00:00Binanggan ang China Coast Guard ang isang barko ng Pilipinas sa Sandy Cay na bahagi ng Pag-asa Island at nasa teritoryo na ng Pilipinas.
00:09Hinarang at binomba rin ng tubig ng China ang dalawang barko ng Pilipinas.
00:16Nakatutok live si Bam Allegri.
00:18Bam!
00:23Vicky, patuloy ang joint operation ng BFAR at PCG dito sa West Philippine Sea,
00:27bilang bahagi ng Kadiwa Mission para sa ating mga mangingisda.
00:31Panibagong serya ng harassment mula China ang naranasan ng ating mga barko.
00:40Nagsagawa ng Maritime Patrol ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Sandy Cay
00:46nang salubungin sila ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.
00:51Yan ay kahit bahagi ang Sandy Cay ng territorial waters ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
00:56Narito na tayo ngayon sa vicinity ng Sandy Cay at makikita ninyo itong barko ng China Coast Guard
01:02ay papalapit na ng papalapit dito sa kasamahan nating BFAR vessel na Datu Pagbuaya.
01:11Agresibo ang pagwater cannon ng CCG Vessel 21559 sa BRP Datu Pagbuaya.
01:17Di ito na kontento sa pagbomba ng tubig sa likod ng barko.
01:20Binunggu pa nito ang stern ng vessel.
01:28Nagkaroon ng minor structural damage ang barko pero walang nasaktan sa mga sakay nito.
01:35Maya-maya pa ang sinasakyan namin BRP Datu Sanday ng BFAR
01:39ang pinuntiryan ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.
01:43Nakailang maniobra at pihit na yung ating barko at patuloy pa rin tayong naharangan
01:47tulad nitong Chinese Maritime Militia Vessel sa ating likuran.
01:50Ang dahilan ng pagharang itong Sandy Cay sa ating likuran,
01:53isa sa mga binabantayan nating teritoryo dito sa West Philippine Sea.
01:57Coral Reef na may sandbank ang Sandy Cay o Pag-Asakay kung ating tawagin.
02:02Unoccupied ito pero mahigpit itong binabantayan ng China.
02:05Habang umuusad ang BRP Datu Sanday,
02:07sinimulan ng buksan ng China ang kanilang mga water cannon.
02:11Pati ang mga Chinese Maritime Militia meron ding water cannon.
02:14Hindi nagpatinag dito ang BFAR at nagsagawa ng mga radio challenge.
02:18Stop this unsafe maneuvers and do not interfere with this legal patrol. Over.
02:24This is a China cold car vessel, Taiwan-L2.
02:27You have merged the road under the regulation of the People's Republic of China.
02:31The Philippines has a sovereign right.
02:34You must stay clear of our road. Over.
02:37Habang patuloy ang paglalayag ng mga BFAR vessel,
02:39nagpalipad naman ang China ng helicopter na may tail number 51,
02:43na sakay ng People's Liberation Army Navy Vessel 533.
02:46Kasalukoyan pa rin natin isinasagawa ang maritime patrol dito sa Sandy Kay.
02:50Makikita ninyo may helicopter mula China.
02:53At hindi bababa sa 17 yung nabilang kong mga barko,
02:56pinaghalong China Coast Guard at Chinese Maritime Militia
02:59ang naka-blockade sa atin ngayon dito sa Sandy Kay.
03:04Matapos bombahin ng tubig at banggain ang BRP Datu Pagbuaya,
03:07sunod nitong tinarget ang sinasakyan nating BRP Datu Sanday.
03:11Pumuesto ito sa likod ng aming barko,
03:12at saka nagbukas muli ng water cannon at binugahan ang aming barko.
03:16Sa mga oras na ito, kasalukuyan naman nagbubugan ang tubig sa ating likuran,
03:20itong China Coast Guard vessel.
03:24Pero wala naman nasaktan sa mga sakay ng BRP Datu Sanday
03:27at hindi rin nagtamo ng pinsala ang barko.
03:30Sa monitoring ng Philippine Coast Guard,
03:32hindi bababa sa 15 ang mga barko ng Chinese Maritime Militia,
03:35habang may limang China Coast Guard vessel at isang barko ng People's Liberation Army Navy
03:40na may dalang helikopter sa palibot ng Pag-asa Island.
03:48Vicky, maganda ang panahon ngayon dito sa West Philippine Sea
03:51at sa aking bilang,
03:52hindi bababa sa limang barko ng China ang nakapalibot sa ating posisyon.
03:56Live mula rito sa West Philippine Sea para sa GMA Integrated News.
04:00Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
04:03Maraming salamat sa iyo, Bam Alegre.
04:05Ikinabahala ng Philippine Coast Guard ang panghaharas ng China
04:10na nangyari hindi lang sa Exclusive Economic Zone,
04:14kundi sa mismong teritoryo ng Pilipinas.
04:17Sa kasaysayan, ito na ang pinakamalapit na panggugulo ng China
04:22sa Pag-asa Island,
04:24kaya maghahain muli ng diplomatic protest ang Pilipinas.
04:28Nakatutok si Jonathan Andal.
04:30Ang pagbangga at pambobomba ng tubig na yan ng China Coast Guard sa barko ng Bifar,
04:40nangyari pa rin kahit napakalapit na sa Pag-asa Island ng Palawan.
04:441.8 nautical miles o mahigit tatlong kilometro lang yan mula sa isla.
04:49Parang distansya lang ng Luneta Park hanggang CCP o Cultural Center of the Philippines.
04:54Ikinagulat ito ng PCG, lalot hindi na lang ito EEZ o Exclusive Economic Zone,
05:00kundi Territorial Sea o teritoryo na mismo ng Pilipinas
05:04ang pinasok ng China para mangharas.
05:07This is the closest that the Chinese Coast Guard harassed and bullied Bifar vessel.
05:15It only has a distance of 1.6 to 1.8 nautical miles.
05:18Yes, very close to Pag-asa Island.
05:22They were sometimes focusing only on Pag-asa case.
05:27Ang tanong, maituturing na ba itong paglabag sa soberanya ng Pilipinas?
05:32This is a violation of our sovereignty?
05:34Yes, because we have Territorial Sea dito sa areas na ito.
05:41It has always been very concerning because we are dealing with the lives of the crew of the Bifar
05:47or even the Philippine Coast Guard personnel.
05:50Higit dalawampung barko ng China ang lumapit at pumalibot sa Pag-asa Island.
05:55Limang China Coast Guard ships, labing limang Chinese maritime militia
05:59at isang barkong pandigma na may helicopter ng People's Liberation Army.
06:04Ang Pilipinas naman may anim na barko ng Bifar
06:07na nagbibigay noon ng ayuda sa mga manging isda sa karagatan ng Pag-asa Island.
06:12Tatlo sa mga Bifar ship ang binomba ng tubig,
06:15ang Datu Sanday,
06:18Datu Bangkaw,
06:20At ang BRP Datu Pagbuwaya na pinakanasapul at nayupi ang bakal,
06:33buti walang nasaktan sa mga Pilipinong crew.
06:36Pero nasaan noon ang mga barko ng Philippine Coast Guard?
06:40Well, yesterday we don't have Coast Guard vessel in Pag-asa.
06:45We have BRP Melchora Aquino patrolling the vicinity of Skoda Shoal yesterday.
06:54And then we also have two other 44-meter vessels in other areas,
06:59one in Recto Bank and the other one is in Union Bank.
07:05When that incident happened, the Coast Guard is not there.
07:09But I would like to reiterate that these Bifar vessels,
07:14there are Coast Guard crew on board.
07:16Maghahain daw ng diplomatic protest ng Pilipinas tungkol dito.
07:20Sabi naman ng China na itaboy nila ang mga barko ng Pilipinas
07:23na illegal daw na pumasok sa aragatang malapit sa Anilay Iron Reefs
07:28nang tinatawag nilang Nansha Island o mas kilala bilang Spratly Islands
07:33na sakop ang Pag-asa Island.
07:34Pero sabi ng PCG, hindi naitaboy ng China ang Pilipinas.
07:39Sa karagatan ng Pag-asa Island.
07:42I don't think that they expelled the Philippine vessels.
07:44The mere fact that we never departed Pag-asa right after the incidents.
07:51And how can they claim that they expelled, as I said,
07:55the presence of the Coast Guard, the armed forces of the Philippines
07:57remain to be in Pag-asa.
08:00Nagpahayag naman ang suporta sa Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa
08:03gaya ng Australia, Japan, United Kingdom, New Zealand at European Union.
08:09Samantala, iminungkahin ni Ray Powell, isang maritime security expert
08:13na pumunta sa Pag-asa Island ang mga senador ng Amerika
08:17para ipakita raw ang suporta nito sa Pilipinas.
08:20Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
08:27Iimbestigahan ang Philippine Coast Guard
08:29ang namataang tila-pundasyon ng istruktura sa ilalim ng tuwig
08:34sa baho de Masinlok.
08:36May inila tagpa ang China na harang sa entrada ng bahura
08:40para wala o manong makapasok na barko.
08:43Nakatutok si Chino Gaston.
08:45Sa ginawang maritime domain awareness flight ng Philippine Coast Guard
08:53sa baho de Masinlok, tumambad sa tuktok ng bahura
08:56ang mga kakaibang istrukturan ito.
08:59Dalawang kumpol na parabang pundasyon o biga
09:02na nasa ilalim pa ng tubig.
09:04Hindi masabi ng PCG kung ano at kung sino ang naglagay nito.
09:09Isa sa mga tinuturing na red line
09:11o pangyayaring maaring pag-ugatan ng direct action ng gobyerno
09:14ay kung may itatayong istruktura o mag-land reclamation ng China
09:19sa baho de Masinlok.
09:20Sa pambihirang pagkakataon,
09:22walang Chinese Coast Guard ship
09:24na nagbabantay sa loob ng lagoon ng baho de Masinlok.
09:27Mula 2012, halos hindi nawawala ng CCG vessel sa lagoon
09:31kaya itinuturing itong occupation ng China sa bahura.
09:34Dahil sa pananatili ng China sa lagoon,
09:36hindi makasilong ang mga mangingis ng Pilipino doon
09:40tuwing masama ang panahon.
09:41At hindi gaya ng dati, walang fighter jet ng China
09:44na sumalubong sa aeroplano ng PCG.
09:47May namataang helicopter na hindi naman lumapit
09:50kaya hindi nakilala ng mga piloto.
09:53Pero may Chinese Navy warship na nagpukol ng Radio Challenge.
09:57Pero sa entrada ng bahura,
10:04inilatag ng mga Chinese ang floating barrier
10:06para walang barkong makapasok.
10:08Ayon sa PCG, pa-iimbestigahan nila
10:10ang mga nakitang estruktura.
10:12Ilang kilometro mula sa baho de Masinlok,
10:14nakita namin ang limang barko ng BIFAR
10:16at dalawang barko ng PCG
10:18na naghahatid ng krudo at ayuda
10:20sa mga mangingis ng Pilipino.
10:22Naroon din ang fish carrier ng BIFAR
10:23ng MV Mamalacaya
10:25kung saan ikinakarga
10:26ang mga huling isda
10:27ng mga mangingisda
10:28sa baho de Masinlok.
10:30Di kalayuan,
10:31nag-aabang naman
10:32ang mga barko ng China Coast Guard
10:33at ilang fishing militia ships.
10:36Para sa GMA Integrated News,
10:38sino gasto na katutok?
10:4024 oras.
Comments