- 3 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-PAGASA: Bagyong Tino, isa nang Typhoon
-Eastern Samar Gov. Evardone: Mahigit 600 na residente, lumikas na Cebu Province, itinaas sa red alert status bilang paghahanda sa bagyo
-Pabugso-bugsong hangin at ulan, nararanasan dahil sa epekto ng Bagyong Tino; pasok sa eskwelahan at opisina, suspendido
-Ilang klase sa eskwela, sinuspinde ngayong araw dahil sa Bagyong Tino
-Abogado ni Brice Hernandez: Ibinasura ng San Juan RTC ang hiling na TRO ni Sen. Jinggoy Estrada para pigilang magsalita si Hernandez kaugnay sa flood control issue
-Ilang galing probinsiya nitong long Undas weekend, ngayong araw piniling bumiyahe pabalik ng NCR
-Rider, sugatan sa pamamaril; suspek na security guard ng bus terminal, arestado
-1, patay sa sunog sa isang power plant; 9 sugatan
-Motorcycle rider, nagpapagaling sa ospital matapos mahulog sa bangin
-Status of Visiting Forces Agreement, pinirmahan ng Pilipinas at Canada
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Eastern Samar Gov. Evardone: Mahigit 600 na residente, lumikas na Cebu Province, itinaas sa red alert status bilang paghahanda sa bagyo
-Pabugso-bugsong hangin at ulan, nararanasan dahil sa epekto ng Bagyong Tino; pasok sa eskwelahan at opisina, suspendido
-Ilang klase sa eskwela, sinuspinde ngayong araw dahil sa Bagyong Tino
-Abogado ni Brice Hernandez: Ibinasura ng San Juan RTC ang hiling na TRO ni Sen. Jinggoy Estrada para pigilang magsalita si Hernandez kaugnay sa flood control issue
-Ilang galing probinsiya nitong long Undas weekend, ngayong araw piniling bumiyahe pabalik ng NCR
-Rider, sugatan sa pamamaril; suspek na security guard ng bus terminal, arestado
-1, patay sa sunog sa isang power plant; 9 sugatan
-Motorcycle rider, nagpapagaling sa ospital matapos mahulog sa bangin
-Status of Visiting Forces Agreement, pinirmahan ng Pilipinas at Canada
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đź—ž
NewsTranscript
00:00BANGYONG TINO
00:30Tatagal ang bagyo hanggang miyerkules. Mararamdaman din sa sungit ng bagyo sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Mindanao.
00:38Kanina ng alas 8 na umaga, itinas na ng pag-asa sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang southeastern portion ng Eastern Samar at sa mga isla ng Binagat, Siargao at Bucas Grande.
00:49Pungutok po dito sa balitang hali para sa 11am Bulletin Kaugnay sa Bagyong Tino.
00:54At bilang pag-anda sa Bagyong Tino, inilikas na ang ilang residente sa Eastern Samar.
01:02Ayon kay Eastern Samar Governor R.D. Ivardone, karamihan sa mahigit 6 na raang inilikas ay mula sa mga island barangay na inaasang tutubukin din ang bagyo.
01:12Sa bayan ng Mercedes, may mga manging isdang inilipat na sa mas tigtas na lugar ang kanina mga bangka.
01:17Itinas naman sa Red Alert Status ang Cebu Province kasunod ng rekomendasyon ng Cebu PDRRMO.
01:24Pansamantala namang itinatigil ng Coast Guard District Western Visayas ang mga biyahe sa dagat mula Gimaras Island papuntang Iloilo City at pulupandan sa Negros Occidental, Rojas, Capis papuntang Eastern Samar.
01:38Nag-abiso na rin ang Coast Guard District Southern Tagalog na ititigil din muna ang mga biyaheng paddagat mula sa Southern Quezon papuntang Masbate.
01:46Ayon sa pag-asa, posibleng lumakas pa ang Bagyong Tino habang papalapin ito sa Visayas.
01:54Hindi rin po natin rule out yung super typhoon category na ma-reach niya but either po sa kahit anong intensity, generally mapaminsala na pong hangin yung dalaan ito ni Bagyong Tino.
02:06Hindi pa man naglalanpol ang Bagyong Tino kung saan ang lumikas ang nasa mahigit limampung pamilya sa Surigao City.
02:15May ulat on the spot si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
02:20James?
02:20Raffi, pabugsubugsong hangin at ulan ang nararanasan na ngayon dito sa Surigao City, epekto ng Bagyong Tino.
02:31Pasado alas 7 ng umaga, nagsimulang maranasan ang pabugsubugsong hangin na may kasamang ulan dito sa Surigao City.
02:38Ito ay dahil sa epekto ng Bagyong Tino na ang sentro ay inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar o Dinagat Island.
02:45Dahil dito, sinuspindi na ng lokal na pamalaan ng Surigao ang klase sa lahat ng antas, privado man o pampubliko.
02:52Wala na rin pasok ang mga opisina ng gobyerno at ilang mga privadong establishmento.
02:56Wala na rin biyahe ang mga barko na papuntang Dinagat Island, Surigao Island o Siargao Island at Cebu.
03:03Sarado na rin ang mga pantalan.
03:05Sa barangay Washington, dito sa Surigao City, ilang pamilya na ang lumikas sa CVJS Central School.
03:10Hindi pa man nagpapatupad ng forced evacuation ang syudad.
03:13Ay voluntaryo na nilang inilikas ang kanilang mga bahay para na rin sa kanilang kaligtasan.
03:21Raffi, as of 9am, mahigit 50 kapamilya na ang lumikas sa CVJS Central School.
03:28Ito ay para na rin sa kanilang kaligtasan.
03:30At kasalukuyan naman silang inaasikaso na ng CSWD.
03:35At DSWD.
03:36Raffi?
03:37Sapat naman yung supplies or relief goods dyan para sa mga residente nga inilikas?
03:41Yes, Raffi, ayon sa DSWD Caraga ay may mga nakapreposition na family food packs na sa kanilang mga satellite offices dito sa buong Caraga.
03:55Sa katunayan nga, ay kahapon nagsagawa na rin daw sila ng predictive analytics for humanitarian response.
04:02Ibig sabihin ay inalam na ng DSWD Caraga ang mga lugar na pinakamagiging apektado kung sakaling manalasa man ang bagyong Tino dito sa Caraga region.
04:11At James, nabanggit mo may mga voluntaryo na nagsilikas pero may posibilidad bang magpatupad pa rin ang forced evacuation sakaling lumakas?
04:18Yung epekto dyan ng bagyong Tino?
04:20Raffi, isa yan sa pinag-uusapan ngayon.
04:26Sa katunayan, nagsasagawa ng inter-agency meeting ang local government ng Surigao City.
04:33At isa yan sa pinag-uusapan ngayon.
04:36Dahil nga pinangangambahan at base na rin sa forecast na pag-asay,
04:40posibleng magkaroon ng 2.1 hanggang 3 meters na taas ng daluyong o storm surge
04:46ang mararanasan sa coastal areas dito sa Surigao City.
04:50At malawak din ang coastal barangay dito sa syudad.
04:54Kaya isa yan sa pinangangambahan ng local government.
04:58Sa katunayan din ay dito sa ating kabilang gilid ay naka-standby na ang mga personahe ng Philippine Coast Guard at CDRRMO
05:07na handang magpatupad ng forced evacuation kung sakaling iutos ito ng local government unit.
05:13Raffi.
05:14Maraming salamat at ingat kayo dyan, James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
05:20Dahil sa masamang panahong dulot ng bagyong Tino,
05:22walang pasok ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong probinsya ng Cebu.
05:29Gayun din po sa Malay at New Washington sa Aklan.
05:32Shift naman muna sa alternative learning mode ng lahat ng estudyante sa public at private school sa Rojas, Capiz at sa Libertad Aklan.
05:39Suspendido rin ng face-to-face classes sa San Jose, Patnongon, Libertad, Animi, Pulasi at Tibiao.
05:48Gayun din sa Bugasong, Tobias Fournier, Hamtik, Sibalom, Valderrama, Barbasa at Pandan sa Antike.
05:57Sa Kaluya Free School hanggang Senior High School lang ang walang in-person classes sa lahat ng public at private schools doon.
06:04Wala rin munang in-person classes ang lahat ng antas sa University of Antike, Aklan State University at Western Visayas State University.
06:12Mainit na balita, ibinasura ng San Juan Regional Trial Court ang hiling na temporary restraining order ni Sen. Jingo Estrada
06:24laban kay dating DPWH Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
06:29Ayon niyan sa abogado ni Hernandez na si Atty. Ernest Levanza sa isang mensay sa GMA News Online.
06:35Wala raw nakikita ang dahilan ng korte para mag-itio ng TRO.
06:38Layon daw ng TRO na pigilan si Hernandez na magsalita laban kay Estrada kaugnay sa pagkakadawit-umano ng Senador sa issue sa flood control projects.
06:48Sa pagdinig ng House Infrastructure Committee, sinabi ni Hernandez na nagbaba ng P355M na halaga ng proyekto sa Bulacan si Estrada ngayong 2025.
06:5830% anya ang commitment para sa Senador.
07:02Ilang beses na itinagin ni Estrada ang mga sinabi ni Hernandez.
07:06Sinusubukad pa ng GMA Integrated News na kuna ng bagong pahayag si Estrada, kaugnay sa ibinasura niyang hiling.
07:16Ngayong lunes, piniling lumuwas pa Manila ng ilang mag-naglong o aundas weekend sa ibang lugar para maiwasan daw nila ang inaasahang dagsan ng mga pasahero kahapon.
07:24Sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, mahigit 11,000 pasahero na ang naitala kaninang alas 5 ng umaga.
07:32Pusibli para umanong umabot yan sa 119,000 pasahero ngayong araw.
07:37Kahapon, napuno ng mga pasahero ang Lipa Grand Terminal sa Batangas.
07:42Nagkulang para ang mga bus dahil sa dami ng mga bibiyahe.
07:46Ayon sa ilang driver at dispatcher, tuloy-tuloy naman ang biyahe.
07:49Nagkakaroon lang daw ng delay dahil sa traffic mula sa Maynila at Batangas Port.
07:54Marami naman ang nagsisibalikan na rin sa Metro Manila sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga na nagbakasyon sa mga pasyalan o ibang bansa nitong long weekend.
08:05Ilan sa kanina pinili ang mas maagang flight para makaiwas din sa traffic.
08:09Samantala sugatan ng isang motorcycle taxi rider matapos barili ng security guard ng isang bus terminal sa Quezon City.
08:18Ang ugat ng away alamin sa balitang hatid ni James Agustin.
08:22Kuha ang tagpong ito sa likod ng bahagi ng isang bus terminal sa Quezon City kahapon.
08:29Makikita na pumarada ang isang lalaking motorcycle taxi rider.
08:33Pagbabaan niya agad siyang nilapitan ng security guard ng bus terminal.
08:36Nagsuot ng kapote ang rider.
08:38Maya-maya pa pinagsusuntok na ng rider ang security guard.
08:40Napatras ang mga pasahero, ang security guard na tumba sa kalsada.
08:44Hindi na nakunan ang mga sumunod na pangyayari pero binarid daw ng security guard ng rider ayon sa polisya.
08:49Mayroon tayong polis assistant sa bawat bus terminal.
08:53Kaya yung polis natin agad na nakarisponde nung may tumosyon at tinawag ang kanilang pansin.
09:00Sugatan ang 32 anyo sa rider na nagtamon ng tama ng bala ng baril sa kanang tagiliran.
09:04Nagpapagaling pa siya sa ospital.
09:06Ang 43 anyo sa security guard naman ay inaresto ng polisya.
09:09Nagkapasa sa muka at kinailangang tahiin ng tenga.
09:12Yung suspect natin na security guard, sinitlay niyo yung motorcycle riders sa pagpaparada na nakaka-obstruct sa mga pasahero ng terminal.
09:22At doon nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo at na uwi sa pisikalan kung saan sinutok ng biktima itong security guard.
09:32Hanggang sa tangkang kuwain yung armas ng security guard.
09:38At doon naputokan ng security guard.
09:41Nakuhang baril na ginamit ng security guard.
09:43Isinailalim din siya sa parafin test.
09:45Sa kayong sir, wala muna akong masabi sir eh.
09:49Kasi ano sa aming agency na sa korte na lang daw akong magsalita.
09:54Marap ang security guard sa reklamong frustrated homicide.
09:57Desidido rin siya magsampan ng reklamong physical injury laban sa rider.
10:01James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:06Ito ang GMA Regional TV News.
10:11Mayinit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
10:15Nasunog ang isang power plant sa pagbilao, Quezon.
10:19Chris, natukoy na ba yung sahinang apoy?
10:21Raffi, patuloy pa rin ang assessment ng Pagbilao Energy Corporation sa sumiklab na sunog sa Unit 3 ng Pagbilao Power Station.
10:32Nitong biyernes nang magkasunog sa planta at nagkaroon din ng mga pagsabog.
10:37Isa ang patay habang siyam ang sugatan.
10:39Ay sa Pagbilao Energy Corporation, inaalam pa nila ang sanhinang apoy at ang laki ng pinsala.
10:46Prioridad daw nila ang pagtitiyak na makuha ng mga nasaktan ang nararapat na atensyong medikal.
10:52Nag-abot naman ang pakikiramay ang Department of Energy sa pamilya ng nasawi.
10:57Patuloy raw silang makikipag-ugnayan sa PEC at iba pang ahensya para maibigay ang naangkop na tulong sa mga nadamay.
11:06Sugata naman ang isang motorcycle rider matapos mahulog sa bangin sa Angadanan, Isabela.
11:12Nirespondihan siya ng mga polis matapos makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen.
11:18Nagtamu siya ng mga sugat at bali sa katawan.
11:21Binigyan siya ng paunang lunas bago dalhin sa ospital.
11:25Ayon sa polisya, nakainom ng alak ang rider ng maaksidente.
11:29Wala pa siyang pahayag.
11:32Pumirma na rin ang Pilipinas at Canada ng versyon nito ng Visiting Forces Agreement.
11:37Ikalimang Defense Cooperation Agreement na yan para sa Pilipinas pagkatapos ng Amerika, Japan, Australia at New Zealand.
11:43Una naman ang ganyang kasunduan ng Canada para sa isang bansa sa Indo-Pacific region.
11:48Narito po ang aking report.
11:49Inabot ng sampung buwan ang negosasyon para sa Status of Visiting Forces Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
11:59Kahapon, pinirmahan na ito ni Canadian Minister of National Defense David McGinty at Defense Secretary Gilberto Todoro.
12:05This signing is not the end of an effort. It really is just the beginning of a journey.
12:12One of deeper cooperation, greater understanding, and enduring partnership between our two great peoples, our militaries, and our nations.
12:25Bago maging epektibo, raratipikan pa ito ni Pangulong Bongbong Marcos at kailangang umayon din ng Senado.
12:31Sa ilalim ng kasunduan, mas magiging malalim ang kooperasyon ng Pilipinas at Canada sa military training, information sharing, at pagtulong sa bawat isa sa pagtugon sa mga kalamidad.
12:43Ito na ang ikalimang Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at kauna-unahan ng Canada para sa isang bansa sa Indo-Pacific region.
12:49And underpinning this sofa is the foundation on which it is built.
12:59It is to preserve the international order as a rules-based international order,
13:06respecting the sovereignty and dignity of not only states but also of its people as human beings with the rights and the freedoms that they enjoy.
13:20Umaasa ang Canada na sa paumagitan ng kasunduan, makakasali na sila sa baligatan military exercises sa susunod na taon.
13:28Bago ang Canada, may kaparehong kasunduan na rin ng Pilipinas sa Japan, New Zealand, Australia, at Amerika.
13:33Hindi naman pinaligtas ni Secretary Chidoro ang mga negatibong pahayag ng Defense Minister ng China
13:39tungkol sa umunay panggugulo ng Pilipinas sa usapin ng South China Sea.
13:44Walaan niyang pakialamang China kung nais ng Pilipinas na magkaroon ng Defense Cooperation Agreement sa ibang bansa.
13:57Matapos ang Canada, ilan sa mga kinakausap ng Pilipinas para magkaroon din ng Defense Cooperation Agreement
14:02ang Germany, France, at South Africa.
14:05Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Recommended
46:39
|
Up next
22:41
22:22
12:13
6:50
7:57
18:10
12:33
6:38
14:10
7:40
16:45
10:52
9:45
Be the first to comment