Skip to playerSkip to main content
Buhay na naman ang mga patay at iba pang panakot sa isang kunwaring 'haunted house' na tradisyon sa isang barangay sa Caloocan. Magkakaiba pero sunud-sunod po ang mga petsa ng Halloween, All Saint's Day at All Soul's Day. Nagkakalituhan na tuloy kung ano ang ipinagdiriwang.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01It's a life that is in a haunted house, a tradition in a barangay in Caloocan.
00:11It's a different place, but it's a different place.
00:15It's Halloween, All Saints Day, and All Souls Day.
00:19It's a different place, what's going on is what's going on.
00:23Let's talk about it on the live video of Rafi Tima.
00:27Rafi!
00:30Mel, narito nga tayo ngayon sa loob ng isang haunted house dito sa barangay 78 sa Caloocan,
00:36kung saan mula pa kaninang alas 6 ng gabi, e puro tilian at sigawan na yung ating narinig.
00:41E kung ganito ba naman, yung makikita e talagang matatakot ka.
00:46Bagay ito, Mel, ng programa ng barangay para sa Halloween na taon-taon ay talaga namang inaabangan na raw ng mga residente rito.
00:52Mahigit sampung taon na raw itong tradisyon dito sa barangay 78 sa Caloocan at talaga namang inaabangan,
01:02hindi na na mga taga rito, kundi mga taga ibang lugar.
01:05Ito ang telegoryang pasilyo 4, isang kunwari haunted house na pulo ng katatakutan dito sa barangay 78 sa Caloocan.
01:16Meron ditong mistulang ospital,
01:19morgue,
01:20at mga kwartong, may mga nakakatakot na nila lang.
01:23Ang totoo bahagi ito ng bahay ng kapitan ng barangay,
01:30ang mga multo, maligno, at iba pang nananakot dito,
01:34pawang mga kabataang volunteer na talaga namang kinarira mga make-up at prosthetics para maging makatotohanan.
01:41Yes, patok na patok po.
01:42Talaga pong nire-request nila ito sir.
01:44Ang tradisyon ng pananakot tuwing undas,
01:47nagsimula dalawang libong taon na ang nakakaraan.
01:50Hudyat ito lang pagtatapos ng anihan at simula ng taglamig ng mga Celtic,
01:54ang mga sinuunang tao sa Inglaterra.
01:56Paniwala ng mga Celts,
01:58tuwing October 31 lumalabas ang mga espiritu ng patay.
02:01At para hindi sila gambalain,
02:03nag-aalay sila ng mga pagkain o nagsusuot ng mga kostyum.
02:07Nagpatuloy ang tradisyon hanggang sa dumating ang Kristyanismo.
02:10Bukod sa pagdeklara sa November 1 bilang All Saints Day,
02:13itinalaga ang October 31 bilang All Hallows Eve na kalaunan naging Halloween.
02:18At ang tradisyon ng pag-aali ng mga pagkain,
02:21nauwi sa panamigay ng mga candy.
02:23Tradisyong patok sa mga kabataan.
02:26Dito sa Barangay 78,
02:28isa rin daw ito sa mga inaabangan.
02:30Halos mapulunga ang kalsadang ito ng mga kabataang nakakostyum.
02:33Lahat may bit-bit na lalagyan ng mga candy.
02:36Tiyanak siya nung nakaraan taon.
02:38Bakit to angel ngayon?
02:39Angel na siya ngayon.
02:40Bakit to?
02:42Eh yan po ang gusto niyang kostyum ngayon,
02:44yung mama niya eh.
02:45Dumarami na rin daw ang mga residente
02:47at establishmentong naghahanda para mamigay ng sari-saring candy.
02:51Tulad ni Lola Marita.
02:53Oy, agaganda naman nila.
02:55Pero sa dami ng mga nakapilang bata,
02:58naubusan na si Lola.
02:59Sa susunod na taon na lang uli.
03:02Nako, tingnan nyo nga ito.
03:04Pero sa Iloilo, hindi mga nakakatakot o mga superhero ang ginagaya ng mga kabataan kundi mga santo.
03:11Sa ilang parokya sa haro, sinimulan na nila ang taonang Parade of Saints tampok ang mga nagagandahang damit na mga santo.
03:17And wearing the image or the costume of the saints is also imitating their lives.
03:25Mer, dahil patok itong Pasillo 4 dito sa Barangay 78,
03:36bukas ay open for business pa rin daw sila para sa mga gusto sa mga nakakatakot.
03:41Pero may bayad nga lang 10 piso yung mga hindi taga rito.
03:44Pero patok naman daw at sulit naman daw yan para sa mga mahilig sa mga nakakatakot.
03:48Yan ang latest mula dito sa Kaloocan.
03:50Mel?
03:51Eh, naghihintay sa iyo dyan sa likod.
03:54Maraming salamat sa iyo, Rafi Tima!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended