00:00Samantala nakatakdaang palawigin pa ng Agriculture Department ang ikinasan nilang rice importation ban ngayong buwan.
00:06At price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity, idiniklara na rin ng kagawaran.
00:11Si Vel Custodio sa detalye.
00:15Extended pa ng 30 araw ang 60-day importation ban sa Bigas,
00:20kasunod ang pagbagsak ng presyo ng palay ng hanggang 8 pesos kada kilo.
00:24Kapag desisyon na na i-extend ng minimum of 30 days yung ating import ban,
00:29at it is possible na hanggang end of the year pa yan, depending sa sitwasyon.
00:35Yun na nga, ang problema kasi bumagsak na naman ang presyo ng palay.
00:38Kapag natapos na ang importation ban sa Bigas,
00:41sinabi ng kalihim na malaki ang posibilidad na itaas na ang taripa sa imported rice na kasudukuyang 50% rice tariff.
00:49Pagbabawalan na rin ang mga ahensya ng gobyerno at local government units
00:53na bumili ng imported rice para maiwasan ang pagalugi ng mga local farmers.
00:58Mga steps tayo ngayon na na-aprubahan na ni Presidente,
01:01at maglalabas tayo ng EO na pagbabawal yung pagbili ng government,
01:08LGUs and other government offices ng imported rice para makatulog sa ating rice farmers.
01:15May EO rin tayong ilalabas na floor price sa palay,
01:20at humingi rin ng DA at approved na in principle na ating Presidente na mag-i-issue siya ng EO
01:27for emergency procurement ng palay at emergency procurement for additional lease
01:34at renta ng warehouses para makabili tayo ng mas maraming pang palay sa ating mga farmers sa mga depressed price areas.
01:43Kapag na-aprubahan na ang executive order,
01:46bibilhin ng National Food Authority ng 17 pesos per kilo floor price para sa basang palay.
01:52Samantala, nagbigay na ng direktiba ang DA para sa price freeze
01:56sa mga lalawigan na nasa state of calamity kasunod ang pananalasa ng bagyong opong.
02:02Nag-order na tayo ngayon ng price freeze sa eastern summer sa affected areas and sa masbate.
02:09The memos, of course, ito yung mga covered lang na produkto ng DA,
02:14yung sa DTI, sa iba pa yun.
02:16But as far as DA is concerned, we're issuing the order today for price freeze,
02:21lalo na sa masbate na tinamaan.
02:23Gagawin na rin available ang 20 pesos kada kilong bigas
02:27sa mga residente na mga lalawigang na sa ilalim ng state of calamity sa loob ng isang buwan.
02:32Maaari silang bumili ng hanggang 30 kilong NFA rice sa isang buwan.
02:37Ito ay upang tiyakin ang seguridad sa pagkain sa kabila ng epekto ng kalamidad.
02:41Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.