Skip to playerSkip to main content
Umarangkada na ang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Metro Manila sabay sa pagkondena sa korapsyon sa gobyerno. Panawagan din nila ang pagbalik ng prangkisa ng mga tradisyonal na jeepney.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umarangkada na ang tatlong araw na tigilpasada ng grupong Manibela sa Metro Manila.
00:06Sabay sa pagkondena sa korupsyon sa gobyerno,
00:10panawagan din nila ang pagbalik ng prangkisa ng mga tradisyonal na jeepney.
00:15Nakatutok si Oscar Oida.
00:21Bit-bit na mga placard at tarpaulin,
00:24ipinagsigawan ng grupong Manibela sa Filcoa sa Commonwealth Avenue, Quezon City,
00:28ang pagkondena sa anilay korupsyon sa gobyerno, partikular sa DPWH.
00:34Napakawalang hiyapo ng mga nasa gobyerno na to
00:38na yung pinagpapaguran at pinaghihirapan ng taong bayan,
00:43pinagpapakasasaan lamang nila,
00:46mga mararangyang buhay na pinagpaguran ng ating mamamayan ay pinangangalandakan pa.
00:54Isinibay na rin sa pagkilos ang panawagang ibalik ang limang taong prangkisa
00:58ng mga tradisyonal na jeepney.
01:01Nakaantabay naman ang Quezon City Police
01:03habang nakaanda ang libring sakay ng Quezon City Hall para sa mga commuter.
01:08Peaceful naman ang rally nila.
01:10Meron tayong walong rota na may libring sakay na tumatakbo ang 86 buses.
01:16Meron din po tayong 6 na QC buses na naka-standby,
01:21ready for dispatch kung may makita mga stranded na passengers sa mga iba't ibang location.
01:27Pero so far, wala pa naman po.
01:29Bandang alas 10 ng umaga,
01:31ay kusaring nilisa ng mga miyembro ng Manibela ang lugar.
01:35Wala namang na-stranded sa area.
01:38Nagsagawa rin ang programa ang iba pang miyembro ng Manibela sa ibang lugar,
01:42tulad sa Maynila, Pasig, Paranyake, Caloocan at Las Piñas.
01:46Kumihingi po tayo ng paumanhin.
01:48Huwag po kayong mag-alala para sa ating lahat ito,
01:50para sa mga mananakay at manggagawa,
01:52mga estudyante na nagpapakahirap po na ninanakawan ng kanilang mga buwis.
01:58Laban po natin lahat ito at sa susunod na mga araw,
02:00kami naman po ang babawi at maglilibring sakay.
02:02Ang tinutukoy nila ay ang libring sakay na handog nila
02:06para sa mga makikiisa sa Kilos Potesa sa Luneta at EDSA sa Lingko, September 21.
02:14Para sa GMA Integrated News,
02:16Oscar Oida na Katutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended