Skip to playerSkip to main content
-DOJ, Wala pang natatanggap na kopya ng ICC arrest warrant laban kay Sen. Bato Dela Rosa

-Patay dahil sa Bagyong Uwan, umabot na sa 6

-OCD: Maagang evacuation ng mga nasa daraanan ng Bagyong Uwan, naging susi para sa kaligtasan ng nakararami

-PAGASA: Bagyong Uwan, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility; inaasahang mag-landfall sa Taiwan bukas ng gabi

-Ilang lugar sa Manila, binaha matapos bumigay ang Paco Pumping Station

-Ilang bahay at kubo sa coastal areas ng La Union, nasira dahil sa lakas ng alon

-Mga taga-Virac, nasa gilid ng kalsada para maghanap ng signal ng cellphone

-Ilang coastal barangays at kalsada, binaha dahil sa malakas na hangin at alon

-2, patay sa landslide sa Lubuagan, Kalinga; 1, sugatan

-DPWH Sec. Dizon: Nasirang floodgate na humaharang sa tubig mula sa Pasig River, aayusin ng foreign contractor nito

-INTERVIEW: DPWH SEC. VINCE DIZON

-Pamilya ni Allen Ansay, kabilang sa mga naapektuhan ng Bagyong Uwan



Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00To be continued...
00:30To be continued...
01:00To be continued...
01:29Sa datos ng NDRRMC, kabilang sa nadagdag ang tatlong taga-Cagayan Valley at isa sa Western Visayas.
01:39Labing tatlo naman ang naiulat na sugatan.
01:41Ang kumpermado na po ang isa sa kanila, ang batang lalaki sa Katanawan, Quezon, na naaksidente habang nasa evacuation center.
01:51Sa ngayon, pumalo na po sa mahigit 2.3 million ang apektado dahil po sa bagyong uwan.
02:00Mahigit apat na libong bahay ang naiulat na nasira, pinakamarami sa Bicol Region at Zamboanga Peninsula.
02:06Sabi po ng Office of Civil Defense, malaking tulong sa kaligtasan mula sa epekto ng bagyong uwan ang maagap na evacuation.
02:25Sa ngayon, pinatututukan daw ni Pangulong Marcos ang kondisyon ng mga evacuee.
02:29Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
02:31Ang maagang paglilikas sa mga daraanan ng bagyong uwan, naging susi para maging ligtas sa nakararami sa pananalasa sa kabila ng lakas ng bagyo.
02:43Ayon sa Office of Civil Defense, nakatulong din daw na sariwa pa sa alaala ng sambayanan ang trahedyang iniwan ng bagyong tino sa Cebu, kung saan mahigit dalawang daan ang namatay.
02:53May factor din yung nangyari sa Cebu and our constant drive in issuing the warnings sa ating mga local government units and making sure that they act or implement their preemptive or preparatory activities.
03:15Pinulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga ahensya ng pamahalaan para alamin ang pinsalang iniwan ng bagyong uwan.
03:20Sa pangkalahatan, 426,000 na pamilya ang maagang pinalikas o pinag-preemptive evacuation.
03:27Maraming naasahang magsisiuwi na sa pagbuti ng lagay ng panahon at paghupa ng baha sa kanilang lugar.
03:34Katumbas yan ng 1.4 milyong Pilipino.
03:37Pinakamarami nagsilikas sa Bicol Region, mahigit isandaang libong pamilya.
03:41Pinatututukan ng Pangulo ang kalagayan ng mga nagsilikas sa mahigit 6,000 na evacuation center sa iba't ibang rehyong naapektuhan ng bagyong uwan.
03:51Pinagutos ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development ang tuloy-tuloy na pagbibigay tulong sa lahat ng mga sinalanta ng bagyo.
03:59Ipinagutos din ang Pangulo sa Department of Health na siguraduhin mayroong mga medical teams sa lahat ng evacuation centers upang mabantayan ang kalusuga ng mga evacuees.
04:09Samantala, pinamamadali rin ang pag-aabot ng tulong sa mga bayan ng kasiguran, dilasan, dinalungan at ipakulaw sa aurora na isolated.
04:17Kabuwang 71 na kalsada ang di pa rin madaanan at nagpapatuloy ang mga clearing operations ng DPWH.
04:23Mahigit isang libong bahay na sira. Halos isandaan sa mga ito totally damaged.
04:28Agad na pinasimulan din ang Pangulo sa Department of Public Works and Highways ang rehabilitation efforts sa mga nasirang kalsada
04:36upang hindi maantala ang pagpapadala ng tulong saan mang panig ng bansa.
04:41Patuloy naman ang pagpapabalik ng DICT sa internet service sa maraming lugar.
04:45Ang Budget Department, naglabas na ng halos 1.7 billion pesos sa pondo.
04:50Para punan ng budget ang Department of Agriculture, DSWD at Philippine Coast Guard
04:55na malaking papel sa search and rescue operations sa tuwing may ganitong kalamidad.
04:59Ivan, may rin na nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:09Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Uwan.
05:13Base po sa datos ng pag-asa, posibleng mag-landfall ang bagyo sa Taiwan bukas ng gabi.
05:19Ang Taiwan ay nasa loob pa rin po ng PAR pero inaasahang tihina pa ang bagyo.
05:24Huling namataan ang Bagyong Uwan, 365 kilometers kanluran ng Kalayan, Cagayan.
05:31Humina po ito bilang severe tropical storm.
05:33Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometers per hour.
05:38Kahit nasa labas na hoon ng PAR, ang Bagyong Uwan, magpapaulan pa rin po ito sa Luzon.
05:43Kasama na ang Metro Manila maging ang Western Visayas.
05:47Mas makakaasa sa maayos na panahon ang Mindanao at iba pang bahagi ng kabisayaan
05:51pero posibleng pa rin po eh ang mga local thunderstorm.
05:56Wala pa namang namamataang sama ng panahon sa bahagi ng Pacific Ocean sa ngayon.
06:03Wala mang ulan kagabi sa Maynila pero binaha ang ilang lugar doon
06:07kaya inilikas pa rin po ang ilang residente.
06:09Ang itinuturong dahilan ang bumigay na pumping station doon.
06:14Balitang hatid ni Jomer Apresto.
06:16Nagmistulang ilog ang bahaging ito ng UN Avenue, Corner Quirino Avenue sa Paco, Maynila.
06:24Yan ay kahit wala namang ulan na naranasan dito mula pa kagabi.
06:28Ayon sa barangay 672, bumigay ang Paco Pumping Station
06:31na nagdulot ng tuloy ang pagbaha sa kanilang lugar.
06:34Nagbomba sila ng umaga kasi umiinit po yata yung kanilang motor.
06:39Kaya bali ng paggating po ng hapon, nag-avision na po sila sa karating na barangay.
06:44Mas malalaraw ang sitwasyon kahapon na umabot pa hanggang Baywang ang taas ng tubig.
06:48Sa pag-iikot ng GMI Integrated News, pasado ang na-stress ng madaling araw kanina,
06:53Gutter Deep pa ang taas ng bahas sa bahagi ng UN Avenue at Quirino Avenue.
06:57Nabutan pa namin ang isang motorsiklo na tumirik sa gitna ng kalsada.
07:00Tinulungan ng rider na magtulak ng dalawang taxi driver na naghanap naman ang kanilang plate number na inanod dahil sa baha.
07:07Ang sasakyan naman na ito, umatras na lang at hindi na isinugal ang paglusong sa baha.
07:12Maging ang barangay hall ng barangay 672, inabot din ang tubig.
07:16Ayon sa barangay, nasa halos siyam na pong pamilya mula sa anim na barangay ang inilikas kahapon.
07:22Nabawasan na raw yan ngayon dahil bahagyang humupa na ang tubig.
07:25Ang natira po rin kayo sa tatlong barangay po.
07:28Bali ang families po sa akin po may 11, tapos dun po sa kabilang barangay meron po silang 8 na families.
07:36Tapos dito po sa kabila, meron po silang 7 yata.
07:40Narito ako sa Lukban Elementary School sa Paco, Maynila,
07:42kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mahigit dalawampung pamilya na apektado ng nangyaring pagbaha.
07:49Di pa malinaw kung kailan posibleng maayos ang pumping station,
07:52pero agad naman daw pa uuwiin ang mga residenteng apektado sa oras na humupa na ng tuluyan ng tubig.
07:57Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng MMDA at ng Manila LGU.
08:02Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:06May init na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:17Kita ang pinsalang ininulot ng bagyong uwan sa ilang lalawigan sa Hilagang Luzon.
08:23Chris, saan mga lugaryan?
08:24Connie, matindi ang naging efekto ng bagyong uwan sa coastal areas sa La Union.
08:32Kamustayin natin ang sitwasyon doon sa ulat on the spot ni Jasmine Gabrielle Galvan.
08:38Jasmine?
08:43Chris, good morning.
08:44Apektado ngayon ang daang-daang pamilya matapos na maranasan ng storm surge sa ilang coastal town
08:50dito nga yan sa probinsya ng Ala Union.
08:52Sa bayan ng Aguo, nasira ang mga kubo, ilang kabahayan dahil na rin sa matindi at malakas na alon sa baybayin.
09:00Nasira din, Chris, ang ilang mga bangka dahil sa lakas ng alon sa dagat.
09:06Sa monitoring ng PDRRMO, aabot sa halos 1,000 na bahaya ang nasira.
09:12Meron pang mga bahay, Chris, na kung saan ay pinasok na ng buhangin.
09:16Mahigit sa 20,000 na individual ang inilikas sa mga evacuation center.
09:21Karamihan sa ngayon ay nasa mga evacuation center pa rin.
09:24Wala pa rin supply ng kuryente sa halos lahat ng bayan dito sa probinsya ng Ala Union.
09:30Tuloy-tuloy din ang isinasagawa naman na clearing operation at restoration sa supply ng kuryente.
09:37Patuloy assessment ng provincial government.
09:40Ganun din ang iba't ibang local government units para maibigay din yung assistance sa mga apektadong residente.
09:45Samantala, Chris, update lamang ako dito sa aming kinaroonan sa may sityo tawi-tawi sa may barangay Poro.
09:51Sa bahagi naman ng San Fernando City La Union.
09:53Dahil ayon sa mga barangay officials, Chris, ay nasa may git 100 na kabahayan.
09:58Ang nasira, eto yung mga bahay, Chris, na nasa aking likuran.
10:02Nasa may git 100 na bahay ang nasira dahil na nga rin sa lakas at taas ng alon sa baybayin o dahil sa storm surge.
10:10Bukod sa bahay, Chris, ay nasira din yung bahagi ng kanilang kalsada.
10:13Makikita natin yung kalsada nila ay talagang nagkaroon ng problema yan.
10:18Yan yung concern ng mga barangay officials.
10:20Dahil in case na meron mga emergency, ay hindi agad makakapunta rito yung mga emergency vehicle dahil nga sa nasirang kalsada.
10:27Meron ding tugboat na mula sa dagat ay sumadsad sa kalsada dahil sa lakas at taas ng alon sa baybayira.
10:35Ako si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Integrated News.
10:41Napatambay naman sa gilid ng kalsada ang mga taga-bira Katanduanes para maganap ng signal.
10:49Problema kasi doon ang communication lines sa Lalawigan.
10:53Nananawagan na ang lokal na pamahalaan sa Katanduanes sa mga telecommunication companies na maayos na agad ang mga ito.
11:00Problema din ang supply ng kuryente sa Camarines Norte kaya may ilang establishmento na ang nag-alok ng libreng charging stations.
11:09Dagsarin ang mga nakicharge sa munisipyo ng Tagkawayan, Quezon.
11:13Bukod sa cellphone, dala rin ng mga residente ang kanikanilang flashlight at iba pang gadget.
11:18Tatlong pamilya naman sa Kabanatuan, Nueva Ecija ang lumikas sa sementeryo sa gitna ng bagyong uwan.
11:24Tumaas daw kasi ang baha noon sa kanilang lugar kaya sila pumunta sa sementeryo.
11:30Sa ilang bahagi ng Kabanatuan hanggang baywang umabot ang tubig.
11:41Malalakas na hampas ng alon ang naranasan sa ilang coastal barangay sa Iloilo City sa gitna po ng hagupit ng bagyong uwan.
11:49Dahil dito, binaha ang ilang kalsada at bahay roon. Isa sa mga napuruhan ang barangay Santo Niño Sur.
11:56Nakakalat sa kalsada ang mga bato, buhangin, kahoy at iba pang debris na dala daw ng malakas na alon.
12:04Agad namang nagsagawa ng clearing operation sa lugar para hindi ito bumara sa mga daluya ng tubig.
12:11Patuloy ang consolidation ng lokal na pamahalaan sa tala o sa tala ng pinsala sa lugar.
12:16Sa ngayon, balik normal na ang biyahe ng bangka sa Iloilo City patungong Gimaras at pabalik.
12:23Kayon din po ang mga biyahe sa Iloilo Fastcraft, Terminal, Dumangas Port, Fort San Pedro at Bayang Port.
12:31Sa Cordillera Administrative Region, lima po ang nasawi dahil sa kabi-kabilang landslide dahil pa rin po sa Bagyong Uwan.
12:49Balitang hatid ni Jonathan Andal.
12:51Biglaro gumuho ang lupa sa bahaging ito ng barangay Western Uma sa Lubwagan, Kalinga, kahapon.
13:01Dalawa ang patay, isa ang sugatan at may dalawa pang nawawala.
13:05Sabi ng Lubwagan Municipal Information Office, pinuntahan ng mga biktima kahapon ng isang bahay na nasira sa kasagsagan ng bagyo.
13:12Pero habang nasa bahay sila, biglang may gumuong malaking bahagi ng lupa.
13:16Kinilala ng LGU ang mga nasawi na sina Aki Magwin at Eric Magwin, 45 years old, magsasaka.
13:22Nawawala naman sina Redento Tino, isang barangay kagawad at si Ricardo Magwin.
13:27Sabi ng lokal na pamahalaan, magsasagawa sila ng search and rescue operations para mahanap ang mga nawawala.
13:32Sa bayan naman ng kabayan sa Benguet, patay ang natutulog lang noon na babaeng 65 years old,
13:38matapos pasukin ang landslide ang unang palapag ng kanilang bahay.
13:41Sa barangay Balay, kahapon ng madaling araw, sabi ng kabayan ng LGU,
13:45inabot ang halos apat na oras bago dumating ang rescue dahil sa hindi madaan ng mga kalsada.
13:51Patay sa post-mortem examination, ang cause of death ng biktima ay traumatic brain injury.
13:56Sa bayan naman ng Tinok, sa Ifugao, isa rin ang patay matapos matabunan ng lupa at pine tree
14:00ang tinitirhan niya habang siya natutulog.
14:03Gabi nitong linggo, kasagsagan ng superbagyong uwan.
14:07Kinaumagahan na siya na-retrieve ng mga otoridad ayon sa Tinok Municipal Police Station.
14:11Sa Barlig Mountain Province naman, lumubug na ang bahay na ito.
14:15Natabuna naman ng landslide ang rice terraces doon.
14:18Sabi ng Barlig LGU, isang senior citizen ang nasawi roon,
14:21matapos matabunan ng putik ang kanilang bahay sa barangay Latang kahapon ng madaling araw.
14:26Nakaligtas naman pero sugatan ang dalawa pa niyang kasama sa bahay,
14:29nani-rescue ng bayanihan ng mga taga roon.
14:31Sa Baguio City, walang casualty.
14:34Ang naging pinsala lang ay mga nagtumbahang pine tree at poste ng kuryente,
14:38kaya nawala ng kuryente na halos buong lungsod ng Baguio.
14:41Buti at may alok na free charging station sa City Hall, Baguio Convention Center, at pati sa mga hotel.
14:47Nagulat kami na minimal lang ang impact sa amin.
14:52We were spared from devastation.
14:56Malaki yung impact ng mountain range natin.
15:00Meron pa yung Sierra Madre, tapos siyempre pagpasok dito sa Cordilleras.
15:04So nakatulong na malaki.
15:06Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:15Nag-inspeksyon ang Department of Public Works and Highways sa Paco Pumping Station
15:20na bumigay kaya bumahapo sa ilang bahagi ng Maynila kaninang madaling araw.
15:25May ulit on the spot si Oscar Oida.
15:28Oscar!
15:31Tarao ang pagbaha sa mga low-light area sa 36 na barangay
15:35na sineservisohan ng Paco Pumping Station tuwing high tide.
15:40Mangyayang itong linggo ng gabi,
15:42bumigay ang floodgates sa lugar na humaharang sana sa tubig na nanggagaling sa Ilog Pasig.
15:48Kaya kahit gumagana ang mga pumping station, e tila wa-epek ito.
15:51Kanina, nagsadya dito si DBAA Secretary Vince Dizon upang alamin ang sitwasyon
15:57at ayon sa kanya ay paiimbisiga niya ito upang malaman ang naging sanhi.
16:01Pero ayon umuno sa mga foreign consultants,
16:04ay posibleng sanhi ito ng sobrang lakas na pressure ng tubig nito managdaang araw.
16:09Pag titiyak naman ni Secretary Dizon, may warranty pa ang naturang floodgate
16:13at gagawin ito ng foreign contractor na gumawa nito ng walang dagdag na gasto sa gobyerno.
16:19Posibleng umunong tumagal ng 14 days ang pagkumpuni,
16:23kaya ang plano ni Secretary Dizon ay makipaguknayan sa MMDA
16:26upang malagyan muna ng mobile pumps sa lugar.
16:30Connie?
16:31Maraming salamat, Oscar Oida.
16:35Update po tayo sa clearing operations ng DPWH
16:37sa mga lugar na apektado ng Bagyong One at iba pang issue.
16:41Kausapin po natin si DPWH Secretary Vince Dizon.
16:45Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
16:47Si Connie Sison po ito.
16:49Magandang tanghali, Connie. Magandang tanghali po.
16:52Kamusta po ang ating paglilibot?
16:54Ano ba yung mga lugar na nakapagtalaho
16:56ng pinakamaraming pinsala sa mga infrastruktura po natin,
17:00tulay, kalsada?
17:01Dahil po dito sa epekto ng Bagyong One?
17:04Opo, tuloy-tuloy po ang operasyon natin
17:07sa lahat ng mga areas na naapektohan,
17:10hindi lang ng Bagyong One itong nakaraang ilang araw pa lang,
17:14pero pati yung Bagyong Tino sa Visayas
17:17nung nakaraang ringgo.
17:19So, dito po sa clearing natin para sa Uwan,
17:22nagsimula na po tayo.
17:23So, simula po nung humupa na kahapon ng umaga,
17:27nagsimula na po ang kasagsaga ng clearing operations natin
17:32mula Bicol hanggang Norte.
17:36Dito nga po sa Aurora,
17:41magdamag po natin kiniklear yung mga kalye
17:45na natamaan itong mga storm surges,
17:48lalo na.
17:48At ngayon pong umaga,
17:50meron na pong mga possible na mga roads sa Aurora.
17:54Dito naman po sa Catanduanes,
17:56sa Camarines Sur,
17:58at sa Albay,
17:59tuloy-tuloy din po tayo.
18:00Pati na rin sa
18:01Isabela,
18:04sa Cagayan,
18:05pati na rin sa Lingayen,
18:07sa yung mga storm surge na tinamaan
18:09ng bayan ng Lingayen,
18:11sa Lingayen Gulf,
18:12na talagang halos isang metrong buhangin
18:15ang dinala ng mga storm surge,
18:17e nakiklear na rin po natin paunti-unti.
18:21Ito pong nakikita ninyo ngayon sa video,
18:25e ito po yung sa Dipakulaw Road sa Aurora.
18:29Ngayon po,
18:30e kinlear na po natin ito,
18:32at kanina,
18:34uproad lang,
18:35inadaanan na po ng mga track
18:37at ng mga iba pang mga morning.
18:40Pero ako po mismo,
18:41ay pupunta dito sa Aurora sa Biernes
18:43para po i-assess
18:45at pabilis natin maaayos
18:48yung coastal road dito
18:49papuntang Dipakulaw sa Aurora.
18:51Okay.
18:51So, tuloy-tuloy po tayo,
18:53Connie,
18:53sa lahat ng area.
18:54Pati na rin dito sa Metro Manila,
18:56sa Nabotas,
18:57yung mga kailangan gawin
18:59ng mga nasirang mga dike
19:02sa Manila Bay
19:03papasok ng Nabotas,
19:05e gagawin na rin po natin.
19:07Opo.
19:07At salawak po talaga
19:08ng mga infrastruktura ho natin
19:10na kailangang ayusin.
19:12Ano ho ba yung magiging sistema?
19:15Particular ho,
19:15sa paglalabas ng pondo,
19:17tsaka yung timeline.
19:18Lalo na ho kanina,
19:19yung sinasabi nga na pinakita ho natin
19:21na video sa Dipakulaw,
19:23yung buong stretch na yun halos,
19:25matatagalan ho ba
19:26ang pagsasayos nito?
19:27Unang-unang,
19:30mag-commit na po ang ating Pangulo.
19:32Lahat ng pondong kinakailangan
19:34para ma-repair natin
19:36ang lahat ng mga nasira
19:38dahil dumaang bagyo,
19:41available po yan.
19:43Yan po ang assurance
19:44ng ating Pangulo
19:45sa ating mga kababayan.
19:47Dito naman po sa timeline,
19:50magalaman po natin,
19:51halimbawa po itong sa Dipakulaw,
19:53magalaman po natin
19:54sa mga susunod na araw
19:55kung gano'ng kabilis
19:56natin magagawa ito.
19:57Pero ito ay kailangan simulan
19:58na agad-agad.
20:00At nagpapasalamat tayo
20:01sa ating Pangulo
20:02na lahat ng available na funds
20:04ay magawa ito ng mabilis.
20:08Okay.
20:08Pero siyempre sa kabila ho,
20:10siyempre yung kagustuhan natin
20:12na mapabilis,
20:13siyempre yung pagsasayos po
20:14nito mga nasirang kalsada,
20:16mga tulay.
20:18Magsasagawa rin ho ba kayo
20:19on the side ng investigasyon
20:21kung bakit gano'ng kasiguro
20:23bilis nasira ito?
20:25O baka kasi may...
20:25Kasabay po yan.
20:26Okay.
20:28Kasabay po yan,
20:29Connie,
20:29sa lahat naman
20:30ng mga nangyayari ngayon,
20:32kailangan natin malaman
20:33kung ano ang naging sanhe.
20:35Kung ito ba talaga
20:35dahil lang sa
20:37mga sakunang dinanas natin
20:39o merong kakulungan din
20:40sa pagpapagawa
20:41nitong mga ito.
20:42So,
20:43kagaya rimbawa,
20:44itong na
20:44binisita ko lang ngayong umaga
20:46yung nasirang floodgate
20:47sa Estero de Paco
20:49sa Maynila,
20:50kasabay nung pagpapagawa natin
20:54na nag-commit naman yung
20:55kontratista
20:56na wagang dagdag na gasto
20:57sa kopiyerno ito,
20:59kayang na maayos to
21:00in 14 days
21:01at papatibayin pa to
21:03in the next 3 months.
21:05Kasabay nito,
21:05kaya nandin natin
21:06ang mga talaga
21:07naging sanhin ito
21:08at anong ba talaga
21:09ang naging dahilan
21:10nung pagka-yupi
21:13nitong floodgate
21:15sa Estero de Paco.
21:16So,
21:16yung ginagawa natin
21:17sa mga ganitong
21:18klaseng infrastruktura,
21:20gagawin din natin
21:20sa mga nasirang kalye,
21:23nasirang mga tulay.
21:25So,
21:25kasabay po yan.
21:26Pero,
21:26ang importante po sa atin
21:27ngayon,
21:28utos na rin
21:28ng ating Pangulo,
21:29e talagang kailangan
21:30mapabilis ang pagpapagawa
21:32nito sa lalong
21:33madaling panahon.
21:33At patungkol naman
21:35doon sa nagdaang
21:36Bagyong Tino
21:37kung saan marami
21:38ang nasa lanta
21:39dahil po dito
21:41sa bagyo
21:41at may mga
21:42sinasabi,
21:43initial findings
21:44na dapat daw
21:45ang ating DPWH
21:47patungkol po
21:48sa mga nangyari.
21:50Meron na ba tayong
21:51tukoy,
21:52mga individual,
21:53korporasyon,
21:53mga politiko kaya
21:54na maaari
21:56kung naging sanhin
21:58or is it just
21:58the natural calamity
22:00na sinasabi nga?
22:01Alam nyo,
22:02yung nangyari
22:03sa Cebu
22:04at sa ibang lugar
22:05dahil sa
22:05Bagyong Tino,
22:07klaro na napakalakas
22:08nung bagyo
22:09pero klaro din
22:10sa nakita natin
22:11at nasaksiyan
22:12mismo ng ating
22:13Pangulo
22:14na meron ding
22:15mga kakulangan
22:16na nangyari
22:17na may mga plano
22:19na hindi implement
22:20ng tama
22:20imbes na gawin
22:22yung mga proyektong
22:22dapat na nagawa na
22:24nitong nakaraang
22:25mga ilang
22:26taon na
22:27kagaya nung
22:28pinakita ng ating
22:30Pangulo
22:30na master plan
22:31sa Cebu
22:31na 2017
22:33pa pala meron
22:34eh meron mga proyekto
22:36doon
22:36na hindi nagawa
22:37kaya yun po
22:38in fact
22:38ngayon pong
22:39arawuna
22:39tutulungan din po ako
22:41ni former secretary
22:42ng DPWH
22:44Babe Simpson
22:45at pag-aaralan natin
22:46ng mabuti
22:46yung master plan
22:48na dapat
22:48natapos na pala
22:49nung 2017
22:50pa lang
22:51na kailangan
22:53na implement
22:56na
22:56hindi naman
22:57na implement
22:58ng tama
22:59so yun po
23:00ang pag-uusapan namin
23:00mamayang arawuna
23:01dito sa DPWH
23:03at magsasabit po kami
23:04ng report
23:05sa ating Pangulo
23:06at yung mga dapat
23:07na in-implement
23:07sana
23:08noong 2017 pa
23:10noong 2018 pa
23:11eh
23:11ang utos ng Pangulo natin
23:13i-implement na yan
23:14ng agaral
23:15nakikipag-ugnayan
23:16na rin
23:18ho ba kayo
23:19sa pamanoan po
23:20ng DNR
23:21dahil may mga
23:23sinasabi rin ho
23:23na maaaring
23:24nag-release ng permit
23:26sa ilang mga negosyante
23:27na maaaring nga
23:28mali
23:29dahil nga po
23:30nakapag-contribute
23:31di umano
23:32dito sa pagbaha
23:34at least dyan po
23:35sa may liloan
23:35particular na
23:36Opo
23:37tayo po
23:37yung makikipag-ugnayan
23:38sa DNR
23:41at kung anong
23:42kailangan ninyang tulong
23:43para i-assess
23:44kung yung bang
23:45mga requisitos
23:47o yung mga
23:47requirement
23:48o kondisyon
23:49ng kanilang mga
23:49ECC
23:51na i-release
23:52eh natupad ba
23:54nitong mga
23:54kontratista
23:56so handa po
23:57ang DPWH
23:58na makipagtulungan
23:58sa DNR
23:59para may
24:00may-assess
24:01ng tama ito
24:02Alright
24:02marami pong salamat
24:03sa inyong update
24:04na ibinigay po sa amin
24:06Maraming salamat po
24:07Connie
24:07God bless po
24:08God bless din po
24:09Yan po naman
24:10si DPWH
24:10Secretary Vince Dizon
24:12Kabilang ang pamilya
24:15ni Sparkle actor
24:16Alan Ansay
24:17sa mga naapektuhan
24:18ng pananalasan
24:19ng bagyong uwan
24:20Nagshare si Alan
24:22ang video
24:22na kuha sa kanyang hometown
24:24sa Kamarinesuro
24:25sa gitna
24:26ng pananalasan
24:27ng bagyo
24:28Nagworry nga raw
24:29si Alan
24:30lalo't nakatira
24:30ang kanyang pamilya
24:31malapit sa dagat
24:32Mabuti na lang daw
24:34nakalika sila agad
24:35kaya hindi sila
24:36naabutan
24:37ng storm surge
24:38Ginawa nila maman
24:41nag-evacuate na sila
24:43so lahat ng gamit namin
24:44inakit na
24:45tapos
24:46tapos
24:48kumbaga
24:49mas inisip na nila
24:51kaysa isipin yung mga gamit
24:52mas inisip nila
24:52mag-evacuate
24:53kasi
24:53mahirap na
24:54abutan ka ng dagat
24:56o amutan ka ng bahay
24:57kumbaga
24:59kumbaga
25:00kumbaga
25:02kumbaga
25:03kumbaga
Be the first to comment
Add your comment

Recommended