Skip to playerSkip to main content
Suportado ng isang grupo ang panawagan ng Ombudsman... na padaliin din ang access ng publiko sa mga SALN o tala ng mga yaman at utang ng mga opisyal ng gobyerno na nasa ibang ahensya. Pinag-uusapan na 'yan ng Senado't Kamara.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Supportado ng isang grupo ang panawagan ng ombudsman na padaliin din ang akses ng publiko sa mga salen o tala ng mga yaman at utang ng mga opisyal ng gobyerno na nasa ibang ahensya.
00:13Pinag-uusapan na yan ng Senado at Kamara at nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:18Sa bagong pulisiya ng Office of the Ombudsman, mas madali nang makukuha ng media at publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALEN ng ilang matataas na opisyal ng bansa, gaya ng SALEN ang President at Vice President.
00:35Sa SALEN makikita ang idiniklarang pera, kotse, lupain at iba pang ari-arian ng isang opisyal ng gobyerno.
00:42Hindi na kasi kailangan ng permiso ng may-ari ng SALEN para mailabas ito.
00:48Pero tanging ang SALEN lamang ng Presidente, Vice Presidente, Lokal na Pamahalaan at mga Kawani ng Constitutional Agencies ang hawak na ombudsman.
00:58Hindi nito hawak ang SALEN ng Senador, Kongresista at mga hukom.
01:03Kaya umaasa na lang daw ang ombudsman na may susunod sa ginawa nila.
01:07Yung sa Senado at sa Kongreso po, yung official repository po niyan ay yung mga sekretaryat ng Kongreso at Senado, respectively.
01:16And then, yung sa Judiciary naman po, lahat ng judges at saka yung mga clerk of courts po, lahat po yan sinasubmit sa Supreme Court.
01:24We hope and we encourage all of these offices po to follow the practice of transparency dahil po this is the best time to be transparent to our people.
01:34Ang grupong Right to Know Right Now Coalition, hinihikayat din ang iba pang sangay ng gobyerno na maging mas bukas sa kanilang SALEN.
01:43Sa karanasan daw kasi nila, pahirapan ang pagkuhan ng SALEN at kung i-release man, kulang naman sa detalye.
01:50Kasi ang SALEN e tracker document at transparency document.
01:54Ang pwede niyang mabigay na lead o parang panimulang info sa mga mamamayan e, kung merong baka nangyayaring unexplained wealth, ill-gotten wealth, corruption at conflict of interest.
02:11Si Sen. President Tito Soto hihingin din daw ang permiso ng kanyang mga kasamahang senador para sumunod sa bagong alituntuni ng ombudsman.
02:19Pero siya daw mismo, handaan namang oras na ilabas ang kanyang SALEN.
02:24Nagawa na umano ito noong dati pa siyang naging Senate President pero kailangan ng permiso ng bawat senador.
02:31Tinatakpan lang daw ang mga adres ng kanila mga property.
02:35Sa isang radio interview naman, sinabi ni Speaker Faustino D. III na ire-review ng Kamara ang kanilang rules,
02:42kaugnay sa paglalabas ng SALEN ng mga kongresista.
02:45Aniya, pag-uusapan daw nila ito habang nakabreak sila para makapaglabas sila ng malinaw na patakaran para sa paglalabas ng kanilang SALEN.
02:55Hiningan din ang GMA Integrated News ng pahayag ang Korte Suprema pero wala pa silang sagot sa ngayon.
03:01Ayon sa ombudsman, pinaplansya pa nila ang ilan pang detalye para mas madaling ma-access ng publiko ang mga SALEN.
03:09Pero punto ni mga Haas ang pinakamadali kung mismo ang mga opisyal ang maglalabas ng kanilang SALEN.
03:16So tingin ko ang acid test nitong bagong ombudsman memo.
03:20Sana si Pangulo at si Vice President Sarah manguna at saka yung ombudsman.
03:27Sa panahon ngayon na corruption yung malaking issue,
03:30this is one of the initiatives na pwede nilang sabihin na nasa tamang lugar na tayo pumupunta.
03:37Pino na rin ng Right to Know Right Now ang ilan detalye ng memo number 3 ng ombudsman.
03:43Nakapaloob daw kasi doon ang ilan dahilan kung bakit hindi mapagbibigyan ang humingi ng kopya ng SALEN.
03:50Gaya kung may ebidensya raw na extortion o banta sa kaligtasan,
03:54o kung ang nagre-request ay may derogatory record.
03:58Kailangan din isumite ng humingi ng kopya ng SALEN ang kanyang output kunsan niya ginamit ito gaya ng publication o broadcast.
04:07Ang silip ko dito, parang meron nga itong prior restraint or may implied na baka subsequent punishment
04:14or sa susunod, hindi ka napagbibigyan ng SALEN.
04:18Yung memo, masyadong maraming ibinigay na dahilan para umiwas mag-disclose.
04:26Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended