- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
-Tulay, inabutan ng rumaragasang baha; ilang residente, buwis-buhay pa ring tumawid
-Lola, sugatan matapos mabundol ng SUV habang tumatawid sa pedestrian lane
-DND: Paglapit ng China sa BRP Sierra Madre, posibleng may kinalaman sa military exercise ng Pilipinas at Australia sa Palawan
-PAGASA: 2 gates ng Magat Dam, nakabukas bilang paghahanda sa inaasahang ulan dulot ng LPA
-Hinihinalang profiteering o pananamantala sa presyuhan ng bawang, iniimbestigahan ng Dept. of Agriculture
-Pagbawi ni Hara Pirena sa brilyante ng apoy, ikinatuwa ng Encantadiks
-Pinoy hotel workers, kailangan sa Croatia; government-to-government recruitment, target ng DMW
-Bata, nalaglag mula sa tumatakbong utility vehicle
-Lalaking 9-anyos, patay matapos anurin nang biglang tumaas ang tubig sa kanal; kalaro niya at isa pang binatilyo, nasagip
-Barkong may sakay na halos 300 pasahero at crew, sumadsad habang bumibiyahe pa-Cebu City
-Kahalagahan ng digital economy at pagbabantay para hindi ito magamit sa panloloko, panawagan ni PBBM sa digital industry
-Kristoffer Martin, maayos na ang lagay matapos mabangga ng motorsiklo habang nagbibisikleta
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Lola, sugatan matapos mabundol ng SUV habang tumatawid sa pedestrian lane
-DND: Paglapit ng China sa BRP Sierra Madre, posibleng may kinalaman sa military exercise ng Pilipinas at Australia sa Palawan
-PAGASA: 2 gates ng Magat Dam, nakabukas bilang paghahanda sa inaasahang ulan dulot ng LPA
-Hinihinalang profiteering o pananamantala sa presyuhan ng bawang, iniimbestigahan ng Dept. of Agriculture
-Pagbawi ni Hara Pirena sa brilyante ng apoy, ikinatuwa ng Encantadiks
-Pinoy hotel workers, kailangan sa Croatia; government-to-government recruitment, target ng DMW
-Bata, nalaglag mula sa tumatakbong utility vehicle
-Lalaking 9-anyos, patay matapos anurin nang biglang tumaas ang tubig sa kanal; kalaro niya at isa pang binatilyo, nasagip
-Barkong may sakay na halos 300 pasahero at crew, sumadsad habang bumibiyahe pa-Cebu City
-Kahalagahan ng digital economy at pagbabantay para hindi ito magamit sa panloloko, panawagan ni PBBM sa digital industry
-Kristoffer Martin, maayos na ang lagay matapos mabangga ng motorsiklo habang nagbibisikleta
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Tabog na! Tabog!
00:03Nakukuha pang tumawid ng ilang sasakyan at residente sa tulay na yan sa Cagayan de Oro City.
00:08Sa kabila yan, nang rumaragas ang tubig sa ilalim nito sa Bigaan River.
00:13Maya-maya pa, inabutan na ng baha at halos hindi na makita ang tulay.
00:18May ilan pa rin buwis-buhay na tumiuwid dito.
00:21Pansamantalang inilagay roon ang tulay para pangguntungin ang mga barangay ng kugman at gusa
00:27habang ginagawa ang isang flood control project doon.
00:31Ang rumaragas ang baha mula raw sa mga pagulan sa kalapit na bulubunduking bahagi ng Libona, Bukidnon.
00:38Wala namang nasaktan sa pangyayari at humupan na rin ang tubig sa ilog.
00:45Sugatan ang isang lolang tumatawid sa pedestrian lane matapos makhit and run ang isang SUV sa Marikina.
00:50Balita hatid ni E.J. Gomez.
00:52Tumatawid ang isang babaeng nakapayong sa pedestrian lane sa A. Bonifacio Avenue sa Marikina City noong Sabado ng madaling araw.
01:02Maya-maya, dumating ang isang sasakyan at nabundol ang biktimang 74 anyos.
01:09Tumilapon ang biktima.
01:11Dumiretsyo sa pagtakbo ang nakabundol na sasakyan.
01:14Tinulungan ang isang rider at iba pang tao ang biktimang nabangga.
