Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de 


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Napurnada ang pakikipag-eyeball ng isang lalaki sa babaeng nakilala niya online.
00:05Ang mga dumating kasi, hold-upper daw.
00:08Naaresto ang tatlong sospek.
00:10Balitang hatid ni James Agustin.
00:15Pinusasan at pinadapa ng mga pulisan na tuman ng hold-upper sa barangay San Roque, Cobo, Quezon City.
00:21Simbisigasyon na pag-alamang makikipagkita sana ang 31-anyos na biktima na isang cook
00:25sa babaeng nakilala niya online.
00:28Napagkasundoan daw ng dalawa na mag-inuman.
00:31Pero ang dumating sa lugar, mga hold-upper.
00:34In-expect ng lalaki pagdating sa meeting place, yung babae na kausap niya ang darating.
00:40Yung pala, yung apat na sospek ang dumating.
00:44Agaran, tinutukan siya ng replika na baril ng isang lalaki.
00:50Yung isa naman, inagaw yung motor niya.
00:53At yung dalawang kasamahan pa is mayroong Swiss knife, may ice pick, saka isang pilot gun.
01:01Tatlo ang naaresto.
01:02Habang nakatakas ang isa pang sospek sakay ng motorsiklo ng biktima.
01:06Nabawi sa mga sospek ang ninakaw na dalawang cellphone at 500 pesos na cash.
01:11May nakuha rin gun replica, improvised na baril at mga patalim.
01:15Pag daan ng patrollers natin, napansin nila may komosyon.
01:19Nung nilapitan, yung isa, biglaan na palang nakuha yung motor at pinaharurot niya.
01:25Naiwan yung tatlong kasamaan niyang sospek.
01:29Ayon sa polisya, magkakapitbahay ang tatlong sospek.
01:32Dati na rin silang nakulong dahil sa iligal na droga at illegal possession of firearms.
01:37Itinanggi ng dalawa sa mga sospek na nanghold up sila.
01:40Hindi po nakuha sa inyo, sir.
01:41Eh yung mga nakuha sa inyo, yung mga balit.
01:45Hindi po sa inyo, sir.
01:46Hindi po, totoo na yun, sir.
01:48Naglalakad lang po kami ng time na yun, sir.
01:50Ano nakuha sa inyo, sir?
01:51Pupunta po kami sa kaibigan namin time na yun, sir, kasi malapit lang po doon, sir.
01:54Ang isa pang sospek, tumanggi magbigay ng pahayag.
01:57Nakuha po ito, sir.
01:58Maharap ang tatlo sa mga reklamong robbery at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
02:05Tinutugis naman ang polisya ang nakatakas sa sospek.
02:08Paalala ng QCPD para maiwasan ang ganitong modus, magingat sa mga taong nakikilala online.
02:13Ang dapat kung makipagkita tayo sa safe na lugar pa rin at dapat kilala talaga natin yung kausap natin sa
02:21online.
02:22James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
02:28Nagbuga muli ng abo ang vulkang Kanlaon.
02:30Naitalaya ng T-Vox mag-aalas 6 kaninang umaga.
02:34Aabot sa 200 metro ang taas ng nalikhang ash boom.
02:37Bukod sa nasabing ash emission,
02:40naitala rin sa Kanlaon ang isang volcanic earthquake at nagbuga ng mahigit 30,000 toneladang asupre o sulfur dioxide.
02:47Nananatili sa alert level 2 ang vulkan.
02:49May pinagbabawal pa rin ang pagpasok ni Numan sa 4-kilometer radius permanent danger zone.
02:56Sa gitna naman ng pagmonitor sa aktibidad ng vulkang Kanlaon,
02:59ilang gamit ng T-Vox ang sinira at binandalize.
03:03Nadiskubre ng T-Vox na wasak, tinutol at binunot ang mga kabli ng il-instrumento nila sa bago city station
03:10sa Negros Occidental.
03:12Apela ng T-Vox sa publiko doon,
03:14tulungan sila sa pag-iingat ng mga pasalidad na pang-monitor ng vulkan.
03:26Sa day 44 kahapon ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
03:30kinwestyon ng prosekusyon at ilang senator judges ang kwalifikasyon bilang testigo ng depensa
03:35ang isang dating opisyal ng Anti-Money Laundering Council.
03:39Balitang hatin ni Sandra Aguinaldo.
03:43Who is this guy? I'm really very, very curious about the qualification of this gentleman
03:48para lahat na lang ng topic kayang-kaya niyang sagutin.
03:52Kinwestyon ng ilang senador ang kwalifikasyon ng defense witness na si attorney Rainer De La Fuente
03:58sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
04:02Si De La Fuente, isang CPA lawyer at dating compliance officer ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC.
04:09Pero puna ng ilang senador.
04:11Is he a super witness, omni-witness?
04:14Pati ba naman pati Amici Coray, pakialaman niya, Supreme Court, pakialaman niya, ombudsman DOJ?
04:19Na ba-bother po ako, ginawang Pangulo, at naaalarma na hindi po siya ang DOJ, hindi po siya ang ombudsman,
04:28lalo na hindi po siya ang parte ng korte para magbigay po ng binding legal conclusions
04:34o magdesisyon kung meron nga pong criminal liability.
04:38Bago yan, ipinunto ng depensa ang pagiging confidential ng mga bank record.
04:43Gayaan nila ng bank records ng BSE at asawang si attorney Manz Carpio na inilabas ng AMLAC sa House Committee
04:50on Justice.
04:51What is the propriety of aggregating confidential data from the CTRs and STRs and disclosing them to the public?
05:00Pag mga ganyang sineshare na information, may pamantayan, meron pong rules na nilalagay ang AMLC
05:08as to how the information should be used and for what purpose.
05:12Nagpakita rin ang depensa ng video mula sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.
05:19Tulad ng opinyo noon ni nooy Senadora Miriam Defensor Santiago tungkol sa pag-withdraw ng ilang articles of impeachment
05:26ng prosecution at confidentiality ng bank account ni Corona.
05:31Kayong sinasabi niyo? Panangalo na kami dito sa tatlo. Kami ang magdesisyon niya, hindi kayo. Ang yayabang niyo!
05:38Ipinakita rin ang pahayag ni Corona na nasira umano ang kanyang pangalan at apektado ang kanyang pamilya
05:45dahil sa maliuman ng akusasyon. Pareho yang hindi na pinatapos ni Presiding Officer Sen. Cheez Escudero.
05:52I do not see the relevance of the statements made by the Chief Justice Corona about his alleged persecution
06:00except that it is an appeal to emotion that I believe has no place in this impeachment trial.
06:06Pagpahingahin na po natin yung namayapa. That is a different case. This is a different case.
06:12This is a different set of senators. Iba rin po yung sinuunang panahon.
06:19Alam natin na diniscuss yung bank records, credit card records, etc.
06:25I just appeal for a little bit of leeway for them to be able to serve their client well by
06:32being able to present their defense.
06:34Natalakay rin ang depensa ang ilang punto sa report ng financial expert na prosecution witness na si Atty. Alexander Cabrera
06:43kung saan nakasaad na may mahigit 800 million pesos umanong unexplained wealth si Vice President Duterte.
06:50Kabilang dito on tukos sa kumpanyang Gencorp na idineklara ng bisis sa kanyang salen pero hindi raw niya idineklara ang
06:57kita mula rito.
06:59How would you characterize a report po that uses conjectures?
07:03Well, we cannot base, especially if it concerns financial investigation, hindi hulang basis sa conjectures.
07:12Dapat po, ito ay may facts.
07:15Ano po ba yung conjectures sa Filipino, if you know?
07:19Sa aking kong paghalam, ito ay mga haka-haka.
07:21Ipinakita rin ng depensa ang salen ni Pangulong Bongbong Marcos na final noong 2023 at 2024
07:28kung saan nakadeklara o mano ang business interest ng Pangulo.
07:32Tumaas din daw ang net worth ng Pangulo sa mga nagdaang taon.
07:36There's a portion po doon na business interest and financial connection.
07:40So si PBBM listed two.
07:43One is Araka Resources Corporation.
07:47And then the other one is El Paraiso Farms Incorporated.
07:51As a financial investigator, what comments do you have on the financial and business interest portion?
07:57This portion po of PBBM Salen.
07:59As far as I can remember, this is a harmless information.
08:04From 960,000 in a year, naging 1.1 billion.
08:08And then after another year, nag 200 million increase na naman.
08:13Naging 1.3 billion pesos.
08:16Kailangan mabusising investigahan muna yan before we can make a conclusion.
08:21Kaugnay pa rin sa Gencorp, tinanong ng Depensa sa Financial Investigator
08:26ang paggamit ng prosekusyon ng mga resibo ng fast food bilang isa sa ebidensya
08:32para matukoy na lima ang pag-aari nitong branches.
