Skip to playerSkip to main content
Maghahain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa plano ng China na magtatag ng national nature reserve sa Bajo de Masinloc. Tingin ng isang eksperto, paraan ito ng China para pigilan ang mga Pilipino na mangisda roon kahit na exclusive economic zone ito ng Pilipinas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magpa-file ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa plano ng China na magtatag ng National Nature Reserve sa Bajo de Masinloc.
00:08Tingin ang isang eksperto, paraan nito ng China para pigilan ng mga Pilipino na mangisda roon, kahit na exclusive economic zone nito ng Pilipinas.
00:18Nakatutok si JP Soriano.
00:23Saktong isang buwan na mula ng magbanggaan ang dalawang barko ng China.
00:28Habang hinahabol ang barko ng Pilipinas na magdadala ng ayuda sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.
00:36Ang China may ginagawa na namang panibagong hakbang sa lugar.
00:40Kahapon inanunsyo ng kanilang state media na inaprubahan ng China State Council ang pagdatatag ng isa-anilang Nature Reserve Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc
00:50na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas at bahagi ng West Philippine Sea.
00:57Ito raw ay para mapanatidian nila ang diversity, stability at sustainability ng lugar.
01:04Nagpadala rin ng karagdagang pahayag ang Chinese Embassy sa Pilipinas pero nasa wikang Mandarin at wala pa raw available na English version sa ngayon.
01:13Mariing inalmahan ng Foreign Affairs Department ang anilay walang basihang pagkatayo ng Nature Reserve.
01:19The Philippines will be issuing a formal diplomatic protest against this illegitimate and unlawful action by China
01:31as it clearly infringes upon the rights and interests of the Philippines in accordance with international law.
01:40The Philippines likewise has the exclusive authority to establish environmental protection areas over its territory and relevant maritime zones.
01:54Inaangki ng China ang halos buong South China Sea kabilang na ang Bajo de Masinloc dahil bahagi raw ito ng kanilang 9 o 10 dash line historical map.
02:04Pero ibinasura na yan ng 2016 Arbitral Tribunal.
02:07The Philippines urges China to respect the sovereignty and jurisdiction of the Philippines over Bajo de Masinloc.
02:18Refrain from enforcing and immediately withdraw its state council issuance and comply with its obligations under international law.
02:29Ipo-protesta man ang gobyerno ng Pilipinas ang anunsyo ng China na maglalagay sila ng Nature Reserve sa Bajo de Masinloc tingin ng isang maritime law expert.
02:38Tila paraan ito ng China para mas mapalawak pa ang kanilang kontrol sa Scarborough Shoal na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
02:46Ayon pa sa isang maritime affairs expert kahalintulad sa pagdadeklara halimbawa ng Pilipinas sa Tumataha Reefs Natural Park,
02:55paraan-an niya ito ng China para gawing lehitimo ang pagpigil sa mga manging isda mula sa Pilipinas at ibang bansa na makapasok sa Scarborough Shoal.
03:05Ang pinapalabas nila ngayon ay environment protection. Katawa-katawa naman yun kasi sila lang naman ang sumira nung buong bahura na yun.
03:14Sakali meron silang huhulihin sa ating mga tao o mga fishermen natin, gagawin nilang basihan yan para siguro dalhin sila sa korte sa China at patawan ng parusa.
03:25Cover lang ngayon para sa isang mas maitim na objective.
03:29Sa tingin ng National Security Council, ang galawang ito ng China ay malinawa nilang paghahanda sa kalaunang pananakop sa lugar.
03:40Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended