Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
NITONG LUNES, sumalpok ang isang bus sa truck SA SOUTHBOUND LANE NG NORTH LUZON EXPRESSWAY SA VALENZUELA CITY!13 ang sugatan sa nasbing insidente. Ano ba ang sinasabi ng batas sa mga kaskaserong driver? Panoorin ang video.



Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa mga luluwa sa probinsya ngayong Semana Santa, tutok lang po.
00:06Patuloy natin binabantayan ang mga pangunahing terminal at daan.
00:10Makikita nyo nga sa inyong mga TV screen ang live na sitwasyon sa P-TEX at Batangasport.
00:16Ako naman ang paalala ko, doble ingat po.
00:20Nitong lunis kasi, sa southbound lane ng Enlex sa Valenzuela City,
00:24nag-iyakan ang mga pasahero ng bus na sumalpok sa isang truck.
00:31Ay, may napasad. Karambola.
00:38Nasa labing tatlo ang sugatan kasama ang konduktor.
00:43Sa Launeo naman, under investigation na rin ang nag-viral na bus na sa sobrang bilis umano
00:48ng takbo ay nagdulot ng panik sa mga pasahero.
00:52Paalala ng gobyerno, huwag maging kaskasero, lalot inaasahang dadami pa.
00:58Ang mga biyahero ngayong Semana Santa.
01:01Ano nga ba ang karapatan nyo sa ganitong sitwasyon?
01:04Ask me, ask Attorney Gabby.
01:06Attorney, bilang pasahero, ano ba ang habol ko sakaling makatiempo ng kaskaserong driver?
01:22Ay, nako, mabuti kung kaskasero lamang at walang nangyari sa mga pasahero.
01:26Dahil kung meron, kiyak na pananagutan nila dapat ang pinsalang naaabutan ng mga ito.
01:32Pero kung walang nasaktan, walang nasirang property, wala namang hahabulin ng mga pasahero, kung walang damage.
01:39Pero syempre, pwede pa rin siyang sitahin ng mga alagad ng pamahalaan natin kung ito yung mga nagigit-gita na masasakyan
01:46dahil sila nga ay salot ng lansangan.
01:49Maaari silang masita para sa reckless driving, na isang kasalanan sa ilalim ng Land Transportation Act,
01:56at pati na rin sa rules ng MMDA at ng LTO.
02:00Kung madalas na silang nahuhuli, maaari rin silang tanggalan ng prangkisa kung mapatunayan na madalas na silang nasangkot
02:07sa mga violations ng traffic rules and regulations, at kung talagang reckless ang ginagawa nila.
02:14Maaari ding ma-revoke ang lisensya, depende sa sitwasyon,
02:17and upon the observance of due process, syempre, kasi nga sa ilalim ng Section 27 ng Republic Act 4136,
02:25may kapangyarihan ng LTO chief na mag-suspinde, mag-revoke ng lisensya,
02:30kung mapapatunayan na hindi dapat magkaroon ng lisensya ang isang tao,
02:34whether siya ay paulit-ulit na nagbabiolate ng driving rules,
02:37or kung masyadong mainitin ang ulo.
02:40Alam nyo na, road rage, yan din ang isang dapat nating iwasan.
02:44Kailangan nating tandaan na ang mga jeep tulad ng mga bus at ng mga eroplano,
02:49sila po ay mga common carrier sa ilalim ng batas,
02:52at tuwing ang pasehero ay sasakay sa isang common carrier o pampublikong sasakyan,
02:58iba ang kanilang pananagutan.
03:00Mas malaki ang responsibilidad at ang degree of care na expected sa mga pampublikong sasakyan.
03:07Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:10Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
03:15ask me, ask Atty. Gabby, and take care during this whole evening.
Comments

Recommended