08:35Naisip niyang paraan ay kumain sa Jollibee branches at tingnan yung mga resibo.
08:40Actually, Your Honor, napapakunot ako ng noo kanina doon sa resibo.
08:44I don't see the...
08:45Again, we don't do this sa financial investigation.
08:48It can be verified by official SEC documents.
08:53It is more official.
08:54Matatanda ang bukod sa mga resibong ito,
08:57iprenesenta din naman ang prosecution sa impeachment court,
09:00ang mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission,
09:03at Salen ang vice-presidente, kaugnay sa Gencorp.
09:07Sa cross-examination, binusisi ng prosekusyon ang kwalifikasyon at pagiging eksperto ni De La Fuente.
09:14What was your position, sir, BSP ranking?
09:17Bank officer 2.
09:18And bank officer 2.
09:20So that is not a senior management position, am I correct?
09:23Yes, Your Honor.
09:24Yes, that's N11.
09:26So your expertise or your claimed expertise as a financial expert in financial investigation
09:34only comes from the 25 months you were an entry-level investigator for the AMLC.
09:44Is that correct?
09:45Yes, Your Honor.
09:46Tinanong naman ang Senator Judges kung nabasa ba ni De La Fuente ang buong report mula sa testigo ng prosecution.
09:53Mr. Witness, any documents provided to you before appearing here?
10:01None, Your Honor.
10:03Kahit na nanggaling pa siya dyan sa AMLAC, etc., na yung kanyang expertise,
10:09kung hindi naman niya po nakita pala, yung mga dokumento, STRs, CTRs, what good is it?
10:16Para anong titistigo niya?
10:18Base lang po sa batas, maaari ko na akong sagutin kung ano yung, kung nasa, na ito ba ay lawful
10:25or hindi.
10:26Pagkatapos ng presentasyon ng witness, ipinunto ng depensa na ang burden of proof para mapatunaya na may unexplained wealth ang
10:34bise ay nasa prosecution umano.
10:37At beyond reasonable doubt umano ang dapat na batayan ng hatol dito.
10:43Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
10:47Target ng Salet Impeachment Court na matapos na sa Desyembre, ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
10:55Can we finish by December, the whole thing, until may verdict na ng December?
11:01Yun po yung moving target natin pero wala pa rin pong set in stone.
11:06We can finish defense presentation, December?
11:09Most probably, most probably. Depende naman talaga sa schedule.
11:13But I think everyone wants to try to speed things up naman and the defense is of no difference.
11:20So may testigo sa impeachment trial ngayon si DTI Undersecretary Seferino Rodolfo.
11:24Dalawa pang opisyal ng gobyerno ang nakaschedule tumistigo ngayong araw.
11:29Pagkatapos ng batch ng mga testigo ngayong linggo,
11:31sinabi ng tagapagsalita ng defense team na si Atty. Michael Poa,
11:34meron pa silang pang huling batch na apat o limang testigo.
11:38Sabi ng Impeachment Court spokesperson Reggie Tunggol,
11:41kaya nilang dinggin sa Desyembre ang huling batch ng mga testigo ng depensa.
11:46Ayon naman kay House Prosecutor Shel Jokno,
11:48mabilis ding makakapagkomento ang prosekusyon sa listan ang ebidensya ng depensa
11:53dahil mas kaunti ang mga ito.
11:55Buko sa impeachment trial,
11:57tinututukan din ang Senado ang panukalang 2027 National Budget.
12:01Walang impeachment trial sa susunod na linggo para bigyang daan ang budget hearing.
12:12Baong chika this weekend tayo!
12:14For the first time in her career,
12:17gaganap si Kapuso actress Jeneline Mercato bilang isang transwoman sa magpakailanman.
12:28Binigyang buhay ni Jeneline ng Certified Fur Mom na si Karina Suarez.
12:33Tampok sa episode na Mama's Cradle,
12:36ang isang transwoman na lalaban sa mga panguhusga at sa sakit na colon cancer.
12:43Ang Mama's Cradle episode ay bahagi ng 24th Anniversary Specials ng Magpakailanman.
12:48Naka-relate daw si Jen sa pagiging pet lover ng kanyang karakter,
12:52pero aminado siyang challenging ang pagganap bilang transwoman.
12:58Good thing, dumalaw siya sa set namin and nakita ko siya,
13:04nakausap ko siya,
13:06naaral ko kahit pa pano kung ano yung mga nuances, movements niya,
13:13kung pa pano siya magsalita.
13:15Good thing, dumalaw siya Xabi.

Recommended