Skip to playerSkip to main content
Binangga ng China Coast Guard ang isang barko ng Pilipinas sa Sandy Cay na bahagi ng Pag-asa Island at nasa teritoryo na ng Pilipinas. Hinarang at binomba rin ng tubig ng China ang dalawang barko ng Pilipinas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binanggan ang China Coast Guard ang isang barko ng Pilipinas sa Sandy Cay na bahagi ng Pag-asa Island at nasa teritoryo na ng Pilipinas.
00:09Hinarang at binomba rin ng tubig ng China ang dalawang barko ng Pilipinas.
00:16Nakatutok live si Bam Allegri.
00:18Bam!
00:23Vicky, patuloy ang joint operation ng BFAR at PCG dito sa West Philippine Sea,
00:27bilang bahagi ng Kadiwa Mission para sa ating mga mangingisda.
00:31Panibagong serya ng harassment mula China ang naranasan ng ating mga barko.
00:40Nagsagawa ng Maritime Patrol ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR sa Sandy Cay
00:46nang salubungin sila ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.
00:51Yan ay kahit bahagi ang Sandy Cay ng territorial waters ng Pag-asa Island sa West Philippine Sea.
00:56Narito na tayo ngayon sa vicinity ng Sandy Cay at makikita ninyo itong barko ng China Coast Guard
01:02ay papalapit na ng papalapit dito sa kasamahan nating BFAR vessel na Datu Pagbuaya.
01:11Agresibo ang pagwater cannon ng CCG Vessel 21559 sa BRP Datu Pagbuaya.
01:17Di ito na kontento sa pagbomba ng tubig sa likod ng barko.
01:20Binunggu pa nito ang stern ng vessel.
01:28Nagkaroon ng minor structural damage ang barko pero walang nasaktan sa mga sakay nito.
01:35Maya-maya pa ang sinasakyan namin BRP Datu Sanday ng BFAR
01:39ang pinuntiryan ng mga barko ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia.
01:43Nakailang maniobra at pihit na yung ating barko at patuloy pa rin tayong naharangan
01:47tulad nitong Chinese Maritime Militia Vessel sa ating likuran.
01:50Ang dahilan ng pagharang itong Sandy Cay sa ating likuran,
01:53isa sa mga binabantayan nating teritoryo dito sa West Philippine Sea.
01:57Coral Reef na may sandbank ang Sandy Cay o Pag-Asakay kung ating tawagin.
02:02Unoccupied ito pero mahigpit itong binabantayan ng China.
02:05Habang umuusad ang BRP Datu Sanday,
02:07sinimulan ng buksan ng China ang kanilang mga water cannon.
02:11Pati ang mga Chinese Maritime Militia meron ding water cannon.
02:14Hindi nagpatinag dito ang BFAR at nagsagawa ng mga radio challenge.
02:18Stop this unsafe maneuvers and do not interfere with this legal patrol. Over.
02:24This is a China cold car vessel, Taiwan-L2.
02:27You have merged the road under the regulation of the People's Republic of China.
02:31The Philippines has a sovereign right.
02:34You must stay clear of our road. Over.
02:37Habang patuloy ang paglalayag ng mga BFAR vessel,
02:39nagpalipad naman ang China ng helicopter na may tail number 51,
02:43na sakay ng People's Liberation Army Navy Vessel 533.
02:46Kasalukoyan pa rin natin isinasagawa ang maritime patrol dito sa Sandy Kay.
02:50Makikita ninyo may helicopter mula China.
02:53At hindi bababa sa 17 yung nabilang kong mga barko,
02:56pinaghalong China Coast Guard at Chinese Maritime Militia
02:59ang naka-blockade sa atin ngayon dito sa Sandy Kay.
03:04Matapos bombahin ng tubig at banggain ang BRP Datu Pagbuaya,
03:07sunod nitong tinarget ang sinasakyan nating BRP Datu Sanday.
03:11Pumuesto ito sa likod ng aming barko,
03:12at saka nagbukas muli ng water cannon at binugahan ang aming barko.
03:16Sa mga oras na ito, kasalukuyan naman nagbubugan ang tubig sa ating likuran,
03:20itong China Coast Guard vessel.
03:24Pero wala naman nasaktan sa mga sakay ng BRP Datu Sanday
03:27at hindi rin nagtamo ng pinsala ang barko.
03:30Sa monitoring ng Philippine Coast Guard,
03:32hindi bababa sa 15 ang mga barko ng Chinese Maritime Militia,
03:35habang may limang China Coast Guard vessel at isang barko ng People's Liberation Army Navy
03:40na may dalang helikopter sa palibot ng Pag-asa Island.
03:48Vicky, maganda ang panahon ngayon dito sa West Philippine Sea
03:51at sa aking bilang,
03:52hindi bababa sa limang barko ng China ang nakapalibot sa ating posisyon.
03:56Live mula rito sa West Philippine Sea para sa GMA Integrated News.
04:00Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
04:03Maraming salamat sa iyo, Bam Alegre.
04:05Maraming salamat sa iyo, Bam Alegre.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended