- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Lunes, October 13, 2025
-Dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., nanumpa na bilang Special Adviser at Investigator ng ICI
-PHIVOLCS: Magnitude 5.8 na aftershock, naitala kaninang madaling-araw sa Bogo City
-PHIVOLCS: Magnitude 6 na lindol, yumanig sa Cagwait, Surigao del Sur nitong Sabado; Ramdam din sa iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao
-DOTr, binawi ang protocol plates na ginagamit ng kanilang mga opisyal
-PAGASA: LPA, posibleng maging bagyo at pumasok sa PAR bago mag-weekend
-Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo kahapon; nananatili sa alert level 2
-Kilos-protesta sa labas ng isang village sa Makati City, inabot ng madaling-araw
-Wallet ng customer na may lamang P2,000, tinangay ng isang lalaki
-Magkapatid na holdaper, nilooban ang tindahan; binaril ang may-ari
-54 na estudyante, dinala sa ospital matapos mahilo, mawalan ng malay o mahirapan huminga
-Lalaking nanghalay umano sa 9-anyos na anak ng kanyang ka-live-in, arestado; Suspek, itinanggi ang paratang laban sa kanya
-Malalakas na lindol, magkakasunod na naranasan sa iba't ibang panig ng bansa
-INTERVIEW: PHIVOLCS DIRECTOR DR. TERESITO BACOLCOL
-421 ghost flood control projects umano sa bansa, iimbestigahan na ng ICI/
-INTERVIEW: ICI SPECIAL ADVISER RODOLFO AZURIN, JR.
-Ginang, patay matapos tambangan ng riding-in-tandem; mag-ama niya, nakaligtas dahil sa pumalyang baril
-Oil price adjustment, ipatutupad bukas
-PCG: Barko ng China Coast Guard, lumapit nang 1.6 nautical miles mula sa Pag-asa Island; pinakamalapit na namataan ang China doon
-Social media post na wala raw pasok sa buong bansa ngayong araw, mali!
-Alagang aso, pinainan, pinalo at tinangay
-DOJ: Mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, wala pang isinusumiteng tell all affidavit kaugnay sa maanomalyang flood control projects
-SEC Chairman Lim, nag-sorry; sinabing mali ang report na bumagsak ng P1.7T ang nawala sa Phl Stock Exchange sa loob ng 3 linggo
-Dennis Trillo, "Green Bones," at "Alipato at Muog," big winners sa 48th Gawad Urian
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., nanumpa na bilang Special Adviser at Investigator ng ICI
-PHIVOLCS: Magnitude 5.8 na aftershock, naitala kaninang madaling-araw sa Bogo City
-PHIVOLCS: Magnitude 6 na lindol, yumanig sa Cagwait, Surigao del Sur nitong Sabado; Ramdam din sa iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao
-DOTr, binawi ang protocol plates na ginagamit ng kanilang mga opisyal
-PAGASA: LPA, posibleng maging bagyo at pumasok sa PAR bago mag-weekend
-Bulkang Kanlaon, nagbuga ng abo kahapon; nananatili sa alert level 2
-Kilos-protesta sa labas ng isang village sa Makati City, inabot ng madaling-araw
-Wallet ng customer na may lamang P2,000, tinangay ng isang lalaki
-Magkapatid na holdaper, nilooban ang tindahan; binaril ang may-ari
-54 na estudyante, dinala sa ospital matapos mahilo, mawalan ng malay o mahirapan huminga
-Lalaking nanghalay umano sa 9-anyos na anak ng kanyang ka-live-in, arestado; Suspek, itinanggi ang paratang laban sa kanya
-Malalakas na lindol, magkakasunod na naranasan sa iba't ibang panig ng bansa
-INTERVIEW: PHIVOLCS DIRECTOR DR. TERESITO BACOLCOL
-421 ghost flood control projects umano sa bansa, iimbestigahan na ng ICI/
-INTERVIEW: ICI SPECIAL ADVISER RODOLFO AZURIN, JR.
-Ginang, patay matapos tambangan ng riding-in-tandem; mag-ama niya, nakaligtas dahil sa pumalyang baril
-Oil price adjustment, ipatutupad bukas
-PCG: Barko ng China Coast Guard, lumapit nang 1.6 nautical miles mula sa Pag-asa Island; pinakamalapit na namataan ang China doon
-Social media post na wala raw pasok sa buong bansa ngayong araw, mali!
-Alagang aso, pinainan, pinalo at tinangay
-DOJ: Mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, wala pang isinusumiteng tell all affidavit kaugnay sa maanomalyang flood control projects
-SEC Chairman Lim, nag-sorry; sinabing mali ang report na bumagsak ng P1.7T ang nawala sa Phl Stock Exchange sa loob ng 3 linggo
-Dennis Trillo, "Green Bones," at "Alipato at Muog," big winners sa 48th Gawad Urian
CBB
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:08.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:20.
00:22.
00:24.
00:28.
00:29.
00:30.
00:32.
00:33Mainit na balita, nanumpa na bilang Special Advisor at Investigator ng Independent Commission for Infrastructure si dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.
00:43.
00:44Kasama sa panunumpa ni Azurin ang iba pang miyembro ng komisyon na sina ICI Chairman Justice Andres Reyes Jr.,
00:53.
00:54.
00:55.
00:56.
00:57.
00:58.
00:59.
01:00.
01:01.
01:02.
01:03.
01:04.
01:05.
01:06.
01:07.
01:08.
01:09.
01:12.
01:13.
01:14.
01:15.
01:17.
01:18.
01:19.
01:20.
01:22.
01:25.
01:30.
01:31This is a big aftershock.
02:01Ang mga nananatili naman sa itinayong tent city sa Bogot City o sa Cebu ay napalabas po ng kanika nilang mga tent.
02:09Sa Cebu City, napalabas din ng gusali ang mga empleyado ng ilang kumpanya kasunod ng pagyanig.
02:17Nagpalipas muna sila ng oras sa kalsada.
02:21Magnitude 6 na pagyanig naman ang tumama sa Surigao del Suo nitong Sabado.
02:26Ayon sa FIVOC, sadyang marami ang aktibong faults at trenches sa bansa, kaya pangkaraniwan ang mga lindol.
02:34Balitang hatid ni Argil Relator ng GMA Regional TV.
02:43Patulog na ang mag-anak na ito sa tandag Surigao del Sur nang biglang.
02:48Yumanig ang magnitude 6 na lindol.
02:55Agad na niyakap ng mag-asawa ang dalawa nilang anak.
02:58Saka lumabas ng huminto na ang pagyanig.
03:02Nagsilabasan din ang mga pasyente ng isang ospital sa lungsod.
03:08Sa bayan ng Tagbina, napatayo rin mula sa higaan ang lalaking ito.
03:12Nang maramdaman ang lindol, ang isang niyang kasama sa bahay, tumalon mula sa terres, pababa sa kanilang garahe.
03:20Nagdipon sila at nagmatyag hanggang humupa ang pagyanig.
03:25Naitala ng FIVOC ang epicenter ng lindol sa dagat malapit sa bayan ng Kagwait.
03:31Kita sa CCTV kung paanong inalog ng lindol ang sarisaring ito sa barangay Unidad.
03:38Naglaglaga ng ilang mga paninda sa halos labindalawang sigundong pagyanig.
03:44Nagimbal naman ang mag-anak na ito nang maramdaman ang lindol.
03:48Ayon kay U.S. Cooper, Sheila May Barshal-Humanoy, ligtas silang mag-anak pero may mga gamit silang nabasag.
03:55Wala naman major structural damage and all roads are passable.
04:01May mga minor damage cancer but ongoing pa po yung assessment.
04:05Wala rin naitalang sugatan.
04:09May mga inilikas na residente pero pinauwi na.
04:13Dama rin ang pagyanig sa bayan ng Lanuza.
04:20Ramdam din ang lindol sa San Francisco, Agu San del Sur.
04:24Sa lakas ng pagyanig, naalog ang CCTV ito at tila idinuyan pa ang mga sasakyan sa paligid.
04:33Oh my God, Roy! May pumutok!
04:36Ayon sa FIVOX, naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Northern Mindanao, Caraga, Eastern Visayas at Davao Region.
04:44R. Jill Relator ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA Integrated Loops.
04:57Mainit na balita, binawi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang protocol plates na in-issue sa mga opisyal ng kagawanan at mga ahensya sa ilalim nito.
05:07Ayon kay Lopez, ito'y para maiwasan ang pang-aabuso sa paggamit ng protocol plates.
05:13Bawal na rin ang transportation officials na gumamit ng sirena o wang-wang, blinker at iba pang kaparehong gadget.
05:21Sabi ng DOTR, maari pa rin gumamit ng protocol plates ang iba pang mataas na opisyal ng gobyerno tulad ng presidente at vicepresidente.
05:30Alinsunod sa Executive Order No. 56.
05:32Ang pagbawi sa protocol plates ng DOTR officials ay kasunod po ng viral video ng driver ni DOTR Undersecretary Ricky Alfonso na nanakit-umanon ng isang motorista.
05:46Ang naturang sasakya ni Alfonso may protocol plate No. 10 na para sa presiding justice ng Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandigan Bayan at Solicitor General.
05:57Wala pang pahayag si Alfonso kaugnay sa insidente.
06:02Mga kapuso, isang bagong low-pressure area ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
06:13Namataan po yan ang pag-asa 2,295 kilometers silangan ng southern Mindanao.
06:19May tsansa itong maging bagyo at posibleng pumasok ng PAR bago mag-weekend.
06:25Kung sakali, tatawagin niya na bagyong ramil.
06:28Sa ngayon, Easter Least ang magdadala ng mainit na temperatura at pag-uulan sa Luzon at Visayas.
06:35Mas makakaasa sa maayos na panahon ang Mindanao pero posibleng pa rin ang mga local thunderstorm.
06:42Sa mga susunod na oras, maraming bahagi pa rin po ng bansa ang uulanin.
06:46Kaya maging alerto sa heavy to intense rains na maaari hong magdulot ng baha o landslide base sa rainfall forecast ng metro weather.
06:56Magkasunod namang nag-alboroto ang dalawang bulkan sa bansa nito pong weekend.
07:04Nagkaroon po ng ash emission o pagbuga ng abo ang bulkan Kanlaon sa Negros Island umaga kahapon.
07:12Nagtagal po yan ng kalahating oras.
07:15Ayon sa FIVOX, nagkaroon ng ash emission dahil sa paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.
07:21Nananatili sa alert level 2 ang Kanlaon.
07:24Ang bulkang Bulusa naman sa Sorsogon, nakitaan po ng FIVOX ng pagtaas ng seismic activity nitong weekend.
07:32Nagkaroon ng 72 volcanic earthquakes doon mula hating gabi hanggang umaga ng Sabado.
07:39Aabot naman sa 25 ang pagyanig kahapon.
07:44Nananatili sa alert level 1 ang Bulusa.
07:46Nagkatensyon ang mga ralihista at pulisya sa Makati-Saquinos protesta laban sa Administrasyong Marcos at umanay katiwalian sa gobyerno.
07:59Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang Malacanang tungkol po sa protesta.
08:03Balitang hatid ni EJ Gomez.
08:05Hanggang kailan kayo maging bingibingihan? Hanggang kailan kayo magbulag-bulagan sa nangyayaring panakawan sa ating bansa?
08:17Yan ang paulit-ulit na sigaw ng mga grupong magdamagang nagprotesta laban sa Administrasyong Marcos at sa umanay korupsyon sa gobyerno.
08:27Panawagan nila ibalik ang mga ninakaw na pera ng taong bayan.
08:33Ang mga kasama sa rally unang nagmarcha mula Maynila patungong Makati City.
08:38Kabilang si Cavitee 4th District Representative Kiko Barzaga.
08:43Araw-araw daw nilang gagawin ang protesta sa harap ng mga pinakamayayamang subdivision kung saan nakatira umano ang mga congressman.
08:51Ngayon sila naman yung makakaramdam ng feeling na yung kalaban nila, yung mga naghanap ng hostesya ay nasa labas na ng mga gates nila.
09:02Panawagan niya sa Pangulo.
09:07We believed in you, all of us did actually. We all thought you would make things better but things are not better.
09:12Sobrang dami nang nawala ng tiwala sa kanya and I think it's time for him to resign.
09:17Kailan pa kayo magising sa katotohanan? Walang nakasaad sa konstitusyon natin na kampihan ninyo ang mga politikong magnanakaw.
09:25Magka alas 12 ng hating gabi, dumating ang dagdag ng mga polis.
09:30Pasado alas 12 e medyo kanina, bumuhos ang ulan.
09:34Unti-unting nabawasan ang mga nagpo-protesta hanggang umabot na lang sa humigit kumulang 50 ang natira.
09:40Kabilang sa kanila ang dalawang senior citizen.
09:43Nang magsimulang mag-ingay muli ang mga nag-protesta, nagbarikada muli ang PNP.
09:49Namuo ang tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga polis.
09:53Hindi nabing kayo sasaktan! Huwag ka lang manulap!
09:58Ayon sa PNP, humigit kumulang 200 polis ang nakadeploy sa magdamagang protesta ng nasa 200 raliyista.
10:06We are observing maximum tolerance. But the problem is, wala namang humaharap na organizer.
10:12We are trying to prevent them from getting close to the gate.
10:16Kasi mga private property. Anyway, nalabas naman nila yung kanilang hininaing.
10:23Pasado alas 3 naman, nagsindi ng kandila ang mga nag-protesta para sa kanilang prayer vigil.
10:30EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:36Hulikam sa isang restaurant sa Las Piñas, kumuha ng pambayad ang babaeng customer na yan at saka inilagay ang kanyang wallet sa bag.
10:44Habang nakikipag-transaksyon siya sa counter, isang lalaki ang pumasok sa kainan.
10:49Habang nakatalikod ang customer, kinuha ng lalaki ang wallet ng babae, itinago sa damit at tumakas.
10:56Kwento ng biktima sa polisya, may laman itong mga ID at 2,000 pisong cash.
11:02Nakapag-report na rin ang biktima sa katabing barangay kung saan nangyari ang insidente.
11:07Kwento ng mga otoridad doon, may mga nakilala silang rao sa magnanakaw na patuloy na tinutugis.
11:14Wanted po ngayon sa Quezon City ang magkapatid na nang-hold up umano at namaril sa may-ari ng isang tindahan.
11:25Na-aresto naman ang isang babaeng nang hanang umano sa mga polis na tumutugis sa mga sospek.
11:31Balitang hatid ni James Agustin.
11:33Kuha ang tagpong ito noong October 8 sa loob ng isang tindahan sa barangay Katipunan, Quezon City.
11:45Nagdeklara ng hold up ang dalawang lalaki na nakasuot ng pulang t-shirt at face mask.
11:50Ilang saglit pa, umaling-aungaw ang putok ng bari.
11:56Napaupong lalaki may-ari ng tindahan.
11:59Ang mga hold uper kinuha ang kanya mga alahas.
12:01Mabilis na tumakas ang mga sospek.
12:04Sugatan ang may-ari ng tindahan na tinamaan ng bala ng baril sa kanyang kanang hita.
12:08Itong suspect number, umanag-declare ng hold up.
12:12Ito naman si suspect number ito, binarelease siya kasi nag-resist siya na ibigay yung mga golds na bracelet tapos necklace niya na worth 60,000.
12:25Sa follow-up operation ng pulisya, natuntun sa risalang apartment unit kusana ninirahan ng mga sospek na napagalam ang magkapatid.
12:32Yun nga lang bigong maaresto ang dalawa.
12:35Matapos sumanungharangin ang babaeng kinakasama ng isa sa mga sospek ang mga pulis.
12:42Inaresto ng mga pulis ang 32 anyo sa babae.
12:45Nag-andak tayo ng backtracking and forward tracking CCTV footage.
12:51Natuntun natin na yung may-ari ng motorcyclo na ginamit nila sa getaway vehicle, pinsan ang mga sospek.
13:02Nag-andak tayo ng hot pursuit operation sa barangay San Isidro, Montalban, Rizal.
13:11Nakukuha mula sa apartment unit ang dalawang improvised na bari na nakatago malapit sa lamesa.
13:16May nakita rin umanong ilang explosive device.
13:19Patuloy na tinutugis ang pulisya magkapatid na sospek.
13:22Ang isa ay dati nang may kasong may kinalaman sa iligala droga,
13:26habang ang isa pa ay napagalamang may labing apat na kaso ng rabirate car napping.
13:29Nakakulong ngayon sa masambang polis station na mabayang inaresto,
13:33na naarap sa mga reklamang obstruction of justice,
13:36illegal possession of explosives,
13:38at paglabag sa Comprehensive Firearms and Unimination Regulation Act.
13:41Sa korte na lang po ako nagsasalita po.
13:47James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:52Ito ang GMA Regional TV News.
13:56Mainit na balita mula sa Luzon,
13:59hatid ng GMA Regional TV.
14:02Mahigit limampung estudyante ang sunod-sunod na dinala sa ospital sa mga tarempang gasinan.
14:08Chris, ano ha ang sabing nangyari doon?
14:14Tony, dinala sila sa ospital matapos mahilo at mahirapang huminga.
14:19May ilan pang nawala ng balay.
14:20Sa inalabas sa pahayag ng lokal na pamahalaan, lumalabas sa findings sa mga doktor na posibeng dahil yan sa heat exhaustion, hyperventilation, pati na anxiety.
14:30Sa ibestigasyon ng pulisya, wala namang kemikal na nalanghap ang mga estudyante na nag-einsayo raw noon ng sayaw.
14:37Piniyak naman ang Department of Education Region 1 na maganda ang ventilasyon sa mga classroom ng paaralan.
14:43Maayos na ang kalagayan ng mga estudyante.
14:47Arestado naman ang isang dalaking ng halay-umano sa siyam na taong gulang na bata na anak ng kanyang kinakasama sa Baras Rizal.
14:55Ay sa pulisya, November 2022, nang simula ng sospek ang pang-aabuso sa Bikima.
15:01Paulit-ulit pa raw itong nangyari batay sa salaysay ng bata.
15:042024, nang sampahan ng reklamo ng ina ng bata ang sospek nang makumpirma sa mediko-legal ang pang-aabuso.
15:12Itinanggin naman ang dalaki ang paratang laban sa kanya.
15:15Anya, gawa-gawa lamang ito ng bata.
15:18Inutusan umano ang biktima ng kanyang lolo at lola na hindi pabor sa relasyon nila ng kanyang kinakasama.
15:24Pero telewas daw ito sa reklamong physical abuse na isinampas sa kanya ng mga magulang ng kaliv-in.
15:31Nakulong na ang dalaki sa Baras Municipal Police Station.
15:35Namaharap sa mga reklamong rape at act of lasciviousness.
15:39Nananatili sa puder ng kanyang ina ang biktima na sumasa ilalim na rin sa psychological test.
15:45Ayon sa MSWD, maayos na ang lagay ng biktima na patuloy nilang minomonitor.
15:49Sa nakalipas na dalawang linggo, kabi-kabilang malalakas na lindol ang naramdaman sa iba't-imang bahagi ng Pilipinas.
16:06Noong September 30, tinamaan ng magnitude 6.9 na lindol ang Bogo, Cebu, na sa pinakahuling talapo ay nag-iwan ng 75 patay.
16:16Umaga naman itong October 10, isang magnitude 7.4 na lindol ang yumanig sa Manay Davao Oriental.
16:25Kinagabihan, isa pang lindol na magnitude 6.8 ang tumama sa bayan.
16:30Isa raw itong doublet ayon sa FIVOX.
16:33Ibig sabihin, magkasunod itong lindol sa halos parehong lugar pero magkaiba ang epicenter nito.
16:40Walo po ang nasawi sa lindol na yan sa Davao Oriental.
16:44Kinabukasan, nakaranas ng 5.5 na aftershock ang bayan ng Manay.
16:49Mahigit isang oras bago yan, ay tumama namang ang magnitude 5.1 na lindol sa Botolan, Zambales.
16:57Gabi noong araw din iyon, magnitude 6 na lindol ang yumanig sa Kagawit, Kawagit, Surigao del Sur.
17:07Kanina pong pasado alauna ng madaling araw, muling nagkaroon ng malakas na aftershock sa Bogo, Cebu.
17:13Magnitude 5.8 ang lakas po niyan.
17:17Hindi tulad sa Manay, Davao Oriental, hindi raw doublet ang lindol na ito at ang naunang lindol noong September 30 sa Bogo, Cebu.
17:25Ayon sa FIVOX, may hindi bababa sa 30 lindol ang naitala sa Pilipinas kada araw.
17:31Kaya normal lamang daw na may sunod-sunod na malalakas na lindol sa bansa.
17:36Buha po tayo ng paliwanag na eksperto tungkol dyan.
17:42Kausapin po natin si FIVOX Director Dr. Teresito Bakulkol.
17:46Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali, sir.
17:49Yes, magandang umaga din po sa inyo, ma'am. Thank you for having me here.
17:52Opo, ano po bang eksplenasyon? Bakit sunod-sunod po yung mga nararamdamang lindol sa bansa nito pong mga nakalipas na araw?
17:58Okay, so again, wala po tayong kakaibang pattern o season dito sa mga lindol.
18:06Ang mga lindol ay nangyari po yan kapag naiipon at biglang nailabas ang stress sa mga fault and trenches natin.
18:15So it just so happened na sa mga nitong nakarang araw, pareho mas aktibo ang segment of the Philippine Trench at yung iba pa nating fault sa Luzon at Visayas.
18:27Again, this is normal for a country like the Philippines which is part of the Pacific River.
18:32And since we also have many active faults and trenches, there is always this possibility na pwedeng magkasabay or kung hindi man magkasabay, magkakasunod ang paglindol.
18:43I see. So sinasabi nyo, normal nga po itong mga paggalaw na ito.
18:46Pero dati rin ho ba, magkakasunod na rin na nangyari yung mga lindol sa ating bansa mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.
18:55Sa loob lamang po ng halos dalawang linggo?
18:58Well, kung tutuusin natin, every day we record at least 30 earthquakes a day spread all over the country po yan.
19:05So most of this kasi hindi naramdaman ng mga tao.
19:09It just so happened that this time, naramdaman ng mga tao.
19:13Kaya akala nila hindi ito normal.
19:17Hindi ito normal kasi nga ngayon lang nila naramdaman na sunod-sunod.
19:20But if we look at the earthquakes natin, every day, every single day, lahat yan spread all over the country.
19:27I see. At sinasabi nila, talagang mga aftershocks po, inevitable na mararanasan.
19:33Pero gano'ng katagal pa ho ba daw at medyo malalakas din yung aftershocks na iba?
19:37Okay, so depende po ito sa laki ng main earthquake.
19:43So sa kaso ng, for example, sa 7.4 na event ng Davao, we would expect aftershocks to be around 6.4.
19:52Ito po yung pwede na i-generate.
19:54Now, sa Cebu naman, 6.9.
19:58It's 5.9 ang pwede na i-generate ng maximum aftershocks.
20:02And these aftershocks would last for several days to even several weeks.
20:06But habang tumatagal naman, kumukunti yung numbers and humihina po yung aftershocks.
20:11I see. At yung mga aktibidad po ng Bulkang Kanlaon at Bulusan,
20:15ano naman ho ang paliwanag din nyo, nagkataon lang ho ba na nakasabay pa ng lindol ito?
20:22Even before nagkakaroon ng malalakas na paglindol for the past week,
20:26eh, yung Bulusan ng Taal naman, ang Kanlaon, even Mayon,
20:32na always been acting up kasi meron silang alert level.
20:36Taal Volcano, Bulusan, and Mayon ay nasa alert level 1.
20:41And Taal, Mayon, Kanlaon Volcano is nasa alert level 2.
20:45At yung sinasabing volcanic earthquake, iba pa po ito doon sa lindol po na nararanasan sa mga falls at trenches po natin.
20:52Yes, yung sa falls and trenches natin, tinatawin natin yung tectonic earthquakes.
20:57Dito naman sa mga vulkan natin, tinatawin natin yung volcanic earthquakes.
21:01Okay, linawin po natin, sir, dahil maraming kumakalat na kung ano-ano mga balita.
21:05Sabi nung ilan, hudyat daw ba at senyales na na magkakasunod na lindol na ito yung malapit ng tumama ang the big one?
21:12Hindi po. Agay, ang mga lindol na nagalap from the previous days ay magkakaiba ang pinagmulan at magkakalayo ang lokasyon.
21:19So, ang malakas na lindol sa Daba Oriental ay, again, it came from the Philippine Trench.
21:25Yung sa Zambales naman, sa Leyte, sa Surigao, del Sur ay mula naman sa iba't ibang earthquake generators, pati na na yung sa Cebu.
21:33So, ibig sabihin, independent at walang direct ang koneksyon po yung ating mga active faults.
21:39So, ang pagyanig sa isang lugar ay hindi nagpapahihwating na susunod na ang lindol sa iba pang fault.
21:45Dahil bawat fault ay may sariling galaw at kondisyon sa ilalim ng lupa.
21:48Okay, at bilang paalala sa ating mga kababayan, ano ho ang unang-unang dapat na oras na maramdaman ho ng pagyanig?
21:56Ano yung mga gagawin para makaiwas na rin po tayo dun sa mga singdami po ng mga eksperto ata na nakikita natin sa social media?
22:04Diba, sir? Ano ho, manggaling na ho sa inyo?
22:07So, una natin gawin, kapag may malakas na pagpagyanig, we do the drop cover and hold and then we stay put.
22:15And we stay there until the shaking stops and then we evacuate.
22:18And then second, huwag po tayong maniwala sa mga kumakalat ngayon.
22:21Katulad po, sinasabi nyo, dumadami yung mga experts.
22:24Palaging ganyan yan, every time there is, like say, a volcano eruption, a volcanic eruption, dumadami yung mga volcanologists natin.
22:34Ganito, dumadami yung lindol, dumadami na rin yung mga earthquake experts natin.
22:38So, huwag po silang maniwala, lalo na yung sa mga manggula.
22:41Huwag po silang maniwala dyan.
22:43Wala pong technology that can tell us when an earthquake would happen.
22:46They get the information only from our institute, which is the mandated agency.
22:52Again, wala pong technology right now that can tell us exactly when an earthquake will happen.
22:58Okay, ito lang din ho paglilinaw.
23:00Kasi may mga kumakalat din sa social media na dapat daw dun sa mga nakatira sa tabing dagat,
23:05eh dapat magbilang daw ng 20 segundo para malaman kung may possible na tsunami.
23:10Ano ba ang totoo dyan o ano ba ang dapat gabay sa mga kababayan po natin?
23:16Hindi po yan totoo.
23:18Ang dapat lang gawin kapag may tatlong natural signs of an impending local tsunami.
23:25So, una, kapag may malakas sa shaking na halos hindi ka na makatayo.
23:30Second, kapag nagpansin mo na nag-resid yung dagat.
23:33And third, kapag may narinig ka na roaring sound o dumagundong na sound coming from the sea,
23:40kahit isa man lang dito sa tatlo ang iyong ma-observe,
23:42then you have to move to a higher place immediately.
23:45Hindi, hindi yung maghintay ka pa ng 20 seconds.
23:48You have to evacuate immediately to a higher place kasi baka po magkaroon ng tsunami.
23:53Huwag pong, kapag napansin po na may nag-resid na ng dagat,
23:56huwag pong kayong kumuha ng cellphone.
23:59Tatlo ka agad.
24:00Oo, huwag naman mag-content-content pa, no, sir?
24:03That's right.
24:03Maraming po salamat sa pagtulong nyo sa amin sa paglaban sa fake news.
24:08Ayan po naman si FIVOX Director Dr. Teresito Bakulkol.
24:12Update tayo sa panunumpan ni dating PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. bilang bagong special advisor
24:25at investigator ng Independent Commission for Infrastructure.
24:29May ulat on the spot si Joseph Mono.
24:31Joseph?
24:32Yes, Connie, i-imbestigahan na ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
24:41ang iniulat ng DPWH sa 421 na mga suspected flood control projects sa buong bansa.
24:47Yan nga ay nangyari at inanunsyo ng ICI sa oath-taking nitong si ICI Special Advisor at Investigator
24:54dating Police General Rodolfo Azurin.
24:55Ayon sa ICI, ang 421 na suspected ghost projects ay galing sa 238,000 na mga infrastructure projects
25:04sa buong bansa mula taon 2016 hanggang 2024.
25:08Connie, meron namang halos 30,000 na mga flood control projects sa bilang na yan.
25:14At 8,000 ang nabavalidate na.
25:16Karamihan naman dun sa 421 na mga proyekto ay nasa Luzon na may 261 suspected ghost flood projects
25:24sa Visayas na may 109 at sa Mindanao na may 51 projects.
25:29Ayon kay General Azurin ay sa loob ng isang buwan ay inaasahan na makapag-refer na sila
25:34ng mga reklamo sa ombudsman.
25:36Samantala, ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka,
25:40kung hindi sisipot si dating ako, Be Called Part of the Representative Saldi Coe,
25:43sa pagdinig bukas ay maghahain sila ng petisyon sa Regional Trial Court na isight siya sa contempt.
25:51Kapag napagbigyan ng RTC ang petisyon, ay maaaring maglabas ang korte ng arrest warrant laban kay Coe.
25:58Narito ang pahayag ni Atty. Josaka.
26:01That's the process because as I mentioned before, there's no contempt powers by the ICI.
26:06So the process there is pupunta kami sa korte.
26:10Maraming salamat, Joseph Morong.
26:12Sa punto pong ito ay kausapin natin ang bagong panumpang special advisor
26:16at investigator ng Independent Commission for Infrastructure,
26:20si dating TNP Chief Rodolfo Azurin Jr.
26:23Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hallie, sir.
26:26Connie, magandang umaga at thank you very much.
26:31Maraming pong salamat sa inyo pong oras.
26:33Unang-una sa lahat, ano bang inyong target o prioridad na gawin sa ICI?
26:39Ngayong opisyal na ho kayong nanumpa bilang special advisor at investigator.
26:44Bali, ayon sa aming coordination dito, umpisan muna namin ang lahat ng mga investigasyon natin sa mga flood control projects
26:54from GOES to substandard to unfinished to overpriced.
26:59At syempre maraming hong nananawagan ng mga kababayan natin na sana maisa publiko po ang ginagawa investigasyon o hearing ng ICI.
27:08Kayo ho ba, ano ho ang personal na posisyon nyo tungkol po dito?
27:12Sa ngayon kasi we have yet to see yung mga witnesses, yung mga nagbo-volunteer, especially yung mga nagbo-volunteer ng mga witnesses.
27:24Kasi baka itong mga ito ay medyo, yung credibility nila ay medyo questionable or mapasukan tayo ng mga, sinasabi nga ng mga Trojan horse,
27:35that would affect po yung credibility and integrity po ng ginagawang investigation po ng ICI po.
27:42But eventually, are you open na at least dito sa sugestyon po ng marami na gusto nilang makita for an open and transparent investigation?
27:52I think, isa po yan sa mga kinukonsider po ng ating chairman na si Commissioner Andy Reyes.
28:00But as of now nga po, medyo we really need to assess and evaluate po.
28:05So, yun pong gagawin po natin parang live stream yung investigation na kinakandak po ng ICI po.
28:15At sir, syempre marami rin nagtatanong, dati rin ho kayong PNP chief,
28:19papaano ho magiging kumbaga bala para po sa pag-iimbestigan ninyo yung inyong source siguro bilang dating PNP chief?
28:29Sa papaano paraan?
28:30So, yun nga po eh. Unang-una po, gusto ko pong i-correct ka, no?
28:35Yun pong aking designation is special advisor po. Hindi po ako yung investigator.
28:42But I'm always at the disposal po ng ating chairman na si Commissioner Andy Reyes.
28:50So, ang pinaka-roll ko po dito dahil nga sa dami po ng mga i-imbestigahan is more on,
28:57ako po yung parang liaison or coordinate sa AFP, PNP, as well as sa National Bureau of Investigation.
29:06As well as siguro kung utusan po niya po na mag-handak po ng intel gathering.
29:12So, gagawin po po natin lahat yan dahil mayroong memorandum po na ibinigay po sa atin ang office ng ating executive secretary
29:21dated September 29, 2025 wherein nakalagay po dun sa direktiba niya na lahat po ng mga departamento
29:30at mga head of agencies and bureaus are directed po na makipag-cooperate po o makipag-tulungan po sa lahat po ng mga kapangangailangan po
29:40ng ICI pagdating po sa pag-iimbestiga po nitong mga flood control projects as well as mga iba pong mga infrastructure po na ginawa po ng DPWA.
29:55So, ang gagawin mo lang po natin dito is we ensure po na lahat po ng itatak po ng ating mga agencies
30:02ay sisiguraduhin po natin na yung kalalabasan po ng kanilang validation, verification,
30:08validation ng mga ebidensya po ay naayon po sa, yun pong wala pong question-question po na yung integrity po ng mga ito ay valid solid po at saka maganda po.
30:22Sir, maraming salamat po sa inyong pagtatama. So, right now, ang inyong posisyon ay ICI special advisor and not as an investigator?
30:33Opo. Para magiguanan po tayo. But sabi ko nga, kung ano po yung iutos po sa atin ng ating commissioner,
30:41eh, siyempre gagawin po natin kasi nakalagay naman po doon na, ano, I may be directed, di ba?
30:47Yes.
30:48The tasking na nakikita po ng ating chairman kung saan po ako pwedeng makakatulong pa po.
30:56Opo. At yung intel siguro ninyo, yung background ninyo bilang PNP chief, kaya siguro naisip na baka investigator din, ano, sir?
31:03Pero, eto po, yung inaasahang pagharap ni dating house speaker Romualdez, ano po ang ating update dyan?
31:11Particular na, dahil din po may inaasahan din po tayo na maaaring magbigay po ang korte ng arrest warrant kay Zaldi ko, ano po ang update?
31:20Of course, ang preparation po natin dito is, yun pong more on sa physical, ano yung security po na igagawad po natin sa ating dating speaker of the house.
31:33And at the same time, we will ensure po na lahat po ng joke courtesy ay bibigay po sa kanya.
31:40At lahat po na ang gustong tanongin siguro ng ating mga commissioners, they will be asking question po sa ating dating speaker po.
31:51Okay. At ano na lang siguro ang inyong mensahe sa pangkalahatan, ano?
31:55Para po sa nagsasabi na maaaring maapektuhan po ang sitwasyon siguro ng pagtingin ng taong bayan sa ICI,
32:03the longer, siguro na hindi po na isa sa publiko yung hearing, ano po ba, gano'k kasolid ang magiging pagtatrabaho po ng ICI
32:14para sa lalong madaling panahon ay mapanagot po ang mga may sala?
32:18Ito po, base po sa aking maikli po na stay dito before I accepted my position,
32:26we really need to trust po itong tatlong commissioners na itinalaga po ng ating mahal na pangulo
32:32para po imbestigahan po itong mga anomalya na ito because with the directive po ng executive secretary natin
32:40na gagamitin po lahat po ng pwersa ng pamahalaan na kailanganin po ng ICI under kay Commissioner Reyes,
32:50I don't see po any reason na pagsuspesahan po natin ang kredibilidad, integridad po ng ICI
32:59considering po na kung titignan po natin ang mga personalidad
33:03from our chairman, si chairman Andy Reyes, si dating secretary Babe Simpson
33:12and of course si Ma'am Rosana Fajardo, siguro po ibigyan po natin sila ng todo-todong tiwala
33:19na hindi naman po siguro sila nag-retiro o inabot yung ganong mga pwesto sa kanilang karir
33:28na yun pong integridad nila ay ka-questionin po natin.
33:32Let us trust po na ano, kasi sila po ay gusto po nila na maging maayos po ang mga kaso na isasampa po
33:40at maiwasan po yung nangyari po na mga kaso na naranasan po natin dun sa Napoles case.
33:48For in, ang napangarusahan lang po sa ngayon ay si Napoles, yun pong mga inaakusahan po
33:55na mga matatas po ng mga opisyalis ng gobyerno ay hindi po sila nagkaroon po ng kaso.
34:02So, ito po ay pakiusap ko po bilang advisor na magtiwala po tayo sa kanilang tatlo.
34:10Okay, pero ito, para po patungkol lang sa inyo, kasi meron pong mga sariling mga batikos din sa pagkakatalaga po sa inyo
34:17given may history din po kayo na mga iba pa pong nagsasabi ng mga dating kaso.
34:23Ano naman po ang inyong pagsisiguro na kayo po ay magiging patas?
34:27Ang sa akin po ay siguro po ay makikita naman po natin na wala akong katotohanan po.
