Skip to playerSkip to main content
-Bus, nahulog sa bangin; 4 patay, 23 sugatan


-Amihan at Easterlies, magdadala ng ulan sa bansa ngayong araw


-5 bahay sa Brgy. 582, nasunog; 10 pamilya, apektado/ BFP: Napabayaang katol, isa sa mga tinitignang sanhi ng sunog sa Brgy. 582


-Babaeng naiulat na nawawala, natagpuang patay sa loob ng balon; 8 tao, irereklamo ng murder kaugnay sa pagpatay


-3 lalaking nahulihan ng 14 na rolyo ng ipinagbabawal na sigarilyong tuklaw, arestado


-Bentahan ng mga paputok sa Bocaue, matumal pa; hindi na tataas ang presyo hanggang magbagong taon, ayon sa mga nagtitinda


-Oil price adjustment, posibleng ipatupad sa susunod na linggo


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption at Independent People's Commission
00:34na mas magiging epektibo sa pagtulong sa imbistigasyon ng ombudsman.
00:39Sinisikap pa naming makuna ng pahayag ang Malacanang na bumuo sa ICI sa resignation ni Fajardo.
00:48Isa pang mainit na balita, apat ang patay matapos mahulog sa bangin ang isang pampaseherong bus sa Del Gallego Camarinesur.
00:55Dalawampu't tatlo naman ang sugataan kasama ang dalawang driver.
00:58Ang ilan sa kanila ay dinala sa Tagkawayan General Hospital sa Quezon City o sa Quezon.
01:04Ayon sa pulis siya, galing Quezon City ang bus at patungong sorsogon ng maaksidente kaninang madaling araw.
01:10Sabi ng hepe ng Del Gallego Police, posibleng nakatulog ang driver ng bus
01:14kaya nawala ng kontrol hanggang malaglag sa bangin.
01:17Inimbestigahan din kung may problema ba ang makina ng bus bago ibinyahe.
01:23Hindi muna nagbigay ng pahayag ang bus company habang gumugulong pa ang imbistigasyon.
01:28Mga kapuso, makararanas pa rin ang ulan sa ilang bahagi ng bansa sa huling weekend ng taon.
01:39Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to moderate rain sa mga susunod na oras
01:44sa Northern at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
01:48Umaga bukas, posibleng ang ulan sa ilang panig ng Extreme Northern Luzon, Palawan, Davao Region at Soxargen.
01:56Uulanin din ang ilang pang bahagi ng Southern Luzon at Eastern Visayas pagdating ng umaga ng linggo.
02:03Marami pang lugar ang ang makararanas ng ulan sa bandang hapon at gabi ngayong weekend.
02:08Posibleng ang malalakas na ulan na maaaring magdulot ng baha o landslide.
02:13Mababa naman ang tsansa ng ulan dito po sa Metro Manila ngayong weekend.
02:17Walang bagyo o low pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility ayon po sa pag-asa,
02:23hanging-amihan ang naka-apekto ngayon sa Luzon habang easterlies sa iba pang bahagi ng bansa.
02:30Ngayong biyarnes, nakapagtala ng 16 degrees Celsius na minimum temperature sa Baguio City
02:35habang 22.6 degrees Celsius dito po sa Quezon City.
02:42Matapos ipagdiwang ang Pasko kahapon,
02:44sunog ang gumising sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling araw.
02:50Limang bahay ang nasunog dahil umano sa napabayaang katol.
02:54Balit ang hatid ni James Agustin.
02:56Ganito kalaking apoy ang gumising sa mga residente ng Mindanao Avenue sa barangay 582 Sampaloc, Maynila.
03:07Pasado na stress sa madaling araw kanina.
03:09Sinubukan pa itong apulahin ng mga residente gamit ang ilang fire extinguisher
03:13at balde ng tubig pero hindi kinaya.
03:15Itinasab your fire protection ang unang alarma.
03:18Mahigit sa dalawang pong fire truck ang rumisponde sa lugar.
03:21Kwento ng residente si Bernardo na tutulog silang mag-anak na mangyari ang sunog.
03:26Laking pa sa salamat niyang ligtas niyang nailabas ang asawa at dalawang anak na babae.
03:29May sumisigaw na lang po na tinatawag yung pangalang ko tapos may sunog daw po may sunog.
03:36Yung pagbabaho namin, hindi na kami makalabas kasi po nangaharang na kami ng apoy.
03:41Kaya ang ginawa namin, yung plan dyan na ho, tinakbuk sa ulo ho ng mga bata para nilabas.
03:46Tinulak ko na lang ho kahit subub-sub sila baala na kahit kung anong mangyari.
03:51Walang naisalba ang kanilang pamilya ni isang damit o gamit.
03:54Ang kailangan lang ho namin, yung ay konting tulong lang ho sa bukal na puso yun na po.
04:00Kasi lahat naman tayo ang nakangailangan eh.
04:02Napulang sunog matapos ang halos isang oras.
04:05Ayon sa BFP, umabot sa limang bahayang na sunog.
04:08Apektado ang sampung pamilya.
04:10Sa labas po makikita natin na more on concrete siya.
04:14Pero pagpasok mo po sa loob, ay light materials yung gitna.
04:18Tapos titignan po natin yung daanan, isang tao lang po ang kasama sa loob.
04:22Kaya yung mga kasama po natin mga farmen ay dun sa bubong dumadaan.
04:28Napabaya ang katol ang tinitinan ng BFP ng mitya ng apoy.
04:31Na kausap po namin yung isa dun sa mga nakatera sa loob.
04:37Kasi may kuryente naman sila.
04:39Ngayon, according sa kanya, may sinisindan silang katol.
04:44Pero i-investigate pa natin yan on further.
04:48Inaalam pa ng mauturidad ang kabuang halaga ng pinsala sa ari-arian.
04:52James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:56Oras na para sa maiinit na balita sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
05:08Bangkay na nang matagpuan sa Siniluan, Laguna, ang isang babae na napaulat na nawawala.
05:14Chris, ano nangyari sa biktima?
05:15Rafi Walo ang sinasangkot sa pagpatay umano sa 30-anyos na biktima.
05:23Kabilang ang crime suspect na si Elias Popoy na itinuturo o itinuro kung saan itinapon ang bangkay ng biktima.
05:30Nakabalot ito sa plastic bag ng matagpuan ng mauturidad sa balon malapit sa isang lumang minahan sa bundok.
05:36Ayon sa polisya, December 8, umalis ang biktima sa kanilang bahay sa Hala-Hala Rizal.
05:42December 14, nang iulat ng pamilya na nawawala siya.
05:46Batay sa investigasyon, sangkot sa iligal na droga ang biktima.
05:50At kasintahan niya ang sospek na si Elias Popoy na lider umano na isang drug syndicate.
05:56Itinanggin ni Elias Popoy na siya ang pumatay.
05:59At sa halip, itinuro ang pitong iba pang sospek na tinutugis pa.
06:02Sa sampan ng reklamong murder, ang walong sospek.
06:07Arestado naman sa Bacor, Cavite, ang tatlong lalaki nagbebenta umano ng iligal na sigarilyong tuklaw.
06:15Edad 19, 23 at 27 ang mga naaresto sa bybast operation sa barangay Poblason.
06:22Nasabat sa kanila ang 14 na rolyo ng itinagbabawal na sigarilyo na nagkakahalaga ng 7,000 piso.
06:28Bukod dyan, nasamsam din sa kanila ang isang sachet na hinihinalang dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng 1,000 piso.
06:38Tumanggi magbigay ng pahayag ang mga sospek na naharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
06:45Matumal pa ang bentahan pero nagsisimula ng dumating ang mga customers sa bilihan ng mga paputok sa Bukawi, Bulacan.
06:53Ayon sa mga nagtitinda, hindi na raw tataas ang presyo ng mga paputok hanggang bago magbagong taon.
06:59Balitang hatid ni Jomara Presto.
07:01Mula San Mateo Rizal, dumayo pa sa Bukawi, Bulacan.
07:07Magkakaibigan na yan para mamili ng paputok at pailaw para sa salubong sa bagong taon.
07:12Sinadjaraw talaga nilang dito mamili kahit pa marami nang nagbebenta nito online.
07:16Gusto raw kasi nilang masigurong legit at hindi peke ang mabibili nila para iwas disgrasya.
07:22Diba po kasi yung legit imasi po nang gawa talaga ng Bukawi.
07:26Talaga dito mo lang mabibili yung mga original na mga paputok eh.
07:30Ayon pa kay Jade, limang taon na siyang namimili rito ng paputok.
07:34Marami na raw nagbago sa regulasyon at presyo ng mga ito kumpara noong mga nakalipas na taon.
07:39Ayon naman sa tenderang si Alias Erika, matumal pa sa ngayon ang bentahan ng mga paputok.
07:44Hindi ko din po alam eh. Baka po sa financial din po sa mga...
07:48Nag-i-start po siguro yan, 27 po hanggang 31 yan.
07:52Dito sa Bukawi, nasa 150 pesos hanggang 7,000 pesos depende sa klase.
07:56Bawal ang testing dito kaya maiging panoorin na lang online ng mga pailaw at paputok na bibilhin.
08:02Ayon sa mga nagtitinda, hindi natataas pa ang presyo ng kanila mga paninda hanggang bago magbagong taon.
08:07Nitong nakarang araw, nag-inspeksyon na ang PNP at Provincial Government sa bentahan ng paputok sa Bukawi
08:12para matiyak na walang iligal na ibinibenta rito.
08:16Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:20Bip-bip-bip! May posibleng paggalaw sa presyo ng gasolina at kerosene sa huling linggo ng taon.
08:32Batay sa Free Day Monitoring ng Department of Energy, may posibleng bawas presyo sa gasolina na humigit kumulang 50 centavos kada litro.
08:40Habang 10 centavos naman kada litro ang nakikitang pagtaas sa presyo ng kerosene.
08:45Wala namang nakikitang paggalaw sa presyo ng diesel.
08:49Posibleng pang magbago yan depende sa kalakalan ngayong Diyernes.
08:53Ayon sa Department of Energy, kabilang sa mga dahilan ng paggalaw ng presyo ang global oversupply sa mga non-OPEC country at sa mababang demand.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended