- 5 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Mahigit 400 pasahero, stranded sa Parola Wharf; karton at pagkain, ipinamigay ng PCG-Iloilo sa mga pasahero
-Ilang puno, nabuwal dahil sa malakas na hanging dala ng Bagyong Tino
-Ilang panig ng bansa, isinailalim ng PAGASA sa Storm Surge Warning dahil sa Bagyong Tino
-Ancestral House sa Brgy. Malanday, nasunog dahil daw sa napabayaang kandila
-Puwede nang hingin ang SALN ng gov't officials simula Nov. 15, alinsunod sa bagong guidelines ng Ombudsman
-Motorcycle rider na nag-beating the red light, sugatan matapos bumangga sa SUV
-Lalaking pumasok sa kuwarto ng mag-asawang senior citizen, kinuyog ng taumbayan; pamilya ng lalaki, sinabing may health condition siya
-50 commercial at cargo vessels, nakadaong sa Nasipit Seaport bilang pag-iingat sa Bagyong Tino
-5, sugatan matapos mahulog sa gilid ng kalsada ang sinasakyang pickup; driver, hinihinalang nakaidlip habang nagmamaneho
-INTERVIEW: ASEC. RAFAELITO ALEJANDRO IV, DEPUTY ADMINISTRATOR FOR ADMINISTRATION, OCD
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Ilang puno, nabuwal dahil sa malakas na hanging dala ng Bagyong Tino
-Ilang panig ng bansa, isinailalim ng PAGASA sa Storm Surge Warning dahil sa Bagyong Tino
-Ancestral House sa Brgy. Malanday, nasunog dahil daw sa napabayaang kandila
-Puwede nang hingin ang SALN ng gov't officials simula Nov. 15, alinsunod sa bagong guidelines ng Ombudsman
-Motorcycle rider na nag-beating the red light, sugatan matapos bumangga sa SUV
-Lalaking pumasok sa kuwarto ng mag-asawang senior citizen, kinuyog ng taumbayan; pamilya ng lalaki, sinabing may health condition siya
-50 commercial at cargo vessels, nakadaong sa Nasipit Seaport bilang pag-iingat sa Bagyong Tino
-5, sugatan matapos mahulog sa gilid ng kalsada ang sinasakyang pickup; driver, hinihinalang nakaidlip habang nagmamaneho
-INTERVIEW: ASEC. RAFAELITO ALEJANDRO IV, DEPUTY ADMINISTRATOR FOR ADMINISTRATION, OCD
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Parola Wharf
00:30Binigyan ng karton na pang sapin sa sahig ang mga pasahero para may mahigaan.
00:38Ayon sa ilang stranded na pasahero, titiisin na lang nila kahit hindi sila komportable.
00:43Tinatayang mahigit 400 na mga stranded passengers ang narekord ng Philippine Coast Guard Iloilo kagabi sa pantalan.
00:50Nabawasan ang bilang dahil ang iba ay naghanap ng temporary materhan.
00:55Nagbigay naman ang pagkain ng PCG sa mga stranded na pasahero.
00:58Sa Sea Travel Advisory ng PCG, lahat ng biyahe ng sasakyang pandagat sa Western Visayas ay suspendido kabilang na ang mga roro vessel at fast craft operations.
01:09Lahat ng fisher folk at coastal communities ay pinapaalalahanan na ipagliban muna ang pagsagawa ng water-related activities.
01:16Sa ngayon mga kapuso, maninipis pa lang na ulan ang nararanasan dito sa lungsod at hindi pa gaano kalakas ang hangin.
01:24At pinapayuhan naman ang publiko na manatiling updated sa lagay ng panahon upang maging ligtas sa anumang sakuna.
01:29Yan ang ligtas mula rito sa Iloilo City. Ako si Zan Kilantang Sasa para sa GMA Integrated News.
01:38Nakaramdam din po ng epekto ng Bagyong Tino ang Surigao City.
01:42Kaya kamusahin na po natin ang sitwasyon doon ngayon.
01:44Sa ulat on the spot, ni James Paulo Yap ng GMA Regional TV.
01:49James?
01:50Connie, bumubuti man ang lagay ng panahon dito ngayon sa Surigao City ay hindi pa rin na ibabalik ang kabuuang supply ng kuryente sa siyudad ngayong mga panahon ito.
02:03Binayo ng malakas na hangin at ulan ang Surigao City.
02:06Kagabi, ilang oras bago mag-landfall ang Bagyong Tino.
02:09Nagresulta ito sa pagkabuwal ng malalaking puno.
02:12Nasira naman ang dalawang sasakyan matapos madagana ng malaking puno sa Surigao del Norte Capital Complex.
02:19Matapos mag-landfall ang Bagyong Tino sa Silago, Saudi, Leyte kaninang hating gabi, naging maaliwalas na ang panahon dito sa Surigao City.
02:27Unti-unti na rin bumabalik sa kanin-kanilang mga bahay ang mga residenteng pansamantalang lumikas sa mga evacuation centers.
02:34Binigyan muna sila ng family food packs ng DSWD upang may baon silang pagkain.
02:40Suspendido pa rin ang pasok sa lahat ng antas ng mga paaralan at suspendido rin ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno.
02:46Gayun pa man ay nanunumbalik na ang sigla ng komersyo sa lungsod.
02:51Ilang tindahan na ang nagbukas, kasama na rin ang mga non-essential establishments.
02:55Dahan-dahan na rin na ibalik ang supply ng kuryente sa syudad pagamat hindi pa isang daang porsyento.
03:01Connie, ayon sa Post-Disaster Needs Assessment ng Surigao LGU, ay walang naging matinding pinsala si Bagyong Tino dito sa Surigao City.
03:11At yan muna ang latest mula rito sa Surigao City. Balik sa iyo dyan, Connie.
03:16Maraming salamat, James Paolo Yap.
03:25Nananatili ang bantanang daluyong sa maraming bahagi ng bansa dahil sa Bagyong Tino.
03:29Itinaas ng pag-aas ang storm surge warning sa ilang panig ng Aklan, Capiz, Cebu, Iloilo at Negros Occidental.
03:38Pusibleng umabot sa mahigit tatlong metro ang taas ng ragasadong ng daluyong.
03:42Nang 2.1-3 meters na storm surge ang pusibleng maranasan sa ilang coastal areas ng Antique, Biliran, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Provinces, Samar at Southern Leyte.
03:57Aabot naman sa isa hanggang dalawang metrong taas ng daluyong ang pusibleng manalasa sa Buhol, Kamigin, Dinagat Islands, Masbate, Northern Samar, Mindoro Provinces, Palawan, Romblon at Siquijor.
04:10Muli paalala ng pag-asa, lumayo sa dalampasigan at lumikas na sa matataas na lugar.
04:15Tatagal ang storm surge warning hanggang alas 2, mamayang hapon.
04:21Sa ibang balita, nasunog ang isang ancestral house sa Marikina.
04:26Ang itinuturong dahilan ay napabaya ang nakasinding kandila.
04:30Balitang hatid ni EJ Gomez.
04:35Nagnangalit na apoy ang bumalot sa ikalawang palapag ng ancestral home na ito.
04:40Sa barangay Malanday, Marikina City, Pasado alas 10 kagabi.
04:44Walong pamilya na magkakaanak daw ang nakatira sa bahay na may walong partisyon ayon sa Bureau of Fire Protection.
04:51Ligtas namang nakalikas ang mga apektadong residente.
04:54Sunog-sunog daw. Yun ang narinig ko. Actually, hindi naman sa amin nagsimula yun.
05:00Dito sa aking bahay ng pinsan ko, yung sunog. Doon siya nagsimula.
05:07Ayon sa mga nasunugan, naiwang nakasinding kandila ang pinagmula ng apoy.
05:12Tulog na ako. May nagsabi na susunog. Nabasta ako ng bahay.
05:16Napakalakas na apoy. Lahat na. Inabot na lahat. Inabot na.
05:20Nagsimula po yan sa kandila. Wala pong kuryente, mami.
05:24Ang 71-anyos na si Tatay Jeff, nakayapak at wala rin na isalba kundi ang kanyang alaga.
05:32Pagod ako sa katarabaho, umuyo ako.
05:39Pahingan ako, naiwan ng kandila.
05:43Pagkising ko, malakas ang apoy na.
05:46May naamoy kami na parang may nasusunog na kable ng kuryente.
05:51Tapos yun na, lumaki na yung apoy kasi pumutok na.
05:55Eh syempre, natakot kami dahil katabi lang namin eh.
05:57Yung naso na tupok na structure is a residential ancestral home.
06:03So yung pamilyang nakatira dyan is 8 pero yung mga nadamay is 4 lang.
06:08Bali, dalawang palapag siya pero yung mostly na pinaka-damage yung 2nd floor lang.
06:14Kasi gawa siya sa light materials eh. Kaya ang bilis niyang kumalat.
06:17Wala namang malaking pinsala.
06:19Sa food store at laundry shop sa baba ng nasunog na bahay.
06:23Tumagal ng halos isang oras ang sunog bago tuloy na apula pasado alas 11 kagabi.
06:29Ayon sa BFP, aabot sa humigit kumulang sandaang libong piso ang halaga ng pinsala ng sunog.
06:37EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:41Binago ng Office of the Ombudsman ang guidelines para makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN
06:49ng matataas na opisyal ng gobyerno.
06:51Ang pagproseso sa mga hinihinging kopya ng SAL-EN ay first in, first out.
06:56Balita ng hati ni Salima Refran.
07:26Sa may-ari ng SAL-EN bago makakuha nito.
07:28Ngayon, inalis na yan.
07:30Dalawang ID at fill-out form lang ang kailangan.
07:34Batay sa guidelines, lahat ng hiling para sa kopya ng SAL-EN, papayagan, liba na lang sa ilang kondisyon.
07:41Isa riyan ay dapat walang derogatory record ng maling paggamit ng dokumento ang nagre-request.
07:47Hindi na rin sisirain ang mga SAL-EN on file at itatago ang mga ito digitally.
07:52Hindi tulad sa mga naon ng memorandum na sisirain ang mga kopya ng SAL-EN matapos ang sampung taon,
07:59liba na lang kung bahagi ito ng imbestigasyon.
08:02The prescriptive period for any of the violations of RA-3019 is now 20 years.
08:08Kaya natin binago ang mga periods for the accessibility of physical SAL-ENs.
08:14So as long as finile nyo within 20 years, we will keep it physically for 20 years.
08:23But after that, basta meron na tayong digital record that will be there virtually forever.
08:30Ang virtual copies ng SAL-EN makakatulong rao sa imbestigasyon,
08:35lalo't pinalawig na ang prescriptive period o panahong pwedeng magkaso sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act na 20 taon.
08:43Well, it can definitely track the accumulation of wealth of a public official.
08:50When somebody declares something at a certain point in time,
08:55and that is a sworn statement, yung SAL-EN is sworn to it,
09:00that is usually used in conjunction with SAL-ENs is the lifestyle check.
09:03So if there's any information or intelligence po na yung SAL-EN at a certain point in time ay misdeclared
09:12or may mga misrepresentations, merong hindi linagay doon na alam natin siya ang may-ari at a certain point in time,
09:21then you can compare.
09:22Ayon sa Office of the Ombudsman, first in first out ang pagproseso sa mga request para sa SAL-EN.
09:29Pero dahil inaasang marami ang hihiling ng kopya ng mga ito,
09:33humihingi na agad ng pangunawang Ombudsman.
09:36Wala pa rin inaanunsyo kung magkano ang babayaran sa SAL-EN request.
09:40Paalala rin ng opisina, maaaring hindi na pagbigyan ang susunod na SAL-EN request
09:45ng isang partido kung di susunod sa guidelines.
09:48Kabilang na ang pagsusumite ng publish o broadcast output,
09:52limang araw matapos makuha ang kopya ng SAL-EN.
09:56Sa Nima, Nefra, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:03Ilang segundo na lang at magpupula na ang traffic light na yan sa Aguinaldo Highway sa Dasmarinas, Cavite.
10:09Nang magpula ang ilaw, pumasok sa intersection ng isang SUV mula sa kanang bahagi.
10:13Sa bandang gitna, bumanga ang isang motorsiklo na nagbit sa red light.
10:18Tuminapo ng rider at tumama pa sa center island.
10:21Ginala siya sa paggamutan. Patuloy ang investigasyon.
10:25Iingat po sa pagmamaneho mga kapuso.
10:30Samantala, kinuyog ang isang lalaking pumasok sa kwarto ng mag-asawang senior citizen sa Pondo, Maynila.
10:37Ang paliwanag ng kanyang pamilya sa balitang hatid ni Jomer Apresto.
10:43Kuha sa CCTV ang pagtakbo ng lalaking naka-violet sa bahaging yan ng Benita Street sa barangay 186, Tondo, Maynila.
10:51Tanghali nitong November 2.
10:53Ang lalaking tumatakbo, galing daw sa bahay ng isang mag-asawang senior citizen.
10:58Naabutan daw sa Benita Extension ng 29-anyos na lalaki at doon na siya kinuyog ng mga residente.
11:04May mga tama po siya dito sa tulad. Sugat lang po sa tulad. Siyempre ako naman po bilang kagawad po.
11:10Siyempre ayoko naman po masaktan yung tao.
11:13Talagang ngunila ko po siya sa patrol namin. Sinakinap po namin siya agad.
11:17Hindi na lang sa barangay.
11:18Ayon sa barangay, agad naman daw nagtungo ang pamilya ng lalaki at ipinaliwanag sa kanila na nagkaroon ng health problem ang lalaki
11:25mula nang maghiwalay sila ng kanyang live-in partner.
11:27Ayon sa polisya, walang naipakitang dokumento ang pamilya ng lalaki kaugnay sa kanyang kondisyon.
11:33Wala namang nakuwang gamit sa mag-asawang senior citizen.
11:36Kaya hindi na raw sila magsasampan ng reklamo.
11:38Nung pag-iimbestiga namin, sabi naman wala lang. Pumasok lang daw sa bahay na yun.
11:44Siguro yun daw yung nagustuhan niya.
11:47Ang sabi po ng kamag-anap ng suspek, magpa-file po sila ng kaso sa mga na ma-identify nila ng bugbogo sa kamag-anap nila.
11:57Nakausap din namin ang dating live-in partner ng lalaki.
12:00Sinabi rin niya na may health condition ng lalaki.
12:02Nabanggit din niya na ang bahay na pinasok ng lalaki ay dati raw niyang tinirhan.
12:07Alam niya po talaga bahay pa rin po nila yun.
12:10Kaya umakit po siya. Pero hindi po yung magnanakaw.
12:15Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:21Ito ang GMA Regional TV News.
12:26Inihahandaan na rin ang mga barko sa ilang pantalan sa Mindanao para sa posibleng epekto ng bagyong tino.
12:32Sara, saan-saan yan?
12:36Rafi, sa nasipit Agusan del Norte, nasa isang gaunga na ang mga barko mula sa iba't ibang lugar para makaiwas sa hagupit ng bagyong tino.
12:45Abot sa limampung commercial at cargo vessels ang nakadaong sa nasipit seaport.
12:51Ayon sa Philippine Coast Guard, ligtas ang lugar dahil sa mga matataas na bundok sa paligid.
12:56Inaasahan ang pagdating ng marami pang barko.
12:59Sa Davao Occidental naman, suspendido na ang biyahe ng mga sasakyan pandagat dahil din sa bagyong.
13:06Nakahandaan na rin ang Coast Guard para rumispunde sa mga mangangailangan ng tulog.
13:14Sa Sigma Capiz, sugatan ang limang sakay ng isang pickup matapos mahulog sa gilid ng kalsada.
13:20Sa imbisigasyon ng pulisya, posibleng umanong nakaidlip sa pagmamaneho ang 50-anyos na driver at nawala ng kontrol sa manibela.
13:29Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng pickup.
13:32Wala namang nadamay sa nangyari.
13:35Walang pahayag ang driver ng pickup at ang iba pang sakay.
13:46Update po tayo sa initial assessment ng Office of the Civil Defense, kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Tino.
13:52Kausapin po natin si Office of the Civil Defense Deputy Administrator for Administration, ASEC Rafaelito Alejandro IV.
14:00Magandang tanghali at welcome po sa Balitanghali. Si Connie Sison po ito.
14:04Yes, Connie. Magandang tanghali po.
14:06Ano po ba ang ating initial assessment sa mga lugar sa Visayas Region na may pinaka-apektado po nitong Bagyong Tino?
14:14Oo, based sa mga nakuha namin mga reports and updates, mukhang Cebu, because of the massive flooding na nangyari sa kanilang kadaling araw hanggang umaga,
14:25ito po ang nakita natin at pinaka-apektado so far.
14:29But tuloy-tuloy pa rin naman ang efekto nitong Tino kasi parating pasok pa siya sa Panay.
14:35But so far, based sa dinaanan niya, mukhang Cebu po ang pinaka-maktinding may efekto dito kay Tino.
14:44Sa ngayon po ba, may mga balitan na kung mag-dadeklara po ng state of calamity doon sa mga pinaka-natamaan po nitong Bagyong Tino?
14:54Oo, mayroon na mga indikasyon na mag-declare itong mga LGUs na ito.
14:59Itong sa Region 7, pati sa Region 8, ang dinaanan itong Southern Lake ito po.
15:04Oo, at ilan na ho ang naitalang nasawi o nawawala kaya dahil sa Bagyong Tino, officially?
15:10Oo, so far, mayroon kami mga inisyal na report sa dalawa na natawi dito sa Bagyong ito,
15:18but still subject for validation po.
15:20Okay, so kasama ho dyan yung kinonfirm na isa hong tanod, tama ho ba yun, na nabagsakan ng puno,
15:28at yung isa naman ho, isang senior citizen daw na nalunod.
15:31Opo, yun po yung dalawa na nakuha namin, at mayroon pa pong isang initial sa Maguindanao,
15:38but we are checking kung related siya sa Bagyong Tino, but sinecheck pa rin natin ito.
15:46Makikibalita lamang din po tayo, doon sa mga gusto rin siyempre magpaabot po ng tulong,
15:51ano ho ba yung mga hinihiling ng ating mga inilikas na residente?
15:54Oo, so far, tubig at saka pagkain, and ito nga, mga kapasok din dito,
16:02yung mga shelter material na kakagdangan nila, lalo na sa Region 8,
16:05yung mga test po, yung binahanat sa lakas na hangin.
16:09I see, at yung may mga lugar pa rin ho ba daw tayong hindi pa napupuntahan,
16:14dahil po sa baha o kaya sa mga landslide, may mga areas din daw na hindi pa nakokontak?
16:20Oo, so far, wala naman, wala naman areas na hindi napupuntahan,
16:25meron po report sa atin na kailangan ng tulong,
16:28at yun po, inaayos natin para mapuntahan at ma-augment yung mga LGUs, lalo na sa Cebu.
16:34This is a powder later naman na medyo okay naman ang communication
16:39at gumagawa na po ng damage assessment sa lugar, as we speak po.
16:45Marami ho nagulat, particular na doon sa mga nalubog sa Cebu at sa ilang pang probinsya ng Cebu.
16:52Maari lamang ho, pinapakitan ho kasi natin itong mga video po ng mga nalubog na sasakyan.
16:58Sabi ho lang ho sa atin, ano bang pangyayari?
17:01Gabi ho kasi ito nanalasa, itong bagyong tino,
17:04at ito ho ba yung mga nakapark? Ano ho ba ang senaryo noong time na yan?
17:08Opo, ang mga initial info sa amin, ito yung nakapark kasi gabi na ang dumating itong pagyo dyan sa Cusayas
17:16at medyo tumaas yung tubig, kaya ito po, mga sasakyan na nakasama doon sa pagtaas ng tubig at nadala sila.
17:25So yun po ang initial info sa atin, kaya po naka-red warning ang Cebu sa hapon pa po
17:34dahil sa dala ng ilan itong tino. So ito po, talaga, matinding pag-uulat na ranasan nila.
17:41Kaya hindi lang po sa Cebu, yung neighboring towns din po, or city, sa Cusay, at sa Liloan,
17:47nagkaroon din po ng klating.
17:49Susunod daw, natutubukin na ang Panay Island. Kamusta na ho ang balita doon at update?
17:54Opo, ang update natin doon, kanina, sinisigurado natin doon sa aming regional office
18:00na nakalatag na po or nakaredy na lahat ng mga resources doon
18:04at nakapagandak na po ng mga PMP evacuation doon sa area nila.
18:08So titikin natin yung pagdaan at kung bagyong tino doon
18:13at nakapag-issue naman tayo ng early warning
18:16at sana hindi na ganun kagrafe yung expectation nito
18:20but again, all warnings have been issued
18:23and pre-emptive action have been undertaken already doon sa Panay Island.
18:28Sir, ulitin ko lamang yung tanong ko kanina, no?
18:30Kung may mga lugar tayo na nababanggit nga na talagang napuruhan po nitong bagyong tino,
18:35may mga sasa ilalim na ba sa state of calamity na alam nyo na?
18:39Na po pwede hong...
18:40Oo, may mga indication na po.
18:42Yung Cebu, baka mag-declare din po sila
18:45but of course, pinakumpleto lang nila yung datos
18:48but sa Region 8 and Cebu, we expect po na magkapat ang declaration
18:52sa mga lugar na din na support ang tino.
18:55Malawak nga po ito, pati po daw sa Sagay, pinag-uusapan na rin po nila.
18:59Okay. Marami pong salamat, sir, sa inyong oras at update na ibinigay sa amin dito sa Balitang Hali.
19:05Yes, Tony. Magandang pag-alit po.
19:07Ingat po kayo.
19:07Yan po naman si Office of Civil Defense Deputy Administrator for Administration,
19:13ASIC Rafaelito Alejandro IV.
Comments