34:34Yung lahat po na mga ibinibintang sa akin, wala naman hong kaso po na naisampa po sa akin
34:40but up to this time po, I am willing po to face kung anong man po yung kailangan kong sabutin sa mga ibinibintang ko sa akin.
34:49Alright, marami pong salamat sir sa inyo pong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Hali.
34:54Yan po naman si ICI Special Advisor Rodolfo Azurin Jr.
34:58Thank you po, Ma'am Connie.
35:00Thank you, sir.
35:01Ito ang GMA Regional TV News.
35:08May iinit na balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
35:13Pinambanga ng riding in tandem ang isang pamilya sa Raja Buwayan, Maguindanao del Sur.
35:19Cecil, kamusta ang mag-ana?
35:23Connie dead on the spot ang ina matapos ang ambush.
35:27Nakaligtas naman ang kanyang mister at anak nilang tatlong taong gulang matapos pumalya ang baril ng gunman.
35:34Base sa imbestigasyon, bumabiyahe ang pamilya sakay ng tricycle nang dikitan sila ng riding in tandem sa barangay Sapakan.
35:42Hinikilala pa ang mga salarin at inaalam pa ang motibo sa krimen.
35:47Beep, beep, beep sa mga motorista.
35:56Dagdag bawas ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
36:00Ayon sa shell, clean fuel at petrogaz, may taas sa kada litro ng gasolina na 30 centavos.
36:07Wala namang pong paggalaw sa diesel.
36:09May rollback naman ang shell sa kerosene na 20 centavos kada litro.
36:14Simula po bukas, sinatay ang 49 pesos hanggang mahigit 66 pesos ang kada litro ng diesel sa mga gasolinahan sa Metro Manila.
36:23Mahigit 50 pesos hanggang mahigit 71 pesos naman ang gasolina.
36:28Habang hano 74 pesos hanggang mahigit 90 pesos naman ang kerosene.
36:35Tatlong barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang binomba ng tubig ng China kahapon ayon sa Philippine Coast Guard.
36:43Sa kabila po nito, hindi raw naitabuhay ng China ang mga barko ng Pilipinas sa Pag-asa Island.
36:49May ulat on the spot si Jonathan Andal.
36:52Jonathan?
36:54Yes, Connie. Sobrang lapit ng China Coast Guard kahapon sa Pag-asa Island.
36:591.6 nautical miles o halos 3 kilometro lang ang distansya nila sa Pag-asa Island.
37:04Nang bombay ng tubig ang barko ng Bifar doon.
37:07Sabi ni Commodore J. Tariela ng Philippine Coast Guard, ito ang unang beses na dumapit ng ganito ang China sa isla ng Pag-asa na may 500 residente.
37:16Dati raw kasi hanggang sa mga sandikay lang ng Pag-asa nang hahabol ang China.
37:20Kaya ikinagulat daw ito at ikinabahalan ng TCG, lalo't paglabag daw ito sa soberanya ng Pilipinas.
37:265 barko ng China Coast Guard ang namataan kahapon malapit sa Pag-asa Island.
37:29Meron ding nakitang barkong pandigma ng China at isang helicopter ng kanilang army.
37:35Labing lima naman ang nakitang Chinese Maritime Militia.
37:38Nagpadala na raw ang PCG ng report sa National Task Force for West Philippine Sea
37:42at ahayaan na ang DSA na maghahin ang diplomatic process tungkol dito.
37:46Kanina ay pinakita ng PCG and drone video ng paghabol at sadyang pagbangga ng China sa BRT dato pagbuwaya ng Bifar
37:53na dalawang beses pang binomba ng tubig ng China Coast Guard 21559.
37:59Nayupi ang deck ng barko ng Bifar pero hindi naman daw ito naka-apekto sa seaworthiness o sa paglalayag ng barko.
38:06Pati raw Chinese maritime militia nakuha na at naglabas din ang water cannon kahapon.
38:10Sa kabuuan, tatlong barko ng Bifar ang binomba ng tubig ng China.
38:14Aminado naman ang PCG na wala silang barko sa Pag-asa Island nang mangyari ang pangaharas ng China sa Bifar.
38:20Ang tatlodo kasi nilang barko nakabantay naman sa Eskoda Shoal, Recto Bank at Union Bank.
38:26Nagtungo sa karagatan ng Pag-asa Island ang Bifar para mamigay ng ayuda sa mga mangying isga roon.
38:31Pumalag naman ang PCG sa sinabi ng China na naitabuhin nila sa Pag-asa Island ang mga barko ng Pilipinas.
38:38Sabi ng PCG matapos ang pangaharas na natili pa sa Pag-asa Island ang barko ng Bifar bago umalis patungong Eskoda Shoal.
38:45Narito ang pahayag ni Commodore Jake Tariela ng Philippine Coast Guard.
38:50I don't think that they expelled the Philippine vessels.
38:53The mere fact that we never deported Pag-asa right after the incident.
39:00This is the closest that the Chinese Coast Guard harassed and bullied Bifar vessel.
39:07It only has a distance of 1.6 to 1.8 nautical miles.
39:10Yan muna ang latest mula rito sa tanggapan ng Philippine Coast Guard. Balik tayo, Connie.
39:18Maraming salamat, Jonathan Andal.
39:20Mga kapuso, maging mapanuri sa mga nababasang class suspension announcements online para hindi ho kayo maloko.
39:33Mali po kasi yung kumakalat na post online na nagsasabing walang pasok sa lahat ng antas sa public at private schools sa Pilipinas ngayong araw dahil sa dumaraming influenza-like illnesses.
39:44Fake o hindi po yan totoo?
39:47Huwag rin humbasta-basta i-click ang link na nasa caption ng post.
39:52Ito po ang lehitimong anunsyo mula sa Department of Education, NCR.
39:57Suspendido po ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa National Capital Region hanggang bukas, October 14.
40:05Yan ang fact.
40:06Ayon sa DepEd, ito'y para bigyang daan ang disinfection at sanitation sa mga paaralanan.
40:12Gayun din, inspeksyonin ang mga gusali, munsod po ng sunod-sunod na lindol sa bansa.
40:18Alternative learning modality muna ang ipatutupad ngayong health break.
40:23May kanya-kanyang anunsyo rin po ang iba pang LGU.
40:26At paalala po mga kapuso, laging tingnan sa official website o platforms ang lehitimong media outlets.
40:32Ang mga anunsyo ng walang pasok.
40:36Huli kam na sensitibong video sa Alaminos, Pangasinan.
40:43Nagpapahinga ang alagang asong yan sa gilid ng kalsada sa Barangay San Vicente.
40:48Huminto ang isang SUV at may naghagis ng pagkain sa aso.
40:52Maya-maya, bumaba po ang lalaking nagpain ng pagkain.
40:57Gamit ang hawak na pamalo, hinampas niya ang aso.
41:00Humataw pa siya ng isang beses pagkatapos ay tinangay ang aso.
41:05Na i-report na po ng may-ari ng aso ang insidente sa kanilang barangay.
41:10Pinutukoy pa ang suspect.
41:14Nagbabala ang Department of Justice na sasampahan nila ng reklamo ang mag-asawang diskaya
41:19kung walang makitang satisfactory sa kanilang inilalahad kaugnay sa maanumalyang flood control projects.
41:25May ulit on the spot si Salima Refrain.
41:28Salima?
41:33Connie, wala pa ngang isinusumiting tell-all affidavit ang mag-asawang Pasifiko Curley at Sara Descaya
41:39ayon sa Department of Justice kaugnayan na maanumalyang flood control projects.
41:43Taliwas yan to sa sinabi ng abogado ng mag-asawa.
41:46Ayon kay DOJ Officer in Charge, Undersecretary Frederick Vida,
41:53hindi pa masaya ang DOJ sa mga nilalahad na mag-asawa sa mga ginagawang case build-up
41:58at evaluation para sa witness protection program.
42:01Kung wala raw silang makitang satisfactory sa mga nilalahad ng mga diskaya,
42:05handa raw silang maghainan ang mga karampatang reklamo laban sa kanila.
42:10May timeline na raw silang tinitignan at posibling mangyari ang paghahain ng mga reklamo sa mga susunod na linggo.
42:17Kasabay raw kasi ng case build-up,
42:18nagsasagawa na rin ang sariling investigasyon at pangangalap ng ebedensya,
42:22ang PNP at NBI.
42:25Ang mga binabanggit naman daw ng mga pangyayari ay dinadaan na sa proseso ng verifikasyon.
42:31Narito ang bahagi ng panayam kay DOJ OIC, Undersecretary Frederick Vida.
42:36Kala po po tayo yung estado na masaya na ang kagawaran,
42:41sakalang inilalahad.
42:43If we don't find something satisfactory,
42:46we will file the appropriate cases.
42:49With or without the state witnesses.
42:53We will build the cases based on the evidence we have.
42:56But what the public, what we can assure the Filipino people is that
43:00we will only file strong cases.
43:06Samantala, Connie, sinusubukan pa ng GMA Integrated News
43:13na makuha ang panig ng mag-asawang diskaya.
43:16Yan muna, latest, bulanga dito sa Department of Justice sa Maynila.
43:20Connie.
43:20Marami salamat sa Lima, Refran.
43:24Samantala, nagsori si Securities and Exchange Commission Chairman Francis Lim,
43:29kaugnay sa maling pahayag niya na bumagsak ng trilyong piso
43:32ang halagaan ng mga kumpanya at investment sa Philippine Stock Market.
43:37Sa isang forum noong October 8,
43:38sinabi kasi ni Lim na bumagsak ng 12%
43:41o nasa 1.7 trillion pesos
43:44ang halagaan ng mga kumpanya sa Philippine Stock Exchange
43:48sa loob ng tatlong linggo dahil sa isyo ng katiwalian.
43:51Tinawag yang fake news ni Presidential Advisor on Investments
43:55and Economic Affairs Frederick Goh.
43:571.4% lang daw ang ibinabang halagaan ng market value
44:02at hindi 12%.
44:04Wala rin daw umatras na dayuhang investor
44:06dahil sa kawalan ng tiwala sa bansa.
44:09Depensa ng SEC Chairman,
44:11naniwala siya noon na credible ang report na nabasa niya.
44:15Hindi po totoo ang report.
44:17Gusto lang daw ni Lim na bigyang diin ang halaga ng integridad
44:20at ang malaking epekto ng katiwalian sa kumpiyansa ng mga investor.
44:25Nilinaw rin ni Philippine Stock Exchange President and CEO Ramon Monzon,
44:29185 billion pesos ang nawala sa merkado sa loob ng tatlong linggo
44:34at hindi 1.7 trillion pesos.
44:38Ngayon man, sangayon siya sa pahayag ni Lim
44:41na nakaka-apekto sa ekonomiya ang isyo ng katiwalian sa bansa.
44:45The long wait is definitely worth it
44:51para sa newest milestone ni Kapuso Drama King
44:54at sanggap dikit for real star, Dennis Trillo.
44:58Si Dennis na nakakuha ng Best Actor sa 48 Gawad Urian
45:01para sa GMA Pictures and GMA Public Affairs film na Green Bones.
45:06Ito ang first ever Urian Award ni Dennis.
45:09Chika ni Dennis, mas masarap talaga sa pakiramdam
45:11ang makatanggap ng karangalan, lalo ito'y pinaghirapan.
45:15Nakuha rin na Green Bones ang Best Production Design,
45:18kinilala as Best Picture, Best Documentary at Best Editing naman
45:22ang dokumentaryo ni direct J.L. Burgos na Alipato at Moog.
45:27Feeling special dahil ito yung first ever Gawad Urian acting award na napanalunan ko.
45:33Na-nominate yata ako noong 2004, pero ngayon ko lang talaga nakuha yung Best Actor award dito sa Orian.
45:42Kaya marami salamat, sobrang thankful para dito.
45:47Congratulations!
45:48Congratulations, Dennis!
45:49At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
45:5373 araw na lang, Pasko na!
45:56Ako po si Kuali Siza.
45:57Asaman nyo rin po ako, Aubrey Carampel.
45:59Para sa mas malawak na pagyulingkod sa bayan,
46:01mula po sa GMA Integrated News,
46:03ang News Authority ng Filipino.
Recommended
1:03:07
|
Up next
46:39
43:49
49:04
46:41
47:38
45:38
48:05
41:25
46:39
42:11
48:02
43:45
48:10
48:14
46:43
45:55
44:55
45:29
45:58
46:16
49:47
45:56
48:42
Be the first to comment