Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Maghapong naramdaman ang bagsik ng Super Typhoon #NandoPH sa probinsya ng Cagayan kung saan ito nag-landfall kaninang hapon. Ang malakas na hangin at ulan ay hindi lang sumira ng bubong ng maraming bahay, nagpabuwal din ng mga puno at suplay ng kuryente.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, maghapong naramdaman ang bagsik ng Super Typhoon Nando sa probinsya ng Cagayan, kung saan ito nag-landfall kaninang hapon.
00:11Ang malakas na hangin at ulan, e hindi lang sumira ng bubong ng maraming bahay, magpabuwal din ng mga puno at supply ng kuryente.
00:20At mula po sa Santa Ana, Cagayan, nakatutok live si Nico Wahe.
00:24Nico.
00:25Vicky, magdamag binayo ng malakas na hangin at tuloy-tuloy na pag-ulan ng buong Santa Ana, Cagayan, na isa sa mga dinaanan at nakaramdam ng lakas ng Super Typhoon Nando.
00:43Bandang alason sa kagabi nang marinig ang sipol na hangin ng Super Typhoon Nando sa Santa Ana, Cagayan.
00:55Sa lakas nito, wala nang humpay ang tila pagsayaw ng mga puno.
01:06Pero tila mas nagalit ang bagyong Nando pagsapit ng umaga.
01:11Tumambad sa aming team ang mga nabuwal na puno, putol na kawad ng kuryente, at mga natuklap na yero.
01:23Sa nadaanan naming port area, ganito kalala ang sama ng panahon.
01:32Sa binisita naman naming daungan ng mga bangka noong biyernes, ganito na ang itsura ngayon.
01:44Biyernes, nung nandito tayo sa bahaging ito mismo ng Santa Ana, Cagayan, at sabi nung mga manging isda noon,
01:51at kailangan nilang iangat yung kanilang mga bangka dahil aangat yung tubig dito sa bahaging ito.
01:57At ngayon, ganun nga yung nangyari.
01:59Dahil sobrang lakas na ng hangin, minabuti naming sumilong muna sa gymnasium ng Santa Ana,
02:06kung saan lumikas ang mga galing sa baybayin.
02:09Matagal na kami dyan, sir, pero lumikas lang kami kaninang, malakas na kaninang gabi, kaya lumikas kami.
02:17Bandang alas 11 ng umaga, mas lalo pang lumakas ang Super Typhoon Nando.
02:25Naglilipara ng ilang gamit gaya ng basurahang ito.
02:29At mga sanga ng puno.
02:34Ang truck na ito, gumagalaw rin dahil sa lakas ng hangin.
02:39Nandito kami sa may munisipyo.
02:41Dito na kami tumuloy dahil wala kaming ibang mapuntahan.
02:45Buti na lang may gymnasium.
02:47At sa ngayon, ganito pa rin yung sitwasyon.
02:49Napakalakas ng hangin.
02:52Yung mga puno, halos wala nang tigil talaga yan.
02:54Mula pa kanina, mula pa kagabi.
02:56Kung tutuusin ng alas 11.
02:57Maya-maya ay dumating ang rescue ng Santa Ana.
03:01Ilang mga na-stranded na papasok sana sa trabaho ang ni-rescue nila.
03:05Nung nasa Tuguegaro kami sir, hindi pa galing ito sir.
03:09Pero nuna, kung nabutan na kami dito sa Aparito, Aparito, Santana sir.
03:13Na-stranded po kasi kami dyan sa may palilke po.
03:16Masyadong mahangin daw po.
03:17Ni-rescue rin ang munisipyo ang grupo ng mga kababaihang nakatira sa gilid ng dagat.
03:22At tagtatrabaho umano sa isang kasino rito.
03:24Sa gymnasium muna sila pansamantalang dinala.
03:44Vicky, hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng medyo malakas na hangin dito sa Santa Ana.
03:54Umuulan-ulan pa rin at malakas pa rin ang alon sa dagat.
03:58At ayon naman sa PDRRMO ng Cagayan,
04:01nasa mahigit 3,400 na pamilya na ang inilikas nila.
04:06Katumbas siya ng nasa 10,500 individuals.
04:09Kawag na naman sa supply ng kuryente,
04:11sa 20-cham na bayan dito sa Cagayan,
04:14ang walang kuryente ngayon.
04:16Yan muna ang latest mula rito sa Santa Ana, Cagayan.
04:18Balik sa iyo, Vicky.
04:19Maraming salamat sa iyo, Nico Wahe.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended