00:00Inihayag ng Marcos Jr. Administration na handa sila sa pagpapatubad ng 60-day rice import ban na iiral na simula sa unang araw ng Setiembre o sa Lunes.
00:11Binabantayan naman ang pagpugon sa posibleng pagtatangka ng ilan na manipulahin ang presyo ng bigas at pagpapaluwag sa mga warehouse.
00:21Yan ang ulat ni Claycel Pardilla.
00:25Suspendido na ang pagangkat ng bigas simula Setiembre.
00:29Ibig sabihin, wala munang papasok na mas murang imported rice sa bansa na mas tinatangkilik at nagpapabagsak sa presyo ng palay tuwing panahon ng anihan.
00:41Para matiyak ang katataganang supply ng bigas, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglalabas ng National Food Authority ng 1,200,000 sako ng bigas.
00:54Gagawin yan sa pamamagitan ng oksyon o pagsusubasta.
00:58Ang aabot sa 25 to 28 pesos per kilo, ang floor price ng bigas depende sa edad nito.
01:05Layunin din ng oksyon na paluwagin ang mga bodega para makapag-imbak pa ng karagdagang supply ng bigas.
01:12Sa datos ng National Food Authority, lumulobo na sa higit 6 na milyong sako ng bigas ang imbentaryo ng ahensya.
01:22Dito sa Valenzuela Warehouse, may 130,000 na sako ng bigas.
01:28Isa hanggang walong buwan nang nakaimbak sa bodega.
01:32Kaya maglalabas din ng isandaang libong metriko toneladang bigas ang NFA na ibibenta sa benteng bigas meron na program.
01:42Pinakamura sa palingki, alam ko 40 yata.
01:4645, 20 lang.
01:49Dito na, very good ang ating gobyerno.
01:54Pagtitiyak naman ang NFA sa harap ng agam-agam ng ilang grupo ng mga magsasaka na posibleng itong makapagpababa sa presyo ng bigas.
02:03Higipitan ng ahensya ang pag-monitor sa presyo ng bigas upang matuntun kung sino ang mga mapang-abusong balak magmanipula ng presyo nito.