Skip to playerSkip to main content
Umalingasaw ang problema sa tambak ng basura sa isang bahagi ng Caloocan.


Bukod sa perwisyong dulot nito sa mga residente, nakaabala pa sa mga dumaraang motorista.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umalingasaw naman ang problema sa tambak na basura sa isang bahagi ng Kaloocan.
00:05Bukod sa perwisong dulot nito sa mga residente, nakaabala pa sa mga dumaraang motorista.
00:11Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:16Nilalangaw na nga, umaalingasaw pa ang amoy ng mga basurang ito na nagkalat sa kalsada sa sangandaan Kaloocan City.
00:24Ang mga dumaraan nakamas o nagtatakip ng ilong.
00:27Mabaho po.
00:30Buti natitiis niyo po.
00:32Eh dumadaan lang naman po eh. Ewan ko po yung mga taga rito, lalo na sila.
00:37Bakit wala? Hanggang kayo, hanggang wala pang rak ng basura.
00:40Eh paano na lang ang mga nakatiramismo sa lugar?
00:44Ayan po, perwisong.
00:45Ang residente yung semilita, nag-aalala na raw sa kalusugan ng kanyang pamilya.
00:50Lalo't sabado pa sila nagtitiis sa amoy ng tambak na basura sa tapat ng kanilang bahay.
00:55Hanggang sa loob po ng bahay namin, pumapasok yung baho.
01:00Kami is senior, tapos yung mga bata po, eh kung magkasakit kami, lalo naman po kami kawawag.
01:06Ipinarating na raw nila ang reklamo sa page ng mayor pero wala raw naging tugon.
01:10Nakikiusap ako, pinitsurang ko po, tapos isinend ko po sa kanya yan.
01:14Pati po doon sa konsihala namin, nakikiusap po ako, mihingi ako ng tulong.
01:19Sa ngayon, tumatamay muna sila sa ibang lugar.
01:23Ang ibang residente naman, dumidiscarte rin para hindi ganun maamoy ang masangsang na amoy.
01:28Nagsasarap po ng pinto para lang po makakain ng maayos.
01:32Kasi grabe yung amoy pagkaan eh.
01:35Pagka sumasaba yung track paglabas.
01:37Bukod sa masangsang na amoy, inukupan na rin ng mga basurang ito ang dalawang lane ng bahagi ito ng kalsada dito sa sangandaan.
01:46Pero wisyo ang dulot niyan pati sa mga dumaraang motorista.
01:49Isa na lang yung lanean namin eh.
01:51Kaya nagiging traffic dito eh.
01:54Ang estudyanting ito naman, tiniis na lang ang masangsang na amoy at naglakad na mismo sa tambak na mga basura para lang iwas disgrasya.
02:02Agad ipinaabot ng GMA News sa lokal na pamalang ng Kaloocan City ang problema at nangakong aaksyonan ang mga tumambak na basura.
02:10At nang balikan nga ng GMA News ang lugar.
02:13Bandang alas 3 kaninang hapon, hinakot na ng Kaloocan City Environmental Management Department ang mga basura.
02:19Inaantay pa ng GMA News ang sagot ng Kaloocan City tungkol sa dahilan ng pagkakatambak ng basura doon.
02:26Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
Comments

Recommended