Skip to playerSkip to main content
-NBI Director Jaime Santiago, bababa na sa puwesto; kapalit niya, posibleng pangalanan na ngayong linggo

-Ilang panig ng Mindanao, naperwisyo ng masamang panahon dahil sa ITCZ at LPA

-PAGASA: LPA sa Palawan, magpapaulan sa ilang panig ng southern Luzon, Visayas at Mindanao ngayong Lunes

-DILG sa LGU at mga residente malapit sa mga Bulkang Taal at Kanlaon: Maging alerto sa nagpapatuloy na aktibidad sa mga bulkan

-Sen. Lacson, may ihaharap daw na importanteng testigo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa kuwestyunableng flood control projects

-ASEAN host Malaysian PM Anwar Ibrahim: Dapat bumuo ang ASEAN ng bagong partnerships na umaangkop sa mga pagbabago

-7, sugatan sa salpukan ng kolong-kolong at motorsiklo

-Ilang Chinese boats na ilegal na nangingisda malapit sa Ayungin Shoal, naharang; ilegal na gamit pangisda kabilang ang umano'y cyanide, nasabat

-Ilang bus terminals sa Quezon City, ininspeksyon ng LTO; mga driver at konduktor, isinailalim sa breathalyzer test

-DOTr at PPA, nag-inspeksyon sa Batangas Port bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero ngayong linggo


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Perno ni ngayong umaga, nagpaalam na sa Santiago sa mga empleyado ng NBI.
00:34Inaasahang papangalanan din ng Malacanang ngayong linggo ang papalit sa kanya na anya isang insider o nagtatrabaho na rin sa NBI.
00:51Naperwisyo muli ng masamang panahon ang ilang bahagi ng Mindanao.
00:55Nabulabok ng malakas na hangin at ulan ang mga residente ng Barangay Baslugo sa Lugo, Sulukagabi.
01:01Sumabay noon ng mga sandaling yun ang mga high tide kaya nagsilika sa mga nakatira sa Dalampasigan.
01:07Sa Zambuanga City, halos nag-zero visibility sa ilang kalsada dahil sa malakas na ulan.
01:12Ang National Highway nagmistulang ilog dahil sa baha.
01:17Pinasok din ng tubig ang compound ng Barangay Hall at ilang katabing pasilidad gaya ng health clinic sa Barangay Lasangan, General S. K. Pendaton sa Maguindanao del Sur.
01:27Nalubog sa baha ang ilang bahay na nakatayo sa mas mababang lugar.
01:32Binahari na ilang kalsada sa General Santos City.
01:36Nahirapang bumiyahe ang maraming motorista.
01:39Tumirik ang isang minivan at pinagtulungang itulak ng ilang lalaki.
01:44Natumba naman na tumambalang sa kalsada ang ilang puno sa Banga South Cotabato.
01:49Agad namang nagsagawa ng clearing operations.
01:52Ang masamang panahon sa Mindanao ay dulot ng Intertropical Convergence Zone itong weekend ayon sa pag-asa.
01:58Low pressure area naman ang nagpapaulan ngayon doon.
02:03Mababa ang chance ang maging bagyon ng binabantayang low pressure area, sabi ng pag-asa.
02:09Pero patuloy itong nagpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.
02:12Namataan po yan ang pag-asa 260 kilometers southeast ng Puerto Princesa, Palawan.
02:19Nakapaloob ang masabing LPA sa Intertropical Convergence Zone.
02:23Ngayong lunes, magpapaulan ang LPA na yan sa Mimaropa o Mimaropa Region,
02:29Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at DARMM.
02:37Uulanin naman dahil sa ITZZ ang Palawan at ilang pang panig ng Mindanao.
02:43Shear line sa Batanes at Babuyan Islands habang easterly sa may Eastern Visayas.
02:49At dito po sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
02:52Sa mga susunod na oras, asahan ang light to moderate rains sa maraming lugar sa bansa.
02:57Kasama ang Metro Manila, base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
03:02Pusible po ang heavy to intense rains na maaring magdulot ng baha o landslide.
03:07Hinimok ng Department of the Interior and Local Government ang lahat ng lokal na pamahalaan at residente
03:15malapit sa mga Bulkang Taal at Kanlaon na manatiling alerto sa nagpapatuloy na aktividad ng mga bulkan.
03:21Kasunod dyan ang mga pagputok ng mga bulkan itong weekend.
03:25Batay sa datos ng PHIVOX, tatlong beses pumutok ang Bulkang Taal kahapon.
03:29Isang minor phreatic eruption at dalawang phreatomagmatic events.
03:33Lampas dalawang kilometro ang naitalang taas ng plumo-usok na ibinugan ng bulkan na natanaw sa iba't ibang bahagi ng Batangas at Cavite.
03:43Patuloy na binabantayan ng PHIVOX ang Taal volcano na nasa alert level 1 pa rin.
03:49Malakas na pagsabog din ang naitala sa Bulkang Kanlaon, biyernes ng gabi.
03:53Ayon sa PHIVOX, moderately explosive eruption ang nangyari sa Kanlaon na tumagal ng tatlong minuto.
03:59Mahigit dalawang libong tonelada na rin ng asupre ang ibinugan ng bulkan.
04:04Nananatili sa alert level 2 ang bulkan.
04:12Posibleng sa November 14 daw magpatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
04:17kaugnay sa questionabling flood control projects.
04:20Sabi ni Sen. Ping Lakson, yan ay kung mahalal siyang muli bilang chairman ng kumite sa pagbabalik ng Senate session sa November 10.
04:29May iimbitahan daw siyang anyay isang napaka-importanteng testigo na makatutulong para mapabilis ang paghahain ng mga reklamo
04:38laban sa mga nasasangkot na politiko, DPWH official at kontraktor.
04:43Iimbitahan din daw ni Lakson si Orly Gipeza, ang surprise witness noon ni Sen. Rodante Marguleta
04:50na dati raw security aide ni dating kongresistang Zaldico para ipaliwanag ang kanyang sinumpaang sa Laysay.
04:57Matatanda ang nag-resign si Lakson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee
05:01dahil ilang senadoran niya ang hindi kontento sa tinatakbo ng pagdinig.
05:06Nagpapatuloy po ngayong araw ang ika-apatnaputpitong ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
05:18Sa pagbubukas ng pulong, tinanggap na rin ang bansang Timor-Leste bilang ikalabing isang miyembro ng asosasyon.
05:25Balitang hatid ni Mariz Umali.
05:27Sunod-sunod na nagdatingan ang mga ASEAN member states sa Kuala Lumpur Convention Center
05:33kung saan sinalubong sila ni 47th ASEAN Chairman, Malaysian Prime Minister Datu Seri Anwar Ibrahim
05:40para sa formal na pagbubukas ng 47th ASEAN Summit at Related Summits.
05:45Pangunahing mensahe sa opening speech ni Anwar,
05:48dapat magkaroon ang ASEAN ng tapang na bumuo ng bagong mga pakikipag-ugnayan o partnership
05:53at madaling umangkup sa mga pagbabago.
05:55Across regions, we see rising contestation of growing uncertainty.
06:02These crosswinds test not only our economies but our collective resolve
06:07to keep faith in cooperation,
06:10to believe that understanding and dialogue can still prevail in a divided age.
06:15Formal na rin tinanggap bilang ikalabing isang miyembro ng ASEAN
06:19ang Democratic Republic of Timor-Leste na 2011 pa nag-apply.
06:23Sinundan niya ng customary handshake ng ASEAN.
06:26Naging emosyonal pa sa isang punto si Crime Minister Kairala Shanana Gusmao.
06:31For the people of Timor-Leste, this is not only a dream realized
06:37but a powerful affirmation of our journey.
06:42Our accession is a testament to the spirit of our people.
06:48A young democracy.
06:51Full from struggle.
06:52Sa isang Facebook post, sinabi naman ni Pangulong Bombong Marcos
06:56na makasaysayang yugto ito para sa Southeast Asia.
07:00Ang pagpasok daw ng Timor-Leste,
07:02sumasalamin sa sama-samang hangari ng rehyon
07:04tungo sa pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.
07:08Sa plenary intervention speech ni Pangulong Marcos,
07:11ipinahayag niya ang kahandaan ng Pilipinas sa pag-o-host ng ASEAN 2026.
07:15Binigyan din ang Pangulo ang kahalagahan ng ASEAN centrality
07:19sa pagtataguyod ng katatagal at pagtutulungan sa rehyon.
07:23Makatuon sa practical, inclusive at measurable initiatives
07:27ang pag-host ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon,
07:31patuloy na pagsulong sa legasya ng ASEAN.
07:34Ayon kay Pangulong Marcos Jr.,
07:36layunin umano ng Pilipinas na makamit ang ASEAN Vision 2045.
07:41Sa sidelines ng summit sunod-sunod din,
07:44ang pulong o bilateral meeting ng Pangulo
07:46sa mga leader ng Cambodia, Thailand, Canada, Japan,
07:50European Council at United Nations.
07:53Kabilang sa mga pinag-usapan ng ugnayan ng Pilipinas
07:55sa mga bansang nakapulong nito,
07:57kabilang sa aspeto ng political security, turismo at ekonomiya.
08:01Nilagdaan din sa summit ang pag-amienda
08:04sa second protocol ng ASEAN Trade and Goods Agreement o ATIGA.
08:07At sa martes, ang isa pang mahalagang kasunduan
08:10na ASEAN-China Free Trade Area 3.0 Upgrade,
08:13kung saan inaasahan makikinabang ang mga negosyong Pinoy,
08:17partikular ang mga micro, small and medium enterprises.
08:21Mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia,
08:23Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:26Ito ang GMA Regional TV News.
08:33Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:37Pito ang sugatan sa salpuka ng kolong-kolong at motorsiklo sa Olongapo City.
08:43Chris, ano ang nangyari sa disgrasyang ito? May detalya na ba?
08:46Connie nagbanggaan ang dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng kalsada sa barangay Old Cabalan.
08:55Sa kuha ng CCTV, makikitang kinain ang kolong-kolong ang linya ng motor.
09:00Sinubukang kumabing ng motor pero hindi ito nakaiwas.
09:03So bilapon ang aling nasakay ng kolong-kolong at ang motorcycle rider.
09:08Sa mga sugatan, tatlo pa ang unconscious hanggang ngayon, ayon sa PNP.
09:14Naharang naman ang ilang Chinese boats na iligal na nangingisda sa karagatang malapit sa Ayungin Shoal.
09:21Ayon sa Western Command ng Armed Forces of the Philippines, nasabat sa mga naharang na Chinese,
09:26ang isang kompresor at mga iligal na gamit pangisda kabilang na ang hinihinalang cyanide.
09:31Ayon sa Westcombe, namataan din ang presensya ng Chinese Maritime Militia at China Coast Guard Decel sa lugar.
09:40Napaalis na ang mga hindi-otorisadong sasakyang paddagat at napigilan ang kanilang operasyon sa lugar.
09:46Wala pang pahayag ang China tungkol dyan.
09:56Nagsimula ng dumagsa sa mga bus terminal sa Quezon City,
09:59ang ilang uuwi pa probinsya para sa Undas.
10:02Sinabayan naman niya ng inspection para tiyakin ang kahandaan ng mga driver at konduktor.
10:06May ulat on the spot si Alan Gatos ng Super Radio DZBB.
10:10Alan?
10:10Raffi, pinating pa ang ginagawang pag-inspeksyon ng mga takuhan ng Land Transportation Office o LTO sa mga pampublikong sasakyan.
10:19Ito'y kasunod ng kautusan ni LTO Chief Assistant Secretary Marcos Lacanilau bilang bahagi ng off-line biyahing Ayos Undas 2025.
10:26Ayon sa LTO, kabilang sa mga ininspeksyon, ang ilang bus company sa Cubao, Quezon City,
10:32ang ilang mga driver at konduktor isinailalim sa breath analyzer test upang matiyat na nasa maayos na kondisyon na makito bago ang biyahe.
10:41Maniban sa Metro Manila, nag-iikot na rin ang mga taungan ng LTO sa iba't ibang bahagi ng bansa.
10:45Ito'y lalo pa't inaasahan ng pagtagsa ng mga pasyero na uuwi sa kanilang mga probinsya para sa Undas 2025.
10:54Samantala, nagsimula ng dumagsa mga pasyero sa ilang terminal ng bus para makauwi ng probinsya bago mag-undas.
11:00Sa Raymond Bass Transport Terminal sa Cubao, Quezon City,
11:03inaasahang mamayang tanghani ay magtutuloy-tuloy ang pagbuhus ng mga biyahero.
11:08Paalala naman ang mga kumpanya ng bus,
11:10maagang magpabuk ng inyong biyahe upang hindi na mahirapan sa pagbiyahe sa darating na undas.
11:16Ang BITX nakahandaan na sa inasang 2.1 na milyong foot traffic mula ngayong araw,
11:23October 27 hanggang November 3.
11:26Nakikipagtulungan na rin ang pamunuan ng BITX sa iba't ibang ahensya ng gobyerno
11:30upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaan ng mga manlalakbay patungo sa kanilang mga probinsya
11:36para sa pagdiriwang ng All Saints Day.
11:38Hinikaya ni Jason Salvador, BITX Corporate of First and Government Relation Director,
11:45ang mga pasahero na dumating ng mas maaga at it-check ang schedule ng kanilang mga bus ng maaga.
11:52Rafi?
11:53Maraming salamat, Alan Gatos ng Super Radio DZBB.
11:58Ilang paghahanda pa rin sa mga uuwi para sa undas,
12:02nag-inspeksyon ng Department of Transportation at Philippine Ports Authority sa Batangas Port.
12:06At samang nag-ibot sa pantalan si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez
12:10at EPA General Manager Jay Santiago.
12:13Ito'y para matiyak na handa at maayos ang pagdibigay servisyo ng pantalan sa mga byahero.
12:19Ayon sa PPA, mahigit 2 milyong pasahero ang inaasahang darating sa pantalan mula ngayong araw hanggang November 5.
12:25E'a play.
12:32At ito'y...
12:32...
12:32...
12:33...
12:35...
12:36...
12:40...
12:44...
12:44...
12:46...
12:48...
12:49...
Be the first to comment
Add your comment

Recommended