01:18Nag-tamo ng hiwa sa noo at sugat sa iba pang bahagi ng katawan ang biktimang si Lola Dolores.
01:25Ito yung aking noo puro tahe.
01:29Siyam na tahe tapos yung tagiliran ko puro gas-gas.
01:32Yung tuhod ko.
01:34Buti nakakalakad pa ako.
01:37Galing daw siya sa bahay ng kanyang kaanak at pauwi na ng mangyari ang insidente.
01:41Pag tawid ko, wala naman ako nakikita sa sasakyan eh.
01:46Nagulat na lang ako na biglang may bumulaga sa buka ko.
01:51Napaatras pa nga ako eh.
01:53Tapos nung naano na ako, natumba na ako, hindi mo lang ako tinigilan.
02:01Nakita na niyang nakaganon ako.
02:03Tuloy-tuloy pa rin siya.
02:05Hindi na siya naawa sa akin.
02:07Hindi na pinabayaan pa niya ako.
02:09Nakatawag pa rin siya sa kanyang kapatid para humingi ng saklolo.
02:13Rumisponde rin ang rescuers ng barangay Tanyong.
02:17Dinat na namin. Nakahiga na siya at dumudugo yung kanyang noo.
02:22Inalala namin siya.
02:24Then maya-maya lumapit yung isang humabol ng rider.
02:27Ibinigay sa amin yung plate number at saka yung ebidensya
02:30ng sasakyan na mayroong nabakbak doon sa sasakyan niya.
02:33Base sa investigasyon na pag-alaman na ang sasakyang nakabangga ibinibenta online.
02:41Nakapost daw ito bago pa maganap ang insidente ayon sa kaanak ng biktima.
02:46Possible na yung damage na yun is na pilasan yung harapan ng sasakyan niya.
02:53Kaya nagkaroon kami ng proweba na itong kulay ng sasakyan na nakasagasa sa lola namin na mas mapagpatibay nung ebidensya namin.
03:02Nalaman na po namin kung saan po yung sasakyan na.
03:06Hinahanap na lang po kung sino yung nagmamaneho ng sasakyan.
03:09Hiling ng biktima at ng kanyang pamilya, sumuko na ang driver.
03:15Sana kabangga sa lola ko, sumuko na siya.
03:19Kasi hindi tama yung ginawa niya na pagtakas.
03:23Sana magpakita ka na nang makita mo yung ginawa mo sa akin.
03:27Kala ko pag tumawit ka sa tawiran, ano ka, safe ka pala, hindi.
03:34Patuloy ang investigasyon at pagtugis ng marikina polis sa salarin.
03:39EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:43Posible may kinalaman daw sa military exercise ng Pilipinas at Australia
03:49kung bakit lumapit ang mga speedboat at rubberboat ng China
03:52sa BRT Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong nakaraang linggo.
03:56Sabi ni Defense Secretary Gilbert Tidoro,
03:58junior na monitor nila ang mas malaking presensya ng China sa lugar
04:01na maaring dahil sa nasabing joint exercise.
04:03Hanggang kahapon, labing walong barko pa ng China ang namataan sa Ayungin Shoal.
04:09Nakahanda naman daw ang Philippine Navy at Armed Forces of the Philippines
04:12sa posibleng susunod na hakbang ng China.
04:21Nagpapakawala po ngayon ng tubig ang Magat Reservoir sa Isabela.
04:26Base sa latest monitoring ng pag-asa,
04:28dalawang gates ng nasabing dam ang nakabukas.
04:31Nasa mahigit 187 meters ang antas ng tubig sa Magat.
04:35Malapit na po ito sa 190 meter na critical level.
04:39Pre-emptive o ginagawa ang water release dahil sa inaasahang ulan
04:43sa watershed ng dam dulot ng low-pressure area na nasa Bicol area.
04:49Sa nakalipas po na 24 oras,
04:51bumaba naman ang water level sa Angat, Ipo, Binga, San Roque at Caliraya Reservoirs.
04:58Tumaas naman ang tubig sa Lamesa, ang Buklaw at Pantabangan Reservoirs.
05:03Imiimbestigahan po ng Department of Agriculture
05:11ang umano'y profiteering o pananamantala sa presyuhan ng bawang sa bansa.
05:17Ayon kay Agriculture sa kita ni Francisco Tulaurel Jr.,
05:20posibleng may kartel dahil wala tayong industriya ng bawang.
05:24Ginagawa na rin nila ito ng paraan at ang pagpapababa sa presyo nito
05:28sa sangdaang piso kada kilo.
05:31Pabon naman ang Davao Consumer Movement sa hakbang na yan ng kagawaran.
05:35I-recommend rin nila na palakasin ang local production ng bawang
05:39sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka.
05:44Mapapababa raw kasi nito ang importasyon na magre-resulta sa mas mababang presyo.
05:49Pinag-aaralan na rin ang Department of Agriculture Region 11
05:53kung anong klaseng bawang ang magandang itanim sa Davao Region.
05:57Sa Bankerohan Public Market sa Davao City,
06:02ang dating P125 pesos per kilo,
06:05nasa P120 pesos na lamang ngayon.
06:08Batay naman sa latest monitoring ng kagawaran,
06:10nasa P140 hanggang P170 pesos per kilo
06:13ang presyo ng imported bawang sa Metro Manila.
06:17Pumapalo naman sa P400 pesos kada kilo ang lokal na bawang.
06:23Abisala Encantadex, sumakses na.
06:32Si Hara Perena Gleiza de Castro na mabawi ang brilyante ng apoy.
06:37Sa kanyang second attempt,
06:48tagumpay na nabawi ni Perena kay Olga na played by Bianca Manalo ang kanyang brilyante.
06:54Ang Encantadex, napasabi ng finally!
06:58At nag-celebrate sa trending na eksena.
07:01Uma niya rin ang mga papuri si Naglaiza at Bianca sa kanilang action scenes.
07:06Gabi-gabing subaybayan ang Encantadex Chronicles Sangre sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras.
07:13Para sa mga nagtatanong kung may trabaho ba abroad,
07:23libo-libong hotel workers ang kailangan sa Croatia.
07:26Ang recruitment niya ang target na gawing government to government para walang placement fee.
07:31Balita natin ni JP Soriano.
07:33Cashier sa isang hardware chain sa Pilipinas si Jessa at masaya naman daw sa kanyang trabaho.
07:43Pero dahil lumalaki na ang kanyang mga anak,
07:46panahon na raw para maghanap ng trabaho may mas malaking sahod.
07:50So gusto ko sana maka-experience ng international.
07:54So kahit yung mga sa hotel, mga housekeeper po.
07:59Ang target na trabaho ni Jessa, swak sa oporturidad na binubuo ngayon
08:04ng Department of Migrant Workers at ng Bansang Croatia.
08:08Mangangailangan kasi ang Croatia ng libo-libong hotel workers gaya ng housekeepers,
08:13front desk at office staff.
08:16At ang target, government to government o G2G.
08:20Wala itong placement fee at direkta sa DMW ang aplikasyon
08:24at hindi daraan sa anumang agency.
08:26Pero dahil binubuo pa lang, paalala ng DMW.
08:31Abangal lang po yung kaukulang announcement pagpapadol sa illegal recruiter.
08:36Ang Public Employment Service Office o Peso ng Maynila,
08:39kaisa ang TESDA, DOLE at DMW,
08:42pinangunahan ang Mega Jobs Fair,
08:44kabilang sa mga kumpanya at employers na lumahok,
08:48ay nakabase sa Japan, Norway, Lithuania, Saudi Arabia at Ireland.
08:53Ayon sa Peso, daan-daang Pilipinong manggagawa gaya ng driver,
08:57welders at farmers o magsasaka ang kailangan ng Japan.
09:02Estimated po, converted po sa Peso is around 70 to 90,000 po.
09:07And ang maganda po dyan, sagot na po ng employer lahat,
09:11yung accommodation, pati yung food po nila.
09:13Kwalifikado man sa skills sa trabahong inaalok sa Japan,
09:17ang kadalasang problema ay hindi marunong ng salitang ni Hongo o Japanese ang aplikante.
09:23Dito papasok ang Language Skills Institute ng TESDA
09:26na siyang tutulong para magbigay ng language training skills.
09:30Kung trabaho naman sa Pilipinas, ang mga in-demand na trabaho ngayon.
09:35Papalapit na yung bare month.
