00:00.
00:06Nag-resign bilang Special Advisor ng Independent Commission for Infrastructure si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
00:14Kasunod po yan ang pahayag ng Malacanang na i-re-review ang kanyang appointment sa komisyon.
00:19Balitang hatid ni Jonathan Andal.
00:21Mayor Benjamin Benji Magalong, Special Advisor and who will act as Investigator for the ICI.
00:32Dalawang linggo matapos i-anunsyo ang magiging papel ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa ICI o Independent Commission for Infrastructure, iba na ang sinabi ng palasyo.
00:42So liliwanagin po natin, ang pagtalaga po sa kanya ng Pangulo ay bilang Special Advisor at hindi po Lead Investigator or in any other form na pag-iimbestiga.
00:54Kinagabihan, nag-resign si Magalong sa ICI.
00:57Sabi niya sa liham na ipinadala kay Pangulong Bongbong Marcos,
01:00ang pahayag daw ng palasyo tungkol sa kanyang trabaho na taliwas daw sa nakasaad sa kanyang appointment ay nagpapahina rao sa tungkulin at mandatong ipinagkatiwala sa kanya.
01:10Nagkaroon na rin daw ng duda sa kanya bilang bahagi ng ICI.
01:14Naging malinawa niya na hindi na kailangan ng kanyang servisyo.
01:17Nag-sorry si Magalong sa mga taga Baguio dahil naging busy raw siya sa ICI.
01:23Ang pahayag na ito ni Magalong, binanggit ni Yusek Castro sa kanyang briefing,
01:27nang i-anunsyo niyang pinareview ni Pangulong Bongbong Marcos sa legal team ang pagtalaga kay Magalong.
01:32Binanggit din ni Yusek Castro na may mga puna ng pagbibigay kay Magalong ng trabaho bilang ICI Special Advisor habang siya ay mayor.
01:40Sabi ng isang labor group labag sa konstitusyon ang dalawang trabahong binigay kay Magalong.
01:46Nakasaad daw kasi sa Section 7 Article 9b na ipinagbabawal ang mga nahalal na opisyal
01:51na ma-appoint sa kahit anong opisina ng gobyerno habang sila ay nasa termino pa,
01:56maliba na lang kung payagan ng batas o required sa hinihingyeng trabaho ng kanilang posisyon.
02:01Binanggit din ang palasyok ang puna na posibleng umanong may conflict of interest lalot may tennis court at parking area project sa Baguio
02:09na ang kontraktor ay St. Gerard Construction Company,
02:13kumpanyang pag-aari ng mag-asawang Sara at Curly Diskaya na sangkot sa mga maanumaliang proyekto sa gobyerno.
02:21Dati nang sinabi ni Magalong na ang proyekto maayos na isagawa at alinsunod sa batas.
02:26Nilinaw din muli ni Magalong sa kanyang pahayag na walang conflict of interest.
02:31Nagbitiw raw siya para protektahan ang integridad ng ICI.
02:35Anya hindi madali ang magbitiw pero naniniwala siyang kailangan niya itong gawin.
02:40Kahit wala na siya sa ICI, itutuloy niya ang laban kontra korupsyon.
02:44Hindi pa sinasabi ng palasyo kung tinanggap na ba ng Pangulo ang resignation ni Magalong.
02:48Pero sabi ni Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office,
02:53nakalulungkot ang pagbibitiw ng alkalde sa ICI.
02:56Gate ni Gomez, mas mataas sa kahit na sino ang hinihingi ng taong bayan mula sa ICI.
03:02Iginagalang daw ng palasyo ang independence ng komisyon at dapat daw hayaan ito sa pagganap ng kanilang mandato.
03:08Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:13Binigyang parangalang ilang natatangyang atletang Pinay at ilang nagsusulong sa Women's Sports sa 2025 Women in Professional Sports Awards.
03:21Ipinawad ng Games and Amusement Award ang Tradeblazer Award para sa mga nagpakita ng husay sa sports na dati ay panlalaki lang.
03:29Kabilang sa mga awardi ang Pinay boxers na sina Althea Shine Torres at Jezebel Pagaduan.
03:34Ngayon din si 2023 World Pool Champion Chesca Centeno.
03:40Trailblazer Award rin ang Triathlon Promoter na si Maria Cristina Galura at Mixed Martial Arts Referee at Judge Giselle Daya.
03:49Ibinigay naman ng Exemplar Award sa mga nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang babae na lumahok sa sports.
03:54Sila ay si na Basketball Referee at Technical Supervisor Faye Veras.
04:00Boxing Manager na si Marivic Matsuara.
04:03Volleyball Player na si Bea De Leon pati ang kanyang team.
04:07Ibinigay naman ng Paragon Award sa International Game Developer na Moonton Games dahil sa kanilang mga hakbang para mas maging inclusive ang online sports sa kababaihan.
04:16Sa isang video message, binati ni First Lady Liza Araneta Marcos ang lahat ng awardees at pinuri ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong sa women's sports.
04:26Pansamantala din o pinasalamatan din ng First Lady ang gab para sa pagkilala sa mga atletang Pinay.
04:33Ito na ang mabibilis na balita sa bansa.
04:38Nagdulot ng bahagyang pagbaha ang pagkasira ng tubo ng tubig sa Visayas Avenue sa Quezon City.
04:43Ayon sa mga taga-barangay, bandang alas 11.20 kagabi nang mapansin ang mga residente ang pagtagas ng tubig.
04:50Apektado ang supply ng tubig sa mga barangay ng Vasra, Culyat at New Era.
04:54Nagsagawa na ng pagkukumpuni ang Manila Water sa nasirang tubo.
04:58Apektado rin ang daloy ng trapiko sa lugar.
05:04Nagkasunog sa isang residential building sa Mandalu yung kahapon.
05:08Batay sa embestigasyon, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusalit.
05:12Mabilis naman itong napula ng mga rumisponding bumbero.
05:15Dalawang alagang pusang natagpuan patay sa gusali.
05:18Ayon sa may-ari, nahirapan siyang makita mga alaga ng patay ng switch sa kanilang lugar.
05:23Inaalam pa ang sanhinang apoy at halaga ng pinsala.
05:26May pa-sneak-peak ng intense sampala ng GMA Athlon Prime Series na Cruise vs. Cruise.
05:38Hindi nakaligtas sa mainit na sampal ni Hazel ang mga pulis na yan sa isang eksena ng serye.
05:53Si Hazel kasi, played by Gladys Reyes, tila naggalit sa pagpigil sa kanya ng mga otoridad.
05:59Kita naman ang gulat sa mukha ng mga pulis na mukhang hindi in-expect ang lakas ng sampal ni Hazel.
06:06After the scene, nagsori si Gladys sa kanyang pananampal.
06:11Mapapanood ang Cruise vs. Cruise Monday to Friday, 3.20pm sa GMA Athlon Prime.
06:16And speaking of intense, dapat ding abangan ang Puksaan Finale Week ng Beauty Empire.
06:26Hello, my dearest husband. Did you miss me?
06:29Alam kong mahirap tanggapin. Napatay na si Velma.
06:33Velma is alive!
06:36Mamili ka siya.
06:37My flop twist!
06:38Muling magkikita ang mag-asawang Eddie at Velma Imperial, played by Sid Lucero and Lupa Gutierrez.
06:44Abangan din ang magiging ending ng mga karakter ni na Barbie Forteza at Kaylin Alcantra na si Noreen Alfonso at Shari De Jesus.
06:54Sa gitna ng matitinding eksena, maghahatin ng kilig ang karakter ni pambansang ginood David Licauco na lalabas din this week.
07:039.35pm yan sa GMA Prime pagkatapos ng Sanggang Dikit for Real mula lunes hanggang Webes.
07:10Ang Beauty Empire ay collaboration project ng GMA, View Philippines at Creation Studios.
07:20Dalawang araw na lang, magbubukas na ang bagong season ng NCAA.
07:24Kaya naman patuloy ang pagpapakita ng suporta ng member schools sa kanilang mga atleta.
07:29Ang Sports Bites, hatid ni Martin Javier.
07:31Ilang tulog na lang, magsisimula na ang panibagong season ng NCAA.
07:41Kasabay ng paghahanda, dalawa pang member schools ang nagdaos ng pep rally.
07:46Festive ang pep rally ng Kolehiyo de San Juan de Letran.
07:57Big boost daw ang pep rally na ito para sa Knights, na unang sasabak sa basketball tournament.
08:03Sobrang support nila sa amin at iba yung expectation nila sa amin ngayong season.
08:07And dadali namin yun at magiging inspiration namin sa paggamit ng aming pangarap.
08:12We expect them to still continue the Arriba spirit.
08:17Our teams are learning from these experiences, these successes.
08:23Yung 101 belongs to Letran.
08:27Sa gym naman ang University of Perpetual Health System Delta sa Las Piñas.
08:32Dumalo sa pep rally ang teams mula sa iba't-ibang sport.
08:39Excited silang sa lubungin ang season 101.
08:42Nakasabay rin ang pagdiriwang ng anniversary.
08:45There's a saying that everything you touch will turn into gold.
08:51So this year as we celebrate our 50th anniversary, I believe our players are ready to go for the gold.
08:58Confident but not too confident.
09:00Ano lang, nasa level lang kami na game at a time.
09:04Tsaka sobrang ano ako, sobrang excited kasi madaming pumasok.
09:08Kram Juniors.
09:09Martin Javier, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments