkod
37:33sa bayan.
37:34Ako po si Pia Arcangel.
37:35Ako po si Ivan Mayrina
37:36mula sa GMA Integrated News
37:38ang News Authority
37:39ng Pilipino.
37:40Nakatuto kami
37:4124.
37:42tao koan...
37:44blog.
37:44paun.
37:44O
37:45Victory.
37:51peace is
37:52average is
37:53ba-
37:54tao
37:55tao
37:55tao
37:56tao
37:57tao
37:57tao
37:58ta o
37:59tao
Comments

Recommended