09:37So meron po tayong mga store crew, mga sales representatives,
09:41nandyan din po yung mga housekeeping.
09:42So syempre yung mga hotels po kasi natin, medyo nagbuboom sila ngayon.
09:48Maaaring tignan ang pinakamalapit na peso sa inyong lugar
09:51sa website ng Peso at PhilJobNet ng Dole.
09:55Muling paalala ng DMW, huwag kakagatin
09:59at huwag na huwag mag-a-apply sa mga trabahong inaalok sa social media.
10:04Pati na rin sa cross-platform instant messaging apps
10:07para hindi mabiktima ng illegal recruiters
10:09at maging biktima ng human trafficking.
10:12Kahit pa inalok ng isang otorizadong ahensya ang mga trabaho abroad,
10:17tignan muna kung aprobado ang job orders
10:19at kung lisensyado ang recruitment agencies
10:22sa website ng DMW.
10:25JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:30Biglang bumukas ang pintuan ng utility vehicle na yan
10:39at nahulog sa kalsadang isang batang nakasakay rito.
10:43Pulikam ang viral video na yan sa Rojas Boulevard sa Pasay.
10:48Tumakbo pa ng ilang metro ang sasakyan bago ito huminto.
10:52Bumabangis ng babae at lalaki.
10:53Inalalayan nila pabalik ng sasakyan ang nahulog na bata.
10:57Ayon sa saksing motorista, dumudugo ang braso ng bata.
11:01Sinisika pang makuha ang paanig na mga nakunan sa video.
11:05Ayon sa isang safety expert,
11:07na iwasan sana ang desigrasya kung
11:09naka-activate ang child lock sa pintuan ng sasakyan.
11:13Yun ay kustyon din kung may child restraint system car seat
11:17o booster seat ang sasakyan
11:18na ayon sa batas mandatory para sa mga sanggol
11:22at bata hanggang 12 anyos.
11:27Ito ang GMA Regional TV News.
11:33Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao
11:36hatid ng GMA Regional TV.
11:38Patay ang isang bata matapos matangay ng tubig
11:40sa bansalan Davao del Sur.
11:42Sarah, ano nangyari sa bata?
11:45Rafi naanod ang biktima at kanyang kalaro
11:48na naglalaro noon malapit sa isang kanal
11:51sa Bargay, Managa.
11:52Ayon sa embisigasyon,
11:53biglang tumaas ang tubig sa kanal
11:55kaya natangay ang mga bata.
11:57Sinubukan silang sagipin na nakakita binatilyo
12:00pero inano din siya.
12:02Mabilis na rumisponde ang mga residente sa lugar
12:04at nasakip ang binatilyo
12:06at ang kalaro ng biktima.
12:08Sinusubukan pa ang kuna ng pahayag
12:10ang kaanak ng nasawing bata.
12:12Ramdam din ang epekto ng masamang panahon
12:14sa buluan Maguindanao del Sur.
12:16Pinasok ng tubig ang ilang bahay
12:18kaya ang ilang residente
12:19na pilitang lumikas.
12:21Nag-evacuate din ang ilang pamilya
12:23sa Davao Oriental.
12:25Sa makilala kotabato naman,
12:26stranded ang ilang motorista
12:28matapos ang pag-apaw ng tubig
12:30sa spillway sa Bargay Sagi.
12:32Ayon sa pag-asa,
12:33habagat at localized thunderstorms
12:35ang nagdala ng mga pagulan
12:36sa Mindanao itong weekend.
12:40Sumadsag sa gitna ng paglalayag
12:42papuntang Cebu City
12:43ang isang barko
12:43na may sakay na halos
12:45tatlong daang pasahero at crew.
12:47Ayon sa Philippine Coast Guard,
12:49dalawang oras nang naglalayag
12:50ang barko mula Masbate
12:52nang biglang sumadsad
12:53ang MV Filipina Surigao del Norte.
12:56Inabisuan daw silang bumalik
12:57pero nagpatuloy pa rin
12:59ang barko sa pagbiyahe nito.
13:01Sinundan sila ng PCG
13:02hanggang Cebu City
13:03para matiyak na ligtas
13:05ang mga pasahero.
13:06Sa pagdaong nila sa piersa Cebu City,
13:08ambulansya at mga tauhan
13:10ng Philippine Coast Guard
13:11ang sumalubong sa mga pasahero
13:12at crew ng barko.
13:14Agad silang sinuri
13:15matapos masaktan
13:16habang naglalayag.
13:18Ayon sa pamunuan ng barko,
13:19iniwasan nila
13:20ang mga bangi isdang
13:21nasa kanilang daraanan
13:23kaya nagkaaberya ang biyahe.
13:25Ipinagpatuloy nila ang biyahe
13:26dahil mas ligtas daw ito.
13:28Hindi muna papayagan ang PCG
13:30na mag-ooperate
13:31ang sumadsad na barko.
13:33Bukas naman ang shipping line
13:34sa emisigasyon
13:35na gagawin ng PCG
13:37at marina.
13:37Kahalagahan ng digital economy
13:42at pagbabantay
13:42para hindi ito magamit
13:43sa pandoloko.
13:45Yan ang panawagan
13:45ni Pangulong Bongbong Marco
13:46sa kanyang pagharap
13:47sa Manila Tech Summit
13:48sa Taguig.
13:49Mayulat on the spot
13:50si Sandra Aguinaldo.
13:52Sandra?
13:53Yes, Tio.
13:56Marap nga si Pangulong Bongbong
13:57Marcos
13:58ang mga miyembro
13:59ng digital industry
14:01sa Taguig City
14:02at binigyan din niya
14:03ang halaga ng digital economy
14:05ng bansa
14:06sabay panawagan
14:07na dapat ding maging
14:08mapagbantay ang lahat
14:09para hindi ito magamit
14:11sa fraudulent activities.
14:13Ayon kay Pangulong Marcos
14:14lumago ang digital economy
14:15ng bansa
14:16na ngayon
14:17ay katumbasang
14:188.5%
14:19ng gross domestic product.
14:21Lumikaraw ito
14:22ng 11.3 million jobs.
14:25Sinabi ito ni Marco
14:26sa kanyang keynote speech
14:27sa Manila Tech Summit.
14:30Isinulong din
14:30ang Pangulo
14:31ang mas magandang
14:32servisyo ng internet
14:33sa bansa
14:33at sa mga eskwelaan.
14:36Balea Rafi
14:36ay nagsalitari
14:37sa event
14:38ng isang
14:38FinTech executive
14:40at sinabing tutol
14:41ang kanilang grupo
14:42sa kapaggamit
14:43ng kanilang platforms
14:45para sa online gambling.
14:47Yan muna pong
14:47pinakauling ulat, Rafi.
14:49Maraming salamat,
14:51Sandra Aguinaldo.
14:57Mga mare at paret,
14:58dobli ingat
14:59sa kalsada
15:00at huwag nang magmaneho
15:02ng nakainom.
15:03John Sumentro,
15:04ang mensahe
15:05ng aktor
15:05na si Christopher Martin
15:07matapos mabangga
15:08ng motorsiklo
15:09habang nagbibisikleta.
15:11Sabi ni Christopher,
15:12mabagal ang takbo niya
15:14sa Marcos Highway
15:15sa Antipolo Rizal.
15:17Galing daw siya
15:17sa isang meeting
15:18at pasumulong highway.
15:20Nag-check daw siya
15:20sandali ng kanyang sapatos
15:22nang mabangga siya
15:23ng motor.
15:24Tumilapon daw siya
15:25sa lakas ng impact
15:26at nagtamo
15:27ng maliliit na sugat
15:28at galos.
15:29Thankful si Christopher
15:30na pareho silang
15:31buhay ng rider
15:33at pati na
15:34sa lahat
15:35ng nangamusta sa kanya.
15:36Batay sa investigasyon,
15:38nag-counterflow
15:38ang motorsiklong
15:39nakabangga
15:40kay Christopher.
15:41Sabi ng isang
15:42saksil,
15:42dasing
15:43at pasuray-suray
15:45ang pagmamaneho
15:46ng motor.
15:47Nagpapagaling na sa ospital
15:48ang sumemplang na rider.
15:50Nagkaareglo na rin daw
15:52ang dalawang panig.
15:53Nagpapagaling na rin då happens
15:58performance.
15:59Nagpapagaling na rin
Be the first to comment